FREY
Ngumisi ako sa sinabi ni Dark. "Sobra pa sa sapat ang ibinayad mo sa akin. At isa pa, nag enjoy ako sa kama mo kaya wala na akong dapat balikan pa." Huhulaan ko na hindi siya basta susuko kaya tumayo na ako para pumunta sa bathroom. Nanlalagkit ako sa pawis at kailangan kong maligo. Busog nga ako sa sex pero literal na gutom. Hindi rin ako nakakain nang maayos kagabi dahil sunod-sunod ang tawag sa phone niya at alam kong maraming problema. Busy siya sa araw sa dami ng negosyo na hawak niya at ginagawa niya akong pahinga sa gabi. Para siyang makina o dios at ako ang sobrang napapagod. "Frey...." "Nagugutom ako," angil ko sa kanya. "Wala akong ibang kailangan kundi pagkain." "Naihanda ko na habang natutulog ka." Tinapunan niya ng tingin ang trolley sa paanan ng kama. Gaya ng mga unang araw, siya rin ang cook sa aming dalawa. At ngayon ko lang napansin, nagliliwanag na sa labas ng bahay. Kung ganon, isang maghapon na lang ang mayroon kami. "Salamat." "Handa akong maghintay sa tira-tira mong oras. Kahit gaano katagal kaya huwag mo sana akong pagtaguan." Saan nanggaling 'yon? "Nakalimutan mo ang nag iisa kong request bago ko pirmahan ang kontrata. Pagkatapos nito, hindi na tayo magkikita." "Ginawa ang mga patakaran para baliin." Hindi na ako sumagot. Sa mahabang panahon ng mga paghihirap ko kasama ang mama ko, natutunan ko ang isang bagay para hindi ako mabaliw. Kaya kong magreset ng utak at sabihin sa sarili kong hindi nangyari ang lahat sa pagitan namin ni Dark gaano man kaganda ang lahat nang 'yon. Paghihiganti lang ang dahilan kaya ako nabubuhay. At pag nagawa ko na 'yon wala na akong mahihiling pa. Aaminin kong may mga oras na nakakalimot ako, pero iba na pala kapag may hawak ka nang pera: Hahanapin ko si Ray at tatapusin ko siya. Hinarap ako ni Dark dahil hindi ako sumagot pero biglang tumunog ang phone niya. Nagmamadali siyang nagbihis at halos liparin ang palabas ng silid. Gaya niyan, sa dami ng problema niya, dadagdag pa ba ako? -------------- DARK "KAHIT kailan hindi ako tumakas sa responsibilidad ko, mama. Bakit kailangan mo pa akong puntahan ngayon?" Alam kong hindi nakakaintindi si Victoria kaya sasalubungin ko na siya bago pa umabot sa resthouse. "Kahit minsan ba hindi ko puedeng gawin ang gusto ko?" Kahapon pa niya binubulabog ang phone ko. Minsan ko na lang uli naramdaman na tao pala ako pero heto na naman kami. Sisirain na naman ang kaligayahan ko ngayon. Si Frey. Si Frey na hindi ko magawang itakas habang natutulog bago pa dumating si mama. Wala akong karapatan na idamay siya sa drama ng buhay ko. Minsan totoong ipinagpapasalamat ko na baliw ang aking ina at masaya na sa pagpapanggap na banal sa loob ng mga chapels pero madalas hinihiling ko na sana hindi na ako ipinanganak. Kung wala lang ang mga kapatid ko, wala na rin sigurong dahilan para gustuhin ko pang mabuhay. Sinakal ko ang manibela para imaniobra ang sasakyan palabas. Pero huli na dahil nakahambalang na sa entrada ng gate ang kotse ni mama. Umikot ang utak ko sa pagkatuliro. Ang mga kapatid ko, tumulong sila sa akin para maging tahimik ang bakasyon ko na ito....ano kaya ang nangyari? Huminto ang puso ko nang bumukas ang pintuan ng BMW. Pakiramdam ko sinakluban na naman ako langit. Naunang lumabas si Simon, ang all around PA, bodyguard at Lawyer ng nanay ko. Na tumanda na lang sa paglilinis ng kalat at eskandalo ng una. One sided love affair ang namamagitan sa kanila kahit kasal sila. At si Simon lang ang nagmamahal. Hindi ko masabing lover siya ni mama kahit siya ang nagpapanggap na tatay namin. Naming limang magkakapatid na anak ni Victoria sa iba't-ibang lalaki. Diyosa at napakaganda pa rin ni Victoria sa edad na 55. Marami pa rin ang nakapila sa atensyon niya. Kaya naman wala na yatang pag asa na magbago. Malignant narcissist ang aking ina. Nauna itong pumasok sa loob kahit hindi pa ako tinatapunan nang tingin. Maingat na humahakbang sa sementadong pathway na parang walang delubyong dala. Sumunod ako sa kanya, sa likuran ko si Simon. At nagsimula na naman ako sa walk of shame. Dear God, kelan ba ito matatapos? ------------------ FREY ALAM na alam ko ang tunog nang sinasampal nang paulit-ulit. Dahil personal ko 'yong naranasan. Kilalang pulitiko ang step-dad ko pero buktot at abusado. Duwag naman si mama kaya kapag lango sa droga ang lalaking pinakasalan halos kalilibing lang ni papa, kahit ang umiyak nang tahimik naging talent na niya. Nasa harap ko na ngayon ang almusal na inihanda ni Dark: sausages, bacon, sunny side up egg at fresh orange juice na titikman ko na sana pero naramdaman kong parang may taong dumating. Narating ko agad ang upper landing ng matayog na hagdan. Hindi ako nagkamali, may ibang tao sa ibaba at sinasampal si Dark. Kumuyom ang palad ko at hindi ako makahinga. Pamilyar ako sa karahasan. At walang mintis nitong binubuhay ang galit ko sa mundo. Galit na nagtutulak sa akin na hindi makapag isip gaya ngayon. Wala akong pakialam kung sino ang babae pero nakita ko ang submission sa kilos niya. Mama niya kaya? Pero kahit tama ako, ayokong sinasaktan nang kahit sino si Dark. May maliit na vase sa paanan ko ang nasagi ko nang dumungaw ako sa ibaba, tuluyan ko 'yong itinulak para matumba para makuha ko ang atensyon nila. Hindi 'yon nabasag pero sapat ang ingay para mapansin nila ako. Halos sabay na tumingala ang dalawa maging ang isa pang lalaki sa entrada ng pintuan pero hindi nangyari ang eskandalong inaasahan ko. Ilang segundo lang akong tinitigan ng babae saka tahimik na umalis. Ang binitiwan nitong handbag, pinulot ng kasama nitong lalaki at wala ring kibo na sumunod sa una. Akala ko lalapitan ako ni Dark pero sumunod rin siya sa mga taong dumating. Naiwan akong nanginginig at hindi makapaniwala. Wala naman talaga akong pakialam pero bakit ako nag aalala?FREY POV: Walang palantandaan na matatanggap ako ng nanay niya. Pero hindi na yon mahalaga. Tinuruan ko na rin ang sarili ko na huwag maapektuhan, araw-arawin man nila ang magpa-presscon sa TV kung sino ang nararapat na babae sa anak niya. Dahil alam na alam ko ang totoo: Ako yon at wala nang iba. Siguro, nalaman din nila na ako ang tipong hindi basta puedeng tapakan at may tapang din naman dahil nagawa kong ituloy ang shop kahit na para sa marami ay malas. Marami kasing dugo ang bumuhos doon. Pero naging inspirasyon ko uli ang tapang ni Anna. Kung kaya nitong matulog sa katabi ang bangkay, kaya ko ring harapin ang mga pagsubok sa buhay ko sa sarili kong paraan. Magiging matapang ako para ipaglaban ang pagmamahalan namin ni Dark. Kailan lang, nakaharap ko rin ng personal si Roxanne sa loob ng shop ko, pero siya rin ang nagpatunay sa akin na walang namamagitan sa kanila ni Dark dahil sa nakita kong matinding selos niya sa akin sa puntong gusto na akong saktan, pero sa huli, umali
FREY POV:Pagkagaling sa isla, kusa akong nagpunta sa police station para magbigay ng statement sa nangyari kay Ray.Pero bago pa ako makarating sa opisina, sinabulong na ako ng Senior Detective na may hawak ng kaso sa hallway pa lang at iginiya ako palabas ng building.“Closed case na ang kaso, ma’am.” Matangkad, nasa late 50’s at mabait ang mga mata ng lalaking tinitingala ko. “Inayos na lahat ng boyfriend mo. At may naiwan pa pala siyang sobrang sukli kasi nagpa-merienda siya sa buong team.” Iniabot niya sa akin ang puting sobre na nakasarado. “Pakibigay na lang po, Ma’am. At pakisabi na maraming salamat.”“Okay. Makakarating.”Kaya ko nang hulaan ang nangyari. Mahusay talagang negosyante si Dark, wala na akong masasabi.Pina-plantsa niya ang lahat ng gusot para wala na akong ibang alalahanin pa.Dumeretso ako sa shop, at inabutan ko doon ang isang cleaning team na ipinadala ni Dark.At may bago na naman akong tauhan galing sa isla:Sina Astrid, Nandi at bagong platero, si Regan.
FREY POV: IPINAGLABAN ko rin noon ang tahimik na lamay ng nanay ko sa buong linggo hindi lang noong unang araw na nagwala ako. Na naging napakahirap. Bawat araw nagwawala ako para walang tao na pumunta at matakasan ang pagpaparinig nila sa akin na wala akong kuwenta. Pero pagdating ng kinabukasan, mas marami sila. May mga sasakyan. May mga kaya. Dala nila ang galit sa akin na hindi ko maintindihan.Ako nga raw pala yong babae sa mga larawan.Na wala akong maisagot kundi galit dahil wala akong makitang kasalanan ko kung may mga pictures nga ako na kumakalat kung saan saan. Anong klase ba yon at nagagawa nila akong husgahan at alipustain?Sa huling lamay, dala ng matinding galit, binubusan ko na ng gasolina ang sarili ko at kabaong ng nanay ko, at talagang sisindihan ko mawala na lang kami ng nanay ko nang magkasama. Kung hindi kay Logan na bigla akong niyakap habang hawak ko na ang posporo, sigurado akong noon pa lang patay na ako.Napakasama sa akin ng mundo pero nang makilala ko s
FREY POV: NAGISING ako sa aroma ng mabangong niluluto ni Dark mula sa kitchen kinabukasan. Kaya kahit masakit ang ulo ko at gusto ko pang matulog, bumangon ako at sinundan ko ang amoy niyon.Nahulaan ko agad ang tinolang manok na itinuturing kong comfort food kapag masama ang pakiramdam ko dahil sa healing properties ng luya para sa inflammation.Alam niyang pagod ako sa kaiiyak kaya natatandaan niya siguro dahil minsan kaming naghanap ng putaheng ito nang sobrang pagod ko sa trabaho.Napakamaalalahanin ni Dark sa napakaraming bagay. Perpektong nobyo para sa akin.“Hindi ka papasok?” Suot na naman niya ang apron na may anime design na nakita ko rin sa beach house dati. Iba lang ang kulay.May jeans pattern ng teady bear at korning bulaklak ng sunflower.Malayo sa kanyang personalidad kaya lagi kong napapansin na parang kakaiba yon para sa kanya.Nilingon niya ako, pinagmasdan akong maglakad palapit sa kanya, puno ng pagmamahal at paghanga. Walang bakas na may kailangan kaming pag u
FREY POV:Sa loob at labas ng shop nagkakaingay ang mga taong dinadaanan namin at may mga nagsisigawan dahil sa takot. At sa malabo kong isip, nadaanan ng mga mata ko ang nakahandusay na mga bangkay sa loob at labas ng tindahan.Nasa sampung katawan. Maraming dugo sa hagdan, at may mga talsik hanggang sa pintuang salamin kung saan kami dadaan.“Huwag kang tumingin,” si Dark na kinabig ako para itago sa loob ng kanyang coat.Hinarang kami ng hepe ng pulis, sa likuran nito ay marami pang pulis at imbestigador.“Magbibigay kami ng statement at tutulong kami sa imbestigasyon,” si Dark na sandaling huminto. “Pero hindi ngayon. Under shocked pa ang girlfriend ko. Hayaan ninyo akong tulungan kayo sa ibang paraan maliban dito.”Naiuwi niya ako nang bahay at saka ko lang nagawang umiyak.Hindi ko makalimutan ang matinding takot ko nang matitigan ko uli ang mga mata ni Ray at ang mga mukha ng mga lalaking wala ng buhay sa loob at labas ng shop ko.At ang mga dugo sa paanan ko galing sa katawan
FREY POV:Hindi.Si Ray at ang lalaking ito ay iisa ng mata at pareho silang tumingin!Nangatal ako buong katawan, hindi na ako humihinga. Nanlalaki ang mga mata ko at hindi ko maramdaman ang tuhod ko. Ginusto kong tumakas, alam ng mga paa ko ang daan palabas pero sinalubong niya agad ako sa isang hakbang lang at sinakal ako paatras sa metal rack:“Ah, Frey,” dinukot niya ang baril sa likuran at kalmadong idinampi sa pisngi ko. Ipinaalala sa akin ang amoy ng bakal at nakakapangilong lamig ng pamilyar na armas kapag pinapasok niya ako sa silid ko noon bago mas-masturbate sa harap ko. “Sabihin mo, na-miss mo ba ako?”“R-Ray?”Boses niya ang naririnig ko pero paanong—?Idinikit niya sa botones ng blusa ko ang dulo ng baril, pinakawalan ako. “Maghubad ka, madali!” Umatras siya sa sofa na malayo sa akin at gusto yata uli akong panoorin.FREY POV: Iniwan na ako ng sentido-kumon at hindi na ako nag-iisip. Matigas na ako sa takot dahil nasa loob na ako ng madilim kong isip at kasama kong