Share

Kabanata 6

Author: Amarahwrites
last update publish date: 2026-05-21 06:04:49

Nang mapansin ni Rowan na tila hindi mapalagay si Calista, inalis niya ang kanyang tingin at sumandal sa upuan. Bahagyang gumalaw ang kanyang lalamunan bago nagsalita. "Get in."

Sumakay naman si Calista sa kotse at nakaramdam ng kaunting ginhawa. Pagkaasara ng pinto ay nawala ang init at lagkit ng hangin sa labas. Mabilis ngunit swabe ang takbo ng Maybach sa expressway. Napansin ni Calista na hindi ito ang daan pauwi sa kanila, at hindi rin ito ang daan papunta sa mansyon ng mga Mercadejas. Kahit dalawang taon siyang nawala sa Cebu, kabisado pa rin niya ang mga kalsada rito.

Tiningnan niya ang lalaki sa kanyang tabi. Nakapikit si Rowan at tila nagpapahinga. Sa tama ng liwanag, mas lalong kuminis at tumalas ang hitsura ng mukha nito. May bakas din ng maliit na peklat sa ilalim ng kanyang kuwelyo.

"Mr. Mercadejas..." mahinang tawag ni Calista. "Saan tayo pupunta?"

Dahan-dahan idinilat ni Rowan ang kanyang mga mata. "To the Marriage Registry."

Kaagad natigilan si Calista. Akala niya ay nagkamali lang siya ng dinig. "Pardon?"

"We are getting married." Ipinatong ni Rowan ang kanyang braso sa gitna nila. "Didn't your parents tell you?" tanong niya ng walang emosyon. "The engagement between my family and the Zamoras is set for the end of this month. The papers are ready. We just need to sign today."

Hindi makapagsalita si Calista. Alam niya na dalawang araw pa lang ang nakalipas mula ng nakapag desisyon siyang maging isang substitute bride na ito, pero hindi niya akalaing diretso agad sila sa munisipyo pagkababa niya ng eroplano. Hindi man lang siya nakapag handa. "But..." mahina niyang sabi, “Kakarating ko lang."

"I know you don't want this." Tumingin ng diretso si Rowan sa kanyang mga mata. "That's why we're making this a marriage of convenience."

Hindi makagalaw si Calista. "My grandmother is not in good health," paliwanag ni Rowan. "She wants to see me married. This will only be for a year. We both benefit from this."

"What do I need to do?" tanong ni Calista.

"Just be a proper Mrs. Mercadejas." Tumingin si Rowan sa kanya at nagpatuloy. "You will receive an allowance of 500,000 every month. After our agreement ends, I will give you a villa in Repulse Bay. Aside from that, the Mercadejas family will also help your family with their crisis." Napakaganda ng mga alok niya kaya mahirap itong tanggihan.

"Under the contract," tanong ni Calista habang nakayuko, "Do I need to... fulfill my marital obligations?"

Tinitigan siya ni Rowan mula ulo hanggang sa kanyang labi na kinagat niya dahil sa kaba, pababa sa kanyang leeg. Bahagyang gumalaw ang lalamunan ng lalaki. "I am not a vegetarian."

Natigilan si Calista. Nang ma-gets niya ang ibig sabihin nito, agad na namula ang kanyang mukha hanggang leeg.

"Do you agree?"

Kinagat ni Calista ang kanyang labi. Wala na siyang balikan. "Yes."

Nang tumango siya, pumikit muli si Rowan at bahagyang ngumiti bago ito agad na nawala. Huminto ang sasakyan sa harap ng isang gusaling gawa sa marble—ang Government House, isa sa mga pinakalumang opisina para sa kasal sa Cebu. Tahimik ang paligid, mukhang pinalabas muna ang ibang tao para sa kanila.

Unang bumaba si Rowan at pinagbuksan siya ng pinto. Pagbaba ni Calista, naramdaman niya ang kamay ni Rowan sa likuran niya—hindi ito nakadikit pero tila pinoprotektahan siya. Naamoy niya muli ang bango nito na amoy kahoy at tabako. Sa loob ng hall, nakahanda na ang mga papeles sa mesa. Nakita ni Calista ang pangalang nakasulat: Zynelle. Masakit ito sa kanyang loob dahil hindi naman siya iyon.

"Please sign here," sabi ng registrar. Mabilis at matapang ang pirma ni Rowan.

Sunod na kinuha ni Calista ang panulat. Ramdam pa niya ang init mula sa kamay ni Rowan na naiwan sa ballpen. Dahan-dahan niyang isinulat ang pangalang "Zynelle."

Nang i-check ng staff ang impormasyon sa computer, lumitaw ang litrato ni Zynelle. Bumilis ang tibok ng puso ni Calista. Napansin niyang kumunot ang noo ng registrar habang tinitingnan ang litrato sa screen at ang mukha niya.

Kinabahan naman si Calista. ‘Patay na,’ sa isip niya. Akala ba talaga niya ay maloloko niya ang mga Mercadejas? Siguradong mabubuking siya ngayon. Biglang kumatok nang dalawang beses si Rowan sa mesa. Tumingin siya sa registrar nang may malamig at nakakatakot na mga mata. Sa Cebu, walang gustong kumalaban kay Mr. Rowan. Naisip siguro ng registrar na baka nagparetoke lang ang babae o nagbago ang hitsura. Dahil sa takot, hindi na ito nagtanong pa.

Senelyuhan ang certificate, bago tumingin sa dalawa na may ngiti. "Congratulations, Mr. and Mrs. Mercadejas," sabi ng registrar. "The process is complete."

Tinanggap ni Calista ang marriage certificate. Ang akala niyang katapusan na niya ay natapos lang ng ganoon katahimik. Tila napakaswerte naman yata niya ngayong araw.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status