Tamang-tama dahil meron na thirty employees ang kompanya ni DJ, isinama niya narin ang janitor at pantry na parehong lalaki. Hinati niya ang mga ito sa dalawang grupo at dalawang team. team A at B. Bawat grupo ay mayroong fifteen na members. Sinabi ni DJ na meron lucky prize na thirty thousand ang team na mananalo para maganahan ang mga ito sa laro. Ang talo naman ay siyang magsisilbi sa team na nanalo kapag na naroroon na sila sa Boracy, ibig sabihin silas ang maghahanda ng food at ibang mga kakailanganin pag naroroon na sa ila.Sumali rin sina Kier, Dianne, Athena, Dansel at Amy wala rin naman daw silang gagawin at gustong makisabay sa mga empleyado. Sumali na rin si DJ sa larong basketball as coach, ganon din si Kier coach din. Nagbunut-bunot pa sila kung saang team sila. Si Dianne at Athena ay given na doon di9n kasali kung saang team ang nabunot ng mga husband nila. Team A si Kier at Athena, Team B naman si DJ at Dianne sina Amy at Dansel ay nagbunot din kasama nina DJ at
Pagkatapos nilang magcheer and yells ay nun lamang tinawag ni DJ ang lahat ng basketball players ng team nila, kinausap niya ang mga ito.Nang nagtipun-tipon na ang team basketball players ay lumapit si Dianne kay DJ at kinausap kung pwede bang isali pati ang sa cheer andyells dahil mas maganda kung lahat ng mga ito ay makarinig ng positive motivations, pumayag naman si DJ. Kaya pumaypay ng kamay si Dianneat nagsenyas sa mga kasamahan at kay Amy na lumapit sa kanila, lahat naman ng mga ito ay nagsitayo sa mda upuan at lumapit sa kinaroroonan nila.Ipinaliwanag ni Dianne sa kanila ang gagawin kaya lahat sila ay nagtipon kasama ang mga basketball team players.Saka nagtipon-tipon silang lahat ng team B,pinatapos ni Dianne magsalita si DJ saka humingi ng permiso sa lalaki kung pwedesiyang makapagsalita. Iniimagine niya naq nasa peptalk siya sa mgatauhan bilang finance manager.'' Isipin nyo lamang kung paano kayo makakapuntos, manalo o matalo tAyo at least lumaban tayo at ginawa nati
Nanatili siyang nakayuko at nakapikit nahg malakas na naghiyawan ang mga tao sa paligid.''Asunscion five points...and the winner is team B...'' Biglang napataas ang mukha ni DJ mula sa pagkayuko at napamulat ng mga mata nang marinig iyon mula sa announcer.Napatalon siya at napasuntok sa hangin at napataas ng kamay na naka-closed fist.''Yes! Nagawa ko! Nanalo kami...''sabay sabi niya sa sarili.''Sir DJ, ang galing mo...nanalo tayo'' nakangiting sabi ng janitor na kabilang sa team nila at isa rin sa basketball player. Sinabi iyon sa kanya na sinadyang lapitan siya.''Oo, Jim! Ang galing natin'' natutuwang sagot niya.Sa sobrang tuwa ay tumakbo ito palapit kay Dianne. Nagulat si Dianne nang lumapit ito sa kanya at hinalikan sa labi.'' Babe, nanalo tayo. Nagawa natin na manalo!'' Ani DJ nang ilayo ang labi nito sa asawa.Ngumiti si Dianne ''Ang galing mo, Babe! Ang galing natin!'' sapagdaka ay sagot ni Dianne na may tuwa sa kalooban.''Sinasabi ko na nga ba,eh na mananalo tayo dahil
Nang nakaupo na si DJ at ginugupitan ng babaeng lumabas ng room, panay ang nakaw tingin nito sa kanya sa sa salamin. Naisip niya kung anong panghuhugasga kaya ang naglalaro sa isip nito seguro dahil sa hitsura niya at sa kulay ng maitim niyang balat. Nasabi niya rin sa kanyang isip na kung sa pananamit hindi siya matawag na baduy o kingkoy dahil palagi niyang binabasa ang magazine na binigay ni Athena tungkol sa paraan ng istilo ng damit, mahilig parin siya sa floral ngunit siniseguro na niyang kaaya-aya tingnan sa kanya ang suot niya gaya sa mga turo mula sa magazine, sa totoo lang marami siyang natutunan doon.Pagkatapos na magupitan si DJ sa gusto nitong hair cut ay tumayo ito at saglit na nanatiling tiningnan ang hitsuranito sa salamin, clean hair cut ang pinagupit nito na bumagay sa lalaki. Ang gwapo talaga ng asawa niya! Lihim na bulalas ni Dianne sa kanyang isip. Sino ba naman ang hindi hahanga sa kapogian nito? Na ang halos hinahanap ng maraming babae sa katangian ng isang lal
Bagong ligo si DJ, hindi na nagtataka si Dianne kung bakit maganda ang porma ng abs nito dahil alaga nito ang katawan sa gym, every monday, wednesday and friday ay palagi itong dumadaan sa gym bago siya ihatid sa spa and massage services na negosyo, pero ngayong may sarili na siyang kotse at driver ay dumidiretso na doon ang asawa. Kapag araw ng schedule ng gym nito ay maaga itong gumigising, naliligo at nag-aayos. Nakasanayan na nitong mag-shower muna bago tumungo ng gym at maliligo ulit after two hours ng gym. Huminto lamang ito ng one month at nag-enroll ulit. Dati rin siya nitong pinaenroll sa gym ngunit nang nalaman na buntis siya ay pinahinto siya, sabi nito ay self-exercise lang siya sa kanilang bahay ng mga simple exercises na pang buntis para walang anuman na kumplikasyon.''Bakit yan lang ang suot mo?'' tanong ni Dianne.''Excited na ako na kaagad maligo sa dagat paglabas ng hotel, nakita mo naman kaharap lang ng hotel ang dagat'' sagot ni DJ.''Baka naman gusto mo lang pagp
Napatingin si DJ ng mariin kay Boni. Kahit si Dianne ay nagulat din sa sinabi nito. Si Boni ay mag-isang taon na niyang kasama sa trabaho kung hindi siya pinahinto ni DJ na magtrabaho sa kompanya nito. Bonifacio talaga ang buo nitong first nama. Pina shortcut lang nito iyon, ang totoo mas gusto nitong tawagin na Cardo sa 'Ang Probinsyano' nA si Cardo Dalisay. Iniidolo kasi nito si Coco Martin kaya ginagaya nito ang kilos at pananalita, kaya nga mayabang ito magsalita dahil kamukha daw nito si Coco Martin, at sabi pa nito, mas bagay daw sa kanya ang tawaging Cardo as his nickname at preskung-presko pa siya sa lalaki noon. Hanggang sa isang araw, ay nagtaka siya nang bigla itong palaging tahimik at tulala. Nang meron siyang pagkakataon ay kinausap niya ito sa kanyang opisina. Sinabi sa kanya ng lalaki na namatay raw ang nag-iisa at bunso nitong kapatid na babae. Na hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin ito maka move on, hindi nito matanggap na wala na ang nag-iisa't super close
Tahimik ang lahat na nakikinig kay DJ habang nagsasalita. Hinihintay ang katotohanan na sasabihin nito sa asawa.''Ang totoo, hindi ako naging seryoso sayo noong unang naging tayo...''panimula nito na ikinamangha ng lahat sa sinabi ng lalaki. Subalit siya ay hindi na nagtaka, narinig na niya iyon mula kay Girlie. Na kaya lang siya naging girlfriend noon ni DJ dahil sa deal ni Girlie. Sa totoo lang masyado siyang nasaktan nang malaman iyon mula kay Girlie.''Sorry,Babe, pero ang toto'y unti-unti kitang nakilala ng buong-buo at minahal kita ng higit pa sa buhay ko, when I realized how amazing you are. Lalo na nang unang pumunta tayo sa province nyo sa Bacolod, hindi ko makakalimutan ang sinabi ni Mang Melchor noon. Dati ang tanging nasa isip ko lang na dapat ay mapangasawa ko ang babaeng gusto ko, but then I realized when Mang Melchor said na ang pag-aasawa is a lifetime commitment, na ang pundasyon ay tiwala sa isa't isa. At sayo ko yon nakikita, Babe, because I know you will love me
Ang mga kaganapan sa nakalipas na mga kabanata....-Company Anniversary ng kompanya ni DJ kaya naisipan niyang i-celebrate iyon ng kanyang mga staff. Actually he has 35 branches of finance company nationwide. Binigyan nya na lamang ng kanya-kanyang budget ang ibang branches para makapag-celebrate din ang mga ibang staff ng anniversary. Sumama rin sina Dianne, Kier, Athena,Dansel at Amy. -Pagkatapos nilang mag-basketball ay nag-team building sila sa Boracay. -Napagkasunduan nilang mag Truth or Dare gamit ang pagpapaikot ng bote. -Munting bungad ng kwento kay Boni, isa sa mga finance company staff ni DJ na dating kasamahan ni Dianne sa iisang Department. --- Sa pagpapatuloy... Si Dianne ang sumunod na nagpaikot ng bote, huminto ang bote at humarap ito kay Melissa. Ang ka-workmate niya noon na narinig niyang nagsabi na kulang nalang buntot para magmukha siyang unggoy.Tumingin si Melissa kay Dianne pagkatapos nitong piliin ang Truth. ''Ma'am Dianne, sorry po. Isa po ako
"Anak, talaga bang ayaw mo ng magkaayos kayo ni DJ?" Tanong ni Aling Marilyn kay Dianne habang nasa kusina sila, kasalukuyan na nagluluto si Dianne ng almusal nila. Naroon din si Arriane dahil nagpatulong si Dianne sa bunsong kapatid. Isang linggo na ang nakalipas simula nang lumabas si Dianne sa ospital. Huminga ng malalim fsi Dianne, " Sa totoo lang nay, masama ang loob ko sa kanya dahil hindi man lang siya sumipot ng manganak ako." Sagot ni Dianne saka tumalikod para itago ang mga mata niyang di mapigilang napatulo ang mga luha nang magsalita siya. Oo, inaamin niyang gusto niyang lumayo at ilayo kay DJ ang mga anak pero hindi niya maikakaila sa sarili na umaasa siyang gagawa ng paraan si DJ para sundan siya. 'Pero, wala! Walang DJ na dumating at walang DJ na nag effort!' hinaing at inis na sabi niya sa kanyang isipan. *Nagkakamali ka, anak. Mahal ka talaga ni DJ" ani Aling Marilyn. " Tama si inay, Ate. Pumunta si Kuya DJ sa ospital nang manganak ka, Ate" singit ni Arriane na n
Ang huling naganap sa nakalipas na kabanata...Galit si DJ na nilapitan si Gemma nang makita niya ito at sinumbatan.Sa Pagpapatuloy..."Tinatanong mo ako kung bakit si Dianne ang pinili ko? At wag mong sabihin na wala sa kalingkingan mo sa hitsura mo, dahil kung pagbabasehan sa ugali. Kahit sa kuko man lang ni Dianne ay wala ka!" Sagot ni DJ."DJ, ano ba ang dapat kung gawin para mahalin at tanggapin mo?" madamdaming pahayag ni Gemma."Mahalin at tanggapin? Kung dati ay hindi kita natutunan na mahalin, ngayon pa kaya? At kahit kailan ay hindi kita matatanggap sa buhay ko dahil you're the worst person I have ever knew! Pinagsisihan ko nga kung bakit nakilala pa kita. Ng dahil sayo nasira ang buhay ko, sinira mo kami ni Dianne! At pakiusap lang, layuan mo na dahil ayoko ng makita ang makapal mong mukha!" Galit na pahayag ni DJ at galit na tinulak si Gemma nang bitawan ang braso nito, saka tumalikod si DJ at iniwan si Gemma.Nang umalis na si DJ ay napakagat ng labi si Gemma, napapikit
Ang huling naganap sa nakalipas na kabanata...Pinagtanggol si Dianne ni Aya sa mga nangbubully sa kanya.Sa Pagpapatuloy..."Eh, ano naman ngayon ang pakialam mo, bakla ka?" Inis na sabi ni Liselle."Syempre lang may pakialam ako dahil hindi na tama ang ginagawa nyo! At nakakabwesit pa kaya kayo dahil ang ingay nyo, kung makatawa kayo wagas. Hindi nyo manlang iniisip ang ibang tao dito sa loob ng classroom" ani Aya na inis ang pagkasabi."Alam mo, bakla, mas mabuti pang wag ka nalang sumali dahil hindi mo kilala ang mga kinakalaban mo...at hindi mo alam kung ano ang maaring mangyayari sayo!" si Amella naman ang nagsalita."Bakit, ano ang gagawin nyo? Hindi ako natatakot sa inyo. Baka hindi nyo alam na black belter ako at nag aaral din ng karate...baka hindi nyo pa naranasan masipa at masapak." Matapang na sabi ni Aya, biglang natahimik ang grupo ni Liselle at medyo napaatras si Amella."Baka sakaling gusto niyo na maranasan kung hindi nyo pa titigilan si Dianne" patuloy pa ni Aya.Si
Ang huling naganap sa nakalipas na kabanata...Nakita ni DJ ang mga pictures ni Dianne na may kasamang lalaki na ibinigay ng katulong sa kanya mula sa mailman.Sa Pagpapatuloy...Kasalukuyan na nasa palengke si Aling Marilyn nang tumawag si DJ sa kanya kaya kasalukuyan niya itong hinihintay doon dahil pupunta doon si DJ para makausap siya, nasa Bacolod raw ito at kararating lamang. 4pm na ang oras nun.Ilang saglit lang ay nakita niya ito sa di kalayuan na paparating kaya tumayo siya mula sa kanyang inuupuan at sinalubong ito. Nang makalapit siya kay DJ ay nagmano ito sa kanya. Agad silang tumungo sa batchoy resto dahil Ilang hakbang lang naman ang layo at para makapag usap sila ng maayos."Kamusta na nga pala si Dianne, nay?" Tanong ni DJ nang makaupo na sila at matapos na makapag order."Sa ngayon, anak medyo hindi pa okay" sagot ni Aling Marilyn na malungkot ang mukha. Ikiniwento din kasi sa kanya ni Dianne ang nangyari pati kay Gemma at Ulga, saka ang tinatago na katauhan ni DJ per
Huling naganap...Bitbit ni Dianne ang kanyang maleta habang palabas ng bahay, buo na ang kanyang desisyon na umalis at iwan si DJ.Sa Pagpapatuloy...Kahit na mahirap man gawin at isiping iiwan niya ang asawa ay kailangan niyang gawin iyon...hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kapakanan ng kanyang mga anak na binubuntis. Ganun pala kapag ina ka, kailangan mong magsakripisyo, at hindi mo na iniisip ang sarili mong nararamdaman...ang nasasaktan mong puso dahil lahat ay gagawin mo para lamang sa kabutihan ng mga anak mo. Iyon ang nawika niya sa kanyang isipan. Nang dumaan siya sa sala nakita niya ang dalawang katulong na nagtataka. Hindi siya kumibo dumiretso lamang siya sa paglalakad.Pagdating niya sa labas ng mayor na pintuan nakasalubong niya si Mang Victor, ang kanyang personal driver."Saan po kayo pupunta, Maam Dianne? Gabi na po ito" nagtataka na tanong ni Mang Victor."Aalis na po ako dito sa bahay, Mang Victor" sagot niya."Po?"Kumunot ang noo nito at biglang lumungkot
Huling naganap sa nakalipas na kabanata...Nang makita ni Gemma na nagpaalam si DJ na magcr ay nagcr din sya para sundan si DJLaking tuwa niya nang naroroon na sa lobby ng cr, walang ibang tao roon. Hindi niya alam kung may mga tao sa loob ng cr ng mga lalaki, basta ang alam niya nang pumunta siya sa cr ng mga babae, walang tao doon. Muli siyang tumungo sa lobby at hinintay doon si DJ. Sa isip niya na gagawin ang lahat para masira si DJ at Dianne. Laking gulat ni DJ nang makita si Gemma, at lalo pa siyang nagulat nang lumakad ito palapit sa kanya ng diretso at hinalikan siya sa labi. Sa pagpapatuloy...Hindi inaasahan iyon ni DJ kaya sa pagkabigla ay huli ng maawat ang babae.Ilang minuto ang nakalipas...Hindi mapakali si Dianne, nasa isip na baka magkurus ang landas ni Gemma at DJ, baka kung anupa ang maaring gawin ng asawa niya kay Gemma kaya tumayo siya mula sa inuupuan at nagpaalam na pupunta ng cr. Nakisabay si Dansel sa kanya dahil ihing ihi na raw ito, kaya magkasabay sil
Huling naganap sa nakalipas na kabanata... Napabulalas sa gulat ang ina ni Dianne na si Aling Marilyn nang makita ang mukha ni DJ,napasign of the coss pa ito halos nagkapantal pantal ati ang leeg ng lalaki, nakauwi na sila sa bahay ng ga magulang ni Dianne at kakarating lamang. Sa Pagpapatuloy.... Ipinaliwanag ni Dianne sa kanyang ina kung ano ang nangyari, nang kausapin sya nitong mag isa sa kusina, wala doon ang kanyang ama dahil naroon ito sa bakery shop na binigay niyang negosyo noon para sa kanyang mga magulang. "Hindi ko alam kung ano ang ginagawa mo sa asawa mo, parang pinaparurusahan mo kasi siya, nang dumating kayo dito una niyang ginawa na pinagawa mo ay nagtinda xa sa palengke ng dinaing na babgus na tinitinda ni Melchor, kinabukasan nun pinasama mo naman sa pangingisda sa laot tapos nang pumunta kato kay tyong Alberto mo pinaakyat mo naman si DJ sa puno ng mangga na maraming malalakinh pulang langgam"wika ng kanyang ina. "Hindi naman po, dala lang seguro ng b
Huling naganap sa nakalipas na kabanata... Kinakanta ni DJ ang 'Everything I Do, I Do It For You' habang iniisip na gusto lamang ipadama sa kanyang asawa ang tunay niyang nararamdaman at nais nya rin ipabatid sa maraming tao kung gaano niya ito kamahal. Sa Pagpapatuloy... Pagkatapos na kumanta ang lahat ng mga contestants ay tumayo silang lahat sa stage na magkahawak ng kay, tatawagin a at hihirangin ang nanalo g third, second, first prize at grand champion ng singing contest. Ang third prize ay makakatanggap ng five thousand, second ten thousand, first twenty thousand at ang hihirangin na grand champion ay makakatanggap ng thirty thousand at trophy. Habang nakatayo si DJ sa stage kasama ang ibang mga contestants, nasa isip nya na hindi na sya umaasa na manalo sa singing contest na iyon. Ang mahalaga lamang sa kanya ay mapahiwatig sa kanyang asawa ang kanyang nararamdaman at nais ipabatid at ipahayag sa harap ng maraming tao na ipinagmamalaki niyang makilala ito at sabihin na mahal
Huling naganap sa nakalipas na kabanata...Pumayag na sumali si DJ sa singing contest.Sa Pagpapatuloy...Habang kumakanta si DJ sa gitna ng entablado at hawak ang gitara na hiniram kay Mark, hindi mapipigilan ni Dianne ang sarili na mapangiti. Lalo na nang marinig niya ang kinakanta ng asawa ay 'Everything I Do, I Do It For You' ni Bryan Adams. Naalala niya palagi niyang pinapakanta si Mark ng kantang iyon at habang pinapakinggan ang kantang iyon noon. She's drowned in imagination nay lalaking magmamahal sa kanya, whoever she is..at kaya siyang tanggapin anupaman ang hitsura niya...tapos ay gagawin nito ang lahat para sa kanya. Napabuntong hininga siya, ewan ba niya kung...itutuloy pa kaya niya ang kanyang binabalak na gawin at ipapagawa sa asawa? Napapikit siya' Hayan ka naman! Isipin mo ang kabutihan at kapakanan ng mga anak mo! Wag kang magpalinlang at magpadala sa iyong emosyon!' Galit na sigaw ng kanyang kumukontra na isipan niya. Nag aalala rin siya sa maaring mangyayari kay D