CHAPTER 10
Kahit pilitin ay hindi makatulog sila Bethy at Lea dahil rinig na rinig nila na sagutan sa pagitan ni Kendall at Ahron. Malapit lamang kasi sila sa kusina kaya hindi maiiwasan na marinig nila ito."Kendall, alam mo ba na nakakatanggap ako ng mga messages sa social media account ko ng dahil sa ginawa mo? Paano ang gagawin ko? Gugustuhin mo bang ipahamak ang sarili mong ama?"
"Dad, sorry na po! Hindi ko naman po intensyon na gawin 'yun, ang sabi lang naman po kasi sa akin, paghusayan ko lang naman po ang bawat eksena, wala naman po akong kinalaman sa bagay na 'yan!"
Hindi na tumalab ang sorry at ang nakakaawang mukha ni Kendall sa kanyang ama. "Alam mo gasgas na ang sorry mo na 'yan Kendall! Akala mo ba na hindi ko alam na walang iyakan nang magsagutan kayo sa swimming pool? Pero bakit ka pa rin umiyak?"
Pilit na nagpakumbaba si Kendall sa kanyang ama. "Dad, hindi po ba't kakasabi ko lang po, hindi ko po talaga intention na gawin 'yun pramis!"
"So paano ang gagawin natin ngayon? Baka may media na lumapit sa akin at magtanong kung kamusta ang lagay mo dito sa mansion natin?" tanong ni Ahron na nanlilisik na ang mga mata sa galit.
"Ako na po ang bahala sa kanila, idi-defend ko na lang po kayo just in case na siyasatin ng media ang tungkol sa pamilya natin!"
Pumalakpak naman si Ahron sa tuwa dahil sa sagot ng kanyang anak. "Very good girl, ganyan lang dapat anak! Ang pamilya, kahit kailan hindi sila dapat magsiraan sa bawat isa, dahil-"
"Ang kasiraan ng isang miyembro ng pamilya ay ang kasiraan nilang lahat!" pagdudugtong ni Kendall.
"Siya nga pala, nakausap ko na si Ma'am Madison at sinabi niya sa akin na may mga endorsements kang isho-shoot so kailangan natin umattend lalo na't natanggap ko na ang advance payment nila," pagpapaalala ni Ahron.
"Dad, may presscon nga po pala kami, sorry hindi ko nasabi kaagad!"
"Oh, anong oras naman yan?"
"10 am po, sa sm makati! Lahat po ng cast namin kailangan dumalo, pinopromote din po kasi ang mall and syempre publicity na rin po!"
"At anong oras naman kayo matatapos?"
"Not sure po eh!"
"Sige, kakausapin ko na lang si Madison tungkol sa bagay na yan!"
"Hind ho ba't naka schedule na ang mga endorsements ko?"
Napakamot sa ulo si Ahron bigla. "Yun na nga eh, mayroon kasing lumapit ulit sa akin na negosyante, grand opening kasi ng kanyang bagong resort sa laguna and gusto ka niyang mag concert doon para marami ang dumalo, hindi dapat ako papayag pero million kasi ang offer niya kasi naniniwala siyang dadagsain ng mga tao ang resort! Actually, hindi lang naman sa laguna ang resort niya kung hindi sa iba't ibang parte ng Pilipinas, ako na ang pumirma ng kontrata mo!"
"Dad, hindi naman po kasi ako singer so bakit ako po ang kukuhain niya?"
"Anak, makitid ba talaga ang utak mo? Sa tinagal mo sa industriya ng showbiz, mas pinapahalagahan nila ang sikat kesa sa talento... kaya kahit sintunado ang boses mo, basta't may fan base ka, hindi na nila mapapansin ang boses mo, wag kang mag-alala anak, wala mang pumalakpak sa pagkanta mo, ang mahalaga dito eh bayad tayo!"
"Si Steve po sana ang irerecommend ko, magaling na singer po sana siya and hindi po siya mapili sa offer!"
"Alam mo ang tanga tanga mo talaga! Bakit mo ibibigay sa iba ang trabaho kung sayo ibinigay? At tsaka makipag plastikan ka lang sa mga 'yan kasi sa showbiz kayo kayo lang din ang magkakalaban... gamitin mo naman ang utak mo anak!"
"Hindi naman po 'yun ang ibig kong sabihin, ang gusto ko lang sana may kasama po ako na isang singer para kahit papaano, mai-blend po ang boses ko sa iba and hindi naman pumanget ang maging performance ko!"
"Sus, hindi na tayo maghahanap ng kahati anak, sosolohin natin ang kita! Ang hirap hirap ng buhay ngayon. Kung gusto nilang rumaket, hayaan mo sila!"
"Sige po, pupunta na po ako sa kwarto ko!" pagpapaalam ni Kendall na pilit ang ngiti.
"Okay, basta tandaan mo anak, ang oportunidad, bihira lang dumating sa tao kaya sulitin natin, sige matulog ka na at marami pa tayong raket bukas!"
Pagtalikod ni Kendall ay naging malungkot na ang mukha nito hanggang sa pagdating niya sa kanyang kwarto. Naupo siya at pinagmasdan ang kalangitan sa kanyang bintana at nagbasa ng mga comments sa kanyang social media account. 'Hays, ang galing galing ni Kendall, parang totoong totoo ang eksana sa swimming pool! Ramdam na ramdam ko ang iyak niya, sayang matatapos na ang teleserye niya!' napangiti si Kendall at nagbasa pa ng ibang mga comments. 'Grabe, ibang level ang aktingan ni Kendall, bigyan na yan ng oscar award, talo niya ang mga sikat na hollywood actress dahil sa husay niya!'
"Sa sobrang ganda ng episodes ng teleserye ni Kendall, hindi ko namalayan na patapos na pala, sana may part 2!" "Nakakapagod mag work kasi nakaka stress, mabuti na lang talaga at walang kupas ang galing ni Kendall kaya nakakawala ng problema, pero infairness naman, mas maganda talaga siya kesa sakin. yung filtered photo ko walang panama sa kanya na umiiyak hashtag sana all!" Bagamat marami ang mga positive comments, hindi rin naman maiiwasan ang mga bashers na lumaliit sa kanya at pumupuna sa kanyang ama. "Tumataba ang katawan ni Kendall, sana yung utak din!"
"Malalaos din 'yang babae na yan, tingnan natin kung ano ang magiging kapalaran niyang babae na 'yan na hindi man lang nakagraduate sa elementary! Baka nga hindi pa yan marunong magbilang ng pera eh!" "Grabe, halatang halata sa iyak ni Kendall na totoong nangyayari sa buhay niya ang teleserye niya, baka siya na ang magiging Britney spear version ng pinas, justice for Kendall, masyadong inabuso ng sakim na ama!" Hindi napigilan ni Kendall ang luha na pumatak sa kanyang mga mata nang mabasa ito. Gustuhin man niyang mag reply, subalit natatakot siya sa maaaring gawin ng kanyang ama sa kanya sakaling ito ay kanyang mabasa. Itinigil na lamang ni Kendall ang kanyang ginagawa at nanalangin na sana ay muling magparamdam si Scott sa kanya at iligtas siya.
"Your honor, nandito ako na tumatayo bilang lawyer ni Kendall Ezekiel. Isa siyang artista at kaya kong mapatunayan na walang ground ang accusations sa kanya bilang tawagin siyang mentally unstable. Mayroon po siyang kakayahan para makapag isip. She can think, act, and live like any other human beings! May I ask to remove her father Ahron Ezekiel be removed as her conservator. Sinabi niya na nararamdaman niya na ang conservatorship ay naging isang mapang-api at pagkontrol na tool laban sa kanya.Ipinaalam sa akin ni Kendall na gusto niyang wakasan ang conservatorship sa lalong madaling panahon. Siya ay may sinabi niya na siya ang nagtatrabaho at kumikita ng kanyang pera ngunit lahat ng tao sa kanyang paligid ay nasa kanyang payroll."Sumagot naman si Mr. Chavez sa mga parating ni Scott. Dala niya ang ilang mga larawan na nagpapatunay na si Kendall ay nasisiraan ng bait. Bigla bigla raw itong nagagalit at ipinakita pa niya ang video kung saan hindi na kayang gawin ni Kendall ang mga bas
Sa kabilang banda naman, nakarating na kaagad sila Scott at Kendall sa lugar kung saan ang warehouse na magsisilbing torture place para kay Ahron. Maayos ang paligid at marami ang mga matatalas kagaya ng kutsilyo at mayroon ding mga baril na nakalagay sa mahabang lamesa na katabi lamang ng bakal na upuan. "Grabe pala ang grupo ni Ryan, masyado silang mga mararahas at matindi siguro ang gagawin nilang torture sa tatay mo Kendall!" sambiti ni Scott na para bang nakokonsensya ito sa mga mangyayari sa tatay ni Kendall.Nanatiling manhid si Kendall at walang bakas ng konsensya at awa sa mukha nito. Huminga ng malalim si Kendall at hindi ito kumibo sa sinabi ni Scott. "Mukhang malalim yata ang iniisip mo Kendall, maaari ko bang malaman kung ano ang nasa iyong isipan?" tanong ni Scott na napayakap sa likuran ng kanyang syota. "Scott, gusto kong sabihin sayo na sumunod sa atin si Manang Bethy at Lea. Gusto ko na salubungin mo sila at balaan mo na wag nang tumuloy dahil dadanak ang dugo sa
Sinisi naman ni Stephen si Enzo. "Alam mo, ikaw ang may kasalanan nito eh. Tingnan mo, lahat ng ninakaw natin maaagaw na nila!""Mukhang papatayin na rin naman nila tayo, mabuti pang lumaban na lang tayong dalawa!"Ikinisa naman ni Enzo ang kanyang baril. "Sabagay may punto ka... pero aminin mo na mayroon ka ring kasalan sa nangyari. Kung kanina pa sana tayo umalis, hindi sana ito mangyayari ang bagay na ito!"Narinig naman ni Ryan ang ingay sa van at nang tingnan niya ito ay mayroong mga tao sa loob. Lumingon siya kay Analyn. "Nasaan ang baril?""Hindi ba't ang usapan natin ay kikidnapin lamang natin si Ahron? Bakit parang gusto mo pa yata ng gulo?""Ang sabi ko nasaan ang baril? Gusto ko lang naman makasiguro na magiging maayos ang lakad natin ngayon eh!"Binigay ni Analyn ang baril ni Ryan. Dahan dahan niyang iniyayapak ang kanyang mga paa papunta sa Van habang nakatutok ang baril niya rito. "Lumabas kayo sa lungga ninyo, mga kutonglupa... alam ko na mga tauhan kayo ni Ahron. Sorry
"Pasensya ka na Arnaldo, alam naming gusto mong pag aralin ang nag iisa mong anak. Magsimula ka na lang ulit, tutal mukhang iniwan ka na naman ng asawa mo eh!"Muli na mang nagmakaawa si Arnaldo sa dalawa niyang mga kaibigan. "Nakikiusap ako sa inyo, wag niyo namang gawin ang bagay na ito. Simula noong ipanganak ang anak kong si Ahron, nagsimula na akong mag ipon para sa kinabukasan niya. Halos magkanda kuba kuba na nga ako sa pagtatrabaho may maitabi lang ako para sa kanya!""Arnulfo, mukhang matigas itong si Arnaldo, kuhain mo ang anak niya at dalhin mo dito. Tingnan natin kung magmatigas pa ito!""Bakit ninyo inaaway ang tatay ko?" sambit ni Ahron na lakas loob na lumabas sa kanyang kwarto. Kahit na maliit, sinubukan niyang saktan ang dalawang lalaking nambubully sa kanyang ama. "Mga bad kayo, bakit ninyo inaaway ang tatay kong nagpapakumbaba sa inyo? Bakit na lang pera ang laging pinag aawayan ninyong mga matatanda?"Yumuko si Robert at pinitik ang kamay ni Ahron. "Alam mo Ahron,
Walang atubling sumunod si Bethy kay Scott at Kendall. Hindi naman nakatiis si Lea at alam niyang maliligaw lamang si Bethy kung mag isa itong pupunta kaya sumama na rin siya. Mag isa si Ahron sa kanyang kwarto, naging malalim kasi ang kanyang tulog at sa kanang panaginip, nakita niyang muli ang kanyang yumaong ina na si Glenda at kasalukuyan itong nakikipag talo sa kanyang amang si Arnaldo sa kanilang bahay na gawa sa kawayan. Aminado si Ahron na sobrang hirap ng pinagdaan niya noon at hindi niya lubos akalain na ibabalik ito ng tadhana sa kanya. "Alam mo, sobrang hirap na hirap na tayo sa buhay," sambit ni Arnaldo. "Grabe ka Glenda, halos hindi mo na ako pinagpapahinga eh. Seven days mo akong pinagtatrabaho, hindi naman ako umaangal pero nagrereklamo ka pa rin sa binibigay ko sayo. Aminin na natin, walang yumayaman sa pagtatrabo ng walong oras Glenda. Mas mababa pa sa minimum ang kinikita ko eh!"Nagpamewang naman si Glenda sa sinabi ng kanyang asawa. "Aba, para mo na ring sinabi
Nagtawanan silang mga magtotropa at para bang hindi sila natatakot na baka maging baliktad ang mga pangyayari. Dala ang kanilang mga baril, lumusob silang lahat sa bahay ni Ahron. Samantalang si Scott naman ay nag aalala sa kalagayan ni Kendall.Kasalukuyan silang nasa bahay ni Scott. Wala ang tatay niya sa lugar. Samantalang sila Lea at Bethy ay parehas na natutulog sa sofa. Minamasdan ni Scott si Kendall habang ito ay natutulog."Grabe Kendall, ang ganda ganda mo talaga. Kung buhay lang sana ang baby natin at naging kamukha mo siya, sigurado akong magiging isang sikat na artista rin siya kagaya mo. Pero wala na, sinira na ng tuso mong ama ang mga pangarap nating dalawa!"Hinawi ni Scott ang buhok ni Kendall na nakaharang sa mukha nito. "Alam mo, gustong gusto talaga kita kahit noong mga bata pa lang tayo. Ikaw lang ang tanging nakakapagpasaya sa akin ng ganito. Palagi pa nga tayong naglalaro dati at hindi mo alam na lihim kitang pinagmamasdan. Ewan ko ba pero kahit bata pa tayo noon