Share

CHAPTER 9

Author: Sinichikudo26
last update Last Updated: 2022-12-06 19:26:39

CHAPTER 9

"Ganun talaga, as a Direk salo ko lahat ng pressure sa work kaya one problem after another ang nireresolba ko... anyway, let us go to the other scene, dadating ang boyfriend mong si Miguel dala ang kotse niya ang magtatanan kayong dalawa, marami ang mga maritess sa paligid ang magchichismisan pero hindi mo sila papansinin!"

"No problem po direk, memorize ko na naman ang gagawin ko eh!"

"Okay, pero this time wala munang iyakan! Kung ano ang nakasaad sa script, yun ang susundin natin!"

"Maliwanag po direk!"

Inayos na nila ang mga camera sa labas, naka ready na rin ang mga extra at si Joshua na kasalukuyang gumaganap bilang boyfriend ni Kendall. Naging matiwasay naman ang kanilang shooting at walang naging problema, naging hit ang teleserye ni Kendall at nag trend ito nang ipalabas nila ang eksena. Subalit hindi talaga maiiwasang may pumunta lalo na't ramdam na ramdam nila ang hugot ni Kendall sa kanyang ama. Nagtrending sa social media ang hashtag true to life hugot ni Kendall, bagay na hindi ikinatuwa ng kanyang ama. One month later, nang umuwi ito sa final shooting nila, kinompronta ni Ahron si Kendall na kumakain ng hatinggabi.

"Kamusta ka Kendall?" tanong ni Ahron na umupo sa harapan niya.

Nakita na naman ni Kendall ang matalim na tingin ng kanyang ama kaya alam na niya kung ano ang mga susunod na mangyayari. "Mahaba haba na namang explanation ang gagawin ko, kailangan tapangan ko lang na tumingin sa mga mata niya!" sabi ni Kendall sa sarili niya.

"Dad, okay lang naman po ako! Actually last shooting na po namin ngayon sa teleserye ko pero sobrang worth it po lahat ng pagod ko!"

Ahron crossed his arms to his chest. "Kaya nga eh, hindi mo ba alam na sobra kang sikat na sikat sa social media ngayon?"

Ngumisi si Kendall sa sinabi ng kanyang ama, "yung tungkol po ba ito sa scene namin sa swimming pool? Sobrang effort po talaga ang ginawa namin para lang sa eksena natin!"

"Sa tingin mo ba isa akong mangmang? Hindi ba't nandoon din ako sa shooting mo para suportahan ka?" paninigaw ni Ahron na rinig na rinig ng kanyang mga kasambahay na kasalukuyan nang nagpapahinga, hindi nila maiwasan ang hindi pag usapan ang tungkol kay Kendall, saksi kasi sila sa labis labis na pang aabuso nito.

"Kawawa naman si Kendall, buong buhay niya naging alila siya ng ama niya!" sambit ni Bethy na nakahiga sa taas ng double deck. Mayroon na siyang katandaan at hindi naman gaanong aktibo sa social media. Mahigit apat na taon na siyang naninilbihan sa kanilang bahay at saksi siya sa naging buhay ni Kendall.

"Oo nga eh, siguro sumakto talaga na angkop sa kanya ang teleserye kaya sobra niyang ibinuhos ang emotion niya!" pagsangayon ni Lea na nakahiga naman sa ibaba ng double deck. 26 years old pa lamang siya at galing siyang batangas, sobrang idolo niya si Kendall at ini istalk nito ang kanyang social media accounts para updated sa buhay ng dalaga.

"Sa tingin mo, ano kaya ang pakiramdam ng maging isang sikat na artista, yung tipong instant milyonara ka kaagad sa batang bata mo pa lang!"

"Agree... pero grabe naman kasi, hindi man lang siya makapag desisyon para sa sarili niya, hindi siya puwede mag boyfriend tapos grabe pa manakit ang tatay niya!"

"Wala naman tayong magagawa diyan, mga kasambahay lang tayo at isang pitik lang sa atin ni Sir Ahron, siguradong wala na tayong trabaho!"

"Sana talaga may magtanggol kay Kendall, awang awa na ako sa bata na 'yan, kung hindi siya naging artista, baka ganitong trabaho lang din ang babagsakan niya!"

Nagtaka naman dito si Bethy. "Paano mo naman nasabi?"

"Eh di ba nga hindi naman siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil pinag-artista siya kaagad ng tatay niya? Kawawang bata, wala namang permanente sa showbiz at kahit na gaano pa siya kasikat, dadating din na tatanda siya at mas may batang papalit sa kanya!"

"Mukhang marami kang alam tungkol kay Kendall ha!?"

"Malamang, iniistalk ko siya palagi sa social media account niya at wala talaga ako ni isang solo picture niya kasama ang lalaki!"

"Kaya ako hindi ko hiniling sa mga anak maging mayaman sila, kasi kapag mayaman ka, mas lalo mo gustong maging mayaman dahil natatakot kang maghirap, kagaya ng ginagawa ni Sir Ahron!"

"Sabagay, hindi mo rin naman siguro siya masisisi, dati siyang construction worker tapos ngayon may mansion na siya ng dahil kay Kendall... kung sakaling naging suwail at hindi naging mabuti 'yan, tiyak akong mas gugustuhin niyang mag su*****!"

"Grabe ka naman, paano mo naman nasabin 'yan!"

"Siyempre pag chi chismissan lang naman siya ng bonggang bonga! Ikaw ba kakayanin ba ng pride mo na dumaan ka sa hirap, yumaman ka tapos naghirap ka ulit, ang sakit kaya nun... eh sa taas ng pride niyang si sir Ahron, hindi niya 'yun kakayanin kaya hanggat maaari, hindi niya talaga pinapahinga si Kendall kasi alam niya na darating talaga ang panahon na mawawala ang kinang ng anak niya!"

"Ahh, kaya pala hinabilinan tayo ni Sir na puro gulay lang ang ipapakain natin kay Kendall, para na tuloy siyang kambing... eh kahit naman siguro ako na matanda na, karne pa rin ang kakainin ko! Kasi kapag oras mo na oras mo na talaga, at saka nag gi gym naman siya every saturday and sunday so kahit naman siguro karne ang kainin niya, kaya naman niyang panatilihing sexy ang katawan niya!"

"Hindi rin, malakas kaya kumain si Ma'am Kendall, minsan nga tatlong rice pa ang kinakain niyang kada gabi tapos may chocolate shake pa siyang iniinom tapos pizza!"

"Eh ganoon talaga kapag mayaman ka, lahat ng gusto kaya mong bilhin, tingnan mo si sir, ang saya saya kasi may nabili na siyang bagong farm!"

"Talaga?"

"Oo, naglinis kasi ako sa kwarto niya at nakita ko na may titulo siya ng farm so ibig sabihin talagang maraming raket si Kendall at si sir ang mas nakikinabang, samantalang tayo hindi man lang gumagalaw ang sweldo natin!"

"Itulog mo na lang 'yan malay mo kahit man lang sa panaginip, mangyari ang sinasabi mo!"

"Sana multuhin ng konsenya 'yan si sir Ahron or hindi kaya dalawin ni Kamatayan sa sobra niyang kasakiman!"

"Sige na matutulog na ako, gudnyt!"

"Gundyt din!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE UNHAPPY STAR   CHAPTER 89

    "Your honor, nandito ako na tumatayo bilang lawyer ni Kendall Ezekiel. Isa siyang artista at kaya kong mapatunayan na walang ground ang accusations sa kanya bilang tawagin siyang mentally unstable. Mayroon po siyang kakayahan para makapag isip. She can think, act, and live like any other human beings! May I ask to remove her father Ahron Ezekiel be removed as her conservator. Sinabi niya na nararamdaman niya na ang conservatorship ay naging isang mapang-api at pagkontrol na tool laban sa kanya.Ipinaalam sa akin ni Kendall na gusto niyang wakasan ang conservatorship sa lalong madaling panahon. Siya ay may sinabi niya na siya ang nagtatrabaho at kumikita ng kanyang pera ngunit lahat ng tao sa kanyang paligid ay nasa kanyang payroll."Sumagot naman si Mr. Chavez sa mga parating ni Scott. Dala niya ang ilang mga larawan na nagpapatunay na si Kendall ay nasisiraan ng bait. Bigla bigla raw itong nagagalit at ipinakita pa niya ang video kung saan hindi na kayang gawin ni Kendall ang mga bas

  • THE UNHAPPY STAR   CHAPTER 88

    Sa kabilang banda naman, nakarating na kaagad sila Scott at Kendall sa lugar kung saan ang warehouse na magsisilbing torture place para kay Ahron. Maayos ang paligid at marami ang mga matatalas kagaya ng kutsilyo at mayroon ding mga baril na nakalagay sa mahabang lamesa na katabi lamang ng bakal na upuan. "Grabe pala ang grupo ni Ryan, masyado silang mga mararahas at matindi siguro ang gagawin nilang torture sa tatay mo Kendall!" sambiti ni Scott na para bang nakokonsensya ito sa mga mangyayari sa tatay ni Kendall.Nanatiling manhid si Kendall at walang bakas ng konsensya at awa sa mukha nito. Huminga ng malalim si Kendall at hindi ito kumibo sa sinabi ni Scott. "Mukhang malalim yata ang iniisip mo Kendall, maaari ko bang malaman kung ano ang nasa iyong isipan?" tanong ni Scott na napayakap sa likuran ng kanyang syota. "Scott, gusto kong sabihin sayo na sumunod sa atin si Manang Bethy at Lea. Gusto ko na salubungin mo sila at balaan mo na wag nang tumuloy dahil dadanak ang dugo sa

  • THE UNHAPPY STAR   CHAPTER 87

    Sinisi naman ni Stephen si Enzo. "Alam mo, ikaw ang may kasalanan nito eh. Tingnan mo, lahat ng ninakaw natin maaagaw na nila!""Mukhang papatayin na rin naman nila tayo, mabuti pang lumaban na lang tayong dalawa!"Ikinisa naman ni Enzo ang kanyang baril. "Sabagay may punto ka... pero aminin mo na mayroon ka ring kasalan sa nangyari. Kung kanina pa sana tayo umalis, hindi sana ito mangyayari ang bagay na ito!"Narinig naman ni Ryan ang ingay sa van at nang tingnan niya ito ay mayroong mga tao sa loob. Lumingon siya kay Analyn. "Nasaan ang baril?""Hindi ba't ang usapan natin ay kikidnapin lamang natin si Ahron? Bakit parang gusto mo pa yata ng gulo?""Ang sabi ko nasaan ang baril? Gusto ko lang naman makasiguro na magiging maayos ang lakad natin ngayon eh!"Binigay ni Analyn ang baril ni Ryan. Dahan dahan niyang iniyayapak ang kanyang mga paa papunta sa Van habang nakatutok ang baril niya rito. "Lumabas kayo sa lungga ninyo, mga kutonglupa... alam ko na mga tauhan kayo ni Ahron. Sorry

  • THE UNHAPPY STAR   CHAPTER 86

    "Pasensya ka na Arnaldo, alam naming gusto mong pag aralin ang nag iisa mong anak. Magsimula ka na lang ulit, tutal mukhang iniwan ka na naman ng asawa mo eh!"Muli na mang nagmakaawa si Arnaldo sa dalawa niyang mga kaibigan. "Nakikiusap ako sa inyo, wag niyo namang gawin ang bagay na ito. Simula noong ipanganak ang anak kong si Ahron, nagsimula na akong mag ipon para sa kinabukasan niya. Halos magkanda kuba kuba na nga ako sa pagtatrabaho may maitabi lang ako para sa kanya!""Arnulfo, mukhang matigas itong si Arnaldo, kuhain mo ang anak niya at dalhin mo dito. Tingnan natin kung magmatigas pa ito!""Bakit ninyo inaaway ang tatay ko?" sambit ni Ahron na lakas loob na lumabas sa kanyang kwarto. Kahit na maliit, sinubukan niyang saktan ang dalawang lalaking nambubully sa kanyang ama. "Mga bad kayo, bakit ninyo inaaway ang tatay kong nagpapakumbaba sa inyo? Bakit na lang pera ang laging pinag aawayan ninyong mga matatanda?"Yumuko si Robert at pinitik ang kamay ni Ahron. "Alam mo Ahron,

  • THE UNHAPPY STAR   CHAPTER 85

    Walang atubling sumunod si Bethy kay Scott at Kendall. Hindi naman nakatiis si Lea at alam niyang maliligaw lamang si Bethy kung mag isa itong pupunta kaya sumama na rin siya. Mag isa si Ahron sa kanyang kwarto, naging malalim kasi ang kanyang tulog at sa kanang panaginip, nakita niyang muli ang kanyang yumaong ina na si Glenda at kasalukuyan itong nakikipag talo sa kanyang amang si Arnaldo sa kanilang bahay na gawa sa kawayan. Aminado si Ahron na sobrang hirap ng pinagdaan niya noon at hindi niya lubos akalain na ibabalik ito ng tadhana sa kanya. "Alam mo, sobrang hirap na hirap na tayo sa buhay," sambit ni Arnaldo. "Grabe ka Glenda, halos hindi mo na ako pinagpapahinga eh. Seven days mo akong pinagtatrabaho, hindi naman ako umaangal pero nagrereklamo ka pa rin sa binibigay ko sayo. Aminin na natin, walang yumayaman sa pagtatrabo ng walong oras Glenda. Mas mababa pa sa minimum ang kinikita ko eh!"Nagpamewang naman si Glenda sa sinabi ng kanyang asawa. "Aba, para mo na ring sinabi

  • THE UNHAPPY STAR   CHAPTER 84

    Nagtawanan silang mga magtotropa at para bang hindi sila natatakot na baka maging baliktad ang mga pangyayari. Dala ang kanilang mga baril, lumusob silang lahat sa bahay ni Ahron. Samantalang si Scott naman ay nag aalala sa kalagayan ni Kendall.Kasalukuyan silang nasa bahay ni Scott. Wala ang tatay niya sa lugar. Samantalang sila Lea at Bethy ay parehas na natutulog sa sofa. Minamasdan ni Scott si Kendall habang ito ay natutulog."Grabe Kendall, ang ganda ganda mo talaga. Kung buhay lang sana ang baby natin at naging kamukha mo siya, sigurado akong magiging isang sikat na artista rin siya kagaya mo. Pero wala na, sinira na ng tuso mong ama ang mga pangarap nating dalawa!"Hinawi ni Scott ang buhok ni Kendall na nakaharang sa mukha nito. "Alam mo, gustong gusto talaga kita kahit noong mga bata pa lang tayo. Ikaw lang ang tanging nakakapagpasaya sa akin ng ganito. Palagi pa nga tayong naglalaro dati at hindi mo alam na lihim kitang pinagmamasdan. Ewan ko ba pero kahit bata pa tayo noon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status