Share

C 6

Penulis: KYLIEROSE
last update Terakhir Diperbarui: 2026-01-12 18:51:39

DOVE

"PAGPASENSYAHAN muna itong bahay namin, wala eh, sadyang mahirap lang kami," pilit ang ngiting ani ni Angen sa akin.

Tinapik ko naman ito sa balikat. "Ano ka ba, sanay na ako."

"Hmmp. Parang mayaman ka nga eh. Ang kinis-kinis mo. Sobrang ganda pa."

Ngumiti naman ako.

"Nandito na pala si tatay. Halika, ipakilala kita."

Lumapit naman kami ni Angen sa kanyang ama na kararating lang ito galing sa bukid.

"Tay, si Laila pala. Kasamahan ko na nagtatrabaho sa hacienda ng Herrer. Laila, Tatay Magno ko pala."

Agad Naman ako nakipagkamay rito pero iniwas ni Mang Magno ang kanyang kamay. May katandaan na rin ito at nakakabilib na nakaya pa niya magtrabaho.

"Naku hija, marumi ang kamay ko. Angen, magtimpla ka ng dalawang kape. At may nilagang kamote ang iyong ina, ipa-meryenda mo kay Laila."

Agad naman tumalima si Angen papunta sa kusina.

"Upo ka ineng. Pasensya na at maliit lang ang bahay namin."

"Salamat Po," tumikhim muna ako at seryosong nakatingin kay Mang Magno.

"Mang Magno, kamusta naman po ang kita niyo sa bukid?"

Napabuntonghininga naman ito. "Halos wala rin kami kinikita. Bukod na kinukutungan kaming magsasaka, kinuha pa nila ang aming bukirin na diyan kami kumukuha ng hanap-buhay."

Napaayos naman ako ng upo. "Kinuha? Sa inyo po bang mga magsasaka ang lupain na iyon?"

Tumango naman ito. "Oo sa amin. Balita nga namin, gagawin daw nilang planta. At narinig ko rin, pagtataniman daw ng marijuana."

Saglit naman kami tumigil sa pagsasalita ni Mang Magno dahil dumating si Angen.

"Ito na ang kape at kamote. Laila, makipagkuwentuhan ka muna kay tatay, bibili lang ako ng bigas at sardinas para sa hapunan natin."

"Ibili mo rin ako ng sigarilyo. At Angen, bumalik ka kaagad, baka mapag-tripan ka ng mga tambay diyan!"

"Oho. Sige na, aalis na ako."

Pagkaalis ni Angen, kinuha ko naman ang wallet ko at pinakita ko kay Mang Magno ang aking tsapa at police I'd.

"Ako po si Lieutenant Mantala, police Manila. Nandito po ako para imbestigahan ang mga illegal na negosyo dito sa inyong lugar."

Napanganga naman si Mang Magno.

"Mang Magno kailangan ko ang tulong niyo. Tutulungan ko kayo na ibalik ang mga lupain niyong magsasaka."

"N-Nabigla lang ako, ineng. Police ka pala."

Ngumiti naman ako. "Pero tayo lang ang nakakaalam nito. Huwag Po kayo mag-alala, sagot ko ang kaligtasan ng pamilya niyo."

Ngumiti naman ang matanda sa akin.

"Tuwing gabi, may nagtatrabaho sa bukid. Mga tauhan ni Governor. Binabakuran na nila ang lupain. Hindi naman kami makapagsumbong sa mga police at hawak din sila ni Governor."

Tumango naman ako. "May kabayo po ba kayo dito?"

"Wala hija. Pero iyong kumpare ko meron. Mamaya, manghiram tayo."

"Good. Mamayang gabi, pupuntahan ko po ang lugar na tinutukoy niyo."

Nagpaalam muna ako saglit kay Mang Magno at lumabas ng bahay. Tinawagan ko naman ang ang isa sa mga tauhan ko na nandito rin sa Batangas.

"Bring my things here. May lakad ako mamayang gabi."

"Okay, boss. Bigay niyo lang ang address niyo. At may sasabihin din ako sa inyo."

"Okay." Agad ko naman pinatay ang tawag.

Huminga naman ako ng malalim. Malapit na rin ang election, at kailangan ko na bumalik sa Manila. Isa rin akong kukunin na personal bodyguard ni Senator Vernan Walton sa darating na eleksyon.

"Ineng, dito ka muna. Susunduin ko lang si Angen baka pinagtripan ng mga h*******k na mga addict dito sa lugar namin."

"Sama na po ako!"

Limang minuto rin kami naglalakad ni Mang Magno bago nakarating sa isang maliit na tindahan.

"Mga pusher mga iyan. Tauhan ni Governor at Congressman. Wala na talaga kapag-pag-asa ang lugar namin dito," nakangusong turo ni Mang Magno.

Nahagip naman ang tingin ko kay Angen na parang nagwawala. Mabilis naman ang hakbang namin na lumapit rito.

"T-Tay!" tumakbo naman si Angen papunta sa amin.

"Anong nangyari?" tanong ko rito.

"Kinuha kasi nila ang pera ko! Iisang-daan lang nga, kukunin pa nila!"

"Hayaan mo na. Umuwi na tayo," diin na turan ni Mang Magno.

Napatingin naman ako sa mga kalalakihan na nag-iinuman. Nakangisi ang mga ito na nakatingin sa amin. Sumisipol pa ang mga ito.

Tumayo naman ang isang lalaking matangkad, may kalakihan ang katawan at lumapit sa amin.

"Wow! Ang ganda mo! Sobrang puti at sobrang kinis! Taga Manila ka ba? Halika, inom ka muna," nakangising saad niya sa akin.

Umawat naman si Mang Magno. "Baste, pagpasensyahan ko kayo na kinukutungan niyo kami dito, pero ang pangbabastos niyo sa mga babae, ay hindi ko na palalampasin!"

Humalakhak naman ang lalaking nangangalang Baste.

"Mang Magno, huwag ka na makialam. Pasalamat ka nga, iyong anak mo hindi ko pa nadali. Huwag mo na ipagdamot itong mestisa na kasama mo."

Tumikhim naman ako at ngumiti ng matamis kay Baste. May itsura naman ito at maayos ang porma.

"Gusto mo ba ako tikman? Makipagkita ka sa akin mamayang alas siyete ng gabi diyan sa kanto. Huwag mo sabihin sa mga kasama mo at baka mainggit sila sa'yo."

Nanlalaki naman ang mga mata Niya na tumango. "Oo naman! Sige, at diretso tayo sa bayan, maraming hotel doon!" Parang ulol na aso ito na nakangisi.

"See you later, Baste," mahinang saad ko naman at niyaya ko na umalis sila Mang Magno at Angen.

"Nababaliw ka na ba, Laila! Gagahasain ka ni Baste! Kapag hindi ka naman dumating sa kasunduan niyo, malamang pupuntahan ka sa bahay!" Galit na sermon sa akin ni Angen.

"Ayoko na madamay kayo, Angen. Kaya makipagtagpo ako sa kan'ya. Huwag ka mag-alala, kaya ko naman ang sarili ko."

"Laila naman! Addict iyang si Baste! Baka patayin ka niyan eh! Jusko! Sana hindi na kita isinama dito!"

Pagdating namin sa bahay nila Angen, nadatnan namin ang kanyang ina.

"Nay, si Laila ho. Kasamahan ko sa Hacienda. Laila, si Nanay Lagring ko."

"Kamusta ho kayo?" nagmano naman ako rito.

"Napakaganda mo, ineng. Maayos naman ako, at ito nga kararating lang galing sa bukid."

"Lutuin ko lang ho ang natirang bigas," paalam naman ni Angen.

"Upo ka muna, hija. Magbibihis muna ako at basa ng pawis. Tutulungan ko rin si Angen magluto ng hapunan natin," aniya ni Aling Lagring.

Pagkaalis ng mag-ina, kinausap ko naman si Mang Magno.

"Aalis ho ako mamaya. Ang kabayo itali niyo lang ho doon sa malaking puno."

"Mag-ingat ka kay Baste, hija. At lalo na sa pagpunta mo sa bukid mamayang gabi."

Ngumiti naman ako kay Mang Magno. "Salamat ho. Huwag ho kayo mag-alala, hindi ako ipapadala ng superior ko dito kung hindi ako magaling na police."

"Halata ko nga. At sa palagay ko nga rin hindi ka basta-bastang police lang. Sa tanda ko na ito, dati ako naging tauhan rin ng isang organization."

Napatigil naman ako.

"Ang tattoo mo sa leeg, tattoo ng mga kasali sa underground, katulad ni Boss Grey ang tattoo mo," aniya ni Mang Magno.

"May alam kayo sa Underground?" Nagtatakang tanong ko rito.

Tumango Naman ito.

"Naging tauhan ako ni Grey Herrer. Isa ako sa mga tauhan niya na sumasama sa kanyang mga lakad. Hanggang nakapag-asawa ito at ito na nga, kaming mga tauhan niya, binigyan kami ng pera at lupain dito sa Batangas. Matagal na panahon na nagkanya-kanya kami. Hanggang wala na kami nabalitaan kay Boss Grey. Nagulat lang ako na may Hacienda pala siya dito. Natuwa naman ako at inutusan ko mag-apply si Angen kahit katulong sa Hacienda. Nagbabakasakali ako na makita si Boss Grey at makahingi ng tulong sa nangyari dito."

Hinawakan ko naman ang balikat ni Mang Magno.

"Siguradong matutulungan kayo ni Grey Herrer. Tanging ang lupain ng Herrer ang hindi pinapakialaman ng mga sindikato dito.

Tumango naman si Mang Magno. "Tama ka, hija. Naubos na rin ang pera ko dahil sa mga h*******k na iyon! Nagkandahirap na kami rito. Kung bata-bata pa ako, kaya ko sila labanan. Pero matanda na ako at mas pinili ko pa rin ang kaligtasan ng mag-ina ko."

Ngumiti naman ako. "Huwag ho kayo mag-alala. Tutulungan ko ho kayo."

Maluha-luha naman ang matanda.

"Kung dati kayong tauhan ng isang Underground Boss, alam niyo rin ho siguro ang rules," diretso sa mata na tiningnan ko si Mang Magno.

Tumango naman ang matanda. "Ang pagpatay ng walang awa."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • THE VIRGIN HUNTER    C 11

    ROSSKALALABAS ko lang sa shower ng narinig ko ang boses ni manang na may kausap ito sa baba. Nagtapi muna ako ng tuwalya at binuksan ang pinto. Sisilipin ko sana kung sino ang dumating pero namataan ko kaagad ang babaeng paakyat dito sa aking silid. Pasimple naman ako napangisi.Naligaw ka yata."Nagulat naman ito pagkakita sa akin."Uuwi na ako-."Mabilis ko naman hinawakan ang kamay niya at hinila ito sa papasok sa loob."What the-."Nakangising ni-locked ko ang pinto."Hindi ako nakipaglaro sa'yo, Walton!""Ikaw iyong mahilig makipaglaro sa akin, Laila," ismid na sagot ko rito. Tinaasan ko naman ito ng kilay na pilit binubuksan ang pinto. Nilapitan ko naman ito at binuhat. Basta ko na lang ito ibinagsak sa kama."Let me see how you fight against me. I'm a soldier, Laila. I'm a Martial arts champion. I've been trained for so many years."Masama naman ang timpla ng mukha niya at bumangon ito. Mabilis naman ako dumagan rito."Umalis ka diyan sa ibabaw ko, kung hindi..-""Kung ayaw ko

  • THE VIRGIN HUNTER    C 10

    DOVETUWING araw ng linggo may konting salo-salo sa hacienda para sa manggagawa. Alas singko ng hapon abala na ang lahat sa paghahanda ng lulutuin para sa konting kasiyahan mamaya. Sa likod naansion nila Ulysses nilagay ang handaan. Nakikita ko kung paano tratuhin ni Ulysses ang kanyang mga tauhan. He's really a good boss. Well, mabait naman talaga ang parents ni Ulysses. "Bumalik na ulit ang saya dito sa hacienda nang bumalik na dito si Ulysses," aniya ni Aling Medy."Nakikita ko nga ho. Kamusta naman ho ang sahod ng mga manggagawa?" pahapyaw na tanong ko naman."Ito pa ang maganda, tinataasan nila 'yan tuwing taon." "Napakabait talaga nila," Mahinang saad ko pero ang aking mga mata ay panay ang tingin sa paligid.Himala wala ang babaerong si Walton."Aling Medy, magpapahinga na po ako sa silid ko."Nakakain na rin ako. Sina Angen at Tresh, masayang nakikipag-kwentuhan sa mga manggagawa."Sige na, kami na ang bahala dito. "Tumayo naman ako at nagpaalam na rin ako sa iba bilang pag

  • THE VIRGIN HUNTER    C 9

    DOVE"HELLO, puwede ko ba makausap ang chief of police rito?"Saglit lang napatingin sa akin ang isang police at abala na ulit ito sa kanyang ginagawa."Sir?" pangungulit ko ulit rito."Busy ako, miss ganda. Kita mo naman 'di ba?"Umupo naman ako sa harapan niya. Abala ito sa computer. Naghintay pa ako ng ilang minuto at may isang pulis na lumapit at inabot rito na nakalagay sa maliit na plastic."Serge, ito na ang camera na nakuha sa kotse ng biktima."Napatayo naman ako. Ito na yata ang kailangan ko makuha. Tamang-tama talaga ang pulis na nilapitan ko."Patong mo lang dyan. Mamaya ko na yan asikasuhin."Agad naman ipinatong ng pulis at umalis din ito."Serge?" tawag ko naman.Saglit pa ito napatingin sa akin.Guwapo pala ang pulis na ito. Kahit nakaupo ito, halatang napakatangkad niya. Hatak sa ehersisyo ang katawan. At higit sa lahat agaw pansin ang napakagandang mga mata niya."Look, I'm so busy. By the way, anong kailangan mo?"Napangiti naman ako. "My name is Laila pala. May ire

  • THE VIRGIN HUNTER    C 8

    DOVE"KAMUSTA naman ang pagpunta mo sa bahay nila Angen?" tanong sa akin ni Aling Medy. Mismong tatay ni Angen ang naghatid na sa amin dito sa hacienda. At balak ko bumalik ulit sa isang linggo sa bahay nila Angen at ituloy ang imbestigasyon sa planta ng marijuana. "Okay naman po. Napakabait ng pamilya niya. Aling Medy, mamaya na po ang dating nila senyorito Ulysses?""Ay oo, kaya linisin ng maigi ang kanilang silid."Tumango naman ako. Nagpaalam muna ako kay Aling Medy na tulungan ko muna si Angen maglinis sa likod ng mansion. Si Tresh naman, siya ang nakatuka na maghatid ng tanghalian sa manggagawa."Angen, ako na maglilinis ng silid nila senyorito.""Ay sige, Ikaw na. Mamaya ang bodega naman isunod ko."Bilib talaga ako kay Angen, napakasipag niya. Pagkatapos namin naglinis, tinulungan muna namin si Aling Medy magluto. Mga paborito ni Ulysses. Bandang alas dos, dumating na sila. Pasimple naman ako pumunta sa gilid at pinagmasdan sila. Hindi naman nila ako kilala, pero kilala ako n

  • THE VIRGIN HUNTER    C 7

    DOVE"PASENSYA ka na ineng kung ganito lang ang hapunan natin," malungkot na nilapag ni Aling Lagring ang ulam na tuyong isda na walang ulo.Alas-singko pa lang, naghain na ng hapunan ang mga ito."Masarap man o hindi ang nakahain, magpapasalamat pa rin po tayo sa grasya na nakahain," nakangiting hinawakan ko naman ang kamay ni Along Lagring.Umupo naman sa tabi ko si Angen. "Napakabait mo, Laila," aniya na nakangiti ito.Habang kumakain kami, kinuwento naman ng mag-asawa ang mga nangyayari dito sa kanilang bayan."May nagpaabot na rin sa nakakataas sa mga nangyayari dito pero nagtataka kami na wala pa rin tumutulong sa amin dito," aniya ni Mang Magno.Hindi naman ako umiimik. Hanggang matapos na kaming kumain, ayaw naman ng mag-ina na tutulong ako sa pagliligpit ng pinagkainan namin.Pagpatak ng alas-sais media, pumasok na kami ni Angen sa kanyang silid na katamtaman ang laki."Inaantok na ako, Laila. Dito sa probinsya, masanay ka talaga na matulog ng napakaaga.""Sige mauna ka na ma

  • THE VIRGIN HUNTER    C 6

    DOVE"PAGPASENSYAHAN muna itong bahay namin, wala eh, sadyang mahirap lang kami," pilit ang ngiting ani ni Angen sa akin. Tinapik ko naman ito sa balikat. "Ano ka ba, sanay na ako.""Hmmp. Parang mayaman ka nga eh. Ang kinis-kinis mo. Sobrang ganda pa."Ngumiti naman ako. "Nandito na pala si tatay. Halika, ipakilala kita."Lumapit naman kami ni Angen sa kanyang ama na kararating lang ito galing sa bukid."Tay, si Laila pala. Kasamahan ko na nagtatrabaho sa hacienda ng Herrer. Laila, Tatay Magno ko pala."Agad Naman ako nakipagkamay rito pero iniwas ni Mang Magno ang kanyang kamay. May katandaan na rin ito at nakakabilib na nakaya pa niya magtrabaho."Naku hija, marumi ang kamay ko. Angen, magtimpla ka ng dalawang kape. At may nilagang kamote ang iyong ina, ipa-meryenda mo kay Laila."Agad naman tumalima si Angen papunta sa kusina."Upo ka ineng. Pasensya na at maliit lang ang bahay namin.""Salamat Po," tumikhim muna ako at seryosong nakatingin kay Mang Magno."Mang Magno, kamusta n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status