/ Romance / THE WEIGHT OF THE VEIL / THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 158

공유

THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 158

작가: MIKS DELOSO
last update 최신 업데이트: 2025-06-12 23:44:20

Samantala, sa Mansyon ng mga Ray

Tahimik.

Hindi sanay si Louie sa ganitong katahimikan.

Nakahiga siya sa malawak na kama, nakatingin sa kisame. Ngunit ang tanong na paulit-ulit niyang binubulong sa isipan ay simple lamang: “Bakit parang kulang?”

Dahan-dahan siyang bumangon. Wala na ang amoy ng pabangong pamilyar. Wala na ang boses na palaging bumabati sa kanya ng—

“Good morning, love.”

Ang pamilyar na banayad na himig, ang pagkislot ng bedsheet kapag gumagalaw si Klarise sa tabi niya, ang yakap sa likod habang inaantok pa siya — wala na.

Naglakad siya papunta sa bintana. Binuksan niya ang kurtina. Maliwanag na ang araw, pero tila hindi ito sapat para tabunan ang aninong iniwan sa kanyang silid. Ang bawat sulok ng kwarto... parang nag-iwan ng alaala ang presensya ni Klarise — kahit wala naman siyang maalala.

Narinig niya ang katok sa pinto. Bumukas iyon nang bahagya, at pumasok ang isa sa kanilang matagal nang kasambahay.

“Good morning, Sir,” bati nito, may paggalang.

Nagkibit balikat
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 166

    Sa likod-bahay ng mansyon ng pamilya Olive, banayad ang ihip ng hangin. Ang liwanag ng araw ay masuyong tumatama sa mga halaman at bulaklak na alagang matagal nang pinapangalagaan ni Pilita. Sa ilalim ng canopy, tahimik na nakaupo sina Louie at Hilairio—magkaharap, parehong may hawak na tasa ng kape.Tahimik si Louie. Hindi siya mapakali. Hawak niya ang tasa gamit ang parehong kamay, at kahit mainit ang laman, tila ba hindi ito sapat para tunawin ang lamig sa kanyang palad. Lihim siyang tumingin sa kanyang biyenan—si Hilairio, ang ama ni Klarise, tahimik lamang ngunit matalim ang mata. Ang uri ng titig na kayang sumukat ng puso kahit walang sinasabi.“Salamat po sa kape, Sir,” mahinang sabi ni Louie, halos hindi makatingin ng diretso.“Hilairio na lang,” tugon ng matanda, kalmado ngunit may bigat. “Hindi kita bisita. Isa kang bahagi ng pamilya.”Napayuko si Louie. Saglit siyang huminga ng malalim, saka tinipon ang loob para sa matagal nang bumabagabag sa kanya.“Gusto ko pong humingi

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 165

    At doon niya naramdaman—ang init. Isang munting katawan ang nakadikit sa kanya. Isang maliit na nilalang na tila mas kasya sa kanyang dibdib kaysa sa mga kamay niya.Dahan-dahan siyang tumagilid, at nang makita niya ang sanggol na natutulog sa kanyang tabi—napatigil ang kanyang paghinga.Ang sanggol ay mahimbing. Mapula ang pisngi, may pino at makapal na pilikmata, at ang bibig ay bahagyang nakabuka habang humihinga nang tuloy-tuloy. Isang maliit na palad ang nakapatong sa kanyang dibdib, parang kumakapit, kahit sa panaginip.Walang pangalan sa kanyang alaala.Walang koneksiyon sa isipan niya.Pero ang puso niya—parang biglang napuno ng isang damdaming hindi niya kayang pangalanan.“Anong pangalan mo…” mahina niyang bulong. “Anong meron sa pagitan natin?”Tumitig siya sa maliit na nilalang. At sa bawat tibok ng puso niya, tila may piraso ng sarili niyang bumabalik.Lumunok siya, pilit inaalala. Wala. Wala pa rin. Pero ramdam niya—ramdam niya ang isang bagay na hindi niya kailanman nar

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 164

    Tahimik ang buong bahay.Tanging kaluskos ng hangin sa bintana at mahinang tik-tak ng relos sa dingding ang maririnig. Ang mga aninong gumagalaw sa pader ay tila mga alaala—malalabo, mahirap damhin, pero ayaw lumayo.Nakatungo si Louie sa sofa, ang mga kamay niya ay mahigpit na magkakahawak, halos nanginginig sa bigat ng damdaming hindi niya maipaliwanag. Sa harap niya, may malamig na kape sa tasa—tila repleksyon ng takot na matagal nang nanlamig sa dibdib niya.Nasa likod niya si Philip. Dahan-dahang lumapit, dala ang katahimikan ng isang amang matagal nang nanonood mula sa malayo. Umupo siya sa tabi ng anak, saglit na tumikhim, at mahina ngunit matatag na nagsalita."Mabigat ba sa dibdib, anak?"Hindi agad tumugon si Louie. Nakatingin lang siya sa kawalan, tila nilulunok ang luhang ayaw kumawala."Hindi ko maintindihan, Pa," mahina niyang tugon. "Parang may kulang sa pagkatao ko. Parang... may bahagi akong nawawala."Napalunok siya, pinikit ang mga mata. Isang patak ng luha ang daha

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 163

    Sumingit si Philip, mababa ang boses. "Naiipit kami, Pilita. Ayaw naming pangunahan ang anak namin, pero alam namin kung gaano niya minahal si Klarise noon. Kaya masakit sa amin na makita siyang walang pakialam... kasi hindi ‘yon si Louie. Hindi ‘yon ang anak naming pinalaki."Napatingin si Pilita sa kanilang dalawa. Saglit siyang natahimik bago nagsalita. "Mare, pare… naiintindihan ko. Hindi madali ang dinaranas n’yo bilang magulang. Pero alam niyo kung sino ang mas nahirapan sa lahat? Ang anak ko." Tumingin siya sa kanila ng diretso. "Si Klarise ang araw-araw na binubura sa alaala ng asawa niya. Si Klarise ang gabi-gabing pinapatunayan ang pagmamahal sa isang taong hindi na siya matandaan. At kahit gano’n, hindi siya umalis. Hindi siya bumitaw."Tumulo ang luha ni Georgina, marahang pinunas habang tumatango. "Alam ko, mare. At sobra kaming humahanga sa anak mo. Kung kami ang masusunod, noon pa sana’y niyakap ni Louie si Klarise. Pero hindi gano’n ang nangyari.""Kaya nga," sagot ni

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 162

    Narito sa harap niya, humihingi ng tawad. Hindi na si Louie na puno ng galit at pagkalito, kundi si Louie na unti-unting bumabalik."Patawarin mo ko, Klarise..." sabi ni Louie, mababa ang boses, basag, puno ng pagsisisi. "Sana habaan mo pa ang pasensiya mo. Ittry ko na maalala ang mga nawalang alaala natin. Hindi ito madali… pero sana andiyan ka pa rin. Gumagabay. Umaalalay."Napalunok si Klarise. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ni Louie, nanginginig ngunit matatag."Louie…" humugot siya ng hininga. "Wala akong ibang inasam kundi ang gabayan ka. Kahit ilang ulit mo pa akong tanungin kung sino ako… kahit ilang beses mo pa akong itaboy…"Umiling siya, pinahid ang luha. "Pero 'yung mga salitang nasabi mo noon… akala ko tuluyan mo na akong nilimot. Akala ko ako na lang ang may hawak sa alaala nating dalawa."Tumingin si Louie sa kanya, mas lumapit, inilapit ang noo sa noo niya."Alam ko nasaktan kita sa mga masasakit na salitang nasabi ko," mahina niyang sambit, "pero ang totoo… ako ri

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 161

    Hindi niya alam kung paano siya makatayo. Hindi niya alam kung paano siya hihinga sa gitna ng bangungot at panalangin na tila nagkakasalubong ngayon sa kanyang dibdib.Klarise tinapik ang likod ni Luna, marahang hinaplos ang buhok nito. “Anak… andyan na si Daddy mo.”Hindi siya sigurado kung dapat siyang manginig o manalangin nang mas mariin. Pero ang tiyak niya — may bahagi ng puso niya na biglang nagising. Parang isang sinulid na matagal nang napigtas, ngayon ay muling tinatahi.Kinuha niya ang cellphone mula kay Hilirio. “Nasa’n siya, Tay?” mahina ang tinig pero puno ng kaba.“Nasa sasakyan pa raw. Pero paparating na.”“Ngayon?”Tumango si Hilirio. “Ngayong gabi.”Lalong humigpit ang yakap ni Klarise kay Luna. Halos hindi siya makahinga sa bigat ng sandali.Tahimik silang tatlo sa loob ng kwarto. Ang tanging naririnig ay ang malalim na hininga ng batang natutulog — at ang tibok ng pusong muling umaasa.Ilang minuto pa. Sa labas ng Olive Mansion.Ang gabi ay tila mas malamig kaysa k

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status