Share

Kabanata 2

Author: VIENNA ROSE
last update Petsa ng paglalathala: 2025-10-21 22:59:05

Sinira nito ang panata at nagsimulang uminom.

Halata na tinamaan na ng naimum na alak si Noah.

Pero si Noah nga ba ang narinig niyang sumigaw ng ganun?

Naalala ni Agatha si Noah noong high school sila. Isang malamig, malayong sa mga tao. Hindi lang ito seryoso habang nag aaral, kundi maging sa larangan ng mga laro. Kapag inaalok ito ng ibang babae na may gusto dito ng tubig, hindi nito iyon pinansin.

Nang naglaon, nang maging asawa siya nito, ang Noah na kilala niya bilang isang aloof na tao ay naging mas malayo ito sa kanya, mas naging malamig. Ang hindi palangiti noon ay mas lalong hindi niya nakitang ngumiti sa kanya. Kapag minsan tinatangka niyang hawakan ang kamay nito, naramdaman niyang napakalamig ng kamay nito tulad ng kalamigan nito sa kanya.

Ngayon, sa video na pinapanuod niya, umikot ang camera sa mukha ng lahat. Nakita niya ang isang lasing na si Noah, kumikinang ang mga mata, itinaas ang baso ng alak, at nakangiting tumingin sa camera.

“Welcome back, Nica.” sigaw nito at hindi maitago ang saya dahil sa pagbabalik ni Nica.

Ngunit, doon niya napagtanto. Marunong palang tumawa si Noah, marunong itong nguniti.

Ngunit hindi sa kanya, kundi ngumingiti ito sa taong gusto nito, tumatawa ito dahil masaya sa pagbabalik ng taong hinihintay nito. At lalong hindi binibigkas ang pangalan niya ng ganun katamis dahil hindi siya ang mahal nito.

“Madam, gising ka na ba?”

Umalingawngaw ang boses ni Tita Sheena mula sa labas ng pinto.

Alam ni Tita Sheena kung ano ang lagi niyang ginagawa. Kaya siguro nag aalala ito na hindi pa siya lumalabas kaya siya nito tinatawag.

Itinabi ni Agatha ang kanyang cellphone.

“Gising na ako, sandali na lang at lalabas na ako.” basag ang boses niya at halos mabulunan ng kanyang paghikbi.

….

Nagluto si Tita Sheena ng sinabawan dupling para sa almusal, ngunit halos hindi pa nakaubos si Agatha ng isa dahil wala siyang ganang kumain.

“Madam, ano pong tanghalian at hapunan ang iluluto ko mamaya?” tanong ni Tita Sheena na inabutan siya ng isang batong gatas.

“Kahit ano, una…”

Gusto niyang sabihin, gaya ng lagi niyang sinasabi, “WHATEVER MY HUSBAND LIKE” pero nilunok niya ang natitira pagkatapos lamang ng isang salita.

Naintindihan naman iyon ni Tita Sheena, dahil iyon naman ang palagi niyang sinasabi dito at pareho lang ang kanilang nagiging usapan.

“Sinabi pala ni sir Noah na hindi siya makakauwi ngayon para sa hapunan, mayroon siyang appointment,” mabilis nitong sinabi ang ibinilin ni Noah dito kanina.

Tumango si Agatha. Hindi na siya nagsalita.

Syempre hindi babalik ng maaga mamaya si Noah, at alam na niya ang dahilan. Hindi na siya maghihintay dito, dahil para sa kanya ay sapat na ang sakit ng kanyang limang taong paghihintay kay Noah.

Ngunit ngayon ay iba na ang kanyang plano kumpara sa araw araw niyang paghihintay sa pag uwi ni Noah.

Kailangan niyang ayusin ang alok sa kanya ng admission ng paaralan, kailangan niyang magmadali at kumpirmahin iyon.

Kaya ang una niyang ginawa ngayong araw ay magbayad ng confirmation f*e ng paaralan. Nang mag-pop up ang bank cark debit message sa kanyang cellphone, nakahinga siya ng maluwag.

Ang araw na aalis siya sa piling ni Noah at papalapit na ang araw.

…..

Kinagabihan, nagpalit siya ng damit at naghanda sa paglabas.

“Madam, saan po kayo pupunta?” tanong ni tita Sheena na hindi maitago ang pagkagulat .

Bihira siya nitong makitang lumabas nang wala si Noah.

“Makikipagkita lang ako sa dati kong kaklase sa kolihiyo, magpeperform kasi siya dito.” paliwanag ni Agatha kay tita Sheena.

Sa katunayan, nagbabalak siyang magstay sa isang hotel malapit sa venue ng pagsusulit.

May pagsusulit siya sa IELTS, at gaganapin iyon sa umaga. Nangangamba siya na kung bukas pa siya pupunta ay baka abutan pa siya ng trapiko at hindi na makaabot sa takdang oras.

Ang huling beses na kumuha siya ng IELTS ay ilang buwan na rin ang nakakaraan, Hindi niya nakuha ang score na inaasam niya ngunit dumating na ang deadline ng pagsusumiti ng kanyang aplikasyon sa pag aaral niya sa ibang bansa, kaya isinimute muna niya iyon. Hindi naman niya inaasahan na matatanggap siya, kaya nagtakda siya ng isa pang pagsusulit para bukas.

Sa kabutihang palad, pinapayagan ng paaralan ang mga may matataas na marka sa Ingles.

“Pero…” tumingin si tita Sheena sa kanyang binti. “Pwede ba akong sumama sayo?”

“Hindi, isa iyong pagtitipon kasama ang aking mga kaibigan, baka hindi sila maging komportable kung may iba akong kasamang tao.”

“Ipapaalam ko muna kay sir Noah ang…”

“Hindi na kailangan, hayaan mo na lang siya na magsaya sa pinuntahan niya. Huwag mo na lang siyang istorbuhin. Tatawagan ko na lang siya mamaya kapag tapos na ako sa pakikipagkita sa mga kaibigan ko para sunduin niya ako.”

Kinuha ni Agatha ang kanyang bag at lumabas ng bahay. Sumakay ng elevator pababa.

Sa pagtama ng sikat ng araw sa kanyang mukha, awtomatiko niyang ibinaba ang kanyang ulo, isinuot ang sumbrero, at itinaas ang kwelyo.

Mula ng mapilayan siya, nawala ang kumpyansa at masayang masaya na si Agatha sa entablado. Ang isang Agatha Gregoryo, na isang pilay ay nawalan na ng lakas loob na humakbang sa mata ng publiko.

Laging sinasabi sa kanya ni tita Sheena na kung gusto niyang lumabas, mas mabuting kasama ito o ang kanyang asawa.

Palagi rin namang sinasabi sa kanya ni Noah na kung wala ito ay mas mabuting manatili na lang siya sa bahay.

Pero hindi nila alam. Ang pinakakinatatakutan niya ay ang kasamang lumabas si Noah kaysa ang lumabas siya ng mag isa. Sapagkat, lahat ng nakakakita sa kanila ay may tingin sa kanilang mga mata na nagsasabing: Napakagwapong lalaki, bakit ang kanyang asawa ay pilay?

Tumawag siya ng taxi at nagpahatid sa isang hotel.

Sa loob ng sasakyan, tahimik siyang nakatanaw sa tanawin sa labas ng bintana, hanggang sa makita niya ang nakaparadang kotse ni Noah sa isang parking space sa gilid ng kalsada.

“Sandali, huminta ka muna.” mabilis niyang pinatigil ang driver.

Nakaparada ang sasakyan ni Noah sa labas ng isang mamahaling restaurant.

Bumaba siya sa taxi sa hindi malamang dahilan.

Pagkarating niya sa restaurant, diretsong tinanong ni Agatha sa nakasalubong na waiter.

“Naririto na ba si Mr. Villanueva?” tanong niya kasabay ng pagbanggit niya ng numero ni Noah.

Hindi na nagtanong ang waiter. Dinala siya ng waiter sa harap ng pinto ng private room.

“Dito po, ma’am.”

“Salamat.”

Sa katunayan, hindi naman alam ni Agatha kung ano ba ang ginagawa niya at bakit siya ngayon narito. Wala naman siyang lakas na buksan o itulak ang pinto.

Nanatili lang siya labas sa tapat ng pinto ng private room.

Narinig niya ang mga masayang usapan sa loob.

“Hindi ako pwedeng umuwi ng late ngayon, at hindi na ako pwedeng malasing. Nalasing ako kagabi at nagalit ang tigre sa bahay.” narinig niya mula sa loob.

Nabosesan iyon ni Agatha, isa sa mga barkada ni Noah mula pagkabata.

“Kaibigan ko pa rin ba kayo? Ang usapan natin ay walang uuwi ng maaga. Ngayon ay mabuting asawa ka na? Naging mabuting asawa na ba talaga ang kaibigan nating si Ryan?”

Boses naman iyon ni Nica. Ang boses nito ay malambot at banayad. Iyon pala ang personalidad ng babaeng mahal ni Noah. Ganun ang personalidad na gusto ni Noah.

Sa kasamaang palad, malayo siya sa personalidad na iyon, at hindi niya kayang dayain ang ugali niya o ang boses niya na maging mahinhin at maging banayad.

Nagpatuloy ang usapan nila sa loob.

“Pwede bang ganun din si Noah? Ang lakas naman ng loob ni Agatha kapag ginawa niya iyon sayo, Noah?”

“Oh! Tama nga.” muling narinig ni Agatha ang boses ni Nica. “Noah, nabalitaan ko na pilay ang asawa mo?

Wala siyang narinig sa tanong na iyon ni Nica.

Napahawak siya sa tapat ng kanyang puso. Nagsimula na namang mag usap ang mga kaibigan ni Noah sa loob.

“Sa totoo lang, naawa kami sayo, Noah. Tignan mo, napakagwapo mong lalaki, mayaman at maraming babae ang may gusto sayo. Pwede kang magpakasal sa kahit na sinong babae, pero bakit sa isang babaeng pilay pa?”

“Sa katunayan, ikaw ang pinakamagaling sa ating lahat. Ngayong ikinasal ka sa Agatha na iyon, hindi mo man lang siya maiharap sa amin o maisama sa mga mahahalagang okasyon na kailangang dalhin ang asawa. Hindi mo ba naiisip na nalulugi ka?”

Marahas ang pinakawalang paghinga ni Agatha habang nakikinig sa mga usapan nila.

Nakikita na niya…

Laging sinasabi sa kanya ni Noah, na hindi niya kailangan na makisali sa mga gawain nito at kailangan lang niyang manatili sa bahay at hintayin itong kumita ng pera para sa kanya.

Pinupuri ng kanyang pamilya si Noah hanggang sa taas at sinasabi sa kanya na nakapaswerte niya dahil tinatamasa niya ang magandang buhay, pero hindi nila alam ang pakiramdam na hindi siya maipagmalaki ng kanyang asawa sa labas.

Galing sa private room, mapait ang naging ngiti ni Noah bago sumagot.

“Malaki ang utang na loob ko sa kanya.”

“May utang ka sa kanya, oo. Pero binigyan mo na siya ng malaking pera, nabayaran mo na!”

“Tama, dapat binayaran mo na lang siya ng pera noon. Kailangan bang isakripisyo mo ang habambuhay mong kaligayahan?”

“Sinabi ko sayo, dapat mong pag isipan ng mabuti. Para ka na ring nag imbita ng isang santo sa iyong bahay na kahit pagpalain ka ng magandang buhay at pagpalain ng malaking halaga, ano ang magiging silbi nun kung hindi mo naman maipagmalaki ang asawa mo.”

“Oo nga, anong naitutulong niya sayo? Hindi mo nga maisama sa mga sosyal na okasyon. Ang pagsilbihan ka lang niya sa bahay? Para ano? Para maitapon lang niya ang tsaa dahil hindi siya makalakad ng maayos.”

May humagalpak na ng tawa mula sa loob sa mga naging usapan nila, isa na doon ang mabining tawa ni Nica.

“Noah, ganito ba ang lakad ng asawa mo?”

Si Agatha na nakikinig sa labas, umakyat na ang dugo sa ulo, at hindi na niya napigilan ang sarili. Itinaas ang kamay sa may pinto at malakas na itinulak iyon.

Sa loob, humahagalpak ng tawa ang mga kaibigan ni Noah. Habang ang kaibigan nitong si Ryan ay nakatayo, na may hawak na tray na may alak. Saka naglakad na pilay na parang ginagaya siya.

“Noah, noah. Uminum ka ng tubig, Noah, ah… Natumba ako.. Noah, yakapin mo ako—”

Tumingin siya kay Noah, na nakatayo at nakatingin kay Ryan habang nagsasadula na ginagaya siya. Umaasa siyang magre-react ito. Sa mga sandaling iyon, kahit ngayon lang na ipagtangol siya ng kanyang asawa.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
So sad for agatha🥲🥲🥲🥲
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Kabanata 448

    Matapos ang dalawang linggong pamamasyal ay uuwi na si Noah at Agatha. Miss na miss na nila ang mga triplets nila kaya nag-uwi sila ng maraming pasalubong, mga damit, chocolates at mga laruan para sa mga anak. Nang makababa sila ng eroplano ay nagpaalam muna si Noah na magba-banyo lang sandali kay

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Kabanata 447

    Nang magising si Anna ay si Gian agad ang una niyang nakita. “Anna, kamusta ka? Maayos na ba ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sayo?” sunod-sunod na tanong ni Gian. “Okay na ako, Gian… teka, dinala mo ba ako sa ospital?” tanong niya dito. “Oo, hinimatay ka eh…” Bigla namang iniluwa ng p**

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Kabanata 446

    “Hindi, seryoso, paano nga kapag bigla akong nawala, namatay ako? Paano? Anong gagawin mo? Maghahanap ka b ang iba? Magpapakasal ka ba ulit?” “Noah, gusto mo ba talagang sagutin ko yan? Bakit mo tinatanong yung mga ganyang bagay? Honeymoon natin…” “Gusto ko lang naman malaman eh…” “Hmm, siguro

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Kabanata 445

    Nakarating sila ng Europe ng matiwasay. Gabi na ng makauwi sila sa bahay ng tita niya kung kaya’t naisipan nilang kumain na lang sa labas at mag-go-grocery na lang sila bukas ng stocks na good for 2 weeks. Dalawang linggo lang silang mag i-stay doon dahil pagbalik nila ay siguradong busy na sila s

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Kabanata 444

    Masayang masaya si lola at ang tita ni Agatha sa kasal nila ni Noah. Nasaksihan nila ang lahat ng hirap na pinagdaanan ng dalawa kung kaya’t tuluyan silang naiyak habang wedding ceremony. Lalong-lalo na si lola, naalala niya na kapag pumupunta noon si Agatha sa bahay niya ay puno ng lungkot ang mg

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Kabanata 443

    Mabilis lang dumaan ang mga araw at kasal na ni Noah at Agatha. Noon, napaka private ng una nilang kasal ngunit ngayon ay inimbita nila ang lahat ng mga kaibigan at pamilya nilang nakasaksi sa pagmamahalan nila. Lalong-lalo na ang mga high school friends nila at mga kababata. Pumunta rin ang mga

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status