Share

TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!
TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!
Author: VIENNA ROSE

Kabanata 1

Author: VIENNA ROSE
last update publish date: 2025-10-21 22:58:19

Lagaslas ng tubig ang maririnig sa loob ng banyo.

Alas tres na ng madaling araw, kababalik lang ni Noah at ito ang naliligo sa banyo.

Tumayo si Agatha sa pintuan ng banyo.

Mayroon siyang gustong sabihin kay Noah. Medyo kinakabahan siya, hindi sigurado kung papayag ba ito sa sasabihin niya dito.

Habang nag iisip siya kung paano iyon sasabihin, may kakaibang tunog ang narinig niya mula sa loob kasabay ng lagaslas ng tubig…

Mga hingal at daing ang narinig niya, hindi siya pwedeng magkamali. Sa narinig niya ay parang isang mabigat na martilyo ang tumatama sa kanyang puso. Para siyang sinasakal at hindi siya makahinga ng maayos.

Sa katunayan, ngayon ang ikalimang anibersaryo nila ni Noah. Ikalimang taon na silang kasala pero hindi pa sila nagiging ganap na mag asawa.

Mas gugustuhin nitong magsarili at paligayahin ang sarili kaysa ang hawakan at galawin siya.

Habang naririnig niya ang daing mula sa loob, pabilis ng pabilis ang paghingal nito saka isang pangalan ang binanggit ni Noah kasabay ng pag ungol nito.

“Ahhh! Nica, hmm.”

Pagkarinig ni Agatha ang pangalang binanggit ni Noah kasabay ng ungol nito, para siyang binuhusan ng malamig na tubig at para siyang binigyan ng malakas at nakakamatay na suntok.

Bumilis ang pagtibok ng puso niya, parang dinudurog siya.

Sinubukan niyang takpan ang bibig para pigilan ang sarili sa pag iyak ng malakas, tumalikod siya at sinubukang tumakbo, ngunit natisod siya sa unang hakbang, nauntog siya sa lababo, at diretsong bumagsak sa sahig.

“Agatha?” tanong mula sa loob ng banyo, kahit na halata sa boses ni Noah ang hinihingal at mabigat parin ang paghinga.

“I… Gusto ko sanang gumamit ng banyo. Hindi ko alam na naliligo ka…” Pagsisinungaling niya at nagmamadaling humawak sa lababo para tumayo.

Sa sobrang pagkabalisa niya lalo siyang hindi makatayo ng maayos. May tubig sa sahid at lababo. Nadudulas siya.

Ilang sandali pa ay nakatayo na rin siya, ngunit lumabas na si Noah sa shower. Mabilis na kinuha ang bathrobe at isinuot, mahigpit na itinali.

“Anong nangyari? Nahulog ka ba?”

Sa kilos ni Noah ay may pagkukunwari na tutulungan siya.

Kahit na nasaktan at napaluha sa sakit dahil sa pagkakauntog si Agatha, itinulak niya ang kamay ni Noah, nahihirapan ngunit determinado siyang makatayo sa sarili niyang mga paa.

“Salamat, pero kaya ko ang sarili ko.” pagtanggi niya sa pag alalay nito.

Kahit na nahihirapan at muntik na nadulas ulit, nagawa niyang makalabas ng banyo pabalik sa kwarto.

Ito ang salitang pagtakas para sa kanya.

Gusto niyang takasan ang nangyari limang taon na ang nakakalipas. Tumakas sa limang taon nilang mag asawa ni Noah.

Ang tumakbo palayo sa labas ng mundo, tumakas sa mapag matang tingin ng lahat, at higit sa lahat ay tumakas sa nakikitang awa sa kanya ni Noah, takasan ang katotohanan na asawa siya ni Noah.

Paanong siya magiging karapat dapat na isang lumpo sa isang gwapo at matagumpay na Noah Villanueva?

Mayroon din naman siyang balingkinitang pares ng mga paa ngunit…

Lumabas na rin si Noah, nakasunod sa kanya, nagtanong sa banayad na tono at puno naman ng pag aalala.

“Nasaktan ka ba? Halika at tignan ko.”

“Hindi, okay lang ako.” pagtanggi niya saka humiga sa kama na agad niyang binalot ang sarili sa kubrekama.

“Okay ka lang ba talaga?” nag aalala na tanong pa ulit nito sa kanya.

“Oo.” sagot ni Agatha kay Noah at mariing tumango. Tumalikod siya ng higa dito.

“Hindi ka na ba gagamit ng banyo?”

“Hindi na, matulog na lang tayo.” mahina niyang sagot.

“Ikaw ang bahala. Anibersaryo natin ngayon, mayroon akong binili na regalo sayo. Buksan mo na lang iyon bukas.”

“Okay.”

Nasa gilid ng kama sa ibabaw ng bedside table ang regalo nito sa kanya. Nakita na niya kanina iyon. Ngunit hindi niya kailangang buksan dahil alam niya kung ano ang laman ng regalo nito.

Bawat taon, sa araw ng kanilang anibersaryo, sa parehong laki ng kahon ay alam niya na isa na naman iyong relo tulad ng iba na nitong naibibigay sa kanya. Kasama na rin ang regalo nito sa kanyang kaarawan. May siyam ng piraso sa drawer at ito ang ikasampu.

Doon na natapos ang kanilang usapan. Pinatay na nito ang ilaw at nahiga na rin. Naramdaman niya ang paglubog ng kama. Kasabay ng pagsama ng hangin sa amoy na shower gel na ginamit nito kanina.

Kasama niyang nahihiga si Noah sa dalawang metrong lapad ng kama, siya ay nakahiga sa kaliwa sa gilid at may tamang espasyo sa pagitan nila na kasya pa ang tatlong tao sa gitna.

Hindi na niya inusisa ang pagkarinig niya ng pangalan ni Nica at hindi na tinanong kung ano ang ginagawa nito kanina sa banyo. Pumikit na siya, na parang walang nangyari.

Nakatalikod siya kay Noah, nanlalamig. Nagmulat na may nanlilisik na mga mata.

Si Nica Mateo, kaklase niya noong kolihiyo, ang unang pag ibig ni Noah, ang diyosa sa mga mata at sa puso nito.

Pagkatapos makapagtapos ng kolihiyo, nagpasyang mangibang bansa si Nica at naghiwalay sila ni Noah. Nahulog sa matinding depresyon noon si Noah, nalulong sa alak at araw araw umiinum dahil hindi matanggap ang pag alis ni Nica na mas pinili nito ang mangibang bansa kaysa ang makasama si Noah.

Siya, si Agatha, kaklase niya si Noah noong middle school, at inaamin niya sa sarili na may gusto siya noon kay Noah sa mga panahong iyon.

Isang school hunk, isang cool at academically gifted na tao, samantalang siya ay isang arts student lang. Bagaman maganda siya, marami ding magagandang babae at higit sa lahat magaganda ang grado hindi tulad niya. Na hindi biniyayaan ng talino, at ang napili niyang daan ay ang sining na hindi kailangan ng talino. Pero sa tinahak niyang iyon ay hindi naman napapansin, at minsan pa ay palaging tinatanggihan ang isang tulad nila.

Kaya noon, lihim lang ang pagtangi niya kay Noah, hindi na siya nangarap na matapos ang middle high ay magkiita pa sila. Hanggang sa natapos siya sa dance academy at umuwi para sa summer vacation ay muli niya itong nakita. Isang lalaking nasuraysyray ang lakad.

Nang gabing iyon, nakainum din siya, naglalakas sa pakurbang kalsada, at ng tumawid siya sa kabila, hindi na niya tinignan ang ilaw trapiko.

Isang sasakyan ang mabilis na parating. Sa pag aalala niya ay itinulak niya si Noah para hindi masagasahan, ngunit siya ang nahagip ng kotse.

Siya bilang isang mananayaw, ay mahalaga sa kanya ang kanyang mga paa.

Gayunpaman, nabalian siya ng paa dahil sa pagligtas niya kay Noah.

Hindi na siya makasayaw ng maayos dahil sa pilay niya at hindi na makalakad ng maayos.

Nang naglaon, huminto na rin si Noah sa pag inum at inako ang responsibilidad sa kanya dahil sa pagligtas niya dito at pinakasalan siya.

Palaging nagpapasalamat ito sa kanya, ipinapaala nito ang pagligtas niya dito. Ngunit hanggang doon lang iyon, kahit na pinakasalan siya nito, malamig ang pagtrato nito sa kanya, gayunpaman ay palagi naman itong nagbibigay ng regalo at hindi nakakalimutan ang anibersaryo nila at ang kaarawan niya.

Kaya nitong ibigay lahat sa kanya, ngunit hindi ang pagmamahal nito sa kanya.

Naisip niya na darating ang araw na mamahalin siya nito kaya nagtiis siya, pero lumipas na ang maraming taon ay hindi parin nito nakalimutan si Nica. Kahit na ginagawa naman niya ang lahat para dito, ang maging mabuting may bahay, pagsilbihan ito ngunit si Nica pa rin ang laman ng puso’t isipan nito.

Habang siya, masasabing isa siyang martir at masyadong nagpapakatanga…

Hindi na siya nakatulog magdamag, nagbasa na lang siya ng email sa kanyang cellphone sa mga mensahe na hindi bababa sa isang daan.

Mga alok iyon sa kanya mula sa dayuhang Unibersidad, at iyon ang nais niyang sabihin kay Noah kanina, kung ayos lang ba na magpatuloy siya sa pag aaral sa ibang bansa?

Ngunit ngayon ay tila hindi na iyon kailangang tukuyin dito.

Limang taon na silang kasal, hindi mabilang ang gabing hindi siya mapakali, sa wakas ay dumating ang sandaling ito.

…..

Bumangon si Noah, habang siya ay tahimik lang na nakahiga.

Narinig niyang nakikipag usap ito sa isang katulong, si tita Sheena.

“May appointment ako ngayong gabi. Sabihan ang aking asawa na huwag na akong hintayin at matulog siya ng maaga.”

Matapos ibigay ang bilin na iyon, bumalik pa si Noah sa loob para tignan siya. Nakatakip siya ng kumot, basang basa na luha ang kanyang unan.

Kadalasan, kapag pupunta ito sa opisina, lagi na niyang inihahanda ang mga susuutin nito sa umaga, para isuot na lang niya ito.

Ngunit hindi ngayon, dahil ito na mismo ang tumingin ng maisusuot bago nagpunta sa kompanya.

Ilang sandali pa, iminulat na niya ang kanyang mga mata, mabuti na lang at hindi masyadong namaga ang kanyang mga mata.

Pagbangon niya, tamang tumunog ang alarm ng phone niya.

Ito na ang oras ng pag aaral niya ng Ingles.

Pagkatapos nilang magpakasal, dahil sa problema niya sa binti, hindi na siya lumalabas at nagkulong na lang sa bahay, at ang oras niya ay inilaan niya doon.

Bago tuluyang gawin ang kanyang pag aaral, nag scrool na muna siya sa kanyang cellphone.

Hindi siya mapakali, kung saan saang site siya nagpunta para maabala ang kanyang isip.

Hanggang sa mapunta siya sa site kung saan may makikita siyang video.

Napakapamilyar sa kanya ng larawan, tinignan niya ang pangalan ng account na iyon.

Nica Mateo (NM).

Ang video na iyon ay kuha kagabi.

Nausisa siyang panuurin ang video. Nang buksan niya iyon, ay agad siyang nakarinig ng masiglang musika, at pagkatapos ay may sumigaw: Isa, dalawa, tatlo, Welcome back, Nica! Cheers!

Hindi siya pwedeng magkamali, boses iyon ni Noah!

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jhoyen Domingo
MAGISING KANA GIRL!!
goodnovel comment avatar
Jhoyen Domingo
NAH CIMULA PA LANG ANG TANGA NA NG BIDA KAINIS TALAGA PAG TRANSLATE LANG]!!
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
🩷🩷🩷🩷🩷
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Kabanata 466

    “Sabi mo yan ah, baka naman itulak mo ako mamaya…” sabi ni Adrian na halatang halos wala ng tiwala. Hindi niya ito masisisi, halatang naging napakalupit niya sa nagdaang taon. Dahan-dahang tumayo si Adrian, kinuha ang kanyang unan at lumipat sa kama. Pinanood siya ni Nayeli habang ginagawa iyon.

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Kabanata 465

    Matapos makatulog ni Kevin ay maingat niyang pinatay ang ilaw. Tanging ang lampshade na lang ang natira doon na nagsisilbing liwanag. Kumalat naman ang amoy ng scented candle na gardenia sa paligid nang sindihan niya ang isa para makadagdag sa liwanag ng gabi. Iyon ang pinaka-palatandaan niya na n

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Kabanata 464

    “Adrian, Hijo, ikaw naman… huminahon ka… nagkausap na kami ni Nayeli at mukhang sincere naman siya sa pagkakataong ito kaya bigyan natin siya ng chance…” “Ma, alam mong palagi ko siyang binibigyan ng chance… maraming beses na at paulit-ulit niya lang akong pinaglalaruan!” sabi ni Adrian na napabunt

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Kabanata 463

    Tuluyang tumulo ang mga luha ni Agatha. Sa wakas ay mukhang natauhan na nga ang anak at bumalik na sa dati. Mabait at malambing na ulit ito ngayon. “Talaga, Anak? Babawi ka?” “Opo Mommy… gagawin ko lahat ng makakaya ko para makabawi ako sayo… sa inyo ni daddy…” Sa tuwa ni Agatha ay nayakap niy

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Kabanata 462

    “Nayeli, ayos ka lang ba?” tanong ni Agatha sa anak ngunit kumalas ito sa pagkakayakap at animo’y natataranta. “Mommy, si daddy po? Nasaan si daddy?” tanong ni Nayeli ngunit nakita niya ang larawan ng tatay niya sa sala. Isang malaking larawan… naka-ayos ng maganda at may mga palamuting bulalak. Pa

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Kabanata 461

    Sinubukan ni Nayeli na i-test drive ito at talagang napakaganda. Natuwa talaga siya. Ngunit habang nagmamaneho ay nagring na naman ang cellphone niya, hindi niya sana sasagutin dahil alam niyang si Leo na naman iyon pero nang mahagip ng mata niya ay nag-iba na ang caller ID. Nakalagay ay “Adrian”

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status