Tahimik lang ako habang naglalaro sa isipan ko ang sinabi ni Joshua kanina. Disoras na ng gabi, bawal sa akin ang magpuyat at may pasok na bukas kaya naman dapat ay tulog na ako, pero heto ako at iniisip ang sinabi ni Joshua. Shantall was pertaining to what they were believing, na may gusto ako sa kanya, na nagkakagusto ako sa kapwa ko babae. Sinasabi rin sa kanya nina Lyka na lagi daw akong nagsusumbong kay Tita Lucile kaya palagi ring napapagalitan si Shantall. Hindi naman ako nagsusumbong, si Tita Lucile ang kusang lumalapit sa akin para magtanong at ayoko namang magsinungaling sa kanya. Hindi ko alam kung ano ba ang meron at ganun na lang ako kagustong siraan nina Lyka kay Shantall. As far as I can remember, wala naman akong masamang ginawa sa kanya o sa kanila. When I asked Joshua for his insight, maging sya ay walang ideya at iniisip na baka dahil lang sa inggit. But what they are doing now is too much for a simple envy. Ngunit wala na rin naman akong ibang maisip na dahilan k
"Kyline?" "Ayoko munang lumabas, ma. Hayaan nyo muna ako." Nagpapasalamat ako nang hindi na muling nakarinig pa ng katok matapos kong sabihin yon. Though I know they wanted to talk to me about the further tests that Dr. Jimenez is talking about. Magmula nang malaman ko ang resulta ng tests at malaman ang kalagayan ko ay hindi na nila ako naka-usap kahit pa ng dumating na si papa. Kinulong ko ang sarili ko sa kwarto ayaw kumausap ng ninoman. I wanted to think, though my mind was blank at hindi makapag-isip ng maayos dahil sa napakaraming katanungan sa isipan ko. Bakit ako nagkasakit ng ganito? Anong gagawin namin ngayon? Saan kami kukuha ng pampa-gamot gayong alam kong hindi basta-basta ang gastos sa pagpapagamot ng ganitong sakit. Bumuntong hininga ako nang hindi ako makakuha ng maayos na sagot dahil maski sarili ko ay hindi rin alam. Ngayon, dumagdag na naman ito sa iisipin ko. Hindi pa nga tapos yung kay Shantall, ito na naman. Kailan ba ako matatapos sa problema? Since this
And it all began. Kahit pumapasok pa rin ako sa school ay may mga araw na umaabsent ako para gawin ang mga test na kailangan pang gawin sa akin para makumpirma ang lagay ko at kung gaano na kalala ang Leukemia ko. I have also researched about it at hindi biro ang pagkakaroon ng ganitong sakit, lalo na ang gastos sa pagpapagamot. Ngayon ay umiisip na ako ng mga paraan kung paano ako makakatulong sa mga gagastusin namin sa pagpapagamot ko. Ngayon pa lang na puro tests ang ginagawa sa akin ay hindi na biro ang ginagastos namin, lalo na at marami na rin gamot ang nireseta sa akin at hindi biro ang presyo ng mga ito. Pwede ng ibili ng isang kilong bigas ang presyo ng isang piraso. Alam kong unti-unti, hindi man sabihin sa akin nina mama at papa ay nababahala na rin sila sa pagkukuhanan ng gastusin namin. Idagdag pa na nag-aaral ako at dagdag pa sa gastos ang baon ko araw-araw. Gusto ko sanang maghanap ng part time job pero hindi nila ako pinayagan. May sakit na nga raw ako, bakit pa ako m
"May sakit ka?" Tulala akong napatingin sa kanya matapos nyang tanungin yon. Hindi ako nakasagot at ilang segundong walang imik habang nakatingin lamang kay Shantall na hawak ang braso ko. Hindi na iyon kasing higpit ng kanina at kung gugustuhin ko ay makakawala ako sa kanya. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay ayaw kong kumawala. Siguro ay dahil sa loob ko, sa ganitong paraan ay gusto kong maramdaman muli ang hawak nya kahit pa nga dahil lang may gusto syang malaman. May iilang ala-ala mula noong mga bata pa kami na ganitong hawak nya rin ang braso ko. Iyon ang mga panahon na napaka-clingy pa sa akin ni Shantall at ayaw nyang nagkakahiwalay kami. "Kyline, tinatanong kita." ulit nito. Doon lamang ako bumalik sa ulirat at ilang beses na napakurap. "A-ano? No, hindi, wala." magkakasunod na sagot ko. "Wala akong sakit—" "Eh, ano yung sinasabi nina ma'am Angie?" Napapikit ako ng mariin at pigil ko ang bumuntong hininga. Pilit kong pinapagana ang utak ko para makapaghanap ng maisasag
Nang buong gabing iyon ay hindi ako nakatulog at tulala lang na nakatitig sa kisame, nag-iisip kung ano ang magiging resulta ng mga test. Although confirmation na lang naman ang kailangan at nasabi na ng doctor ko na may sakit nga ako, mayroon pa ring parte sa akin na humihiling na sana ay nagkamali lang sila. Because honestly, I am afraid. If this is a dream, ipinagdarasal ko na sana ay magising na ako. Hindi maganda ang mga nangyayari simula pa noong pasukan, it is like everything was turning upside down and I don't know when would it end o kung matatapos pa ba ito. Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko na namalayan ang oras, hindi ko na rin namalayan na nakatulog na pala ako nang magising ay masakit ang ulo ko dahil sa puyat. Gayunpaman ay hindi ko sinabi yon kahit kanino at pumasok ng school ng walang gana.----- Mabilis na lumipas ang mga araw at dahil sa dami ng ginagawa namin at school requirements na kailangang asikasuhin, pati na ang booth namin at ibang activities na kailang
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang magtama ang mga mata naming dalawa. Mabilis din syang umiwas ng tingin habang napapailing-iling at hindi na tumingin pang muli sa akin pagkatapos non. Pero minsan ay nararamdaman ko na parang may nakatingin sa akin. Ganunpaman ay pinili kong huwag maapektuhan sa kanya lalo na't kasama nya sina Lyka na alam kong natutuwa rin kapag nakikitang naapektuhan ako sa kanila. Kaya naman bumuntong hininga ako saka bumalik sa pagche-cheer kay Joshua na mukhang magiging MVP nila dahil madalas na sya ang nakaka-shoot ng bola. I tried to be the unbothered queen as the game goes on, ngunit hindi ko pa rin maiwasang maging unkomportable kahit papaano. Pinipilit ko na lang na maging okay talaga at huwag pansinin sina Shantall at Lyka na ngayon ay sumisigaw na rin sa kabilang bleachers. Malakas ang sigaw ni Shantall at may hawak pang banner na prinint na may pangalan ng isang player mula sa team ng grade 12. Nagtataka man ay ikinibit balikat ko na lang y
As corny as it may sound, everything went silent for a while as my lips was pressed against Joshua's. Syempre ay nagulat ang lahat sa biglaang paghaik ko sa kanya ngunit di kalaunan, nang makabawi ay nagsihiyawan naman ang mga ito. But still, it was like everything was silent as my whole attention was on the feeling I am having right now. It's odd and I can't explain it, I can't even name what I was feeling at that moment. But one thing I was sure of? It was that, whatever I was feeling when I kissed, it wasn't kilig. Hindi ko man maipaliwanag ang nararamdaman ko, alam kong hindi kilig yon at iyon ang mas ipinagtataka ko. Unti-unti ay humiwalay ang mga labi ko kay Joshua na ngayon ay mataimtim akong tinitingnan. His dark brown orbs were staring at me with sparks in it. But it wasn't long when my focus was averted to another set of eyes boring at my back, as if digging a hole on it. Ramdam ko nang mga oras na yon ang matalim na titig sa akin ni Shantall at wala akong lakas upang lumi
Mabilis na kumalat sa campus ang ginawa kong paghalik kay Joshua sa covered court. In an instant, I became the hot topic of the school. Ngunit hindi lang naman ako sa school namin naging sikat, maging sa ibang school din dahil nakuhanan pala ng campus journalists namin ang lahat ng nangyari. Laman ako ng social media ng mga estudyante na nasa area ng city kung saan kami nakatira at dahil mabilis kumalat ang mga tsismiss sa social media ay umabot na rin ito maging sa ibang school. Dahil doon ay biglaan kaming napatwag ni Joshua sa office para kausapin ng mga teacher namin. "Hindi naman namin kayo pinipigilang ihayag ang feelings ninyo sa isa't-isa. Naiintindihan namin na nasa edad kayo kung saan nagiging mapusok kayo at nadadala ng bugs ng mga damdamin ninyo. But Kyline, please, next time refrain from doing things like that. Hindi magandang tingnan at some way and besides, both of you are one of the model students of our school." "Alalahanin ninyong school representatives din kayo k