It has been days since I woke up. Ngayon ay mag-isa na naman ako dahil naging busy na naman sila sa kaniya-kaniya nilang buhay.
Si mama ay sa business nya, patuloy itong lumalago at mas dumarami ang inoorder nya sa suplier dahil palaging mabilis maubos ang mga paninda. Kumuha na rin sya ng panibagong makakatulong sa kanya dahil hindi na talaga nya kaya ng mag-isa lang. Minsan ay tumutulong din sa kanya sina Shantall at Joshua.
Ang mga ate at kuya ko naman ay patuloy sa paghahanap buhay para patuloy rin na makatulong sa pagtustos sa pagpapagamot ko. Ganun din si papa na ilang taon na lang ay magreretiro na. Kahit naman hindi na sya mag trabaho ay may sapat na ipon na sila ni mama para mabuhay na lang sa business.
Sina Joshua at Shantall naman ay busy na sa nalalapit nilang gradution. Joshua will graduate high school as a valedictorian habang si Shantall ay with high honors. Masaya ako na hindi lang sila basta gagraduate ng high school,
CHAPTER 47 "Ate, kapalan mo ng kaunti, ah? Dapat maganda ako sa graduation ni Shantall. Magpapa-picture pa kami nyan eh. Ayoko namang pangit at maputla ako sa picture namin ngayong graduation nya." Ngumiti si ate at tahimik na sinunod ang hiling ko. Muli nyang binuksan ang liquid foundation at sinimulang kapalan ang layer sa mukha ko habang ako naman ay tahimik lang na pinanood sya sa ginagawa nya. Kung hindi ako nagkasakit, siguradong ganito rin ang eksena namin. Iyon nga lang ay siguradong ganado sya dahil excited sya sa nalalapit kong graduation, hindi katulad nito na kitang-kita ko ang pagpipigil nya ng luha. Maging ang ibang kasama ko dito sa bahay, ramdam ko ang pagpipigil nila ng mga emosyon nila sa bawat araw na lumilipas. Hindi man nila ipakita sa akin, alam kong gaya ko ay nahihirapan din sila, nasasaktan. Simula nang ma-discharge ako sa ospital at maka-uwi dito sa bahay ay dumoble pa lalo ang pag-a
Shantalla Carin Alvuero Mabilis kong sinundan si Kyline nang makita kong nagpunta sya sa direksyon ng cr. Hindi ako nagpahalata sa kanya at pasimpleng sumunod. Nang madako ang tingin ko sa teacher ko ay pasimple nya akong pinaningkitan ng mata dahil sa ginagawa ko ngunit hindi ko sya pinansin. Hindi na baleng mapagalitan ako mamaya. At least, wala na akong aalalahanin na grades na maaring maapektuhan dito sa ginagawa ko o na baka ma-guidance ako. I am now graduated from high school. Nang makarating na sya sa comfort room ay hinayaan ko muna syang magtagal ng kaunti sa loob bago ako sumunod. Nang makapasok ako ay matiim syang nakatingin sa tissue na may bahid ng dugo at alam kong galing iyon sa ilong nya dahil namumula din ito. Tahimik akong napasinghap dahil alam kong napansin nya rin na hindi na katulad ng natural na dugo ang dugong naroon. Hindi kagaya ng ibang dugo na malapot at mapula, ang sa kanya ay malabo at animo'y
"Shantaaaaaaaalllllll!!!!!!" "Putcha!" Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ko nang marinig ang kalabog ng katawan nya sa sahig. Dali-dali akong gumapang sa gilid ng kama nya at sinilip sya, pabangon na sya at nang tuluyan na syang maka-upo ay mas lalong lumakas ang tawa ko nang makita ang hitsura nya. Sabog ang kulay uling nyang buhok at nagkalat ang mga hibla nito sa mukha nya, may dumikit pa sa pisngi nya dahil sa panis na laway na syang mas ikinatawa ko. Hanggang sa ibaba siguro ng bahay nila ay maririnig ang pagtawa ko habang nakahawak ako sa tiyan ko at tuluyang napahiga sa kama nya. Dahil sa sobrang pagtawa ko ay hindi ko namalayan na nakatayo
"Ito na kaya lahat ng gagamitin natin?" As usual sa wala na sa mood na si Shantall ay binigyan nya ako ng walang ganang tingin at pina-ikot ang mga mata nya. Napabuga na lamang ako ng hangin at sinundan sya nang maglakad sya para pumila na sa counter na may pinaka-maiksing pila. Hindi namin inaasahan na kahit hindi kami nagpunta sa alanganing araw at alanganing oras ay marami pa rin ang makakasabay namin ng mga mamimili. Sa sobrang dami ng tao, ang aircon ay wala na ring silbi at pinagpapawisan pa rin kami kahit nasa loob pa kami ng mall. Pabagsak nyang inilapag ang tray kung nasaan ang mga pinamili nyang gamit. Bahagya pa ngang napa-atras yung nauuna sa kanya sa pila dahil doon, saka nya kinuha ang panyo nya para punasan ang pawis nya. "Ah, bakit ba kasi ang hilig ng mga Pilipino sa sex at hindi pa marunong gumamit ng condom o pill. Ayan tuloy, patuloy na dumadami ang populasyon ng mundo, patuloy na dumadami ang salot sa mundo." Pinigilan ko
"Ah, finally! Lunch!" Pabagsak kaming naupo ni Shantall seats na napili namin dito sa canteen. Lunch break na at hapong-hapo na kami sa maghapon dahil sa dami ng ginagawa. Dalawang buwan na mula nang magsimula ang klase, at ngayon ay paparating na naman ang first semester exams. Naghahabulan na naman ang mga estudyante para sa mga requirements na kailangan nilang ipasa, mabuti na lang at hindi kami isa don ni Shantall pero pagod pa rin kami dahil goal namin ang makakuha ng With High Honor title. "Shantall!" Sabay kaming lumingon nang marinig namin na may tumawag sa kanya. Nandilim ang paningin ko nang makita na naman sina Lyka at ang mga kasama nya— ang mga barkada nya. Siguradong narito na naman sila para isama si Shantall sa kalokohan nila na hindi ko papayagan. Nang magsimula ang klase, sila ang naging mga bagong kaibigan ni Shantall. Likas sa kaibigan ko ang pagiging pala-kaibigan kaya naman naging madali sa kanila na lapitan ito at isama sa mga k
Hindi ko na muling naka-usap pa si Shantall matapos ang nangyari kaninang lunch. Kahit na magkaklase kami ay hindi naman sya tumabi sa akin na syang nakagawian na namin sa tuwing nasa iisang klase lang kami, katabi nya sa buong klase ang dalawa sa grupo nina Lyka na kaklase din namin. Buong klase, hati ang atensyon ko sa kanya at sa discussion. Imbes kasi na makinig ay dinadaldal sya nung dalawang babae na mula kina Lyka, hindi ko naman sila magawang suwayin dahil malayo ang upuan nila mula sa kinauupuan ko, isa pa ay siguradong mapapagalitan ako ng teacher namin kung tatayo ako at pupuntahan ko sya gayong nasa kalagitnaan kami ng discussion. Nang uwian na ay hindi ko rin sya naabutan dahil nauna silang lumabas habang ako ay kinausap pa ng teacher namin para sa class project na ibinigay. Bilang class president ay obligasyon kong pangunahan ang lahat at unahin ang responsibilidad ko sa klase kaysa kay Shantall kaya naman wala akong magawa kung hindi ang maupo sa harap
"Promise, tayo lang ang mag best friend hanggang sa last day of Earth." "Sure ka? Baka makahanap ka ng ibang kaibigan." "Hindi kaya." "Sus, ikaw pa, alam ko namang sa ating dalawa, ikaw ang pala-kaibigan. Malabong wala kang mahanap na bagong kaibigan." Bumuntong hininga si Shantall nang sabihin ko iyon at umupo sa tabi ko. Malungkot ang mukha ko dahil sa alam kong malabong magkatotoo ang sinabi nya na k abaqqqbhindi sya magkakaroon ng ibang kaibigan. Siguro, ako ay oo, w* q? Yyy pa a kpaqlnga lang na element , . B b n n am a m m hhhhhbbb . mv mr n ny . . m m m vmkami ay maragmi na ang lumalapit sa kanya, paano pa kaya kung nasa high school na kami. "Magkakaroon ako ng ibang kaibigan pero ikaw ang nag-iisang the best. Okay?" Huminga ako ng malalim at tumango, "Oo na, sige na nga." Tumawa ito at itinaas ang pulusuhan nya kung saan naka-suot ang bracelet na ginawa naming dalawa last year. May pattern ba ang beads non ayon sa pabor
Isang linggo na ang lumipas at hindi pa rin kami nakakapag-usap ng maayos ni Shantall. Whenever I try to reach out to her, agad syang iiwas na para bang may nakakahawang sakit ako. Nasasaktan ako but I couldn't do anything about it, idagdag pa na kasama na nya palagi ngayon sina Lyka. I wanted to shout at them at sabihing maglayo silang dalawa sa tuwing nakikita ko silang kasama. I know that Lyka is provoking me to do something, something that even I couldn't figure out what pero alam kong nagtatagumpay ang babaeng ito sa balak nya. Day by day na nakikita ko silang magkasama at halatang-halata ang pagpapa-inggit sakin ni Lyka dahil sya ang kasama ni Shantall imbes na ako ay nagpupuyos ako. Gusto ko syang sakalin at kung pwede lang sana ay ibaon sya ng buhay. Kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakikita mo sya. "Kyline, calm down." Bumuga ako ng hangin nang marinig ang boses ni Joshua. Sa nakaraang mga araw din ay sya ang naging kasa-kasama ko, it's odd ngu