Share

REVISED - CHAPTER 2

"Ito na kaya lahat ng gagamitin natin?"

As usual sa wala na sa mood na si Shantall ay binigyan nya ako ng walang ganang tingin at pina-ikot ang mga mata nya. Napabuga na lamang ako ng hangin at sinundan sya nang maglakad sya para pumila na sa counter na may pinaka-maiksing pila.

Hindi namin inaasahan na kahit hindi kami nagpunta sa alanganing araw at alanganing oras ay marami pa rin ang makakasabay namin ng mga mamimili. Sa sobrang dami ng tao, ang aircon ay wala na ring silbi at pinagpapawisan pa rin kami kahit nasa loob pa kami ng mall.

Pabagsak nyang inilapag ang tray kung nasaan ang mga pinamili nyang gamit. Bahagya pa ngang napa-atras yung nauuna sa kanya sa pila dahil doon, saka nya kinuha ang panyo nya para punasan ang pawis nya.

"Ah, bakit ba kasi ang hilig ng mga Pilipino sa sex at hindi pa marunong gumamit ng condom o pill. Ayan tuloy, patuloy na dumadami ang populasyon ng mundo, patuloy na dumadami ang salot sa mundo."

Pinigilan ko ang sarili kong matawa nang mapatingin sa kanya ang mga tao dahil sa sinabi nya. At ang gaga, feeling unbothered. Walang paki-alam kahit ang iba ay ang sama ng tingin sa kanya. Bahagya akong sumiksik sa kanya at siniko sya.

"Gaga ka, babaita. Ang daming nakatingin sayo, natamaan ata sila." bulong ko.

She scoffed, "Aba, bakit, kasalanan ko? Di ko naman kasalanan kung kilala nila sarili nila, 'no. Dzuh."

Napailing na lang ako sa isinagot nya. Kahit kailan talaga, napaka-pranka at hindi na uubra ang salitang biro sa tuwing wala sya sa mood. Well, sino ba naman ang hindi mawawala sa mood gayong napakarami na nga ng costumer at tatatlo lang ang gumaganang cashier.

"Ganito talaga sa Pilipinas, 'no? Alam na nilang maraming customer, tapos kaunti lang ang on-duty employees nila." sabi ko.

Tumango naman sya at sumagot nang, "Sinabi mo pa."

Kahit ano pa naman ang reklamo namin ay wala din naman kaming magagawa kung hindi ang maghintay. At imbes na maaga sana kaming makalabas sa bookstore at makakain na ay mas lalo pang tumagal nang magkaroon ng inconvinience sa isang cashier at iniwan ang trabaho nya para daw tawagin sandali ang supervisor nila.

Mas lalo lang umangal si Shantall dahil doon at hindi ko na rin maiwasan ang mainis. Ganunpaman, naghintay na kami dahil wala rin kaming choice kung hindi ang mag-hintay pa rin kami. Narito na kami eh.

Lumulubog na ang araw nang makalabas kami sa bookstore. Pareho kaming tahimik habang naglalakad sa kalagitnaan ng mall dahil pareho nang sira ang mood namin.

"Saan tayo kakain?" tanong nya.

Bumuntong hininga ako. "Ewan. Kahit saan na lang, basta may makain."

Nagtalo pa kami ng di kukulang sa isang minuto bago namin napagpasiyahan na kumain na lang sa McDonalds. Hindi gaya sa bookstore ay hindi masyadong marami ang taong kumakain sa fastfood na napili namin na syang ikinatuwa namin.

Burger at BFF fries ang inorder namin since pauwi na lang rin naman kami. Kapag umorder pa kami ng may rice ay baka hindi na kami makakain pag-uwi sa bahay at baka masermonan pa kami ng mga nanay namin.

Magaling na rapper pa naman ang mga nanay namin.

I chuckled mentally.

Sa sakayan ay medyo nagtagal din kami dahil sa haba ng pila at wala pang jeep, nang makasakay naman kami ay tagaktak din ang pawis namin dahil para na kaming mga sardinas kung ipagsiksikan ng caller sa isang jeep.

Nang maka-uwi kami ay bagsak talaga ang katawa ko. The usual life in Pinas sa tuwing wala kang sariling sasakyan, isama mo pa ang walang katapusang traffic kahit na sa mga probinsya pa. Halos lahat na kasi ng klase ng sasakyan ay nasa Pilipinas na.

"Oh, naka-uwi ka na pala, nabili mo ba lahat ng kailangan mo?" boses yun ni mama mula sa kusina.

Ako naman na nakasandal sa sofa habang nakapikit ang mga mata ay tumango kahit hindi naman nya ako nakikita. Pero sumagot din ng 'oo' nang marinig kong tawagin na nya ako sa pangalan ko ng may diin.

"May natira pa sa pera mo?" tanong nyang muli.

Again, I nodded kahit hindi naman nya nakikita. "Hmm. Meron pa naman."

"Hingi ka na lang ulit kay papa mo pag dating nya para madagdagan yang allowance mo. Baka sa Sabado ng gabi na daw sya maka-uwi, tumawag sya kanina."

"Opo."

Bahagya akong napangiti dahil alam kong kaya nya ako pinahingi kay papa ng allowance kahit kaya naman nya akong bigyan ay dahil alam nyang bibigyan ako ni papa ng sobra pa sa monthly allowance ko na pinag-usapan namin. Alam kasi ni mama na marami pang ipabibili ang mga teacher kahit na nakapamili na kami ng mga gamit.

Sa kanilang dalawa kasi, si papa ang mas galanteng magbigay sa akin ng pera kaysa kay mama. Nagpapa-sobra si papa sa tuwing inaabutan nya ako ng allowance habang si mama naman ay sakto lang ang ibinibigay sa akin. Kuripot ba.

Nagpaalam ako na papasok na ako sa kwarto para maayos na ang school bag ko. Sinabihan ko na lang sya na tawagin ako kung kakain na. Kaming dalawa lang naman kasi ang magkasama sa bahay since stay-in ang trabaho ni papa sa Manila at tuwing weekend lang sya umuuwi.

Si mama naman ay may sari-sari store sa tapat ng bahay, dito namin nakukuha ang pang-araw-araw na pagkain habang yung sweldo ni papa ay sa ibang gastusin dito sa bahay at para sa savings.

Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang balak namin ni Shantall na maghanap ng part-time job ngayon senior high school para naman makatulong kami sa pagtustos sa pag-aaral namin. With that, I took my phone from my bag to chst her.

"Pst! Yun nga palang plano natin na magpart-time job, tuloy pa?"

It didn't take her long to reply dahil active din naman sya.

"Syempre, tuloy."

Nagtipa ako ng ire-reply habang isa-isang inilalabas ang mga gamit mula sa plastic na pinaglalagyan ng mga ito. Sumabit pa nga ang spring nung tatlong notebook kaya kinailangan kong bitawan sandali ang cellphone ko para ayusin yon.

"Eh, saan naman tayo mag-aaply?"

"Kahit saan. Basta kaya. Gusto mo mangangalakal pa eh."

Natawa ako sa isinagot nya. Kahit kailan, hindi mawawala ang kalokohan sa mga sagot namin.

"Baliw. Sige na, usap na lang tayo mamaya, pwede ka ba? Ayusin ko muna 'tong mga gamit na binili natin."

Imbes na isagot sa akin ay kung pwede ba sya mamaya o hindi, sinagot na naman ako ng kalokohan.

"Nag-aayos ka ng gamit sa school? Sinong niloko mo? Pagong? Eh da-dalawa nga lang yung dala mong notebook minsan."

"Baliw. Dinamay mo pa ako sa kalokohan mo."

"🖕 100 ×."

Umiling-iling na lang ako nang makita ang bad finger emoji na reply nya at ibinaba na ang cellphone ko. Wala akong matatapos sa ginagawa ko at wala akong makukuhang matinong sagot sa kanya kung patuloy ko pa syang kukulitin. Siguro ay ako na lang ang pupunta sa kanila mamaya.

Ginugol ko ang dalawang oras para mai-ayos lahat ng kailangan ko para sa pasukan na sa Lunes na. Magmula sa mga gamit ko sa bag na unti-unti ay mangangawala at mababawasan din naman, sa pagkukuskos ng pampa-itim sa black shoes ko, hanggang sa pag-plantss ng uniform ko ay tinapos ko na.

Nang pumunta ako sa kusina para kumain ng hapunan ay ipinagmalaki ko kay mama ang kasipagan ko ngayong hapon. At as usual, imbes na matuwa ay nasermonan pa ako na sya namang normal na sa kanya. Hindi ata si mama ang kasama ko kung hindi bababa sa walong sermon ang matatanggap ko sa mula sa kanya sa loob ng isang araw.

"Aba, mabuti nag-plantsa ka ng uniform mo. Anong nakain mo?"

I made a face, "Ma naman, syempre nagbabagong buhay na ako. Senior high school na ako, 'no."

"Nako," umiling-iling sya habang inilalapag ang isang mangkok ng gulay. "Sinong niloko mo, Kyline? Ngayon lang yan na naka-sumpong ka."

"Ma naman, kampihan nyo naman ako kahit ngayon lang." simangot ko.

"Aha, asa kang kakampihan kita sa katamaran mo, sasabunutan pa kita. Kumain ka na nga."

Tuluyan na lang akong napasimangot nang marinig ang sinabi nya. At gaya ng inaasahan, nasermonan ako nang makita nyang nakasimangot ako sa harapan ng pagkain kaya naman ngumiti ako ng napakalawak, to the point na para na akong nakangiting aso.

Habang kumakain kaming dalawa ay nag-uusap kami tungkol sa kung ano-anong bagay, hanggang sa mapuna nya bigla ang pasa na namuo na naman sa kanang braso ko.

"Saan mo galing yan? Ang laki oh, parang nasuntok. Nakipag-away ka?"

Sinulyapan ko lang ang pasa ko na kahapon ko pa napansin at kumibit balikat saka nilunok muna ang nginunguya ko bago nagsalita.

"Ewan ko din saan ko nakuha yan eh. Baka nakuha ko lang nang di ko namamalayan, alam mo namang malikot kami ni Shantall."

"Ganun? Sige, lagyan mo ng ointment mamaya para hindi na lumala."

Tumango ako nagpatuloy sa pagkain.

Sa totoo lang, ilang buwan na rin simula nang magsimula akong magkaroon ng mga pasa ng walang dahilan. Bigla na lamang silang lumilitaw at animo ay nakipsg-away nga ako sa sobrang marka. Madalas ay itinatago ko na lang yon gamit ang make-up o long sleeved na damit. Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang mga ito, pero medyo nababahala na rin ako dahil madalas din itong sabayan ng pagsakit ng ulo na napapadalas na din ngayon kaysa sa dati.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status