Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at ang unang bumungad sa akin ay ang puting kisame. Sinubukan kong gumalaw ngunit agad na sumigid ang sakit sa buong katawan ko na syang ikina-ungol ko dahil hindi ko rin magawang magsalita. Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko at unti-unting bumalik sa akin ang mga nangyari.
Narinig ko ang mga mabibilis na yapak mula sa di kalayuan hanggang sa narinig kong parang may humawi ng kurtina at bumungad sa akin si Joshua na nag-aalala. Agad itong umupo sa tabi ko at hinawakan ang mga kamay ko habang ang isa nyang kasama na sa tingin ko ay ang school nurse at chineck ako. "Miss Del Rosario, sabihin mo sa akin kung anong nararamdaman mo." Nang marinig ko ang boses nya ay doon ko nakumpirma na ang school nurse nga ito at nasa school clinic ako. Dahan-dahan akong humugot ng malalim na hininga saka sinabi sa kanya na masakit ang buong katawan ko at kumikirot ang ulo ko, though napakahina ng boses ko dahil nga hirap din akong magKyline Grace Del Rosario's Nang muli akong magising ay nasa kwarto ko na ako, naka-uwi na kami sa bahay. Hindi gaya nang una akong magising ay hindi ako agad tumayo, nanatili lang akong nakahiga habang pilit na inaalala kung paano ako naka-uwi gayong ang huling pagkakaalala ko ay nakatulog akong muli sa school clinic. Bumaling ang tingin ko sa pinto nang bumukas yon at pumasok si papa. Agad syang naupo sa gilid ng kama ko nang makitang gising na ako at kinamusta ang pakiramdam ko. I told him I'm okay than earlier. "Maganda kung ganoon. Inuwi ka na namin para mas makapag-pahinga ka ng maayos. Pupunta dito mamaya si Joshua pagkatapos ng klase," "Anong oras na po ba?" tanong ko. "Maga-alas singko na, baka mga six daw nandito na sya kasi may mga aasikasuhin pa sya." "Yung booth na pinaghahandaan namin," Tumango si papa, "Nasabi nya nga. Sya na daw ang bahala don, may kinuha syang notebook sa bag mo kanina, sabi nya hiramin daw nya
"I'm straight, while you're not." What the hell? Paulit-ulit na naglalaro ang sinabing iyon sa isipan ko. She's straight, while I'm not. Ang isa sa mga dahilan kung bakit nya ako iniwasan ang para hindi na mas lalo pang lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya. And who the hell told her that? Si Lyka? Sumusobra na talaga ang isang iyon. Binuksan ko muli ang email application ko at binasa ang email na sinend nya. Kaya nya ako dito pinadalhan ng mensahe dahil blocked ang lahat ng accounts ko sa kanya, maging ang phone number ko ay naka-block sa device nya.From: shantallalvr@g***l.comTo: kylinedlrsr@g***l.comKyline, First of all, I'm sorry. Alam kong nasasaktan ka sa mga pang-iiwas at pangbabalewala na ginagawa ko sayo. I know it's not right, but I have to do it. Please, huwag ka ng mag-effort na kausapin pa ako uli. We're better this way, Kyline. Habang lumilipas ang panahon ay maraming nagbabago at kasama na doon ang pagkakaibigan
She kissed me, Shantall kissed me. Tulala ako habang naka-upo sa stone bench ng park. Matapos akong halikan ni Shantall ay umalis na ito at naiwan akong nakatulala dahil hindi ako makapaniwala sa nangyari. I touched my lips, my heart was beating fast inside my chest, pakiramdam ko, ano mang oras ay lalabas na ito mula sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito. My hands were slightly trembling, my brain is a whirpool of thoughts at nahihilo ako. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pain reliever na ininom ko, kung pagod ba ang katawan ko o dahil hinalikan ako ni Shantall. Sinubukan kong tumayo ngunit napa-upo lang ako ulit, hindi magawang suportahan ng binti ko ang katawan ko. Huminga ako ng malalim at kinuha ang cellphone ko na nasa bulsa ko para i-text si Joshua, sana lang ay gising pa sya. Wala akong ibang choice kung hindi ang humingi ng tulong sa kanya dahil pakiramdam ko ay kahit magtagal ako ng ilang oras dito, hindi ako kakalma. Bakit ba
Joshua Gyen Mercado's Muli kong natagpuan ang sarili ko sa park kung saan ko pinuntahan si Kyline kanina. Bumuntong hininga ako nang maalala kung ano ang hitsura nya nang madatnan ko sya. She was so pale and trembling in cold, nahihirapan itong huminga, mabuti na lang at napakalma ko rin sya kinalaunan. Gusto ko syang sermonan dahil talagang tumakas pa sya kahit alam nyang kailangan pa nyang magpahinga. She did that just to see Shantall, her so called best friend na pinabayaan lang sya nang pinagtutulungan sya nina Lyka. Her so called best friend na nanguna pang husgahan sya just because there is a possibiliy that she could be a lesbian or bisexual. Pinagmasdan ko si Shantall na tahimik lang na nakatayo habang prente na akong naka-upo sa stone bench at hinihintay na lang syang simulan ang pag-uusap namin. Alam kong involve si Kyline dito, of course, hindi naman ako kakausapin ng ganito ni Shantall kung hindi tungkol kay Kyline. Naningkit ang mga mata ko nang makitang
Kyline Grace Del Rosario's Two days later, mas maayos na ang pakiramdam ko kaysa sa mga nakaraang araw. Hindi na rin gaanong kumikirot ang braso ko pero kailangan pa rin ng ibayong pag-iingat dahil nasasaktan pa rin ito sa tuwing nabibigla. Pinatuloy na ako nina mama at papa na huwag pumasok hanggang weekend, kaya naman sa Lunes na ang pasok ko. Natuyo na rin ang ibang galos ko at nawawala na ang iba. Ngayon ay Sabado at hinihintay ko si Joshua sa bahay para mapag-usapan na naman namin ang mga plano para sa booth. Sa ilang araw na hindi ako pumapasok ay sya ring araw-araw nyang pagpunta dito sa bahay para i-update ako sa mga bagay sa school. Ma-effort rin sya na pinupuntahan pa isa-isa ang mga teacher ko para ipanghingi ako ng home modules at makahabol sa lessons namin. Dahil may kahinaan rin ako sa Math at doon sya magaling ay sya ang tumutulong sa akin na intindihin ang lessons. Simula rin nang gabing puntahan nya ako sa park nang halikan ako ni Shantall, h
The smell of ethanol and medicine filled my nostrils when my consciousmess came back. But although I was already awake, I couldn't open my eyes. Pakiramdam ko ay napakabigat ng talukap ng mga mata ko at hindi ko man lang magawang subukang buksan ang mga ito. Sinubukan ko ring pakiramdaman ang iba pang bahagi ng katawan ko at gaya ng sa talukap ng mga mata ko ay mabigat din ang mga ito. I felt like I was exhausted, I was drained pero wala naman akong naalalang gumawa ako ng mabigat o napagod ako. The memory when I passed out while packing my things on my school bag came back to me. Ang mura ni Joshua ang huling narinig ko bago ako tuluyang nawalan ng malay. Hinayaan ko munang lumipas ang ilang minuto bago muling sinubukang ibuka ang mga mata ko. Thankfully, I was able to slightly open my eyelids when I tried again this time at ang bumungad sa akin ay ang puting kisame ng ospital. Alam kong nasa ospital ako sa amoy pa lang ng gamot at sa lamig na nanggagaling mula sa a
Tulala akong nakatingin sa kawalan at mag-isa habang inaalala ang sinabi ng doctor. Ayoko mang mag-overthink ay hindi ko maiwasan lalo na't iba ang tono ng pananalita nya kanina. Hindi ko maiwasang mabahala at mag-isip ng kung ano-ano. Dumaan na dito sina mama kanina pero kinailangan din nilang umalis kaagad dahil may mga bagay pa silang aasikasuhin para sa gagastusin namin sa mga test na iu-undergo ko. Kailangan akong mahunan ng blood sample at kung ano-ano at hindi naman biro ang gagastusin doon. Napabuntong hininga ako nang maramdaman kong parang nagiging pabigat na naman ako sa lagay na ito. Plinaplano ko nga na mag-working student para matulungan sina mama, tapos ngayon, ito na naman. "Hay, buhay nga naman." bulong ko. Dahil wala akong ginawa ay mabilis akong mainip. Ilang araw na akong hindi pumapasok dahil ilang araw nga akong tulog pero hindi ko man lang namalayan yon. Akala ko nga ay ilang oras lang akong nakatulog, tapos paggising ko ay bubungad pa
The thought of Shantall still caring for me though secretly, lingered in my head for the whole day. Binigyan ako ng pag-asa ng ideyang yon sa pagkakaibigan naming dalawa at sa.... I shook my head at that thought. Kaya nila ako sinasabihan na may gusto ako sa kanya ay dahil sa pagkakaganito ko. I should start fixing myself kung gusto kong patunayan sa kanila na mali ako. But then again, how am I suppose to fix myself gayong bigla namang ganito ang nangyari sa akin? Pinagmasdan ko ang gitna ng pang-ibaba at itaas na braso ko. May bulak yon dahil kakakuha pa lang sa akin ng blood sample kanina. Para daw yon sa iilang test na gagawin sa akin para malaman ang totoong kondisyon ko. Bumuntong hininga ako sa ideyang yon. Kinakabahan ako sa maaring resulta sa hindi ko mawaring dahilan. It was as if there was something coming that none of us would want. Hindi ko alam kung bakit yon ang naiisip ko, may kung anong nagpapabagabag sa akin. Mag-isa na naman ako dito