Home / Romance / TOUCH MY HEART / CHAPTER 2 BEST FRIEND

Share

CHAPTER 2 BEST FRIEND

last update Last Updated: 2023-01-08 00:58:04

“Ghie Anne, nakita mo ba si Ken?” bungad ni Nestor sa harapan ni Ghie Anne na noo’y abala siya sa pagbabasa ng discovery book.

Ibinaba ni Ghie Anne ang hawak na libro saka umiling sa kaklase.

“Sinabihan ko na s’ya na dito kami magkita, kalahating oras na ako nag-aantay dito.” Dismayadong salita ni Nestor na pabagsak na umupo sa bakanteng upuan na katapat niya.

“Hindi pa ba kayo tapos ni Ken sa pinagagawa ni Ma’m Lina?” tanong niya rito habang nakatitig sa nakabusangot na mukha ni Nestor.

“Kayo ba ni Lito tapos na ba?” tanong nito sa kaniya.

“Oo, no’ng Monday pa.” muli niyang sagot na lalong nagpaiba ng mukha ng kaklase.

“Alam mo ba kung saan tumatambay ‘yang best friend mo? Naaasar na talaga ako eh.”

Kita ni Ghie Anne ang pagsalubong ng kilay ni Nestor. Kitang kita niya ang pagkainis nito kay Ken.

“Hindi ako sure pero baka magkasama sila ni Andie—” napahinto siya ng makita niyang nagkuyom ng mga palad si Nestor.

“Inuna pa ang nobya kesa tapusin ang paper works namin,” galit na salita ni Nestor.

“Hindi naman siguro, baka papunta na iyon dito,” ani ni Ghie Anne sa kaklase upang kumalma ito bahagya.

“Hindi naman siguro? Eh, ilang beses n’ya na akong in-indian. Pikon na pikon na ako sa lagi niyang sinasabi na hindi maubos-ubos na dahilan. Pinagbibigyan ko siya lagi at binibigyan ng chance dahil lagi niyang sinasabi madali lang iyon. Pero ngayon pasensyahan na lang Ghie, “ seryoso nitong salita.

“Eh, di sana ikaw na lang ang gumawa,” aniya.

“Ganda naman ng suggestion mo. Ako gagawa tapos sa’ming dal’wa ang grades. Ako magpapakahirap habang s’ya nagpapakasarap,” sabay ngiti nito ng mapakla sa dalaga.

“Hay, naku Nestor hindi ganun ang ibig kong sabihin na parang sa tono ng pananalita mo kinakampihan ko pa si Ken. Oo, best friend ko siya pero kung ganyan ang ginagawa niya hindi ko s’ya kaylangan pagtakpan o ipagtanggol. Simple lang naman eh, gawin mo ‘yong para sayo at hayaan mo ‘yong sa kan’ya.”

“Inisip ko na ‘yan, ang problema baka ma-question ako ni ma’m. At pagkaganun ang nangyari—sorry Ghie pero kailangan ko siyang i-report kay ma’m at ang mahirap lang ay baka i-failed pa rin ako,” bigla itong nalungkot sa kaniyang sinabi.

Nakaramdam naman ng habag si Ghie Anne sa kanilang kaklase at inis naman kay Ken.

Alam niya ang ugali ng teacher nilang si Mrs. Lina. Hindi mo p’wedeng gawing excuse kung bakit solo lang ang kaniyang paper works na ipapasa. Ginawa silang magpartner para sila ay magtulungan.

“Ganito Nestor, gawin mo ngayon ‘yong naka assign sayo at mam’ya sabay naman kami umuwi kakausapin ko s’ya,” aniya rito.

“Sige, bahala ka na kay Ken. Sana matapos niya ang sa kaniya para ‘di kami ma-late sa pagpasa. May tiwala ako sayo, alam ko naman na pinakikinggan ka ng best friend mo, eh.” Sabay tayo ni Nestor at nagpaalam na. Tumango siya sa kaklase saka ito lumayo sa kanyang lamesa.

Habang papalayo ang kaklase nila ni Ken ay napapailing siya.

Napapailing si Ghie Anne dahil hindi niya akalain na magbabago si Ken. Na kung tutuusin ay ngayon lang ito nagpabaya sa pag-aaral. Hindi na gumagawa ng assignment. Nag ka-cutting classes sa mga subjects. Hindi gumagawa ng project. At ngayon nga ay hindi inaasikaso ang pinagagawa sa kanila ni Mrs. Lina.

Graduating pa mandin sila ng senior high saka ito nagloloko.

Napabuntunghininga siya, mula kasi ‘nong maging nobya n’ya si Andie ay malaki ang ipinagbago nito. Hindi n’ya na nga ito nakakasama sa lahat ng oras. Hindi na rin niya ito nayayaya sa pag-ikot ng hacienda ng binata gamit ang kanilang bisekleta. Pag may gawain sila sa school lagi itong wala, kesyo may lakad sila ni Andie, kesyo may iba siyang gagawin, kesyo may masakit sa kan’ya. Lahat may dahilan. At lahat nito idinahilan na sa kan’ya makasama n’ya lang ang nobya.

“Sa’n ka ba nagpunta, Ken?” bungad agad ni Ghie Anne sa binata nung sumakay siya sa kotse nito. Sabay kasi sila lagi ni Ken sa pag uwi. Sa kotse siya ng binata sumasakay. Hatid sundo sila ng family driver nito.

“Kumain kami sa labas ni Andie,” ang nakangiti nitong tugon habang nakatingin sa kaniya.

“Ano? Inuna mo pa ‘yan kesa ang tapusin n’yo ni Nestor ang pinagagawa san’yo ni ma’m Lina?” inis na salita ni Ghie Anne sa binata.

“Sa Friday pa naman ‘yong ipapasa ah.” Aniya na nakasalubong ang kilay nito.

“Ang tanong? Matatapos mo pa ba iyon hanggang Friday? Eh, Wednesday na ngayon. Kami nga eh isang linggo namin bago natapos iyon ni Lito.” Paliwanag niya rito na hindi naman siya nito pinapansin. “Hoy, Ken! Kinakausap kita,”

“Ano bang problema mo? Tapos na pala san’yo bakit ‘yong sa amin pinakekealaman mo?” iritang sagot sa kaniya ni Ken bago nito muling ipinaling ang paningin sa bintana ng sasakyan.

“Hindi ako nakekealam Ken. Sinasabi ko lang sayo dahil hindi lang para sayo ang paper works na iyon kundi dalawa kayo. At dapat nakikipagtulungan ka kay Nestor. Pinaaasa mo yung tao.” Humarap na ng husto si Ghie Anne sabay hawak nito sa balikat ni Ken.

“P’wede ba Ghie Anne, ‘wag mo akong turuan sa kung ano ang dapat kong gawin. Eh, ‘di gawin ni Nestor yung sa kan’ya.” Matalim na tingin ang ipinukol ni Ken kay Ghie Anne at nakita iyon ng dalaga.

“Ibang klase ka rin ano? Hindi ka naman dating gan’yan ah, pati pag-aaral mo pinababayan mo na. Naging nobya mo lang si Andie—” napahinto si Ghie Anne ng muli siyang tapunan ng masamang tingin ni Ken.

“Kaylangan madamay dito si Andie?” galit nitong salita.

“Dahil mas inuna mo pa si Andie kesa ang gawain n’yo ni Nestor!” Matapang na sinalubong ng dalaga ang galit ng binata.

“Kaya nga gawin n’yang mag isa! P’wede naman n’yang gawin iyon ng hindi n’ya ako kasama ah. Bakit kaylangan madamay dito ang girlfriend ko?!” mataas na muli ang boses ni Ken at hindi iyon alintana kay Ghie Anne maging ang driver ay napapatingin na sa kanilang dalawa.

“Importante kay Nestor ang mataas na grades. Maging responsible ka naman bilang partner n’ya. Hindi ‘yong ibang tao ang inuuna mo!” mataas din niyang salita sa galit na mukha ng binata.

“Ibang tao pala ang girlfriend ko? At sa tono ng salita mo parang kasalanan pa ni Andie?” ani ni Ken. Lumapit ito sa kaniya at halos isang dangkal na lamang ang pagitan nilang dalawa na kailangan niyang iharang ang kaniyang mga palad.

“Wala akong sinabing ganyan, Ken...” aniya habang nakaharang ang kaniyang mga palad sa dibdib ng binata.

“Look, wala akong pakealam kung ano ang sabihin mo sa akin dahil unang-una hindi kita kaano-ano, hindi kita magulang para sermunan mo. Kaibigan lang kita kaya hindi ko kaylangan ang opinyon mo. Matuto ka sanang lumagay sa tamang p’westo.” Halos pabulong na salita ni Ken sa tenga ni Ghie Anne at ramdam ng dalaga ang pagpipigil na galit nito.

“At ‘wag na ‘wag mong idadamay dito si Andie, dahil ako ang may problema. Kaya kung p’wede ‘wag ka ng mangealam dahil wala kang karapatan. Gasehoda pa kung ano ang gawin ko sa pag-aaral ko. Tandaan mo magkaibigan lang tayo at iyan lang ang namamagitan sa ating dalawa.” Dugtong pa nito ng lumayo ito sa dalaga.

Napika si Ghie Anne sa kaniyang narinig. Nainsulto at nasaktan siya ng husto. For the first time ngayon lang siya pinagsalitaan ng gano’ng kasakit ng kaniyang best friend.

“Oo nga naman, bakit hindi ko iyon naisip? Kaibigan mo lang pala ako. Sorry ha, hindi ko akalain na lumampas na pala ako sa pagiging mag best friend natin,” aniya sabay ayos nito ng bag at hawak na mga folders. Pigil ang mga luha na huwag pumatak sa kaniyang mga pisngi dahil ayaw niya itong ipakita kay Ken.

“Manong Ato, pakihinto ako sa may kanto.” Utos ni Ghie Anne sa nagulat na driver.

“Ha? Eh….malayo pa ang sa inyo Miss Anne,” sagot nito sa kaniya.

“Okay lang po. Magta-tricycle na lang po ako. Masikip na kasi sa’ming dalawa ang kotse na ito.” Sabay tingin niya sa binata na noo’y ‘di kumikibo.

“Ahhh..sir Ken?” mahinang tanong ng driver sa binata.

“Hayaan n’yo s’ya kung ‘yan ang gusto n’ya. Malaki na yan Mang Ato, ‘di ‘yan maliligaw!” Mabilis na sagot nito sa driver na hindi man lang tinapunan ng tingin si Ghie Anne.

Napahigpit ang hawak niya sa dalang mga folders dahil sa labis siyang nasasaktan sa trato nito. Kaya naman paghinto ng kotse ay agad siyang bumaba at padabog niyang isinara ang back door ng kotse.

“Salamat sa lahat!” sigaw niya na hindi naman iyon pinansin ng binata.

Hindi na tanaw ni Ghie Anne ang kotse ngunit siya naroon pa rin. Nanatiling nakatayo at tuluyang pumatak ang kaninang pang pinipigilang luha sa kaniyang pisngi. Iniisip niya kung saan ba s’ya nagkamali? Lahat ng sinabi n’ya sa binata ay totoo at para din naman iyon sa kan’ya. At totoo naman talaga na nagbago ito. At malaki ang naging impluwensya ni Andie kay Ken. Kung nagkakasama sila ng binata wala itong bukang bibig kundi si Andie. Na kumain sila, na ipinasyal n’ya ito, na naood sila ng sine at doon niya ito n*******n, na first kiss niya raw ito, na mahal na mahal niya, na etsetera at etsetera. Kahit nga unang tsansing nito ikinuwento pa sa kan’ya. Puros pangalan ni Andie!

Hindi na nga ito nagtatanong sa kan’ya kung ano ba ang gagawin sa ganitong subject? Kung ano ang assignment nila? Hindi na nga sila nagsasabay kumain sa canteen. O kaya’y sabay na pumasok. Malimit na rin ang pagsabay nila sa pag-uwi kasi nga lagi ang kasabay nito ay si Andie. Ibibilin lang siya kay Mang Ato na ihatid siya.

Ang hacienda Que Lee ay angat sa kanilang probinsya ng San Manuel Roxas Palawan. Napakalawak ng lupain nila Ken sa mga patubuhan, mangga, dalandan at iba’t iba pang mga prutas. Pagkokopra ng niyog, at mga alagang baka na kinukuhanan ng sariwang gatas upang gawing kesong puti. Meron din silang alagang baboy, kambing at manukan.

Kilalang kilala ang kanilang kompanyang QL food Industry. Pagawaan ng asukal, nata, mango chuck, kesong puti at marami pa. Nag e-export sila sa iba’t ibang bansa. Kaya ang mga magulang ni Ken ay malimit nasa ibang bansa. At sa pagkakaalam niya ay meron din itong kompanya sa manila na inaasikaso ng papa ni Ken. Minsan nga ay narinig niyang tinatawag itong Chairman.

Ang nakakatanda niyang kapatid na babae ay kasalukuyang nag-aaral sa America. Ganyan kayaman ang pamilyang Lee. Na wala pa sila sa kalahati ng yaman ng mga ito. O tamang sabihin na wala naman talaga silang binatbat sa kung anong meron ang mga Lee.

Hindi rin naman sila naghihirap. May negosyo rin naman ang kan’yang mga magulang. Kung anong meron sa kan’yang pamilya ay sapat na sa kan’ya.

Napapailing si Ghie Anne habang naglalakad. Pinahid niya ng kaniyang braso ang natuyo niyang luha. Hindi pa rin maalis sa kan’yang isipan ang pinagtalunan nila ni Ken. Kung kaylan graduating na sila sa senior high ay saka pa ito nagloloko.

Maituturing bang bad influence si Andie Soqueto? Bakit hindi? ‘Di ba nga’t noong sila pa lamang ay lagi silang magkasama at masaya si Ken. Lagi silang nagtutulungan at nagre-review sa kanilang mga subjects. Kaya nga lagi silang nasa top list. Kung minsan nga tampulan na sila ng tukso dahil sa closeness nilang sobra. Na minsan din napagkamalan pa sila na magkasintahan na tinatawanan nila ng husto. Pero deep inside sa kan’ya totoo na lang sana.

Na minsan may nagtanong sa kan’ya na kung hindi daw ba siya nagkakagusto sa kan’yang best friend?

Hindi nga kaya?

Humugot siya ng isang malalim na hininga.

Christopher Ken Lee. May dugong intsik dahil sa mga kanununuan ng pamilya nila. Tall, handsome, mistizo na may pagka tsinito and attractive. Marami ang nagkakagusto. Kaya marami ang naiinggit sa kanilang dalawa.

Magkaibigan ang both parents nila. Kaya mga bata pa lang sila ay magkalaro na at magkasundo sila sa lahat ng bagay. Till mag elementary at high school sila ay ‘di natinag ang closeness nila. Kaya minsan ay tinatawag na siyang best ni Ken.

Pero habang tumatagal at nagdadalaga na si Ghie Anne ay may kung anong pumupukaw sa damdamin nito. Humahanga siya sa binata at palalim ng palalim ito. Hanggang magising na lamang siya na may pagtingin na pala ito kay Ken.

Nilihim n’ya iyon at ‘di pinahalata. Sabi n’ya sa kanyang sarili ay malamang na ganun din si Ken sa kan’ya. Ika nga the feeling is mutual. Nagkakahiyaan lang sila na baka masira ang relasyon nila bilang mag best friend. Masaya na siya at kontento kung anong relasyon meron sila noon till dumating sa buhay nila ang transferee na si Andie Soqueto. Galing Maynila, anak ng kanilang Mayor. At naging famous sa kanilang school.

Maganda at mistiza. Matangkad at sosyal kung pumustura. Wala siya sa kalingkingan ng dalaga. Marami ang pumila at isa nga roon si Ken na kan’yang dinamdam. Tinotoo kasi ni Ken ang sinabi nito sa kanya.

“Kung manliligaw din naman ako ng babae, eh ‘di pipili na ako ng maganda at malakas ang dating na p’wede mong ipagmalaki at kaiinggitan ka ng mga kalalakihan. Tulad na lang ni Andie.” Minsan sabi ni Ken sa kaniya.

“Palagay mo? Pagpumila ba ako sa mga suitors n’ya may pag-asa ba ako?”

“Aray!” usal ng damdamin ni Ghie Anne.

Para siyang sinaksak sa dibdib sa mga narinig niya kay Ken. Na hanggang ngayon ay dala-dala pa rin niya.

Kaya nga gumuho ang pag-asa ng dalaga ng malaman niyang sinagot ni Andie ang best friend niya. At kapag nakikita niyang magkasama ang dalawa siya na ang humihiwalay o ‘di kaya’y lumalayo dahil nagmumukha lang siyang tanga at chaperon ng dalawa. Lalo lang siyang nasasaktan kapag nakikita niya ang lambingan at harutan ng mga ito. Na ang tingin lang talaga ni Ken sa kaniya ay kaibigan lang. Na siya lamang ang nangarap na may gusto rin ito sa kaniya. Na mali pala ang lahat dahil siya lamang pala ang nagkakagusto sa binata.

“Ghie Anne!” tinig mula sa kan’yang likuran na kan’yang ikinalingon.

Ang kan’yang ina na lulan ng kanilang pick up car na luma na at kakaragkarag pa.

Huminto ito sa kaniyang harapan at dumungaw sa bintana ang kaniyang nakangiting ina

“Hindi ka ba sumabay kay Ken? T’yaka bakit ka naglalakad? Wala ka bang pera pang pamasahe?” ani ng kaniyang ina.

“Ma,” Sabay mano nito sa ina saka umangkas siya sa bandang likuran ng pick up.

“Mukhang may tampuhan kayo ano?” ang nakangiting ina na hinarap pa siya.

“Ganun na nga po,” malungkot niyang sagot.

“Bakit na naman aber?” curious na tanong sa kaniya sabay tingin sa nakangiti ding driver na si tiyo Cesar ang pinsang buo ng kaniyang ina.

“Nasabihan ko kasi na ang laki ng ipinagbago n’ya mula nung maging nobya n’ya si Andie. Pati pag-aaral n’ya nakakalimutan n’ya na. Marami na s’yang na miss. Si Nestor nga na ba-badtrip na sa kan’ya kasi till now ‘di s’ya makapag-umpisa sa paper works nila ni Ken. Kung ano-ano kasi ang inuuna.” Nakayuko niyang kuwento habang pinipilas-pilas niya ang dulo ng papel sa kaniyang hawak na folder.

“Baka naman kasi nasobrahan ka sa panenermon? O baka may nasabi kang hindi maganda sa kaniyang pandinig? Parang lumampas ka sa boundary nya. Hindi kaya?” nakangiting salita ng ina ni Ghie Anne.

Salitang ikinaangat niya ng ulo at tiningnan niya ang mukha ng ina sa salamin banda sa harapang ulunan nito.

“Pinag sabihan ko lang s’ya ma, pa’nong lalampas? ‘Di ba dapat ganun naman ang mag bestfriend? Pag may nakikitang mali dapat sinasabi para itama n’ya.” Paliwanag ni Ghie Anne.

“May mga bagay kasi na kung minsan ay dapat muna nating pag-aralan bago sabihin sa ating kaibigan. Baka naman kasi isinama mo ang kaniyang girlfriend sa inyong pag-uusap?” ani ng ina.

“Masama ba iyon ma? Eh, sa totoo naman. Siya nga itong nagsabi sa akin ng masakit na salita, eh.” Pagdepensya niya ng kaniyang sarili sa kaniyang ina

“Malamang sayo tama ang lahat ng mga sinabi mo pero sa isang taong nabubulag ng pagmamahal lahat ng iyon balewala. Gan’yan kasi malimit ang nangyayari kapag in love ang tao. Na papayuhan mo siya para sa ikabubuti nito dahil nag-aalala ka pero para sa kaniya ay wala lang ito at ikaw pa ang gagawing masama dahil sinisiraan mo ang mahal niya.” Paliwanag nito sa kaniya. “Kaya kung minsan kung sino pa ang taong may concern sa kaniya ay iyon pa ang lubos na nasasaktan.”

“Ma? Ano pa at naging mag best friend kami kung hahayaan ko s’yang unti-unting nalulugmok dahil sa maling paghatak ni Andie?” Sabay lapit nito sa sandalang upuan ng ina upang makita niya ng husto ang mukha nito.

“Kaya tingnan mo napikon sayo yung isa. Tama na yung nagpaalala ka ng once, twice. Pero kung sa pangatlo ay bingi pa rin siya hayaan mo na s’ya. Hayaan mong s’ya ang makadiskubre na mali na pala ang ginagawa niya. Antayin mo na dumating iyon at siya mismo ang lalapit sa’yo para humingi ng sorry.” Sabay lingon ng ina sa anak. “Ghie Anne, for now hayaan mo s’ya ha. Just focus to your study. Andyan naman ang parents n’ya eh.”

“Opo. Sana madapa para mauntog sa katotohanan,” aniya sabay sandal sa sandalang upuan at inayos ang kaniyang upo “Sa’n nga pala kayo galing, ma?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • TOUCH MY HEART    CHAPTER 34

    GHIE ANNETama ba ang aking narinig?Si Nestor ba talaga ang kaharap ko?"Huwag mo akong niloloko ng ganyang salita," sabi ko na lamang na may ngiti sa aking mga labi kahit na nakikita ang pagkaseryoso nito sa kaniyang mukha."Hindi ako nagbibiro," mabilis na sagot sa akin ni Nestor."Nestor...huwag kang ganyan. Nakakailang," sabi ko sa kaniya na totoo naman talga. Napahinto na tuloy ako sa pagkain ng masarap na pagkain. "Ghie Anne...matagal na kitang gusto. Noon pa kung natatandaan mo ito. Hindi lang ako makalapit sayo noon dahil sa masyado kayong close ni Ken..kaya naman noong nagkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan nagkaroon ako ng pagkakataon na makalapit sayo. Maniwala ka na noon pa kita gusto," ani ni Nestor sabay hawak nito sa aking kamay na nasa ibabaw ng mesa.Hindi ako agad naka react sa aking narinig. Dahil biglang nag flash back sa akin ang nakaraan ng mga panahon na si Nestor lamang ang nagpasaya ng mga araw ko sa panahon na iniiwasan ko si Ken. At alam ko na noon na may

  • TOUCH MY HEART    CHAPTER 33

    Tahimik ang lahat sa conference room ng dumating si Ken upang makinig at manood sa presentation ng dalawang team na hawak ni Ghie Anne. Syempre na roon din si Jacob at Nestor na nakatabi pareho kay Ghie Anne. "Sandali," pahinto ni Ken sa team one na nagpapaliwanag tungkol sa presentation ng bago nilang product packaging. "Do you think it will pass the standard in all convenience store on each of their shelves if the packaging is this big?" Tanong ni Ken sa leader ng team one. "Can you see guys na masyado itong malaki at kapag i-display ito sa shelves ilang piraso lang ang mailalagay," Nagtaas bigla ng kamay si Ghie Anne na agad tinanguan ni Ken. "Sir, can you please listen first to the presentation of my team? And nasa next page ang bawat sizes ng packaging ng ready to eat meal." Derektang salita ni Ghie Anne kay Ken. Lahat ng naroon sa kuwarto ay nakatingin sa kanilang dalawa. "So ibig sabihin nito na kapag sa convenient store ang ready to eat meal ay itong maliit na size ang n

  • TOUCH MY HEART    CHAPTER 32

    ANDIE "Ano ba ang mahalaga nating pag uusapan?" Bungad agad sa akin ni Nestor bago ito naupo banda sa aking harap. Inimbitahan ko kasi itong kumain sa labas upang alukin sa aking plano. Dahil alam ko na noon pa man ay gustong gusto na niya si Ghie Anne. Kaya nga hanggang ngayon ay nanatili itong single kahit na maraming mga babaeng nagkaka interes sa kaniya. Ni isa ay wala itong na i-date na babae. Dahil minsan ko na itong napanood sa interview na meron siyang inaantay na tao na noon pa niya gusto. "Let's eat first," sabi ko sabay buklat ko ng menu. "May mga bagay pa akong gagawin Andie kaya sabihin mo na ang dapat mong sabihin," ani ni Nestor sa seryosong mukha. "Ohhh, well...i'll go straight to the point. Do you like Ghie Anne?" Derekta kong tingin sabay lapag ko ng menu sa isang tabi. "Inimbitahan mo lang ba ako para sa ganyang tanong?" He smirked. "Alam mong mahal na mahal ko si Ken at gagawin ko ang lahat para mapasa akin siya. Ikaw? Gaano mo kagusto si Ghie Anne? Sa pagka

  • TOUCH MY HEART    CHAPTER 31

    GHIE ANNE Unti unting nagdilat ang aking mga mata at doon ko lang napansin na nasa ibang kuwarto ako. Mabilis ang aking pagkilos at napaupo akong bigla upang malaman lang na nasa opisina ako ni Ken. "How are you now?" Boses na aking ikinalingon. Si Ken nakaupo sa kaniyang office chair habang may ginagawa ito sa kaniyang personal na computer. "A...anong nangyari? Kasama ko kanina—" "Matagal mo na bang sakit iyan? Bigla ka na lang matutulog ng wala sa oras," sabay tingin nito sa akin. "Hindi. I mean oo! At bihira lang ito mangyari sa akin," sabi ko sabay tayo ko at inayos ko ang aking sarili. "My father wants to have a dinner with you," biglang sabi sa akin ni Ken. "Ha?" Ang tanging nasambit ko habang nakatingin sa kaniya na busy naman sa pagtingin nito sa monitor nh kaniyang computer. "Andito si Daddy at gusto ka niyang makita bago siya umuwi ng mansion," ani nito sabay sulyap niya saglit. "At kailangan mong magpa Psychiatry dahil sa kondisyon mong iyan," habol nitong salita.

  • TOUCH MY HEART    CHAPTER 30

    "Hi!" Bungad ni Nestor sa pintuan ng opisina ni Ghie Anne."Oh, ikaw pala. Tapos na ang show mo?" Tanong ni Ghie Anne kay Nestor na palapit na sa dalaga."Kain tayo sa baba," aya ni Nestor."Sure," mabilis na sagot ni Ghie Anne.Inayos ng dalaga ang kaniyang gamit sa ibabaw ng kaniyang mesa bago hinubad niya ang coat niya puti na uniform nila sa lab at isinabit. Nakangiti ang dalaga na sumabay kay Nestor tungo sa elevator pababa sa canteen."Masarap ang menu ng canteen ninyo ngayon kaya mag eenjoy tayo," ani ni Nestor.Maraming empleyado ang nakapila dahil sa mga oras na iyon at lunch time na. Pumila din sila at habang napila ay nag uusap sila ni Nestor.Sadyang kwela talaga ang binata kaya naman hindi maiwasan na tuwang tuwa si Ghie Anne sa presensiya nito. Ang saya ng mukha ni Ghie Anne ay hindi nakawala sa paningin ni Ken na kasalukuyang kumakain din sa canteen kasama ang Assistant nito at ang kaniyang Daddy na Chairman ng Company."Andito pala ang Chairman," mahinang salita ng i

  • TOUCH MY HEART    CHAPTER 29

    Napatitig si Ken sa hawak niyang stick ng sigarilyo na kasalukuyan niyang hinihithit. "Kailan ka pa natutong manigarilyo? Hindi ka naman naninigarilyo dati ah!" Sita ni Ghie Anne kay Ken. "Dati iyon Anne. Sa nagdaang limang taon sa palagay mo ba ako pa rin ang Ken na nakilala mo? Kung ikaw nga ang laki ng ipinagbago mo ako pa kaya?" Sabi ni Ken kay Ghie Anne. "Kung ganun huwag mong ipakita sa akin ang paninigarilyo mo," sabi ni Ghie Anne sabay talikod nito at padabog na isinara ang sliding door ng terrace. "What the heck!" Sabay pitik ni Ken sa stick na kaniyang hawak. Pagpasok niya ay dumeretso siya sa banyo upang maglinis ng kaniyang katawan. Matapos ang ilang minuto ay lumabas si Ken sa banyo ng tanging tuwalya lamang ang nakabalot sa kaniyang pang ibabang bahagi ng kaniyang katawan at sobrang ikli nito. "Ano ba Ken! Sinabihan na kita na hindi lang ikaw ang narito sa kuwarto, bakit kailangan mong lumabas ng ganyan lang ang itsura mo?!" Ani ni Ghie Anne na nakapaling na ang k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status