IMBES NA sagutin si Amanda ay sumuot lang ang kamay ni Theo sa suot nitong damit at pumiga sa dibdid ni Amanda.Napaungol ng bahagya si Amanda pero mabilis niyang napigilan ang lalaki. Namumula siyang sumulyap kay Theo. "T-Tigilan mo nga! Pupunta pa akong ospital mamaya. Sasamahan ko si Loreign at madidischarge na siya ngayon," aniya kay Theo.Kunot noo lang namang tumingin si Theo na animo'y parang isang batang paslit na naagawan ng paboritong laruan. Masama ang loob niyang humiwalay kay Amanda at napabuga na lang ng malalim na hininga."Fine. Sige na, maligo ka na!" napipilitang sabi ni Theo at kinintalan pa ng halik sa labi si Amanda.Hindi na umalma pa si Amanda at agad na lang naligo at nag ayos.PAGKARATING NA pagkarating ni Amanda sa ospital upang dalawin si Loreign ay agad niyang nadatnan doon si Gerald. Umasim tuloy ang mukha ni Amanda pagkakita niya sa lalaki. Mukhang wala talagang planong tigilan ang kaniyang kaibigan.Hindi naman dapat papansinin pa ni Amanda ang lalaki pe
"TALAGA? PWEDE tayong magcecelebrate!" suggest naman agad ni Amanda.Kaagad umiling si Ana. "Ayos lang! Ang dapat mong gawin ngayon ay pasalamatan si Theo. Dahil hindi naman lahat magiging posible ito kung walang tulong niya!" ani Ana.Doon nabura bigla ang mga ngiti ni Amanda at hindi na alam bigla kung ano ang isasagot kay Ana.Yumakap bigla si Ana kay Amanda at wala na ngang nagawa si Amanda kundi ang yumakap na rin kay Ana na tuwang tuwa pa rin."Mukhang ang ganda ng takbo ng relasyon niyo ngayong mag asawa, ah. Mukhang panahon na rin talaga na... alam mo na, kalimutan mo na rin ang mga nangyari sa nakaraan pa,” makahulugan pang saad ni Ana.Ngumiti lang si Amanda bago tumango kahit pa sa loob loob niya ay labag iyon. “Alam ko…” aniya kay Ana.BUMABA SI Amanda at pinuntahan ang driver niyang naghihintay sa kaniya. Kaagad namang umayos ng tayo ang driver nang nakita si Amanda.“Ma'am, Amanda! Babalik na po ba tayo sa mansion?” tanong nito agad kay Amanda.Imbes na sumagot ay kaagad
NAKAKAINIS LANG para kay Amanda dahil sa tuwing nagkakaroon siya ng lakas ng loob para sabihin ang lahat ng gusto niyang sabihin kay Theo, napapangunahan siya ng emosyon. Naiiyak na naman siya kahit ayaw niya.Nakakagalit lang dahil hindi na sila matapos tapos ni Theo sa mga issue nila sa isa't isa. Sa tuwing gugustuhin ni Amanda na bumalik sa kaniya, gagawa naman ito ng mga bagay na ikagagalit niya. Kinonsidera niya noon ang pagkakaanak nila ni Theo. Pero ngayon, mukhang wala na ngang talagang pag asa. Hindi na maaayos pa ang gusto sa pagitan nila.Kalmado lang si Theo habang tahimik na humihikbi si Amanda. Mayamaya pa ay naglakad ang lalaki papalapit kay Amanda at pinulot ang papel na hawak lang kanina ni Amanda. Bigla na lang niya itong shrined na ikinagulat nang bahagya ni Amanda. Pero nagulat siya nang balingan siya ni Theo."Hindi ako marunong magmahal? Bakit? Sino ang sa tingin mong marunong kung gano'n? Si Harold?" tanong nito na ikinamaang nang bahagya ni Amanda.Naguluhan s
WALANG PLANONG gumalaw si Amanda sa kaniyang pwesto. Nanghihina na siya. Nawalan na siya nang lakas na umabot na ng hapon at nandoon pa rin siya. Ang nakakita sa kaniya ay ang isa sa mga kasambahay."Ma'am Amanda?" tawag pansin ng kasambahay kay Amanda pero ni hindi man lang siya umimik. "Ayos lang po ba kayo?"Natuyo na ang luha niya at pakiramdam niya ay nabugbog ang katawan niya dahil wala siya sa kondisyong gumalaw. Hanggang sa naramdaman na lang ni Amanda ang paghaplos ng kasambahay sa noo niya at hindi man lang siya gumalaw."Hala, diyos ko po! Nilalagnat po kayo! Tatawagin ko lang po ang asawa niyo!" sabi ng kasambahay at mabilis na nagdial sa cellphone para matawagan si Theo.Pero wala naman siyang napala. Ring lang nang ring ang cellphone at ni wala man lang sumasagot. Nang mga oras na iyon, kaya hindi makasagot si Theo sa tawag ay dahil nasa isa siyang importanteng meeting na kailangan ang buong atensyon niya. Involved doon ang isang malaking project kaya hindi siya pwedeng
NAS KALAGITNAAN ng importanteng meeting si Theo nang napansin niyang tila aligaga si Secretary Belle. Nairita naman siya bigla at hindi makapag focus. Sinenyasan niya ang babaeng lumapit sa kaniya na kaagad naman nitong ginawa."Anong meron?" takhang tanong ni Theo, hindi na maitago ang iritasyon sa tono habang kunot ang noo.Bahagyang nagdalawang isip pa si Secretary Belle kung sasabihin o hindi pero sa huli, nagsabi rin ito nang pabulong. "Sir, may problema po kasi, eh...""Ano?""Nagkaroon ng mataas na lagnat si Ma'am Amanda at naitakbo sa ospital. Nakitaan daw siya ng ilang pasa din sa katawan. Pero hindi lang po iyon ang problema, Sir." Napatigil nang bahagya si Secretary Belle. "Baka ngayon ay nalaman na ng asawa niyo na si Sofia ang naka admit sa special ward."Umigting ang panga ni Theo. Wala sa sariling napatayo sa kaniyang pwesto at sinulyapan ang mga kameeting niya na nagulat din sa inakto niya. "May problema ba, Mr. Torregoza?" tanong ng isa.Sa halip na sagutin ni Theo,
HINDI AGAD nakapagsalita si Theo. Kinuhang tsansa iyon ni Amanda para magpatuloy upang mailabas ang kaniyang nararamdaman."Oo, nakinabang ako sa pera at kapangyarihan mo. Oo, marami kang naibigay na sa akin... pero kung tutuusin, quits lang naman tayo, ah? Pahiyang pahiya ang pagkatao ko sa iyo at marami kang ginawang pagpapasakit sa buhay ko! Sapat na bang kabayaran iyon?"Kumunot lalo ang noo ni Theo. "Ano na naman ba 'to, Amanda? Saan patungo itong mga pinagsasabi mo ngayon?" tanong pa nito at hindi na rin maipinta ang mukha.Kahit masakit pa ang katawan ni Amanda at mataas pa rin ang lagnat, pinilit niya ang sariling hubadin ang singsing niya, ang hikaw, kwintas at inilagay sa bedside table. Ang ilang mga alahas na paborito niyang gamitin mula pa noon... tinanggal na niya lahat. Bakas ang kalituhan sa mukha ni Theo dahil sa ginawa niya."'Yan lang ang ilan sa mga gamit na galing sa pera mo. 'Wag kang mag alala, lahat ng mga damit ko at kasuotan na nanggaling sa pera mo, ibabalik
"SIR, NAGHIHINTAY pa rin po ang mga executives para sa continuation ng meeting."Napatingin si Theo sa nagsalita. Si Secretary Belle iyon at may pag aalala na ekspresyon sa mukha. Napabuntong hininga si Theo. Nawalan na siya ng gana na humarap sa lahat."I-dismiss mo na sila. Sabihin mong itutuloy na lang sa isang araw," seryosong saad ni Theo.At doon palang, napansin na ni Secretary Belle na wala na talaga sa mood si Theo. Hindi na lang siya nagtanong pa masyado tungkol sa desiyon nito.Umuwi si Theo sa mansion. Habang nagdadrive ay hindi niya maiwasan ang lahat ng mga nangyayari sa pagitan nila ni Amanda. Pumasok siya sa mansion at nang nagtungo sa kaniyang study. At doon, nakita niya ang ilang bakas ng nangyari sa kanila ni Amanda. Ang pang aangkin niya dito ng walang pag iingat. Marahas at walang awa. Kumuyom ang kamao niya nang maalala kung gaano siya gumalaw sa paraang gusto niya. At hinayaan lang siya ni Amanda. Hindi nanlaban pero bakas na bakas sa mukha nito na nasasaktan s
MARAHAS ANG pag iling ni Loreign habang umiiyak dahil sa sinapit ni Amanda. Sobra siyang nasaktan para sa kaibigan. Hirap na hirap si Amanda samantala ni wala man lang ginawa si Theo para mapabuti ang kaibigan niya at mas pinili pa si Sofia! Si Sofia na alagang alaga ng mga propesyonal at nabigyan ng sapat na atensyon. Pero ang kaibigan niya, ni wala man lang tumingin ni isang doktor! Malawak at malaki ang koneksyon ni Theo pero hindi man lang ito gumawa ng paraan! Galit na galit si Loreign na hindi na niya namalayan pa ang pagkalaglag ng hearing aid niya. Medyo kumalma lang siya nang maramdaman ang pagyakap sa kaniya ni Amanda mula sa likuran."Ayos lang ako, Loreign. Tama na..." pabulong na wika ni Amanda sa kaniya.Kahit kumalma na si Loreign ay masama pa rin ang ipinukol na tingin kay Theo. Pinulot naman agad ni Amanda ang nahulog na hearing aid ni Loreign at ibinigay agad iyon sa kaniya. Isang ngiting basag ang isinukli niya sa kaibigan na para bang nagsasabing okay lang siya b
NAPAILING NA LANG si Theo sa sobrnag disappointment. Alam naman niyang may mga ganito ng pahaging ang ina niya pero hindi pa rin niya maiwasang mainis lalo. Aware naman din siya na nagkakaganito si Therese dahil na rin sa kalagayan ni Amanda at ayaw nitong malagay sa alanganin ang kompaniya nila at reputasyon na niya rin.Napabuntong hininga si Theo, sinubukan na ikalma ang sarili bago tuluyan ng pumasok. Nakita niya si Georgina na para bang nahihiya pang tumingin sa kaniya dahil halatang nanginginig ang kamay nito nang magtama ng bahagya ang kanilang tingin."Georgina, may ibibigay pala ako sa iyo, hija! Sana magustuhan mo itong simpleng regalo ko sa iyo," ani Therese kay Georgina at iniabot ang isang box na halatang galing pa sa isang mamahalin at sikat na brand.Tuwang tuwa naman na inabot iyon ni Georgina. "Oh. Thanks po, tita! Nag abala pa kayo..." nahihiyang saad nito bago buksan ang box. Bumungad sa kaniya ang isang mamahaling bracelet at talaga namang nagustuhan niya iyon kaya
NANG NAIWAN NA lang na mag isa si Theo, napahilot na lang siya ng sentido dahil sa stress kay Jennie. Sumagi rin sa isip niya si Amanda. Mas lalong bumigat ang loob niya dahil doon. Pakiramdam niya, ang habang panahon ng hindi niya nakita si Amanda kahit pa nasa kalagitnaan pa lang naman ng isang buwan.Aminin man ni Theo o sa hindi, namimiss na niya ang presensya niya Amanda."Amanda..." naiusal na lang ni Theo ang pangalan ng asawa. Hanggang sa hindi na siya nakapagtiis pa. Hindi na niya kayang kimkimin ang pagpipigil niya. Tumayo siya sa sofa at lumabas ng kaniyang opisina. Natagpuan na lang niya ang sariling nasa loob na ng kaniyang sasakyan at nagmaneho papunta sa ospital kung nasaan si Amanda ngayon."Kahit saglit lang, gusto kitang makita," naibulong na lang ni Theo sa sarili at mas binilisan ang pagmamaneho. Wala siyang planong magpakita kay Amanda. Gusto niya lang itong makita kahit sa malayo. Pagkakasyahin niya ang sarili sa ganoong sitwasyon pansamantala dahil hindi iyon m
TEKA. SIR THEO? Hindi naman siya tinatawag na gano'n ni Amanda, ah! Doon palang parang nabuhusan ng malamig na tubig si Theo. Nagising tuluyan ang diwa niya at nagulat na lang sa nakita.Si Jennie ay dikit na dikit sa kaniya at puno ng pag asa ang ekspresyon kanina ngunit agad iyon nabura nang bigla siyang itulak ni Theo. Napalitan iyon ng confusion at para bang maiiyak ito bigla."S-Sir Theo...?" tanong pa nito at halatang gulat sa ginawa nito.Masama ang tingin na ipinukol ni Theo sa babae. "Sino ang nagpapasok sa iyo dito?!" nagpipigil ng galit na tanong niya sa babae na para bang nagpapaawa sa harapan niya. Para kasing kaunting kalabit na lang ay maiiyak na ito bigla.Pero kahit ganoon ang reaksyon ni Theo, hindi pa rin sumuko si Jennie. Sinubukan nitong lumapit muli kay Theo pero agresibo lang siya nitong itinulak bigla. Hindi na nito inalintana na masasaktan ito. Napalagapak na lang si Jennie sa carpeted floor. Pero kahit na nasaktan, hindi man lang nabura ang determinasyon sa m
HINIHINGAL NA BUMANGON si Theo mula sa isang panaginip. Basang basa ng pawis ang mukha niya pababa sa kaniyang dibdib.Ilang gabi na siyang ganito. Hindi siya makatulog ng maayos dahil paulit ulit niyang napapanaginipan si Amanda. Sa unang parte ng panaginip niya ay masaya naman sila ni Amanda. Ang kaso nga lang, sa kalagitnaan noon, dumarating na sa puntong sinisisi siya ni Amanda at umiiyak ng todo kung kaya't napapabalikwas na lang siya ng bangon.Napahilamos sa mukha si Theo at pilit na kinalma ang sarili. Parang nitong mga nakaraang hindi siya matahimik. Pakiramdam niya parang nababaliw na nga siya, eh!Dumaan sa isip niya ang kalagayan ni Amanda. Natatandaan pa niya ang naging usapan nila ng doktor nito."Kumusta ang asawa ko?" tanong ni Theo sa doktor."Wala kayong dapat ipag alala, Mr. Torregoza. Maayos ang kalagayan ng asawa niyo. Nakikipagcooperate ito sa treatment nito para gumaling agad. Sa katunayan nga ay nililibang niya ang sarili. Nagbabasa siya minsan ng libro at nags
MALAMIG ANG TINGIN na ipinukol ni Theo kay Amanda. Sinisikap niyang 'wag maglabas ng kahit anong reaksyon matapos sabihin iyon kay Amanda. Pero sa likod ng isip niya, kaya niyang baguhin ang naging desisyon tungkol sa pagpapagamot ni Amanda ng patago.Dahil isang sabi lang ni Amanda na ayaw niyang umalis at magpagamot sa ibang lugar, ibibigay agad ni Theo ang gusto nito. Gagawin niya ang lahat upang hindi sila tuluyang magkahiwalay ni Amanda.Pero walang sinabi si Amanda. Wala naman na kasing bago dito sa desisyon ni Theo. Sanay na siya sa mga gusto nitong ipagawa sa kaniyang labag sa loob niya. Sa tagal nilang mag asawa, alam na niya talagang may kapalit ang lahat.Ayaw niyang kinokontrol siya ni Theo. Pero naisip niya si Baby Alex. Ang anak nila ang pinakaapektado dito. Maaapektuhan ito sa magiging desisyon niya. Pero gusto naman ni Amanda na maayos na bersyon ng sarili niya ang deserve na magpakaina sa anak niya.Gusto ni Amanda na kapag lumaki na si Baby Alex, tumatak sa isipan ni
HINDI MAKATULOG SI Theo ng gabing iyon. Hindi pa rin kasi matahimik ang utak niya sa pag iisip. Ang daming nangyari sa loob lang ng isang araw. At ang hindi makapagpatahimik ng diwa niya ay naaalala niya ang dugo ni Amanda na nagkalat sa banyo. Naaamoy niya pa iyon. Kahit ilang baling ni Theo sa kama, hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Nandiyan din si Baby Alex na iyak ng iyak. Ang hirap para kay Theo na umidlip man lang. Hanggang sa nakapag isip si Theo na ipaalaga muna si Baby Alex sa isa sa mga kasambahay pansamantala."Pakiasikaso muna ang anak ko," utos niya.Tumango ang kasambahay. "Sige po, Sir.""Sa study lang muna ako. Katukin mo lang ako do'n kapag kailangan ako ng anak ko," dagdap pa ni Theo."Masusunod po."Dumiretso na agad si Theo sa study. Doon, nagsindi siya ng sigarilyo, umaasa na kumalma kahit papaano ang mga tumatakbo sa isipan niya. Ang kaso, tila mas lumala lang iyon dahil ang dami niyang naaalala sa study.Ito ang lugar na naging saksi ng pagpapahiya niya ka
UMIGTING ANG PANGA ni Theo lalo at napabuntong hininga na para bang nagpipigil. Nagpatuloy ulit magsalita si Amanda."Hindi namin kailangan ang yaman mo, lalo na ang anak ko. Hindi niya kailangang manahin ang kompaniyang pinagmamalaki mo..." dagdag pa ni Amanda."Nasasabi mo lang iyan ngayon pero pagdating ng panahon--""Hindi, Theo! Sigurado na ako sa desisyon ko!" putol pa ni Amanda sa sinasabi ni Theo.Hindi na sumagot pa si Theo. Gusto niyang sagutin si Amanda pero ayaw niya ring magsalita ng kung ano pang ikasasama lang lalo ng loob nito. Baka mas lalo lang itong mastress.Kaya naman kahit labag sa loob niya, iniwan niya si Amanda muna doon para makahinga muna ito kahit saglit lang. Umalis muna siya at nag isip isip.Nang naiwang mag isa si Amanda, napapikit na lang siya ng mariin habang tahimik na lumuluha. Pumunta siya sa banyo at halos hindi niya makilala ang sarili nang mapatingin siya sa salamin. Namumutla pa rin siya at bumagsak ang timbang. Walang kabuhay buhay ang mga mat
NAITAKBO NI THEO si Amanda sa ospital. Sa loob ng private room nito, tahimik lang si Theo habang nakatanaw sa bintana. Bumabalik sa isip niya ang namumutlang si Amanda kanina na para bang... walang buhay.Maayos naman na ang lagay nito. At nasabihan na siya ng doktor na kailangan nitong magstay muna sa ospital ng ilang araw para maobserbahan ito at matingnan ng maayos ang lagay.Pumasok muli ang doktor at may ilan pang sinabi kay Theo."Tatapatin na kita, Mr. Torregoza. Nasa delicate stage pa rin si Mrs. Torregoza lalo pa at kapapanganak lang din. May postpartum pa ito kaya maraming tumatakbo sa isipan niya ngayon... kaya rin siguro naisipan nitong uminom ng sleeping pills. Ang maipapayo ko lang ay ilayo mo siya sa stress na maaaring makapagpalala sa sitwasyon niya," advice pa ng doktor kay Theo.Tumango si Theo. "Sige, Dok," simpleng sagot niya."Mas mabuting 'wag niyo siyang bibigyan ng ikasasama ng loob niya dahil baka makasama lang sa kaniya. Mabuti na lang din at naitakbo niyo si
NAESTATWA SI THEO sa kinatatayuan. Bakas na bakas ang gulat sa kaniyang mukha sa ginawa ni Jennie. Hindi niya nagawang alisin agad ang kamay na nakapulupot sa kaniyang bewang dahil may dumaang alaala sa kaniyang isipan.Parang ganito rin noon... kung paano nagconfess si Amanda sa kaniya tungkol sa nararamdaman niya.Parehas silang malakas ang loob at walang paligoy ligoy. Naibalik si Theo sa panahong iyon. Ngunit mabilis din siyang nagbalik sa kaniyang katinuan. Mabilis niyang tinanggal ang kamay ni Jennie sa kaniyang bewang at hinarap ito at tinapunan ng nagbabagang tingin. Umigting ang kaniyang panga dahil sa kapangahasan ni Jennie."Baliw ka ba? Kasal na akong tao!" asik ni Theo.Napayuko na lang si Jennie dahil sa pagkakapahiya. Doon palang alam na niyang rejected na agad siya. Alam na niyang ganito ang mangyayari pero masakit pa rin pala. Sumisikip ang dibdib niya na parang hindi na siya makahinga.Pero pilit niya pa ring pinatatag ang ekspresyon at tumingin kay Theo. Nagawa pa