NAGUGULUHAN SI Amanda. Napapitlag lang siya nang narinig niya ang pagriring ng cellphone niya. Napatitig pa siya sandali sa screen noon at napabuntong hininga. Si Theo ang tumatawag. Sinagot niya iyon.Wala munang nagsalita sa pagitan nila mga ilang segundo. Para bang nagpapakiramdaman lang sila at maririnig ang bawat paghinga nila. Hindi nila pareho alam kung ano ang dapat na una nilang sasabihin.Hanggang sa hindi na nga nakayanan pa ni Amanda. Siya na ang naunang nagsalita."Theo, gusto kong magstay muna dito sa parents ko ng kahit mga ilang araw lang," aniya sa kaswal na tono. Hangga't maaari ay ayaw niyang ipadinig kay Theo na apektado siya dito.Hindi agad sumagot si Theo. Pero ramdam ni Amanda na para bang tinitimbang nito ang tila susunod na sasabihin. Hanggang sa nagsalita ito. "Alam ko... medyo curious lang ako sa isang bagay, Amanda. Naisip ko lang na..." Bumuntong hininga ito."Ano?""Baka iniiwasan mo ako."Hindi agad nakapagsalita si Amanda. Natahimik na lang siya dahil
PAGABI NA nang bumalik si Amanda sa apartment na tinutuluyan ng parents niya ngayon. Pagkapasok na pagkapasok niya palang ay bahagya siyang napatigil nang may marinig siyang pamilyar na boses."Hindi ko alam na maalam ka pala sa mga ganitong trabaho, Theo.""Ah, natutunan ko lang pong mag-ayos ng sirang tubo noong nag-aaral ako sa abroad.""Gano'n ba? Hindi ko lang gaanong inexpect dahil laking mayaman ka. Pero, tama na muna 'yan. Baka madumihan 'yang damit mo. Ayusin na lang ulit bukas. Ayaw ko nang maisturbo ka pa.""Ayos lang. Kaya ko na 'to."Kumunot ang noo ni Amanda. Hindi siya pwedeng magkamali. Si Theo 'yon, kausap ang stepmom niya! Pero anong ginagawa niya dito ngayon? Nasabi naman na niya kay Theo na hindi muna siya uuwi.Pinatagal na muna niya ng ilang segundo bago siya tuluyang umalis sa pwesto niya. Sakto namang nakita siya ni Sylvia kaya nag-usap sila sandali."Bakit nandito si Theo, Ma?" takhang tanong tuloy ni Amanda.Nagkibit balikat si Sylvia. "Malay ko. Pero hayaan
IMBES NA pakinggan si Amanda ay mas lalong hinigpitan lang ni Theo ang hawak nito sa kaniya. Pinilit magpumiglas ni Amanda pero nanghina lang siya dahil muli na naman niyang naramdaman ang init ng katawan ni Theo.Bumilis ang paghinga ni Theo nang magkalapat ang mga noo nila. Ang labi ni Theo ay tila tinutudyo ang labi ni Amanda. Pakiramdam ni Amanda tuloy ay tumaas ang temperatura sa loob ng kwarto niya."T-Theo, 'wag ngayon, please," ani Amanda. Hindi niya alam kung saan niya nahugot ang lakas ng loob para sabihin iyon dahil parang nanghihina siya sa init na namamagitan sa kanila ni Theo ngayon."Bakit, Amanda? Ayaw mo bang gawin natin? Pero iba naman ang sinisigaw ng katawan mo. Gusto mo rin 'to," sabi ni Theo sa tila namamaos na boses.Namula ang pisngi ni Amanda. Aminin man niya sa sarili o hindi, tama si Theo. Kahit anong sigaw ng utak niyang mali itong pagkakalapit nila ni Theo ngayon, ipinagkakanulo naman siya ng sariling katawan.At isa pa, ang ikinakatakot talaga niya ay nas
TILA MAY bumara sa lalamunan ni Amanda dahil sa mga binitawang salita. Nagpatuloy siya muli nang hindi sumagot si Theo."Hindi na ako 'yung eighteen years old na babaeng baliw na baliw sa 'yo, Theo. Nagbago na ako..."Hindi namalayan ni Amanda na tumulo na pala ang takas na luha niya mula sa mga mata. Naging emosyonal siya bigla. At ang mas nagpagulat sa kaniya ay ang pagpahid ni Theo sa luha niya gamit ang magaang kamay nito."Naiintindihan kita, Amanda. At 'wag kang mag-alala. Seryoso ako. Gusto kong magsimula ulit tayong dalawa," tila nahihirapan na sabi ni Theo.Matapos no'n ay dahan-dahan na inilapit ni Theo ang labi sa labi ni Amanda. Nagdampi ang mga labi nila sa isa't isa habang lumuluha si Amanda. Habang nagkadikit ang mga labi ay napapikit na lang ng mariin si Theo.Naguluhan bigla si Theo dahil sa halo halo niyang nararamdaman ngayon dahil sa magaang halikan nila ni Amanda. Ano ba 'to? Parang may kung anong kumislot sa loob niya. Bumilis ang tibok ng puso niya.Pero isa lan
"B-BAKIT NASA IYO 'yan?" takhang tanong ni Amanda habang nakatitig sa painting.Nilapitan ni Theo ang pwesto ni Amanda. Inilapit niya ang mukha sa bandang balikat ni Amanda at ipwinesto ang baba doon. "Kasi nalaman kong gustong bilhin 'yan ni Jaxon," sagot nito.Kumunot ang noo ni Amanda. "Ano? Dahil lang doon?""Hindi lang 'yon ang dahilan! Dahil alam kong gusto mo 'yan kaya ibibigay ko sa 'yo. Dinoble ko ang presyong bayad para masiguradong ako ang makakabili at hindi si Jaxon."Hindi lang makapaniwalang nalaglag ang panga ni Amanda at hindi nakasagot agad kay Theo. "Ang totoo niyan ay gusto ko talagang bilhin lahat ng paintings ng Mama mo. Pero hindi ko ginawa dahil narealize kong hindi deserve ng mga paintings niyang ikeep lang ng isang tao. Deserve nitong makilala sa buong mundo at malaman ng mga tao kung gaano kagaling na painter ang Mama mo noon," dagdag na paliwanag ni Theo.Hindi pa rin nakapagsalita si Amanda. Ayaw niyang tanggapin sa sarili na natouch siya kahit papaano sa
"HEY, BAKIT ang tahimik mo?" takhang tanong ni Theo nang mapansin ang pananahimik ni Amanda.Kaagad umiling si Amanda. "Wala. Tumawag kasi si Secretary Belle kanina sa akin, iremind daw kita sa pagpunta mo sa opisina mo on time at baka makalimutan mo lang. At tsaka... may narealize lang ako."Si Theo naman ngayon ang kunot na ang noo. "Ano?" tanong niya."Na... hindi talaga kayo magkasama ng secretary mo magdamag." Umiling si Amanda at napatawa ng peke. "'Wag mo na lang pansinin 'yon!"Napabuntong hininga na lang si Theo. Ramdam niya sa tono ng boses ni Amanda ang pagdududa. Wala sa sariling napatingin tuloy siya sa phone at nakita niya doon ang ilang text ni Secretary Belle na hindi na niya nareplyan pa. Napatingin siya pabalik kay Amanda."Anong gusto mong palabasin?" maingat pa rin na tanong ni Theo."Wala akong gustong palabasin, okay?"Napatango si Theo at pekeng napangisi. "Gets ko na. Wala kang tiwala sa akin.""Masisisi mo ba ako, Theo? Matapos ng lahat ng nangyari sa atin? At
SA LOOB NG study room, inilabas ni Theo ang dokumento ng tungkol sa sitwasyon ni Sofia ngayon. Tinawagan niya rin ulit ang doktor nito para mausisa ang tungkol sa kalusugan ni Sofia. "Nakuha ko na ang result..." ani Theo. "Okay, Mr. Torregoza. At base sa mga consulation at tests na ginawa kay Ms. Sofia, nagkaroon na ng findings ang ilang espesyalista na tumingin sa kaniya. Nagkaroon siya ng kidney failure..." "Wala bang pwedeng maging lunas?" "Hindi pa po sigurado. Pero isa sa mga doktor ang nagconfirm na baka..." Kunot na ang noo ni Theo. "Na baka ano?" "Baka... two years o mas mababa pa sa two years ang itagal ni Ms. Sofia." Hindi agad nakapagsalita si Theo dahil do'n. Hanggang sa namalayan na lang niya na natapos na ang tawag. Iniisip niya ang sitwasyon ngayon ni Sofia. Kahit naman may attitude si Sofia minsan ay hindi pa rin maiwasang mag- alala ni Theo dahil minsan nang sinagip nito ang buhay niya. Si Sofia lang naman ang rason kung bakit siya nagising noon dahil s
TUMANGO SI Sykvia, halatang natuwa sa sagit ni Amanda. Kapagkuwan ay may bigla siyang naalala."Mag-aanniversary na kayo ni Theo, 'di ba? May plano ka na rin ba do'n?" kyuryusong tanong ni Sylvia."Oo, planado na lahat," sagot ni Amanda. "Nasabi ko na sa kaniya ang gusto kong mangyari sa anniversary namin.""Ano bang gusto mong paraan para makapagcelebrate kayo?" "Magbobook ako ng restaurant kung saan kami pwedeng kumain. Magpapaset up na rin ng candlelit dinner. Pera naman ni Theo ang gagastusin kaya wala na akong masyadong aalalahanin pa."Tumango si Sylvia. "Ayos naman pala 'yang plano mo. Sana nga lang, maging successful at hindi mapunta sa wala."Hindi na nagsalita pa si Amanda. Dahil mukhang nagkatotoo ang sinabing huli ni Sylvia. Nang sumapit na ang anniversary nila, maagang nag ayos si Amanda. Isang mamahaling dress ang suot niya at naglagay pa ng kolorete sa mukha. Talagang pinaghandaan niya ang gabing ito.Habang nakatanaw sa labas ng mamahaking restaurant na binook niya,
TEKA. SIR THEO? Hindi naman siya tinatawag na gano'n ni Amanda, ah! Doon palang parang nabuhusan ng malamig na tubig si Theo. Nagising tuluyan ang diwa niya at nagulat na lang sa nakita.Si Jennie ay dikit na dikit sa kaniya at puno ng pag asa ang ekspresyon kanina ngunit agad iyon nabura nang bigla siyang itulak ni Theo. Napalitan iyon ng confusion at para bang maiiyak ito bigla."S-Sir Theo...?" tanong pa nito at halatang gulat sa ginawa nito.Masama ang tingin na ipinukol ni Theo sa babae. "Sino ang nagpapasok sa iyo dito?!" nagpipigil ng galit na tanong niya sa babae na para bang nagpapaawa sa harapan niya. Para kasing kaunting kalabit na lang ay maiiyak na ito bigla.Pero kahit ganoon ang reaksyon ni Theo, hindi pa rin sumuko si Jennie. Sinubukan nitong lumapit muli kay Theo pero agresibo lang siya nitong itinulak bigla. Hindi na nito inalintana na masasaktan ito. Napalagapak na lang si Jennie sa carpeted floor. Pero kahit na nasaktan, hindi man lang nabura ang determinasyon sa m
HINIHINGAL NA BUMANGON si Theo mula sa isang panaginip. Basang basa ng pawis ang mukha niya pababa sa kaniyang dibdib.Ilang gabi na siyang ganito. Hindi siya makatulog ng maayos dahil paulit ulit niyang napapanaginipan si Amanda. Sa unang parte ng panaginip niya ay masaya naman sila ni Amanda. Ang kaso nga lang, sa kalagitnaan noon, dumarating na sa puntong sinisisi siya ni Amanda at umiiyak ng todo kung kaya't napapabalikwas na lang siya ng bangon.Napahilamos sa mukha si Theo at pilit na kinalma ang sarili. Parang nitong mga nakaraang hindi siya matahimik. Pakiramdam niya parang nababaliw na nga siya, eh!Dumaan sa isip niya ang kalagayan ni Amanda. Natatandaan pa niya ang naging usapan nila ng doktor nito."Kumusta ang asawa ko?" tanong ni Theo sa doktor."Wala kayong dapat ipag alala, Mr. Torregoza. Maayos ang kalagayan ng asawa niyo. Nakikipagcooperate ito sa treatment nito para gumaling agad. Sa katunayan nga ay nililibang niya ang sarili. Nagbabasa siya minsan ng libro at nags
MALAMIG ANG TINGIN na ipinukol ni Theo kay Amanda. Sinisikap niyang 'wag maglabas ng kahit anong reaksyon matapos sabihin iyon kay Amanda. Pero sa likod ng isip niya, kaya niyang baguhin ang naging desisyon tungkol sa pagpapagamot ni Amanda ng patago.Dahil isang sabi lang ni Amanda na ayaw niyang umalis at magpagamot sa ibang lugar, ibibigay agad ni Theo ang gusto nito. Gagawin niya ang lahat upang hindi sila tuluyang magkahiwalay ni Amanda.Pero walang sinabi si Amanda. Wala naman na kasing bago dito sa desisyon ni Theo. Sanay na siya sa mga gusto nitong ipagawa sa kaniyang labag sa loob niya. Sa tagal nilang mag asawa, alam na niya talagang may kapalit ang lahat.Ayaw niyang kinokontrol siya ni Theo. Pero naisip niya si Baby Alex. Ang anak nila ang pinakaapektado dito. Maaapektuhan ito sa magiging desisyon niya. Pero gusto naman ni Amanda na maayos na bersyon ng sarili niya ang deserve na magpakaina sa anak niya.Gusto ni Amanda na kapag lumaki na si Baby Alex, tumatak sa isipan ni
HINDI MAKATULOG SI Theo ng gabing iyon. Hindi pa rin kasi matahimik ang utak niya sa pag iisip. Ang daming nangyari sa loob lang ng isang araw. At ang hindi makapagpatahimik ng diwa niya ay naaalala niya ang dugo ni Amanda na nagkalat sa banyo. Naaamoy niya pa iyon. Kahit ilang baling ni Theo sa kama, hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Nandiyan din si Baby Alex na iyak ng iyak. Ang hirap para kay Theo na umidlip man lang. Hanggang sa nakapag isip si Theo na ipaalaga muna si Baby Alex sa isa sa mga kasambahay pansamantala."Pakiasikaso muna ang anak ko," utos niya.Tumango ang kasambahay. "Sige po, Sir.""Sa study lang muna ako. Katukin mo lang ako do'n kapag kailangan ako ng anak ko," dagdap pa ni Theo."Masusunod po."Dumiretso na agad si Theo sa study. Doon, nagsindi siya ng sigarilyo, umaasa na kumalma kahit papaano ang mga tumatakbo sa isipan niya. Ang kaso, tila mas lumala lang iyon dahil ang dami niyang naaalala sa study.Ito ang lugar na naging saksi ng pagpapahiya niya ka
UMIGTING ANG PANGA ni Theo lalo at napabuntong hininga na para bang nagpipigil. Nagpatuloy ulit magsalita si Amanda."Hindi namin kailangan ang yaman mo, lalo na ang anak ko. Hindi niya kailangang manahin ang kompaniyang pinagmamalaki mo..." dagdag pa ni Amanda."Nasasabi mo lang iyan ngayon pero pagdating ng panahon--""Hindi, Theo! Sigurado na ako sa desisyon ko!" putol pa ni Amanda sa sinasabi ni Theo.Hindi na sumagot pa si Theo. Gusto niyang sagutin si Amanda pero ayaw niya ring magsalita ng kung ano pang ikasasama lang lalo ng loob nito. Baka mas lalo lang itong mastress.Kaya naman kahit labag sa loob niya, iniwan niya si Amanda muna doon para makahinga muna ito kahit saglit lang. Umalis muna siya at nag isip isip.Nang naiwang mag isa si Amanda, napapikit na lang siya ng mariin habang tahimik na lumuluha. Pumunta siya sa banyo at halos hindi niya makilala ang sarili nang mapatingin siya sa salamin. Namumutla pa rin siya at bumagsak ang timbang. Walang kabuhay buhay ang mga mat
NAITAKBO NI THEO si Amanda sa ospital. Sa loob ng private room nito, tahimik lang si Theo habang nakatanaw sa bintana. Bumabalik sa isip niya ang namumutlang si Amanda kanina na para bang... walang buhay.Maayos naman na ang lagay nito. At nasabihan na siya ng doktor na kailangan nitong magstay muna sa ospital ng ilang araw para maobserbahan ito at matingnan ng maayos ang lagay.Pumasok muli ang doktor at may ilan pang sinabi kay Theo."Tatapatin na kita, Mr. Torregoza. Nasa delicate stage pa rin si Mrs. Torregoza lalo pa at kapapanganak lang din. May postpartum pa ito kaya maraming tumatakbo sa isipan niya ngayon... kaya rin siguro naisipan nitong uminom ng sleeping pills. Ang maipapayo ko lang ay ilayo mo siya sa stress na maaaring makapagpalala sa sitwasyon niya," advice pa ng doktor kay Theo.Tumango si Theo. "Sige, Dok," simpleng sagot niya."Mas mabuting 'wag niyo siyang bibigyan ng ikasasama ng loob niya dahil baka makasama lang sa kaniya. Mabuti na lang din at naitakbo niyo si
NAESTATWA SI THEO sa kinatatayuan. Bakas na bakas ang gulat sa kaniyang mukha sa ginawa ni Jennie. Hindi niya nagawang alisin agad ang kamay na nakapulupot sa kaniyang bewang dahil may dumaang alaala sa kaniyang isipan.Parang ganito rin noon... kung paano nagconfess si Amanda sa kaniya tungkol sa nararamdaman niya.Parehas silang malakas ang loob at walang paligoy ligoy. Naibalik si Theo sa panahong iyon. Ngunit mabilis din siyang nagbalik sa kaniyang katinuan. Mabilis niyang tinanggal ang kamay ni Jennie sa kaniyang bewang at hinarap ito at tinapunan ng nagbabagang tingin. Umigting ang kaniyang panga dahil sa kapangahasan ni Jennie."Baliw ka ba? Kasal na akong tao!" asik ni Theo.Napayuko na lang si Jennie dahil sa pagkakapahiya. Doon palang alam na niyang rejected na agad siya. Alam na niyang ganito ang mangyayari pero masakit pa rin pala. Sumisikip ang dibdib niya na parang hindi na siya makahinga.Pero pilit niya pa ring pinatatag ang ekspresyon at tumingin kay Theo. Nagawa pa
ANG LAHAT AY PUTI.Sobrang maliwanag para kay Amanda ang lahat. Pakiramdam niya ay mabubulag na ang mga mata niya sa sobrang liwanag ng paligid. Tinakpan niya iyon gamit ang kamay ngunit lumulusot pa rin. Naiiyak na lang si Amanda sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ngunit naestatwa siya sa pwesto nang makarinig siya ng pamilyar na boses..."Kumusta ka na, anak?"Namilog ang mga mata ni Amanda sa narinig. Mas lalo lang siyang naluha. May naramdaman siyang sakit sa dibdib ngunit mas nanaig ang saya."P-Pa?" tawag ni Amanda. "Ikaw ba iyan?" tanong pa niya. Hindi alam ni Amanda kung tama ba ang narinig niya o pawang kathang isip lang. Pero parang totoo! Narinig niya ang boses ng ama!"Ayos ka lang ba? Ang Mama at ang apo ko? Kumusta na?" tanong pa ng boses na hindi maaninag ni Amanda.Napahikbi si Amanda sa sobrnag frustration. Wala siyang makita dahil sobrang liwanag."Pa! Please, magpakita ka!" sigaw ni Amanda at pilit lumingon at tinanggal ang harang sa mga mata. Ang kaso wala talaga
[TW: su*cide]UMAKTO SI Theo na para bang hindi siya apektado sa sinabi ni Amanda. Tumikhim siya at tumabi dito bago dumiretso kay Baby Alex. Hinaplos niya ang ulo nito ng marahan."Okay lang din naman kahit sa feeding bottle. Marami rin namang mga nutrients na makukuha ang baby natin," ani Theo at ngumiti ng bahagya.Ilang minuto ang lumipas, tumayo na si Theo at dumiretso sa banyo para maligo. Habang umaagos ang malamig na tubig mula ulo niya pababa sa katawan, hindi mapigilan ni Theo ang mag isip... lalo na sa divorce na iniinsist ni Amanda.Paano nga kung pumayag na siya sa gusto ni Amanda? Paano kung iyon nga ang makakabuti sa lahat? Paano kung iyon lang ang natatanging paraan para malagay sa ayos ang gusot nila sa isa't isa?Hanggang sa humiga na si Theo sa kama nila ni Amanda ay hindi pa rin iyon naalis sa isipan niya. Maging siya ay hindi makapaniwala na para bang kinokonsidera na niya bigla ang pakikipagdivorce kay Amanda. At sa hindi malamang dahilan, sumingit pa talaga sa i