Share

Chapter 1

"Babe, where have you been? I've been calling you kanina pa." malambing na bati sa akin ni Sam sabay punas ng panyo niya sa pawisan kong mukha. Ilalayo ko sana ang mukha ko sa kanya kasi nahihiya but knowing Samantha magtatampo agad ito sa akin.

She is my bestfriend. One of the most popular and most beautiful girl in our univeristy.

The famous model, Samantha Dela Vega.

Sam is the youngest and only daughter of business tycoon Samuel Dela Vega. She has the money, the power, the fame pero never kong naramdaman ang layo ng estado ng buhay niya sa akin. Sabi niya may dalawa siyang Kuya ang isa tapos na ng pag-aaral at nagma-manage na ng business nila at ang isa...never mind na lang daw.

Hinihingal akong umupo sa tabi niya dahil lakad takbo ang ginawa ko mula sa gate papunta dito sa classroom namin, pakiramdam ko tuloy nanlalagkit ako sa pawis. Paanong hindi ako tatakbo, five minutes na akong late sa klase namin. Mabuti nga at hindi pa pumasok ang professor kundi talagang late ako.

"Why are you panting? May humahabol ba sayo?"

Umiling ako dahil wala naman talagang humabol sa akin. Nagkataon lang na na-delay ang pagpasok ko dahil may tinulungan pa ako sa metro station kanina. Isa pa walang nagkakalakas ng loob na awayin ako dahil kilala nilang ako ang bestfriend ni Samantha.

"Nagmamadali kasi dahil akala ko late na ako." sagot ko sa kanya.

Inilabas ko ang aking libro dahil kailangan kong mag-review para sa quiz namin bukas.Hindi pwedeng bumaba ang grades ko dahil isa sa mga requirements para sa mga scholars ng Valderama Foundation.

I'm a working student, mula sa coffee shop na pinapasukan ko araw-araw, dumiritso na ako dito sa school. Ayoko namang iasa kay Tatay ang lahat dahil nagpapadala din siya kay Tiyang, kaya kailangan ko ding hatiin ang oras ko sa pag-aaral at pagtatrabaho. Pero ayos lang napagsasabay ko naman. I'm a dean's lister last year and I want to maintain that until I graduate kaya double effort ako.

Second year college na kami ni Sam. Originally, I'm from Davao pero dahil dito sa Manila nagtatrabaho ang tatay ko bilang driver ng mga Valderama, sumama din ako sa kanya. Ayokong magpaiwan sa Davao sa asawa niya dahil hindi kami magkasundo. Palaging mainit ang ulo niya sa akin kahit wala naman akong kasalanan sa kanya.

May isa akong kapatid si Patricia. Isang taon ang tanda ko sa kanya pero never niya akong tinuring na ate. We are not closed dahil na rin siguro nakamulatan niyang galit ang mama niya sa akin kaya ganun din siya.

Anak ako ni tatay sa pagkabinata, iniwan ako ng mama ko sa kanya dahil hindi tanggap si tatay ng mga magulang nito. Hindi ko nakita o nakilala man lang ang mama ko. Wala din akong picture o kahit anumang pwede kong mapagkakilanlan sa kanya. Ang sabi lang ni tatay sa akin, kamukha ko si mama. Nakuha ko daw sa kanya ang kakaibang kulay ng mga mata ko.

I have a rare eye color and that's amber. Kakaiba sa mga pangkarinwang kulay ng mga mata ng mga kalaro ko noon kaya madalas akong napagkakamalang alien at ayaw nilang makipaglaro sa akin. Hanggang sa lumaki ako walang masyadong nakikipagkaibigan sa akin but with Sam I felt the genuine friendship. Halos magkaparehas din pala ang kulay ng mga mata namin ni Sam, hazel brown ang kulay ng mga mata niya kaya siguro naiintindihan niya ako kapag minsan nararamdaman kong iba ako.

Naputol ang pagbabasa ko nag biglang magsalita si Sam.

"Naaawa ako kay Kuya but at the same time naiinis rin."

Napatingin ako sa kanya. Nakabusangot ito ngayon at kapag ganito siya it's either pinatawag na naman siya ng dean ng Kuya niya or may problema na naman ang kuya niya at nadadamay siya.

"Bakit?" tanong ko. Napanguso ito at kapag ganyan siya lalo akong nagagandahan sa kanya kaya napangiti ako.

"Kuya Sandro told me that dad took Kuya Joe's car kaya wala itong car ngayon. Nalaman kasi ni Dad na nakipag-away na naman si Kuya the other night. And then yesterday I told dad na pinatawag ako ng dean para doon sa minor subjects niya kaya hayun lalong nagalit si dad sa kanya." malungkot niyang sabi.

Umayos ako ng upo at pumihit paharap sa kanya. Wala pa din naman ang professor namin kaya may oras pa kaming magkwentuhan. Mamaya na lang ako magreview ulit sa break time ko dahil siguradong wala din namang papasok sa utak ko kapag ganito kaingay ang paligid.

"I felt guilty, naawa ako kay Kuya Joe. I'm planning to let him use my car and I'll just ask the driver to drop and pick me but Kuya Sandro said no, dapat daw matuto si Kuya."

Isang malakas na buntong hininga ang kanyang pinakawalan.

Buti pa ang mga mayayaman ganyan lang ang problema. Kaming mahihirap ang daming iisipin sa buhay.

"I know it will be hard for Kuya Joe to commute kasi hindi naman yun sanay. He even called me earlier to ask if I know how to ride the MRT pero wala din akong nasagot dahil hindi ko rin alam. I never tried riding the train here even once." Malungkot nitong sabi na parang ang laki talaga ng problema niya. Naalala ko tuloy yung lalaking muntik ng manuntok ng guard doon sa metro kanina. Ganun siguro kapag mayaman noh? Simpleng bagay lang ang pinoproblema nila.

Ano kaya ang problema ng mga mayayaman na yong masasabi mo talagang problema? Hindi yong gaya nitong pagsakay ng tren o di kaya pag-commute sa jeep.

"Pwede mo ba akong samahan, babe, para naman matuto ako?" she asked hopeful. "..so that I can teach my Kuya how?"

Tumango-tango ako sa kanya saka binalik ang tingin ko sa librong nasa harapan ko. Buti pa sila ng Kuya niya ang pagsakay lang sa MRT ang problema.

Sana all...

"Anyway babe, are you free this afternoon?"

Muling bumalik ang tingin ko sa kanya but this time napasimangot ako dahil nakita ko ang kakaibang kislap ng mga mata niya at yong kakaibang ngiti na nasa labi niya.

"Why?" I tried to maintain my voice.

"Diba I told you that I'm looking for Kuya's tutor for his minor subjects?" I nodded. "Kasi.." she paused.

"No...no..." hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya pero mya ideya na ako.

She's bugging me ever since the semester started na kukunin niya akong tutor ng kuya niya. For Heaven's sake! Bakit ako magtu-tutor sa studyanteng mas matanda pa sa akin? At kung siya nga na kapatid namo-mroblema sa kuya niya malamang ako ganun din.

I'm accepting tutorial classes for those who are younger or even the same age as me pero never pa akong naka-try magtutor sa mas senior pa sa akin, especially lalaki. What the hell is she thinking? May pumasok atang masamang ispiritu sa bestfriend ko. My gosh!

"Please babe..." pagpapaawa niya. "Naawa na kasi ako kay Mom and Dad dahil hanggang ngayon hindi pa rin nakapagtapos si Kuya. And dad wants him to manage the airlines kasi hindi na kaya ni Kuya Sandro. Kung pwede nga lang na ako na lang kaso hindi pa ako tapos e. Si Kuya Joe lang talaga ang problema."

Isa pa yan, bakit niya kasi pino-probelama yang kuya niya? Matanda na yun at alam niya kung ano ang tama sa mali. Baka naman kasi bopols yong kuya niya? Pasaway na lalaki.

"Don't worry Daddy will compensate your effort, babe."

"Sam, wala namang problema kahit hindi ako bayaran ng daddy mo. We're friends and I'm willing to help you, if ikaw yun. But my problem is bakit ang kuya mo? At tsaka bakit ako? Marami naman sigurong pwedeng magturo sa kuya mo? Tsaka minor lang yun Sam, madali lang naman yun kung gustuhin talaga ng kuya. Maya niyan ako pa masisisi kung babagsak siya."

Laglag ang balikat niya pagkatapos marinig ang sinabi ko saka nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Bigla tuloy parang sinundot ang konsensya ko ng makita kong naging malungkot ang mukha niya.

It is the first time that she asked favor from me at tinanggihan ko pa talaga. Nang muli akong sumulyap sa kanya nakita kong may namumuong luha sa mga mata niya pero agad siyang yumuko para itago ito sa akin.

"It's okay babe, I'm sorry for asking." mahinang sabi niya ng hindi nakatingin.

I don't want to see my bestfriend to be sad like this kaya kahit hindi ako sigurado na kaya ko bang maging tutor ng Kuya niya, para sa bestfriend ko pumapayag na ako. I love Sam at ayokong nalulungkot siya.

"Pumapayag na ako." mahina kong sabi pero bigla atang naging matalas ang pandinig ni Samantha dahil mahigpit itong yumakap sa akin. As if naman kung gaano kalaki ang hinihiling niya kung makayakap ito sa akin. Pati tuloy yong ibang kaklase namin napatingin din sa aming dalawa.

"Talaga, babe? Sure? Walang bawian?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin at nag makita niyang tumango ako ay muli itong yumakap.

"Thank you, babe, thank you talaga." nakangiti nitong sabi.

Well ano pa bang magagawa ko? Isang lambing niya lang sa akin lumalambot din agad ang puso ko. Pagdating kay Sam hindi ko talaga kayang magmatigas. Maliban kay Zia at Veron, sa kanya ko lang kasi naramdaman ang tunay na pakikipagkaibigan.

"Anyway, babe, I already gave your number to my dad." she said casually na parang matagal na akong pumayag. As far as I can remember ngayong lang ako nagsabi ng oo ah.

"Kasi I'm the one who recommended to let Kuya have a tutor para hindi ito makakalusot kay Daddy. And maybe, Dad will also contact you to ask for Kuya's progress kaya wala itong lusot. Not unless..." tumigil ito at tinaas baba ang dalawang kilay niya na sa paraang nanunukso sa akin kaya napairap ako.

"Not unless what?" nakairap kong sabi.

I know it already, sasabihin niya na naman sa aking gwapo yung Kuya niya. Ano naman ngayon kung gwapo kung wala namang plano sa buhay? Makakain ko ba yun gkagwapuhan niya?

"Not unless magpapadala ka sa charm ni Kuya." kinikilig nitong sabi pero inikutan ko lang siya ng mata. She even hugged me tightly na para bang tuwang-tuwa pa ito sa kalokohang naisip niya.

Yong ibang kaklase naming nakatingin sa aming dalawa ay napairap pa sa akin. I know they envy my closeness to Sam. Maraming gustong makipagkaibigan sa kanya pero mapili si Sam. Hindi ko nga alam kung anong nakita niya sa akin at isang araw bigla niya na lang akong kinausap and from then we became the bestest friends.

"Gwapo ang kuya ko babe, pero wag kang magpapadala dun ah. Madaming chiks yun. I don't want you to be hurt." Maya-maya ay sabi nito sa akin. Tinitigan niya pa akong mabuti saka matamis na ngumiti. "Pero babe, if ever...if ever na magkagustuhan kayo ni Kuya, I will be very very happy. Kasi magiging totoong sister na talaga kita."

What the hell is she thinking? Bakit umabot kami sa ganitong topic?

"Sam, magtu-tutor lang ako sa kuya mo o mas maiging sabihin e-aassist ko lang siya sa mga minor subjects niya. I'm not into relationship babe, kaya wag ka ng umasa. I'm still young for that." pagtataboy ko sa usapan namin.

"Tsaka, ikaw na din ang nagsabi na playboy ang kuya mo. I don't like playboys babe. Kung magkaka-boyfriend man ako, which is maybe ten years from now." biro ko saka malakas na tumawa. "...I will choose someone who will only see me, choose me and love me. Ayoko ng may kahati. I'm selfish."

Sabay pa kaming napansinghap pagkatapos kong sabihin yon. What the hell? Where did that come from? Anong hugot yun? Ang lalim nun ah.

Natahimik kami at umayos dahil dumating ang professor namin. May surprise quiz pa ito kaya lahat ng kaklase ko ay nagreklamo maliban sa akin at kay Sam. Palagi akong handa kayo ayos lang sa akin. I'm always at the top of my class kaya ramdam ko din minsan naiinis ang mga kaklase ko sa akin. But who cares? I'm used to be loner before I met Sam.

Sanay na akong mag-isa, kahit nga sa bahay namin sa Davao, ayos lang sa akin kung buong araw walang gustong kumausap sa akin. I'm totally fine with that. I can handle myself. Naging maingay lang naman ako kapag nagkikita kami ng mga kaibigan ko, si Zia at Veronica.

Buong araw kaming magkasama ni Sam dahil halos lahat ng subject magkaklase kami. Panay ang kwento niya sa akin tungkol sa kalokohan ng kuya niya. According to Sam,her brother is five years older than us, Sam and I are both 18 years old. Kaya pini-pressure na ito ng dad niyang magtapos ng pag-aaral dahil napag-iiwananan na din pala ito ng mga kaibigan niya.

Actually I don't have idea how Sam's brother looked like. Nababanggit niya ito sa akin pero never akong nag-ask sa kanya kung anong hitsura nito. Baka kasi isipin pa ni Sam na interesado ako sa kapatid niya. Ang tanda na kaya nun tsaka babaero pa. Dapat nga sa edad niya nag-oopisina na siya hindi yong pachill-chill lang.

Isa pa ayaw kung magkaka-boyfriend man ako mas pipiliin ko yung may plano sa buhay. Hindi yong puro pagbubulakbol lang ang nalalaman. Kahit pa siguro ito ang pinaka gwapong lalaki sa balat ng earth. Anong ipapakain niya sa mga anak namin? Baka aasa lang ito sa mga magulang niya. Ayoko ng ganun.

"Babe I have to go, nagtext si Mom pinapapunta ako ni Dad sa office niya."

Katatapos lang ng klase namin. This is our last subject, wala akong duty sa coffee shop ngayong gabi dahil tapos na ako kaninang umaga. Didiritso na rin ako sa apartment ngayon pagkatapos kong ihatid si Sam sa labas. Walking distance lang naman ang apartment ko dito sa school namin.

"Anyway, babe, Mom said that Kuya took your number."

Napatigil ako sa paglalakad at tiningnan si Samantha. She gave an apologetic smile.

"Baka tatawag si Kuya sayo, sabihan mo ako ha." Tumango lang ako sa kanya. "And one more thing babe, my brother is a bit rude but if you get to know him he's cool din naman. Mas cool pa kay Kuya Sandro."

Muli akong tumango sa kanya. Wala din naman akong sasabihin. At kung susungitan ako ng kapatid niya e di susungitan ko din siya. Sabihan ko pa siyang maghanap siya ng ibang tutulong sa kanya 'pag nagkataon.

Pagdating sa apartment agad akong nagpalit ng damit. Kailangan kong magluto ng kakainin ko ngayong gabi at bukas ng umaga. Weekdays ngayon, hindi kami magkikita ni tatay. Sa Sabado pa ang off niya.

Like my usual routine, pagkatapos kung kumain, magpupunas tapos mag-rereview na. Kung para sa ibang studyante boring ang routine ko sa akin ay hindi. I like reading books, gusto kong nag-aaral ng advance dahil ayaw kong nahihirapan sa klase.

Just when I'm done reviewing my lessons when I received text message from unknown number.

+63 905 143 4455

Hi!

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Raymond Hardin
maya n ako magcomment ng maayos miss ava basta felling ku maganda ang kwento n to
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status