Share

Tainted Series # 5 : The Billionaire's Secret
Tainted Series # 5 : The Billionaire's Secret
Author: LadyAva16

Prologue

"What is wrong with you Simone?"

I shifted my gaze at my father, Samuel Dela Vega, Filipino-spanish business man, Owner/CEO- Dela Vega Airways, who called me in his office earlier today. Beside him is my mother former beauty queen/model and hotel heiress Beatrice Anderson-Dela Vega.

Actually kahapon niya pa ako pinapatawag dahil siguro nabalitaan niya na naman na may nakaaway na naman ako noong nakaraang gabi sa bar ni Dominguez.

It's not my fault though, kasalanan ko bang madaming babeng lumalapit sa akin?

The fuck with this handsome face with cute dimples!?

Alangan naman hayaan ko na lang ang lalaking yun na bugbugin ako. E di malamang magasgasan itong gwapong mukha ko. Lintek lang! I can't allow them to do that to me.

"I don't have problem dad." I answered boredly.

Wala naman talaga akong kasalanan. I didn't know that the girl who's with me that night had a boyfriend, ex-boyfriend or whatever. And as if I fucked her, duh?! We're just flirting and making out in the dance floor. That's it. Pero ang gunggong na ex-boyfirend-whatever nung babaeng yun attacked me, so what do they expect me to do?

I can't just allow him to beat me. Anong akala niya sa akin, weak? Gago lang? O edi nakuha niya ang gusto niya, hospital ang bagsak niya.

"Sabi ni Lina alas tres ka na naman umuwi kagabi. Ilang galong alak na naman ang ininom mo? Nagpapakamatay ka ba kakalaklak ng alak Simone?" he asked annoyed. " Do you want me to close your friend's bar? Dominguez, right?" banta niya pa sa akin.

Seryoso? Bakit pati bar ng kaibigan ko nadadamay dito? But...well kung gusto niya e di go ahead. Sila ng Daddy ni Dominguez ang mag-away kung ganun. Bahala sila. Akala niya naman wala ng ibang bar doon. Ang dami kayang nakahilera.

"I told you to focus on your studies right? Baka hindi tayo nagkakaintindihan dito Simone? How can you fly planes if you're acting like that? O baka naman iba ang pinapalipad mo?"

Gusto kong matawa kay Dad, parang di dumaan sa ganito dati. Siguro nga mas malala pa siya kesa sa akin e. Swerte niya nga lang at mabait si Mommy kundi baka walang direksyon ang buhay niya ngayon.

Hindi ko talaga miintindihan to si Daddy. Si Kuya Sandro hinayaan niya lang naman na gawin kung ano ang gusto niya, now he's enjoying his life managing Mom's chain of hotels. Si Samantha naman na gustong maging modelo hinayaan niya. Samantalang ako na gusto lang magrelax-relax sa buhay pinapakialaman niya talaga.

How many times I told him I don't want to be a pilot. That job alone, bores me. Iniisip ko pa lang na uupo lang ako sa cockpit the whole flight inaantok na ako. Baka ako pa ang dahilan na bumagsak ang eroplano. Wag naman! Knock on wood. Literal na kumatok talaga ako sa mesa na nasa harapan ko kaya lalong kumunot ang noo ni Dad sa akin.

"I will graduate, Daddy, don't worry." sabi ko sa kanya. Hindi nga lang ako sure kung kelan, basta, ga-graduate ako. Next year, perhaps?

"Relax, Hon. Don't be so hard on your son." mahinang sabi ni Mom. Buti na lang talaga at andito si Mommy kasi hindi masyadong nakakalabas ang sungay ni Dad.

"How can you graduate Simone, kung ngayon pa lang ang dami mo ng bagsak!"

Hala si Daddy mapanghusga. Wala kaya akong bagsak. Incomplete lang. It's still different right?

"How can you be a good pilot kung ngayon pa lang hindi ka na nag-aaral ng mabuti? You're spending to much time playing around. Tsaka anong sinasabi nung kapatid mo, pinatawag daw siya ng dean kasi may tatlong minor subjects kang hindi naipasa. Do you think you can graduate without passing those fucking subjects Simone Jose?!"

Dad almost lost his temper. Mom is just calming him down. Siguro kung wala dito si Mommy kanina pa dumapo sa mukha ko ang kamao ni Dad.

Sino ba kasi ang nagsabing gusto kong maging piloto? I don't want to fly planes. Mas gustuhin ko pang e-manage ang hotel ni Mom. Doon walang sasaway sa akin kung anong oras akong magsisimula sa trabaho. Walang amang titingin kung pinalipad ko na ba yong eroplano niya. Andyan naman si Samantha na gustong maging piloto, e di siya na lang.

Hindi ako kumibo dahil alam kung kapag sasagot pa ako kay Dad lalo lang itong magagalit sa akin. And I can see that my mom is looking at me with her pleading eyes na tila ba sinasabi sa aking wag na lang akong sumagot kay Dad.

Pilit kong pinapakalma ang aking sarili. I really need to leave bago pa ako isumpa ni Daddy.

"I'm telling you Simone, if you'll not graduate this year, I'll cut everything. Wala kang matatanggap na kahit ano mula sa akin."

As if naman umaasa ako sa allowance ni Dad. Ni hindi ko na ginagalaw ang allowance na hinuhulog niya sa account ko. Both my grandfather and grandmother from my Mom's side had given me enough. Hindi lang si Mom ang pinamahanan nila pati kami ni Kuya Sandro at Samantha meron din. So kahit hindi ako bibigyan ni Daddy ng allowance may pera pa rin ako.

But of course, I can't voiced it out, I don't want to stress my Mom. Kaya sa halip na sagot-sagutin si Daddy tumahimik na lang ako. Nagpapa-awa pero wala namang epekto kay Daddy. Si daddy pa ba? Ugh!

"I will fix this dad, kukunin ko ang minor subjects next semester para makahabol ako. Don't worry I'll graduate."

I didn't take it this semester, tatlong linggo na ang lumipas ng pagsisimula ng klase at hindi ko kinuha ang mga subjects na yun dahil plano ko next sem na lang.

"No need! I already talked to your dean, you are enrolled and you also have a tutor who will help you pass that subject." he said in a cold a serious tone.

Tutor? Tama ba ang narinig ko? Kiniling ko pa ang aking tenga at baka namali lang ako ng dinig pero kumunot lang ang noo ni Dad sa akin.

"You'll be seeing your tutor three times a week. She will help you." he continued.

"She?" I murmured but dad just smirked at me.

Tang-ina ano to gaguhan? At tsaka bakit babae? What the heck!? Ano ako bobo? Minor subjects lang yun and I don't need tutor for that.

"Here's your schedule." tinulak niya ang papel sa aking harapan. Hindi ko ito kinuha, tiningnan ko lang. May nakasulat na pangalan ng babae sa baba at phone number which I assumed her phone number.

"Tutor?" I asked in confusion but he just stared at me. "What do you think of me, Dad? A fucking kinder that needs a tutor?"

" Watch your words young man." mariin niyang saway sa akin kaya umayos ako. Isa na lang talaga kulang at baka mabigwasan na ako ni Dad. "If you continue acting like that then you are. Now, take that and call her. "

Magpo-protesta pa sana ako kaso nakita kong nakiki-usap ang mga mata ni Mommy habang tumingin sa akin.

"Be good to her young man." babala niya sa akin at binigyan niya pa ako ng warning look.

"I have to go Mom, Dad." Pagod ko tiningnan ang huli saka padabog na kinuha ang papel sa mesa pero wala akong balak na kontakin ang babaeng yun. "I still have class."

"Nagdadabog ka?"

"No dad, napalakas lang." Humalik ako sa pisngi ni Mom saka yumakap kay Dad. Kahit naman naiinis o nagtatampo ako kay Daddy minsan hindi pa rin naman nawawala yong paggalang at pagmamahal ko sa kanya.

I'm already on my way out from Dad's office when I noticed that I don't have my car key with me. Dali-dali akong bumalik sa loob ng opisina ni Daddy. I remembered, nilagay ko pala yun kanina sa mesa nung dumating ako.

"Why are you back, son?" tanong ni Mommy sa akin. Nakita ko pa ang pagsimangot ni Dad sa akin dahil pagkarating ko nahuli ko silang naghahalikan ni Mom.

"I left my car key here, Mom." tinuro ko ang bahagi ng mesa kung saan ko naiwan ang susi kanina.

"Is this what you're looking, Simone Jose?" nakataas ang isang kilay ni Dad sa akin. Gusto ko sanang tanungin si Dad kung may ibang susi pa ba ang Audi ko. Malamang! Yang susi na nasa kamay niya lang.

"I have to go Dad. I don't want to be late." I reasoned out when I saw that he don't have plans of giving me back my key.

Ano na namang drama to Dad? Kainis talaga ang matandang to e. Kasalanan ko ba kong mabitin siya sa halikan nila ni Mommy? Kung sana tinawag niya ako kanina, hindi na sana ako babalik dito. Tuloy-tuloy na sana ang loving-loving nila ni Mommy.

"I'll use your car this week. I don't have one."

Anong I don't have one? Ang isang Samuel Dela Vega pa ba ang mawawalan ng sasakyan? May Porsche, Safari, Tesla, Bentley at Rolls Royce pa nga dun sa garahe tapos itong Audi ko pa talaga ang pinagti-tripan niya?

"I think I'm spoiling you too much kaya naging matigas ang ulo mo, Joe." dagdag niya. "Now, go. No car for you unless you'll start taking your classes seriously."

"Sa lagay na to Dad, spoiled pa ako?" naiinis kong tanong sa kanya, hindi ko na napigilan ang sarili. But my dad as usual walang pakialam. Minsan naiisip ko tuloy, ganito ba talaga ang treatment sa middle child? Hindi naman kasi ganito ka strict si Dad kay Kuya at sa bunso naming si Samantha.

"Mom...I'm late." baling ko kay Mommy dahil alam ko na kapag si Mommy ang nagsabi kay Dad wala din itong magagawa. Takot niya lang kay Mommy. But Mom, shook her head.

Tang-ina! Bakit ko kasi hindi nilagay sa bulsa ko ang susi kanina?

Naglakad si Mommy palapit sa akin para pakalmahin ako. I hate it when Mom is like this, alam niya kasing hindi ko kayang saktan ang damdamin niya. Kahit naman matigas ang ulo ko pagdating kay Mom hindi ako pwedeng sumuway. I love her so much and I don't want to stress her kung pwede lang.

"I'll talk to your dad, okay?" Mahinahong sabi ni Mom. Inayos niya pa ang kwelyo ng uniporme ko tsaka marahang hinaplos ang aking buhok. "Please understand your dad, Joe. Your dad loves you so much and he wants you to be successful someday."

I heaved a deep sigh and nodded. Ano pa bang magagawa ko?

"Okay, Mom. I'll go." paalam ko at kahit masama ang loob ko kay Daddy nagpaalam pa rin ako sa kanya. "Bye dad."

Pakshet na buhay to! Bulong-bulong ko habang naglalakad palabas ng building namin. Paano ako makakarating nito sa school araw-araw? Don't tell me magco-commute ako? Oh Shit! What a life?

Wala din akong matawagan na kaibigan para magpasundo o makisabay dahil graduate na silang lahat. Ako nalang ang naiwan dahil madami akong bagsak...ay hindi, incomplete pala, last year.

Paano ba magco-commute papuntang school? Kung magtataxi ako baka abutin ako ng ilang taon sa daan sa sobrang traffic. Malamang ganun din sa jeep. What the fuck I will do now?

Ilang minuto na akong nakatayo sa labas ng building ng maisipan kong tawagan si Kuya. I know Kuya Sandro will help me. Si Dad lang naman talaga ang parang may galit sa akin e.

Magpapahatid ako ng chopper sa school. For sure, yun walang traffic. Ang talino mo talaga Simone, papuri ko sa aking sarili. Akala mo Dad ha?

"How's life brother?"

Masayang bungad ni Kuya sa akin sa kabilang linya. Kaya hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa.

"Kuya, I need your help." papaawa ko pero tinawanan niya ako. Yong tipo ng tawang may alam na siya. Well, I think he already had an idea kung bakit ako tumawag sa kanya. Pakshet ka Dad, inunahan mo na ako.

"Spill it." aniya pero alam ko ng wala ng pag-asa.

"Wag na lang kuya." tanggi ko agad, mapapahiya lang ako.

"I'm sorry bro. Walang chopper na available ngayon." sabi niya kahit di ko naman tinatanong See? Alam ko na, natawagan na nga siya ni Dad. Hindi pwedeng walang bakanteng chopper kasi kapag may emergency si Dad, may naka-stand by dapat.

"Do you want me to arrange a driver for you? Where are you now?"

"Wag na kuya." tanggi ko. Ayokong kumuha ng driver, magko-commute na lang ako. But the problem is I don't know how? "Sige na kuya, hanap pa akong masasakyan."

"Bye bro, take care." he answered and ended the call.

What will I do now? Feeling ko ngayon tuloy apaka bobo ko. Simpleng pagcommute lang hindi ko pa alam? Pag-ako nainis hindi na talaga ako papasok dun sa Aviation school.

Fuck! Kainis! It's so frustrating. Ang init-init pa, tapos wala man lang taxi.

Tawagan ko kaya si Guerrero? Siya lang naman ata ang hindi busy ngayon. Hindi kasi pwede si Dominguez kasi nagrereview yun, gustong maging CPA ni gago.

"Wazzup Brute?" maligalig na bati i William sa akin. Bored na naman siguro ito sa opisina niya kaya heto nag-aabang kung sinong manggulo sa kanya. "What do --"

"I need your help." putol ko sa kanya. Hindi muna ito sumagot sa akin dahil may dumating, siguro secretary niya. Dinig kong sinabihan niya itong lumabas muna bago ako muling kinusap.

"Ano may nabuntis ka? Gago to, bakit di ka nag-iingat? Patay ka kina tito at tita niyan." diri-diritso niyang sabi. "Sinong nabuntis mo Dude? Maganda ba? Mabait? Saan mo nakilala?" Hindi lang judgmental diba? Chismoso din.

"Hoy Gago! Hindi yan ang problema ko." putol ko sa kanya ng akmang magsasalita pa ito.

Mali ata ako ng tinawagan.

"Sorry brute, I thought..." aniya saka tumawa ng malakas. " Akala ko kasi kaya ka inatake nung lalaki dahil binuntis mo girlfriend niya, di pala. Anyway anong kailangan mo?"

Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi pero wala akong choice kundi talagang hindi ako makakapasok sa school.

"How to commute...I mean paano ako makakarating sa school ko." Yun pala ang sinabi ko sa kanya pero tawa na ng tawa ang gago. Nauubo pa ito sa kakatawa nya sa akin. Nang-iinis ang gago. Bwesit! Sarap sungalngalin ang bibig para matahimik.

Wala naman nakakatawa sa tanong ko. Gago lang diba?

"Sorry dude..sorry." he said, but I can still feel na pinipigilan niya lang ang sariling matawa. Gusto ko sanang ibaba ang tawag pero mas nakakahiya kung tatawag na naman ako sa iba ko pang kaibigan para magtanong lang. Mas maiging siya lang ang nakakaalam na hindi ako marunong mag-commute. Wag lang sanang ipagkalat ni gago na tumawag ako para dito kundi mabibigwasan ko talaga ang pagmumukha niya.

Sana pala kay Hendrick o kay Nate ako tumawag. Pero wala pala si Nate ngayon dahil nasa training niya.

"Where are you?" he asked.

Wala akong choice kundi sabihin sa kanya ang nangyari except sa pagkakaroon ko ng tutor pati na rin ang pagkuha ni Dad sa sasakyan ko.

"May malapit na MRT dyan, may babaan din doon malapit sa school niyo." he instructed. Tahimik lang ako at nakikinig sa kanya. Tinuruan niya akong bumili ng card tapos kung paano ito gamitin. Alam ko naman gumamit ng card kung parehas lang ito sa ibang bansa. I mean...you will just simply tap it pero si gago ginawa akong bata. Step by step pa ang pagturo sa akin.

Ayos lang naman sana kasi kailangan ko e pero bawat turo niya may halong pang-uuyam at pang-iinis. Nakakabwesit pero wala akong choice. Hindi ko alam kung paano dahil hindi pa ako nakasakay ng tren dito.

"Thanks Dude." pasalamat ko sa kanya pero sa halip na sumagot ng 'welcome' tinawanan pa ako ni gago.

"Tang-ina Dude! Yan lang di mo alam?"

"Magtatanong ba ako kung alam ko?' naiinis kong sagot sa kanya saka nagpaalam.

Dahil wala akong makitang taxi, wala akong choice kundi ang maglakad. Saka ang sabi ni Guerrero mas mabuting lakarin ko na lang mula sa building namin papuntang station. Speaking of station hindi ko alam kung anong station ako bababa? What the fuck!? Daddy ikaw ang may kasalanan kapag hindi ako naging piloto!

Pagdating sa station ang daming tao, nagsisiksikan. Halos lahat nagmamadali na parang takot maiwanan. Inilibot ko ang tingin kung saan ako pwedeng magtanong. Guerrero said I have to buy a fcking card.

"Boss, saan ako bibili ng card?" I asked politely pero ang gagong guard na napagtanungan ko ay nag-uuyam na tumawa sa akin.

"Sa hardware ka bumili ng card bata." pilosopo niyang sabi sa akin. Pakiramdam ko nagsiakyatan lahat ng dugo ko sa aking ulo.

Seriously? He answered me sa hardware? I'm not stupid enough para hayaan siyang insultuhin ako kaya hindi ako gumalaw sa pila.

"Alis bata kung hindi mo alam anong gagawin mo." nakangisi niyang sabi sa akin.

Tang-ina magtatanong ba ako kung alam ko?

"I can sue for this." Kinuha ko ang ID ko at pinakita sa kanya. Nakita kong namutla siya siguro pamilyar sa kanya ang apelyido ko pero hindi paman ako muling nakapagsalita may babaeng humawak sa palapulsuhan ko at hinila ako palayo sa gwardiya.

Who the hell is this lady? Napipilitan man sa panghihila niya sa akin nagpatianod pa rin ako sa kanya. She's tall, maybe nasa 5'8" ang height. She has long and shiny black hair. Her curves are showing though I think she's still young but she has a perfect pair of bum.

Hindi ko nakikita ang mukha niya dahil nauuna siyang maglakad sa akin pero maraming nakatingin sa aming dalawa.

It's like we're having a fight. Yong syota na nag-aaway at galit na galit ang babae sa lalaki kaya kinakaladkad niya ito.

"Dito ka mister." masungit niyang sabi sabay bitaw sa kamay ko at humarap sa akin. Hindi ako nakagalaw agad dahil parang nahipnotismo ako sa kulay ng mata niya. She has a very rare eye color... amber. The red tint is visible maybe because she's annoyed and it's perfect. It added to the beauty. It perfectly matches her pointed nose and not so pouty but pinkish heart shaped lips.

"Mister hello!" kinaway kaway niya pa ang kamay niya sa mukha ko kaya napakurap-kurap ako. "Dito ka bumili ng card." turo niya sa booth na may cashier. "...pagkatapos e swipe mo lang para makapasok ka. Okay? Gets mo?"

I didn't talk, I remained looking at her. Her face is so angelic. He lashes are thick and long. Her brows have a natural flick. Tang-ina, totoong ganda ba to? I mean madami akong nakilalang magaganda, mga modelo at beauty queens pa pero iba ang gandang taglay ng babaeng 'to.

"Bahala ka nga sa buhay mo. Male-late pa ako dahil sayo e."

Hindi niya na hinintay ang sagot ko at nagmamadali na itong iwan ako. I tried to call her but she didn't listen. She just waved at me at ang makapasok na ito sa loob, lumingon ito sa akin saka ngumiti.

Hindi man lang ako nakaganti ng ngiti sa kanya dahil bigla na lang itong tumalikod at humalo na sa mga tao sa loob. Nagmadalai ako sa pag-asang sana ay maabutan ko pa siya pero dahil mahaba ang pila para makabili ng card hindi ko na siya nakita.

Damn! You're fucked up Simone.

Hindi ko man lang nakuha ang name at number niya.

Saan ko siya hahanapin ngayon?

Para tuloy akong tangang inamoy ang palapulsuhan kong hinawakan niya kanina. Hanggang sa nakarating ako sa school mukha akong tanga na nakatingin sa kamay ko sabay singhot dito. Pakiramdam ko naiwan ang bango ng malambot niyang palad sa palapulsuhan ko. And then her beautiful smile keeps flashing in my mind.

I need to find her...

I really need to find her. I need to see those beautiful pair of amber eyes again or else I will go crazy.

Fuck! I think I'm bewitched...

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Karen Calvarido Mu
Thank you Ms A you have a new novel po.Take care and God Bless
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status