Share

Chapter 2

I just read the message and deleted it. Wala namang bago. Im used to that. Hindi ako nagrereply kapag may nagte-text sa akin ng hindi nagpapakilala. Call me snob pero ganun talaga ako. I don't trust people so quickly, mahirap na. Marami din kasing nagte-text sa akin na hindi ko kilala. Hindi ko nga alam kung paano at saan nila nakukuha yung number ko.

Sininop ko na ang aking mga libro, pati ang mga notebook ko, Sunod kong inayos ang uniform ko para sa coffee shop bukas. Early shift na naman ako, 5:00 am to 9:00 am ang shift ko, then 10:00 am naman ang first subject ko. It's already 10 in the evening, late na para sa akin. I have to sleep early dahil maaga akong gigising bukas.

Nasa bed na ako at handa ng matulog ng biglang tumunog ang phone ko. The same number who texted me 'Hi!' is the one who's calling.

I'm hesitant to answer, dahil wala namang tumatawag sa akin ng ganito ka late. Si tatay kapag ganitong oras hindi na ako tinatawagan, nag-iiwan lang ito ng text sa akin dahil alam niyang tulog na ako ganitong mga oras.

After the ring ended, may natanggap akong text.

+63 905 143 4455

Answer the call, Tutor.

Parang na-magnet ang kilay ko at biglang umangat ito. Hindi paman niya sinsabinsa akin parang alam ko na kung sino siya. Buti pa yung aso may pasintabi pa.

Wow lang ha! Wagas makapag-utos ah. Wala man lang please? Wala mang lang good evening? Anong akala mo sa akin?

Pwes manigas ka...

Hindi ko pa nga nasa-silent ang phone ko muli na naman itong tumunog dahil sa tawag niya.

Sa halip na sagutin ko ito hinayaan ko lang hanggang sa matapos itong mag-ring.

+63 905 143 ****

I'm Simone Jose Dela Vega. Answer my call.

Wow kung makautos, ang yabang! Ano ngayon kung si Simone ka? Kahit sinong Simone na hari ka pa, kung ganyan ka umasta hindi kita sasagutin. Matuto ka munang mag-please, ulol!

Para akong baliw na kinakausap ang cellphone ko.

Just after I finished reading the message he then called again. HIndi ko pa rin sinagot. Patigasan tayo dito Kuya.

Sobrang inis ako sa pag-approabh niya sa akin. Napakaangas!

+63 905 143 ****

Answer my call or I'll come inside you room. You choose.

Weee? Huy Kuya, anong akala mo sa akin matatakot mo? Maypa you choose-you choose ka pang nalalaman. Kala mo naman alam niya tong apartment ko. Kung pwede ko lang na dilaan siya dito sa phone ko ginawa ko na. Ulol ka Kuya! Tama nga si Sam, hindi lang mayabang tong kuya niya dahil saksakan ito ng yabang.

Wag ako boy! Probinsyana ako pero hindi mo ako masisindak sa paganyan-ganyan mo.

Pero gaya ni Samantha ayaw niya akong tigilan. Nasa lahi na ata nila ang paigiging makulit dahil muli na naman itong tumawag sa akin.

Whatever Kuya tumawag ka kung gusto mo. Naka-silent naman yang phone ko, hindi ako madidisturbo. Nilapag ko ang phone sa bedside table ko bago ako tumayo at pinatay ang ilaw ng silid ko.

Saktong pagkapatay ko sa ilaw ay natapos din ang tawag. Muli, nakatanggap ako ng text. Hindi ko na sana ito babasahin pero out of curiosity, kinuha ko ang phone at binasa kung ano ang pinadala niya.

+63 905 143 ****

Turning off the lights huh?

Muntik ko pang mabitawan ang phone ko pagkatapos kong mabasa ang text niya. Hala gago, ano yun? Totoong nasa labas siya ng apartment?

Paano niya nalaman?

Kinakabahan man, dahan-dahan akong naglakad palapit sa bintana para sumilip dito pero bago ko paman mahawakan ang kurtina muling tumunog ang phone ko. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi, nakatitig lang ako sa screen nito. Sa huli hinayaan kong matapos ang tawag.

+63 905 143 ****

Last warning, Tutor. I'm watching you.

Dama ko ang pagbabanta sa mensahe niya. Nagsisimula ng manginig ang kamay ko sa kaba. Anong trip nitong kuya ni Sam at dis-oras ng gabi tumatawag sa akin? Pwede namang ipagpabukas pa.

Nilakasan ko ang aking loob. Sumilip ako sa bintana pero agad din akong nagtago ng may nakita akong lalaking nakatayo sa tapat. Pakiramdam ko nasasakal ako sa sobrang lakas ng tibok ng aking puso ng makita kong nakatingin ito sa bintana ng silid ko.

My gosh! May pagka-stalker pala itong Kuya ni Sam. Nakakatakot naman.

Pinakalma ko muna saglit ang aking sarili saka muli akong sumilip. I was hoping that he was not there pero ganun na lang ang gulat ko ng sa muling pagsilip ko ay kumaway pa ito sa akin gamit ang ilaw ng phone niya. Hindi ako nakagalaw agad at nanatili lang na nakatingin sa kanya.

Konti lang ang ilaw sa bahaging kinatatayuan niya dahil malayo na ito sa poste kaya hindi ko naaninag ang mukha niya, isa pa naka-hoodie siya. Bahagya itong nakasandal sa hood ng sasakyan niya habang winawagayway ang phone niyang nakailaw sa akin.

Jusko! Parang lalabas na yung puso ko sa aking dibdib. Ano ba tong kapatid ni Sam? Nakakatakot naman ang trip niya.

Isasara ko na sana ang bintana ng umilaw ang phone ko. Tiningnan ko ito at siya nga ang tumatawag. Sinenyasan niya akong sagutin ko ang tawag. Ika-cancel ko sana pero sa sobrang pagkataranta ko nasagot ko ang tawag.

Ilang segundo pa akong nakatitig sa screen ng phone ko bago ko napagdesisyonang sagutin ang tawag niya.

"H-hello?" kinakabahan kong sagot. Matagal bago ito sumagot pero dama kong nakatingin siya sa akin. Kahit madilim dama ko ang intensidad ng mga titig niya. Bigla ko tuloy naramdaman tumayo ang mga balahibo ko.

"Good evening, Tutor." he answered using his deep and husky voice. I was silent for a moment, na star struck ata ako sa ganda ng boses niya.Parang ang gandang pakinggan. Bigla kong naramdaman parang kumislot ang puso ko. Ano yun?

"M-may kailangan po kayo, Kuya?" nahiya pa ako sa tanong ko dahil nautal pa ako.

Pero sa halip na sagutin ako narinig kong napamura ito sa tawag ko sa kanya pero maya-maya ay natawa din. Hindi ko alam pero bigla akong napangiti. Hala bakit ganito? Wala naman siyang sinabi pero nangingiti ako pagkatapos kung marinig yong mahinang tawa niya. Parang ang cute lang pakinggan.

Kinagat ko pa ang aking labi para pigilan ang ngiti dahil baka makita niya ako mula sa kinatatayuan niya.

"You looked beautiful when you smile. Don't hold it. " aniya sa mababa ngunit malamig na boses. Pakiramdam ko tuloy nagsiakyatan lahat ng dugo ko sa aking mukha. Biglang uminit ang aking pisngi sa simple niyang papuri o mas malamang ay pambobola dahil alam ko namang madilim dito sa kinatatayuan ko at hindi niya ako nakikita.

Bolero! Kaya siguro madaming chiks ang lalaking 'to. Matamis ang dila, magaling gumamit ng mga salita.

"Matutulog na po ako, Kuya. Bukas na lang tayo mag-uusap tungkol sa tutorial mo."

Hindi ko alam kong anong sasabihin kaya yun ang naisipan kong isagot sa kanya. Matagal bago ito sumagot pero alam kong nasa kabilang linya pa ito dahil dinig ko ang banayad niyang paghinga.

"I'll fetch you tomorrow morning." sabi niya.

Umayos ako ng tayo at tuluyan na ngang inalis ang kurtinang nakaharang sa akin. Nakita ko ring umalis siya sa pagkakasandal sa hood ng sasakyan niya at umayos ng tayo paharap sa akin.

Kung tingnan kami ngayon para kaming mag-jowa na nag-uusap sa phone. Yun bang tipong pinagbawalan ang isang makipagkita sa isa kaya hayun kuntento na lang sa tawag. Ano ba itong pumapasok sa isip ko? Ito na ang resulta kakabasa ko ng mga romance novel.

"Kuya, may trabaho pa po ako sa umaga. Hapon pa bakante ang oras ko."

Hindi ba nasabi ni Sam sa kanya na hapon lang ako pwedeng mag-tutor sa kanya?

"I know..." tipid niyang sagot.

Yun naman pala, bakit niya sinabing susunduin niya ako bukas?

"I just want to pick you."he added, pero agad ko din namang kinontra.

Maaga ang shift ko bukas at kung susunduin niya ako tiyak mas maaga pa itong magising sa akin. Hindi niya naman obligasyon na sunduin ako, ni hindi ko pa nga siya nakilala ng personal.

"Wag na po kayong mag-abala Kuya, ayos lang po ako."

"I insist." he answered and I can fell the finality in his words. Ngee ano yon? Jowa lang may pahatid sundo?

"Wag na--"

"No..." putol niya sa akin, pero agad din namang naging malambing ang boses niya. " please, baby, I insist."

"Hala, baby?" tanong ko. " Kuya, hindi po baby ang pangalan ko. Belle po...I'm Belle Marie Saavedra."

Narinig kong muli na naman itong natawa ng mahina. "Fuck! you're so cute, baby." mahinang sabi niya pero dinig ko naman kaya napanguso ako.

"Stop, pouting your lips, baby." saway niya sa akin. How come he can see me from afar?

"Sige na Kuya, maaga pa ako bukas. " pagpapaalam ko dahil wala ata siyang balak na putulin ang tawag. "Alas singko ng hapon ang tapos ng klase ko, Kuya. Hintayin kita sa library, doon na lang tayo magkikita."

Hindi ito sumagot kaya tiningnan ko ang screen kung may kausap pa ba ako.

"I'm still here, baby." paos niyang sabi.

"Kuya, hindi nga po baby ang pangalan ko." Protesta ko pero tumawa lang ito.

"I know, baby." He answered. I can feel that he is suppressing his smile kaya pati ako ay napapangiti rin.

Ewan ko pero parang bigla akong may kakaibang naramdaman. It's my first time to feel like tgis kaya hindi ko mapangalanan.

"Alam mo naman pala pero panay baby ka pa rin." Sabi ko sa maliit na boses. Nang marealize ko ang aking ginawa gusto kong kutusan ang aking sarili.

"Because I want to." Malambing nitong sabi . "I want you to be my baby." Mahinang sabi niya nung huling linya kaya hindi ako sire kung tama ba ang narinig ko.

"Bakit?" Nakanguso kong tanong. "Hindi mo naman ako baby para tawagin mo akong ganun."

"Hindi pa nga... sa ngayon." Mahina niyang sabi. "But you will be my baby."

Muling kumislot ang puso ko nung tinawag niya akong baby pero hindi ko na lang pinansin yun. Gusto kong mangiti pero pinigilan ko ang aking sarili. I know this guy is just tricking me. Sam already warned me about his brother and I should always remember that.

"Bye na po." sabi ko pero hindi na naman ito sumagot. "K-kuya? May sasabihin ka pa po ba?"

"Nothing." tipid niyang sagot sa akin.

"Ah sige po, bye Kuya, end ko na ang call ah?"

"Three minutes."kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Give me three minutes to see you before you end the call."

"Bakit po? May sasabihin ka pa ba?"

Hindi ito sumagot pero dinig ko ang malakas niyang buntong hininga. Wala kaming naging usapan, nakatayo lang ako doon habang inaaninag ang mukha niya at siya naman ay nakatingin lang din sa akin.

We're not talking but I can feel the fast beating of my heart for no reason. Parang may kabayong nagkakarerahan sa loob sa sobrang lakas ng tibok nito. For the first time, ngayon ko lang to naramdaman. I don't know how to name it but I know it's something strange...something special maybe?

"By the way Kuya, pwede magtanong?" I asked dahil three minutes na kaming nagpapakiramdaman lang. Nagtataka lang ako dahil wala namang binanggit si Sam na pupuntahan ako ng Kuya niya dito.

"Hmm"

"Paano mo pala nalaman na dito ang apartment ko?"

He remained quiet for seconds and then narinig ko ang mahina niyang tawa. Again I felt that my heart fluttered. Bakit ganito? Simpleng tawa niya lang bumibilis ang tibok ng puso ko?

"Kuya?"

" I have my ways, baby..." he answered.

"Goodnight, I'll fetch you tomorrow morning." He added and then ended the call.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status