Share

Chapter 1

"Dito ang kwarto mo Ineng, kasama mo dito si Gina. Ikaw dito, at diyan na man siya sa kabilang kama. Yang kabinet ang lagayan niyo nang mga damit, pero mamaya mo na ayusin yung mga gamit mo. Kailangan namin nang makakatulong ngayon sa kusina kasi may dadating na bisita mamayang gabi." ani Nana Lydia. 

Siya ang pinaka mayordoma nang mga Contreras. Siya din ang pinaka matanda at pinakamatagal sa lahat nang mga naninilbihan dito sa mansion.

Sinundo lang nila ako sa airport kaninang umaga. Pagkatapos nang nangyari kahapon, dumiritso ako sa bahay ni Ate Jean. Tinulungan ako nila ni Aling Nena na magtago dahil hinanap ako ni Tiyong. Nag-amok pa ito kahapon sa bahay nina Aling Nena, kaya pinadampot nila ito sa mga pulis.

Pinakiusapan ko si Ate Jean kagabi na kumustahin si Tiyang, dahil tiyak akong sa kanya ibinunton ni Tiyong ang galit nito sa akin. Bago ako tumalon kitang-kita ko pa ang nanlilisik na mata ni Tiyong bitbit ang kahoy na hinampas ko sa batok niya.

Binugbog daw si Tiyang kaya namamaga daw ang mukha nito. Gusto ko sana siyang balikan kagabi pero ayaw pumayag nina Ate Jean baka mapahamak daw ako. Madami daw tambay na kaibigan si Tiyong na pwede nitong utusan para gantihan ako. Gustuhin ko man pero natatakot parin ako para sa buhay ko. Alam kong kayang-kaya nila akong saktan kapag inutos ni Tiyong. Madami itong ka-tropang mga halang ang kaluluwa.

Nakakulong  na daw si Tiyong ngayon dahil sa pambubugbog nito kay Tiyang. Nakisuyo na lang ako kay Ate Jean na ipabigay ang konting ipon ko para may ipambili ito nang gamot. Naawa ako kay Tiyang pero wala akong magagawa para tulungan siya. Siya na rin mismo ang nagsabing iligtas ko ang buhay ko.

Nagdadalawang isip pa akong iwan si Tiyang pero sabi nila Aling Nena mas mabuti pang lumayo ako at iligtas ang aking sarili. Hindi namin alam kong anong maaring gawin ni Tiyong sakali mang makalabas ito.

Mabigat man sa aking dibdib pinili kong sundin ang payo nila sa akin. Nangako naman ang mga ito na kakamustahin si Tiyang at babalitaan nalang nila ako.

"Ano nga ulit ang pangalan mo, Ineng?" tanong ni Nana Lydia.

"Clea Demetrice po, Nana." magalang kong sagot dito.

"Anong apelyido mo?"

"Dimagiba po." sagot ko.

"O siya sige, mauna na ako don sa kusina, sumunod ka agad ha. Madami pa tayong dapat gagawin."

Nilagay ko muna ang mga gamit ko sa tabi. Nagpalit ako nang pambahay para komportable ako. Simpleng leggings at maluwang na t-shirt na may tatak boysen ang suot ko. Ito yung t-shirt na binigay sa akin ni Aling Nena nung malaman nitong wala ako masyadong dalang damit. Ilang piraso lang ang naipasok ni Tiyang kahapon dahil sa pagmamadali, mabuti at may mga panty at bra si Ate Jean na hindi pa daw niya nagamit at ibinigay ito sa akin.

Pagkatapos kung magpalit ng damit dumiritso na ako sa kusina. Apat silang nagtutulung-tulong sa paghiwa at sa iba pang gawain. Siguro madami ang bisitang pupunta mamaya kasi ang dami nang mga dapat ihanda, halos hindi na nga ito magkasya sa mesa.

"O Clea ito si Gina, siya ang makakasama mo sa kwarto." Turo ni Nana Lydia sa isang babae na palagay ko kasing edad ko lang o baka mas matanda sa akin nang ilang taon.

Maganda ito at kikay manamit. Malaki ang ngiting ipinakita nito sa akin, at kumaway-kaway pa.

"Hi Clea, ako si Gina ang reyna nang banyera..charot! Ang ganda mo naman girl, sigurado ka bang pagiging kasambahay ang pinasukan mong trabaho? Pwede kang maging artista sa ganda mong yan" biro nito sa akin.

"Salamat." Simpleng tugon ko sa kanya kasi hindi ako sanay sa mga ganitong papuri.

 "Halika dito ka sa tabi ko, tulungan mo akong maggayat dito."

Agad naman akong pumunta sa tabi niya at kumuha nang gulay na pwedeng kong gayatin.

"Nga pala girl may tanong ako sayo?"

Tumingin ako sa kanya at naghintay kong anong itatanong nito sa akin.

"Totoo ba yang mga mata mo?" Tanong nito na parang nagdududa kung totoong kulay asul ba ang mga mata ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Yan...yang kulay asul mong mata hindi ba yan contact lens?" Sinipat pa nito ang mata ko,kaya napakurap-kurap pa ako.

"Ay hindi, ito talaga ang kulay nang mga mata ko." Nahihiya kong sabi sa kanya.

Minsan nga hiniling ko, na sana naging itim na lang itong mga mata ko.Ito kasi ang kadalasang napapansin nang mga tao sa akin. Doon nga sa amin napagkakamalan pa akong alien.

"Huy Gina, wag mo ngang harassin yang si Clea at baka uuwi nalang yan bigla." Saway ni Nana Lydia sa kanya kaya napakamot ito sa ulo. Nagkatawanan tuloy kaming lahat.

"Nana Lydia talaga oh, na-curious lang ako sa mata ni Clea kasi ang ganda." Kindat nito sa akin kaya napangiti ako. " Maya nalang tayo mag-chikahan sa kwarto girl, baka mabadtrip si Nana" nakangiting pahabol niya sa akin.

"Clea, ito naman si Ate Flor mo, siya ang tagaluto natin dito." Pakilala ni Nana sa isang medyo may kalakihang babae na nasa edad kwarenta, siguro kaedad ito ni Tiyang. Speaking of Tiyang kumusta na kaya ito? Tinanguan lamang ako ni Ate Flor kasi busy ito sa paglalagay nang mga sahog sa mga niluluto nito.

"Ito naman si Minerva, siya ang taga-linis dito sa bahay." pakilala niya sa isang babaeng medyo bata lang kay Ate Flor ng ilang taon.

"Welcome to da pamile, day!" nakangiting bati ni Ate Minerva sa akin.

"Meron din tayong hardinero si Gardo, nasa labas ang nag-aayos nang mga mesa para sa dinner mamaya, si Joel ang driver at ang gwardiya si Carding, asawa ni Ate Flor mo."

"Hello po sa inyong lahat. Ako nga po pala si Clea Demetrice Dimagiba, 17 pa po ako." simpleng pagpapakila ko sa kanila. Wala din naman akong masabi pa tungkol sa sarili ko. Palagay agad ang loob ko sa kanila, pakiramdam ko nakatagpo ako nang mga bagong kapamilya.

"Welcome sa bahay nang mga Contreras Clea, magpakabait ka dito dahil mababait ang amo natin. Kung may problema ka, wag kang mag-alangan magsabi sa amin, para mo na rin kaming kapamilya. Tayo-tayo lang naman ang magtutulungan dito." ani Nana Lydia.

"Opo Nana, makakaasa po kayo."

"Bale ikaw, ang magiging trabaho mo, ang mag-asikaso nang mga labahin. Pero wag kang mag-alala may washing machine dito. Tuturuan kita paano gamitin ang mga iyon."

Tumango ako kay Nana bilang pagsang-ayon sa mga sinabi niya. Akala ko pa naman promoted na ako from labandera to housemaid yun pala parehas pa rin ang trabaho ko, pero di bale na hindi naman na ako magkukusot dahil may washing machine na. Atleast promoted pa rin ako...konti.

Ang daming pagkain ang aming inihanda. Ganito pala ang mga mayayaman kapag may bisita. Halos punuin ang isang buong mahabang mesa nang mga pagkain.

Para nga akong malula sa dami nito. At ang sasarap pa. Kanina habang naghahanda kami pinapakain din kami ni Ate Flor, mas mabuti daw yong nagtatrabho kami nang busog para may lakas.

Naging komportable ako sa kanila kahit ngayon ko pa lang sila nakilala. Close na close silang lahat at halos magkapamilya na ang turingan nila sa isa't isa. Puro kami tawanan kanina nung naghahanda pa lang kami, kaya hindi ko ramdam ang pagod.

Matagal na pala ang mga itong magkasama. Si Gina parang dito na daw lumaki, apo pala ito nung umalis na dating kasambahay nila kasi nga may edad na ito at gusto nang pagpahingahin nang mga anak.

Scholar daw si Gina nang mga Contreras, pumapasok daw ito tuwing Sabado at Linggo. Dalawang taon na lang daw at magtatapos na ito sa kolehiyo.

Sabi ni Nana kapag nagustuhan daw nang mga Contreras ang trabaho ko pwede daw akong makiusap sa kanila kung gusto kong mag-aral. Nagkaroon ako nang pag-asa. Pagbubutihan ko ang aking trabaho para makapag-aral ako.

"Gin, saan ang mga amo natin?"

Kanina pa kasi ako patingin tingin sa palibot wala naman akong nakita ni isa sa mga Contreras kaya nagtataka ako.

"Mamaya pa ang dating nina Madam at Sir, nasa kabilang mansion sila." Ani Gina.

"Ay wow, madami pala silang mansion?..." mahinang sabi ko pero nadinig pala ni Gina kaya tumawa ito.

"Sinabi mo pa girl, madaming bahay sila Madam. Actually si Sir Luke lang talaga ang bumibisita dito, pumupunta lang din sina Madam kapag andito siya."

"Sir Luke?"

"Oo nag-iisang anak nila Madam. Naku girl kung makita mo lang si Sir Luke tiyak maglalaway ka. super pogi day tsaka mabait pa." sabi nito na parang kinilig at may pahampas-hampas pa sa akin.

"Wala bang asawa si Sir Luke? Sobrang laki naman ata nitong bahay nila kung siya lang ang namamalagi dito."

"Hindi naman yan nagtatagal dito girl, doon talaga siya sa Davao, tsaka meron din siyang condo. Kapag tinatamad siyang bumyahe dito doon siya sa Condo niya dumidiritso. So, parang tayo-tayo lang din dito."

" Tska girl, walang asawa si Sir...pero, sa pagkakaalam namin may nililigawan ito. Yon ang bisita natin mamaya." biglang naglulungkot-lungkutan ang mukha nito. 

"O bakit naging malungkot yang mukha mo?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"Kasi girl..."umaakting pa itong nagpapalis ng mga luha sa mukha. "Wala na akong pag-asa kay Sir Luke...matagal ko pa naman yong crush." lumabi pa ito.

"Ilang taon na ba si Sir Luke? Baka naman matanda na yan..."

"Girl wag ka, kahit may edad na si Sir Luke...lapit ka, lapit..." Senyas nito sa akin.."yummy pa rin ito girl" bulong niya kaya nanlaki ang mga mata ko. "Super hot at ang ganda pa nang katawan, promise!"

"Hoy jusko! ewan ko sayo Gina, kung ano pinagsasabi mo diyan." naiiling ako sa kanya kaya tumawa ito nang malakas. 

"Epic ka girl, nakakatawa yong reaction mo. Pero totoo yon. Tingnan mo, one of these days, maliligo yan si Sir Luke sa swimming pool, tiyak maglalaway ka..." sinundot pa nito ang tagiliran ko.

"Hala Gina wag mo nga ako kwentuhan nang ganyan, bata pa ako noh, bawal pa ako sa mga ganyang bagay." saway ko sa kanya, para kasing wala itong balak tumigil sa pagpapantasya niya kay Sir Luke.

"Hay naku, basta ako forever crush ko talaga si papa ay este Sir Luke pala, gwapo na mabait pa at higit sa lahat yumminess overload. Laglag panty girl...as in laglag."

"Sinong nalaglag Gina?" nag-aalalang tanong ni Nana Lydia kaya nagkatinginan kami ni Gina. Ang bunganga kasi nang babaeng ito kung ano-ano ang lumalabas.

"Ay naku Nana, pang bagets lang po yon, kami lang ni Clea ang makakarelate dun." pagrarason nito. Kita ko pang nagunot ang noo ni Nana Lydia pero wala naman itong sinabi pa. Tumalikod na lang itong umiiling-iling, siguro sanay na din ito sa ugali ni Gina.

"Bakit crush mo pa si Sir Luke, gayong may nililigawan na pala ito?" maya-maya tanong ko sa kanya.

"Okay lang yan girl, ano ka ba...crush lang naman. Tsaka bet ko din yung nililigawan ni Sir Luke, kasi super ganda at super bait pa. Ang ku-cute pa nung kambal na anak nito."

"Huh? Ibig sabihin may anak na si Sir Luke?" kuryusong tanong ko.

"Tsk..tsk.. NO girl, anak lang ni Maam pero parang anak na rin ang turing ni Sir sa mga ito. Kapag nakita mo yung kambal girl tiyak maku-cutan ka din sa mga ito, boy and girl yung twins. Super kulit yong girl at madaldal pa, yong boy naman strikto pero poging pogi kahit bata pa. Balak ko nga magshift na lang, hintayin ko na lang siguro si baby boy na lumaki." 

"Wala bang asawa si Maam?" mahinang tanong ko. Nakakahiya naman kong marinig nila kaming nagtsi-tsimisan eh unang araw ko pa lang naman dito.

"Wala ata eh, tsaka ang alam namin si Sir Luke yung tumulong dito nung nabuntis. Gusto nga sanang panagutan ni Sir Luke, kaso ayaw daw ni Maam ipasa ang resposibilidad kay Sir. O diba, ang bait ni Maam. Matlino daw si Maam girl, top 3 sa board exam nila, diba bongga? Matalino na, maganda at mabait pa. Bagay na bagay talaga ni papa Luke."

 "Tsaka ang chika girl, mayaman din daw ang nakabuntis kay Maam, nadinig sila ni Ate Minerva na nag-uusap ni Sir isang beses tungkol dito. Parang tinago ata ni Maam ang tungkol sa kambal." kwento nito sa mahinang boses, wag kang maingay ha, secret lang natin yon. Magagalit si Nana 'pag nalaman niya ito.

 "Ay naku...basta pag nakita mo si Maam, for sure magugustuhan mo ito para kay Sir, tsaka galante din ito, palagi kaming binibigyan nito nang mga pasalubong kapag bumibisita ito dito."

Biglang naputol ang kwentuhan namin nang marinig namin ang busina nang mga sasakyan sa labas. 

"Girl tara! Andyan na sina Madam sa labas, babati tayo." agad akong hinila nito papunta sa harap nang mansion.

Nakita ko ang mag-asawang Contreras...nakilala ko sila dahil sa larawan nilang nakaframe sa may sala. Ang ganda ni Madam Elena kahit may edad na ito, ganun din si Sir Ronnie. Makisig pa rin ito kahit may edad na.

Nagawi ang tingin ko sa nakasunod na sasakyan dito. Biglang natigil ang mundo ko nang makita ko ang lalaking bumaba mula dito. Ibang-iba ang mukha nito sa personal, mas...gwapo ito. 

Ay mali, kulang ang salitang gwapo para ilarawan siya. Para siyang bida sa mga pelikula napanood ko. Matangkad ito, na bumagay sa matikas nitong pangangatawan. Isang puting polo ang suot nito pinaresan nang maong na pantalon at balat na sapatos. Ang maitim at maalon nitong buhok ay bumagay sa matangos na ilong at mapupulang mga labi. Lalong dumagdag sa kakisigan nito ang maiitim nitong mga mata na binagayan nang makakapal na kilay.

Nabaling ang tingin nito sa gawi ko at nagpang-abot ang aming mga mata. Biglang may naramdaman akong kakaibang pitik sa aking puso. Agad akong namula at nagbaba nang tingin dahil nahihiya akong baka mahalata niyang ang pamumula ako. 

Nung tumingin ako uli sa kanya, nakita ko ang pagmamadali nito para mabuksan ang pintuan sa kabilang bahagi nang sasakyan. Isang magandang babae ang lumabas, at inalalayan nito makababa nang sasakyan. Bigla akong may naramdamang hindi ko maipaliwanag habang nakatingin ako sa mga kamay niyang nakahawak sa bewang nang babaeng maganda.

Sunod nilang binuksan ang likod nang sasakyan. Tama si Gina, dalawang batang maganda at guwapo ang bumungad sa amin.

"Lola! Lolo!" sigaw nang batang babae para batiin ang mga magulang ni Sir. Nakita ko ang katuwaan sa mukha nang mag-asawa nung makita ang kambal. Agad nila itong kinarga at pinupog nang halik. 

Napaka gandang pagmasadan, para silang isang buong pamilya. Nung tumingin ako ulit kay Sir Luke, nakita kong nakatingin din pala ito sa akin. Siguro nagtataka ito dahil ngayon lamang niya ako nakita. Isang maliit na ngiti ang binigay ko sa kanya, pero sana di ko na lang ginawa dahil kinunutan niya lang ako nang kilay. Napayuko ako sa sobrang kahihiyan.

"Good evening Madam,Sir...Sir Luke and Miss Ava." bati ni Nana Lydia sa kanila. Nakita kong tumango lamang si Sir Luke dito habang yong babaeng nagngagalang Ava ay isang malawak na ngiti ang pinakita kay Nana. Lumapit pa ito at nagmano sa mga magulang ni Sir Luke. 

"Magandang gabi sa inyong lahat, I'm happy to see all of you..." masayang bati ni Madam Elena sa aming lahat.."Let's get inside everyone at gutom na itong mga apo ko..." 

Agad naman kaming sumunod sa sinabi nito. Nanatili lamang akong nakayuko dahil natatakot akong makita ang mukha ni Sir. Baka hindi ako nito gusto para maging kasambahay niya, pag nagka ganun paano nalang ako? Saan ako pupunta? Saan ako pupulutin? Hindi ako pwedeng bumalik sa amin, dahil tiyak manganganib ang buhay ko.

Sana naman hindi ako magkakaproblema sa kanya. Iiwasan ko na lang ang mapalapit sa kanya para hindi ako magkaproblema, halata pa namang ayaw nito sa akin.

Sinubukan kong iaangat ang aking ulo, pero isang pagkakamali lamang ang aking ginawa. Striktong tingin ang ipinukol ni Sir Luke sa akin. Bigla akong kinabahan, wag naman sana akong sisantihin nito. Wala talaga akong mapupuntahan pag tinanggal ako nito sa trabaho.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status