Share

Tainted Series1: The Billionaire's Lover
Tainted Series1: The Billionaire's Lover
Author: LadyAva16

Prologue

"Huy Clea gumising ka na! Ano ka senyorita? Lahat nang tao dito gising na ikaw naghihilik pa? Abay sinuswerte ka naman!" Narinig kong nagbubunganga na naman sa tiyang sa labas nang silid ko. Kinakalampag pa nito ang pinto para magising lang ako.

Si tiyang na ang naging alarm clock ko sa araw-araw. Hindi pa sumisikat ang araw kinakalampag na nito ang silid ko. Wala naman akong magawa dahil nakikitira lang naman ako sa kanya.

"Sandali lang po tiyang, magliligpit lang po ako." Mahinang sagot ko sa kanya dahil inaantok pa ako. Gustong-gusto ko pa sanang matulog kaso baka maagang magbeast mood si tiyang 'pag hindi ako bumangon.

Minsan nga hinihiling ko na lang na sana magkasakit ako para makapagpahinga naman ako. Pero wala din, kasi kahit may sakit ako hindi din naman din ako pinapayagan ni tiyang na hindi magtrabaho.

"Clea ano ba!?"

Agad akong tumayo at tinupi ang kumot na ginamit ko. Sinanay ako ni tiyang na ayusin muna ang higaan bago ako lumabas nang kwarto. Hindi ko raw siya katulong kaya dapat akong matuto sa lahat nang mga gawaing bahay.

Kahit mabunganga si tiyang malaki pa rin ang pinagpasalamat ko sa kanya. Siya ang tumayong ina ko nung mamatay daw si mama sa panganganak sa akin.

Pinsan siya ni mama at wala itong anak. May kinakasama ito, si Tiyong Berto na lasenggero.

Bata pa naman si Tiyang nasa kwarenta pa ang edad nito pero ewan ko ba parang maaga ata itong magme-menopause kasi palaging maiinit ang ulo. Pero sabi nang kapit bahay dalawa lang daw ang dahilan niyan kung hindi nagmemenopause baka daw hindi nadidiligan.

Hindi ko nga alam paano nila nasabing hindi nadidiligan e hindi naman halaman si tiyang na kailangan diligan.Tama naman diba? Halaman lang naman talaga ang dinidiligan. 

Tatlong buwan mula ngayon mag-e-eighteen na ako. Kung sana hindi namatay si nanay nung pinanganak ako hindi maging ganito ang aking buhay. Minsan ini-imagine ko na lang kung ano kaya ang mukha ni nanay, wala din naman kasing pinapakitang larawan si Tiyang sa akin.

Ang sabi niya lang kamukha ko ito. Hindi daw sila malapit sa isa't isa kaya wala silang larawan na magkasama.

Hindi ako katangkaran nasa 5'2" lang ang height ko. Maputi ako, kahit palagi akong nakabilad sa araw mapusyaw pa rin ang kulay nang aking balat. Mahaba at maalon ang kulay brown kung buhok na bumagay sa kulay asul kong mga mata.

Minsan tinutukso pa nga nila akong alien. Ako lang kasi dito sa lugar namin ang naiiba ang kulay nang mga mata. Sabi ni tiyang baka kay tatay ko ito namana.

Kapag tinatanong ko kasi si tiyang tungkol kay nanay,naiirita naman ito. Nagagalit agad, kaya kahit gusto ko pang magtanong tumatahimik na lang ako kesa naman buong araw badtrip si tiyang.

Yon ang napapansin ko sa kanya, sa tuwing magpapakwento ako tungkol sa mga magulang ko agad itong nagagalit. Parang allergic ito sa ganung topic. Iwas na iwas itong pag-usapan ang nanay ko lalot patay na daw, patahimikin ko na lang daw ang kaluluwa ni nanay.

Wala akong kinagisnang ama dahil bunga daw ako sa ginawang kalapastangan sa aking ina. Pero sabi ni tiyang nobyo daw ni Mama ang may gawa nun sa kanya, nung nalaman nitong nabuntis niya si mama bigla na lang itong naglahong parang bula. Hindi ko nga talaga alam kong ano ba talaga ang storya nang buhay ko. Hindi din naman kasi alam nang mga kapitbahay namin dahil malaki na daw ako nung dinala ako ni tiyang dito.

"Ano ba Clea!? Ano bang tinutunganga mo diyan sa loob? Bilisan mo na at tanghali na, yung mga labahin mo kay Aling Nena hindi na matutuyo."

"Opo tiyang andiyan na po." Lumabas na ako sa silid at agad kinuha ang nakasabit na tuwalya sa sampayan. Maliligo muna ako bago mag-agahan para diritso na ako pagkatapos kumain kina Aling Nena para sa labada ko.

Ito ang pinagkikitaan ko nang pera para makatulong ako kay tiyang.Wala naman kasi kaming aasahan kay tiyong, bukod sa lasenggero ito wala din naman itong trabaho. Kung mamalasin pa nga, nagsusugal pa ito. Buti sana kung panalo e kadalasan olats, kaya wala ding silbi.

Minsan naawa na din ako kay tiyang, ewan ko ba sa kanya bakit hindi niya magawang hiwalayan ang hilaw niyang asawa gayong wala naman itong pakinabang sa kanya. Minsan nanakit pa ito kay tiyang 'pag nasobraan sa alak.

Ilang beses na itong pina-barangay ni tiyang pero wala din namang nangyari. Konting lambing lang nito kay tiyang bumibigay din naman agad si tiyang dito.

Kaya ako pinangako ko talaga sa sarili ko na kahit anong mangyari pipiliin ko ang taong responsable at mahal ako. Yung aalagaan ako at mamahalin ako. Yong magiging katuwang ko sa buhay, sa hirap man o ginhawa.

Hindi yong katulad ni tiyong na wala na ngang ambag, nananakit pa. Batugan, malakas pa naman ang katawan. Puro bisyo lang ang inaatupag.

"O Clea andiyan ka na pala." Bati ni Aling Nena sa akin. "Nandun ang mga labahin sa likod, may sabon at downy na din doon. Ayusin mo ang pagbanlaw ah para mabango."

"Opo Aling Nena, ako na po ang bahala dun, para naman kayong di sanay sa akin. Malinis ho akong magtrabaho." Nakangiti kong sabi dito.

"O sya sige, aalis muna ako. Mamalengke muna ako. May meryenda din doon sa kusina baka matagalan ako, kumain ka na lang."

Suki na ako ni Aling Nena sa labada. Kada martes and huwebes ang schedule nang labada ko sa kanya. May iba pa din akong suki dito sa barangay naman, gusto nila ang serbisyo ko dahil malinis daw akong maglabada. Kahit pudpod yong kamay ko sa kakakusot nang damit, okay lang, ang importante may maiaabot akong pera kay tiyang.

Malaking tulong itong kinikita ko sa pang-araw-araw naming pangangailangan sa bahay.

Ni minsan hindi ako nagrereklamo kay tiyang dahil utang ko sa kanya ang buhay ko. Kung hindi niya ako inalagaan baka kung ano na ang nagyari sa akin. Kahit araw-araw akong pinapagalitan ni tiyang,okay lang din, kasi kahit papano nararamdaman ko ang pagmamahal nito sa akin. Siguro ganun lang ang paraan niya.

Katatapos ko lang nang high school ngayong taon. Hindi pa ako makakapag kolehiyo kasi wala kaming pera panggastos. Kahit naman kasi scholar ako kailangan pa rin nang pera panggastos para sa aking pang-araw- araw.

Napagdesisyunan kong mag-iipon muna ako nang pera ngayong taon at kung sapat na ito mag-eenrol ako. Siguro hahanap na lang din ako nang part-time na trabaho madami naman daw akong mapapasukan.

May pangarap din naman ako sa buhay. Bata pa naman ako, tsaka ayaw ko din na habang buhay akong maglalabandera, kasi sobrang nakakapagod ang paglalaba. Nanakit din minsan ang likod kapag masyadong madami ang mga labahin.

"Oh Clea, ikaw pala 'yan, kanina ka pa ba?" Tanong ni Ate Jean. Panganay na anak ito ni Aling Nena na nagtatrabaho sa hacienda nang mga Contreras.

Isa ang mga Contreras sa mayayamang pamilya dito sa lugar namin. Masyadong malawak ang lupain na nasasakupan nang mga ito.

Halos lahat nang mga kalalakihan dito sa amin ay sa hacienda nila nagtatrabaho, maliban sa tiyuhin kong batugan.

"Ay hello po ate, kumusta po kayo?" Bati ko sa kanya.

Mabait si Ate Jean, minsan binibigyan ako nito nang tip lalo 'pag nakikita nitong medyo madami ang nilalabhan ko. Minsan nakikipagkwentuhan ito sa akin kapag off niya at nagkataong naglalabada ako dito sa kanila. Ang sabi niya sa akin siya daw ang tagalista nang mga ani sa hacienda, yon daw ang trabaho niya.

Naiimagine ko nga minsan ang sarap din siguro kung ganun yong maging trabaho ko,  kasi naman nakakapagod na din ang walang katapusang pagkusot nang mga damit ng ibang tao.

Gusto ko din naman sanang magpahinga at maghanap na ibang trabaho kaso wala din akong mahanap. Yong ibang kaibigan ko nga nakatambay lang. Kailangan dadayo pa sa siyudad, kasi kung dito lang wala talagang mapagkakakitaan.

"Okay lang ako Clea, nagtatrabaho pa din ako sa hacienda. Off ko ngayon kaya nagpapahinga lang ako dito sa bahay. Hindi ko din naman trip ang makipagchikahan sa ibang kapitbahay kaya ikaw na lang ang chichikahin ko." Tumatawang sabi nito sa akin.

"Ay naku ate , ayan ka na naman."

Alam ko na kung anong pag-uusapan namin ni Ate, halos sa tuwing nag-uusap kami nito tinatanong niya ako kung may nobyo na ba ako. Kung sino-sino ang nirereto nito sa akin, pero alam ko din namang binibiro niya lang ako kasi pagkatapos niya akong kulitin pinapayuhan ako nitong huwag munang makipagboyfriend kasi sakit lang daw sa ulo.

Kahit di naman sabihin ni ate sa akin, wala naman din akong balak pumasok sa isang relasyon. May mga nanliligaw na nga sa akin pero sinasabihan kong bata pa ako at bawal pa mag-boyfriend.

"By the way Clea, naghahanap pala nang kasambahay ang mga Contreras, baka kako gusto mo, kaya kita ipasok doon."

"Talaga ate?" excited kong tanong sa kanya. Sa wakas mag-iiba na din ang hanap buhay ko from labandera to housemaid. O diba parang mas sosyal pakinggan, parang lumevel-up ako.

"Oo, kaso...sa Antipolo ka ma-aasign Clea, sa mansion nang mga Contreras doon."

"Antipolo?..parang ang layo naman nun ate...baka hindi ko kakayanin doon." Nanghihinayang kong sabi. Simula kasi nagkamalay ako, dito na lang ako sa lugar namin paikot-ikot. Ni hindi nga ako sinasama ni tiyang sa syudad kapag namamasyal ito.

"Hindi naman yon malayo, isang sakay lang nang eroplano makakarating ka na agad doon. Tsaka mabait ang mga Contreras, actually madami kayo sa mansion nila. Gusto lang kasi ni Madam na kumuha nang dagdag na kasambahay kasi umalis yong isa dala nang katandaan.

Antipolo...ulit ko sa aking utak, bakit parang pamilyar sa pandinig ko ang lugar na yon?

Saan ko ba narinig yon? Ah alam ko na baka sa tv. Oo tama baka sa tv, matanong ko nga si tiyang mamaya kung papayag ba itong magtrabaho ako sa Antipolo .

"Magpapaalam muna ako kay tiyang mamaya ate. Kapag pumayag siya babalik ako dito bukas nang umaga para ipaalam sayo, yun ay kung okay lang sayo?"

"Sure...sure, hinhintayin ko ang sagot mo bukas. Sakaling hindi papayag ang tiyang mo saka na ako maghahanap nang ibang ipapadala doon. Pero kung ako sayo Clea, kumbinsihin mo si tiyang mo, malaki din magpasahod ang mga Contreras at may mga dagdag benipisyo pa ang mga ito."

"Sige po ate susubukan ko po."

Pinagpatuloy ko ang paglalaba pero wala doon ang konsentrasyon ko. Iniisip ko kung paano ko mapapayag si tiyang na magtrabaho ako doon.

Isa pa sa gumugulo sa utak ko ay yong pagkapamilyar sa akin nang lugar na sinabi ni ate sa akin.

Antipolo...Antipolo...pamilyar talaga ito sa akin.

"Huy Myrna! Ibigay mo sa akin ang pera mo kung ayaw mong bugbugin kita."sigaw ni tiyong kay tiyang. Nag-aaway na naman ang mga ito tungkol sa pera.

"Ano ka ba Berto wala pa nga akong pera, hindi pa nagbibigay si Clea sa ak—"

"Bwesit! Wala kang pakinabang! Bakit ba kasi kinuha-kuha mo pa ang batang yan. Tingnan mo tuloy pati tayo minalas! Letseng buhay to!"

Dinig ko ang pagkabasag nang mga gamit sa loob. Ganito palagi ang eksena kapag nalalasing si tiyong. Binabasag nito ang anumang bagay na mahawakan niya.

"Ibalik mo yang lintek na batang yan kung ayaw mong iwanan kita!"

"Wag naman ganito Bert, maawa ka naman sa bata. Malaki din ang kasalanan natin sa kanya."

"Letse! Kung sana kasi nakinig ka sa akin, wala tayong problema ngayon! Mga bwesit!" sigaw ni tiyong bago ito pabalibag na isinara ang pituan.

Napako ako sa aking kinatatayuan. Anong ibig sabihin ni tiyong sa mga sinabi nito?

"O Clea, kanina ka pa ba andyan?" Tanong ni tiyang sa akin. May pasa na naman ito sa mukha.

"Tiyang, sinaktan niya na naman kayo? Hanggang kailan ka ba papayag na sasaktan ka niya tiyang?" naluluha kong sabi. Hindi ko talaga maiwasang masaktan kapag nakikita ko si tiyang na may mga pasa.

Hindi ito sumagot sa akin pero nakita kong lumungkot ang anyo nito.

"Bakit ba kasi hindi mo na lang iiwan yan si tiyong? Paulit-ulit ka na lang niyang sinasaktan, wala nang pag-asang magbago si Tiyong Berto, Tiyang."

"Hindi mo kasi ako naiintidihan Clea, hayaan mo na ang Tiyong Berto mo lasing lang yon kaya nagawa niya ito." Pagtatapos ni tiyang sa usapan.

Lagi na lang ganito si tiyang, kahit sinasaktan siya ni tiyong ipinagtatanggol niya pa rin ito.

"Nga pala tiyang gusto ko sanang magpaalam sayo."

"Para saan?"

"Naghahanap daw kasi nang kasambahay ang mga Contreras, ipapasok daw ako ni Ate Jean kung papayag kayo pero sa Antipolo daw Tiyang."

" Antipolo?!" napataas ang boses niya. "Opo Tiyang doon daw sa mansion nang mga Contreras" sagot ko sa kanya.

"Hindi pwede Clea, dito ka lang!" mariing sabi nito at biglang naging matigas ang anyo nang kanyang mukha.

"Lintek ka din pala Myran eh!" sigaw ni Tiyong at marahas nitong hinaklit ang buhok ni Tiyang."Matagal ko nang sinasabi sayong palayasin ang malas na ito, tapos ngayon gustong makawala aayawan mo pa?!" Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Tiyang.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, nakita kong may isang bitak na dos por dos sa gilid agad ko yong dinampot at pinalo sa batok ni Tiyong. Hindi ko na kayang harap harapan niyang saktan si Tiyang. Sumusubra na ang pagka walang hiya niya. 

Nawalan ito nang malay sa sobrang lakas nang pagkakapalo ko. Nanginginig ang kamay kong binitawan ang kahoy na hawak ko. Mahigpit kong niyakap si Tiyang na umiiyak na rin.

"Iligtas mo ang sarili mo Clea, pumunta ka kina Aling Nena, pumapayag na akong makalayo ka dito." umiiyak nitong sabi.

"Pero paano kayo Tiyang? Paano kayo pag nagising si Tiyong? Baka higit pa sa sampal ang gagawin niya sayo. Hindi ko kayang iwan ka Tiyang, dito lang ako... walang magpoprotekta sayo." umiiling kong sabi sa kanya.

"Kaya ko ang saril ko Clea, makinig ka sa akin. Kunin mo ang mga gamit mo sa loob, yong kaya mo lang dalhin.." hinila ako nito papasok sa kwarto ko at siya na mismo ang nagpasok sa mga gamit ko sa isang bag.

"Tiyang...hindi ko kayang iwan ka, please Tiyang dito lang ako sayo..."pagmamakaawa ko sa kanya.

"Makinig ka Clea, para sayo to..."

"Myrna!" sigaw ni Tiyong mula sa labas. "Lintek ka! Papatayin ko kayong dalawa!" 

"Sige na Clea, iligtas mo na ang sarili mo..." naluluha na si Tiyang.

"Paano po ka--"

"Akong bahala sa sarili ko , Clea. Sana 'pag nalaman mo ang katotohanan mapapatawad mo ako. Mahal kita Clea...at patawarin mo ako."

"Myrna!" kinakalampag ni Tiyong nag pintuan nang silid ko. "Lumabas kayong dalawa diyan!"

Binuksan ni Tiyang ang bintana, inihagis niya ang bag ko doon at hinila ako palapit dito. Hinayaan ko na lang si Tiyang sa gusto niyang mangyari. Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi niya.

Anong katotohanan? Ano ba ang kasalanan niya at humihingi siya nang tawad sa akin.

"Talon Clea, tumakbo ka...iligatas mo ang buhay mo." utos ni Tiyang sa akin.

Bago ako tumalon nakita ko pa ang nanlilisik na mata ni Tiyong. 

Kailangan kong iligtas ang buhay ko. Babalikan kita Tiyang. Babalik ako para iligtas ka.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status