Ito Ang unang araw ko bilang secretary ni kapitan.Ayaw pa nga Akong payagan ni inay ng Sabihin Kong may trabaho na ako.Pero nagbago Ang isip nito ng Sabihin Kong hindi Naman araw-araw kailangan aKong pumasok,kaya pinapayagan na raw Ako nito.Sana nga magawa ko ng maayos aking trabaho na walang balakid.Huminga muna ako ng malalim pagkatapos ay muli Kong pinasadahan aking sarili sa salamin na narito sa aming Sala saka dinampot aking bag.Bago ako umalis sa bahay namin,nagpaalam muna ako Kay inay na aalis na ako.Pinakiusapan ko na rin si aling kikay na tingnan-tingnan nito aKing inay.Mas maigi ng may may nakaantabay sa kanya.Sabagay ,Hindi Naman kalayuan Ang hall rito sa bahay namin.Susubukan ko na lang magpaalam Kay kapitan Kong maari ay umuwi ako mamayang tanghali.
Bumaba ako Ng sinakyan Kong tricycle,namataan ko agad Ang binatang kapitan habang kinakausap nito Ang mga tanod.Nalaman Kong binata pa lamang Ang nakaupong kapitan ng matapos Ang halalan.Kaya maraming mga babaeng nagnanais na mapansin nito.
Huminga muna ako ng malalim bago Ako lumapit sa mga ito.Pero biglang bumilis Ang tibok ng aking puso ng lumingon sa akin Ang binata.Hindi ko tuloy alam Kong ano aking gagawin.Parang gusto Kong umurong na Ewan.Pero kailangan ko Ang trabahong ito At Saka nandito na nga ako upang magtrabaho.
"kap,narito na Pala Ang bagong secretary mo."wika ng isang tanod ni si kuya ambot."magandang umaga po kap,at sa Inyo mga kuya."bati ko sa mga ito at ngumiti sa kanila ng matamis.
" in my office mis Olivia."mariin na wika ng binatang kapitan.At tumalikod na ito sa Amin.Nasundan ko na lang ng tingin Ang likod nito.
"sumunod kana sa kanya oliv,unang araw mo pa Naman ngayon.Baka Magalit sayo si kapitan."wika Sakin ni kuya Efren.Kaya sumunod ako sa binatang kapitan.Baka nga Magalit ito sa akin kapag Hindi agad ako sumunod rito.
Napasinghap ako ng nasa pinto ng opisina nito Ang binata habang masamang nakatingin ito sa akin.Muntik nang maglapat Ang mga labi namin ng lalaki dahil Hindi ko agad ito ñakita.Kumabog din aking dibdib ng mapagmasdan ko Ang gwapo nitong mukha.Mabuti na lang Hindi ako napatulala.Nakakahiya kapag nangyari iyon.Baka Sabihin pa nito pinagnanasahan ko ito.
"sorry po kapitan". hinging paumanhin ko rito at tumungo rin ako."tsk"tanging narinig ko sa binata.At pumasok ito sa kanyang opisina.
Magtatanong na sana ako sa binatang kapitan ng maunahan ako nitong magsalita.
"Sit close to me so I can quickly tell you what to do."English nitong wika.Wala Akong masyadong naintindahan sa sinabe nito kundi Ang sit close lang.Kaya sinunod ko Ang utos nito.Kakaupo ko pa lang nang may inilaagay itong papel sa aking harapan.
"read my rules,Kong gusto mong magtagal bilang secretary ko."sambit nito Sakin,parang galit Kong magsalita Ang lalaki.Lagi rin nakakunot Ang noo nito.Tumango na lamang ako sa lalaki.
"mga bawal at sundin ng aking secretary"
1 . dapat walang boyfriend-napakunot Ang noo ko sa una Kong nabasa na nakasulat.Kailanangan ba talagang alamin ni kapitan Kong Wala Akong boyfriend.Nakakaloka siya ha.Okay lang Naman Sakin dahil Wala Naman Akong boyfriend.
2.sundin Ang pinag-uutos ni kapitan-"ano kaya iyon tungkol kaya sa trabaho.Malamang oo.
3.bawal makipag-harutan sa mga tanod-"ano Ang mga ito. bakit may ganito.
4.laging kasama ni kapitan kahit saan pumunta-
5.Laging sabayan si kapitan kapag kakain-luh!bat ganito.Binabalak ko pa Naman umuwi kapag tanghali.Paano na 'to.
6.magsabi lang Kong ano Ang kailangan Kay kapitan-napangiti Naman ako sa nabasa Kong panghuli.
Napaawang aking labi ng matapos Kong basahin Ang nakasulat sa papel.Parang Hindi ako makapaniwala.Bakit Ang daming bawal na Hindi Naman related sa aking trabaho bilang secretary Lumingon ako Kay kapitan ngunit abala ito sa binabasa nitong papel.Huminga na lamang ako ng malalim pagkatapos ay inayos ko na rin aking lamesa.Wala pa Naman Akong gagawin kaya lumabas muna ako upang pumunta ng banyo kanina pa ako ihing-ihi.
Nang matapos Akong magbanyo ay agad din Akong pumasok sa opisina ni kapitan. At malalim na nag-isip.Ilang oras na ngunit Wala pa rin Akong ginagawa.Abala pa rin Ang binatang kapitan sa hawak nitong papel.Parang Ang tagal Naman nitong basahin.Hanggang sa marinig Kong nag-iingay Ang cellphone nito.Pero Hindi ako lumingon rito.
Makalipas Ang maghapon,Wala Naman Akong masyadong ginawa.INaasikaso ko lamang Ang mga records na kailangan na ayusin.Mula ng may tumawag sa binatang kapitan ay Hindi pa ito bumabalik hanggang ngayon ay Wala pa ito.Hindi ko tuloy alam Kong ano Ang gagawin ko.Kung uuwi na ba ako o hintayin ko itong bumalik rito.Napatingala ako upang tingnan Ang orasan na nakabitin sa dingding at alas tres na Ng hapon.Tumayo ako upang lumabas na Lang muna,nakakabagot Kasi rito sa loob ng opisina ni kapitan na Wala Naman Akong ginagawa.Huminga ako ng malalim.Napangiti ako ng may mga batang naglalaro sa malawak na gym.Napansin ko rin marami palang mga tao kapag ganitong hapon.Lumapit ako sa mga ito upang panuorin silang maglaro.Siguro ay lalahok Ang mga ito sa contest kaya agaran silang mag practice.Naghanap ako ng pwede Kong maupuan at agad Naman akong nakakita.
Hindi pa nag-iinit aking kina-uupuan Ng may tumabi sa akin.Lumingon ako rito,si kuya alen lang Pala at Isa rin itong tanod at binata rin.Ngumiti sa akin Ang lalaki kaya ginantihan ko ito ng matamis na ngiti.Ayaw ko Naman maging bastos sa lalaki .
"may masasakyan kana ba mamaya pag-uwi oliv?"napalingon ako Kay kuya alen.At umiling ako.
"Wala pa Kuya alen.Siguro maglalakad na lamang ako."sagot ko rito at muling binaling ko aking tingin sa mga batang naglalaro.
"sabay kana mamaya sa akin-"pero sabay kaming napatingala ng may tumawag sa aking pangalan.
"pareho kayong nasa trabaho pero inuuna ninyong magchismisan rito.At Ikaw mis Olivia, nakalimutan mo na ba Ang nabasa mo kanina."mariin at parang may kasamang galit Ang pagkakasabi ng binatang kapitan.Napatungo na lamang ako dahil unang araw ko pa lang sa aking trabaho pero napagalitan na agad ako.Hanggang sa umalis sa aming harap Ang binatang kapitan.Nagkatingin na lamang kami Ng kasama Kong binata, pagkatapos ay tumayo na ako upang sumunod sa binatang kapitan.
Pagkapasok ko sa loob ng opisina ni kapitan ay nakita Kong nakasandal Ang lalaki habang nakapikit Ang mata nito.Pero agad Akong nag-iwas ng Makita Kong nagmulat na Ang lalaki at lumingon ito sa akin.Titig na titig sa akin .Hindi ko alam Kong ano Ang nilalaman ng isip nito.
"pwede kanang umuwi mis Olivia.Agahan mong pumasok bukas dahil may pupuntahan tayong meeting."wika ni kapitan kaya agad Kong sinunod Ang utos nito.
Hanggang sa Dinampot ko na aking bag at nagpaalam rito.