"Responsibilidad niya rin ang sarili niya," sagot naman ni Mama.Napahilamos na lang ng mukha si Kuya dahil sa inis habang si Ate ay patuloy sa pagpapakalma sa akin."Ipapakulong ko 'yong lalaking 'yon," seryosong saad ni Kuya."Ano?!" sigaw ni Mama at saka kinuha ang kwelyo ni Kuya."Saan ka naman kukuha ng pera? Ang mahal-mahal no'n tapos paggagastusan mo pa?!" pagtutol nito kay Kuya."May ipon ako riyan, Ma. Hindi ko na kailangan pang mag-alala sa gagastusin na pera," paliwanag ulit ni Kuya sa kaniya."Puwede na natin 'yong pang kain," saad naman ni Mama.Mas lalo lang akong napaiyak kaya sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Ate.Base sa pananalita ni Mama, bakit parang wala lang sa kaniya lahat nang nangyari sa akin? Bakit parang wala lang sa kaniya na muntik na akong ma-rape? Bakit parang hindi man lang siya nag-aalala sa akin? Anak ba talaga ang turing mo sa akin, Ma?Natigilan si Kuya sa sinabi ni Mama at pagkatapos ay inalis niya ang pagkakahawak ni Mama sa kaniyang kwelyo."K
Silas' POV:Nang tuluyan nang bumigat ang kama ay agad kong pinunasan ang pagtulo ng luha sa mata ni Avery.Kinumutan ko siya nang maayos bago tumayo nang diretso.Hinalikan ko siya sa kaniyang noo at saka bumulong. "Pasensya na kung hindi kita natulungan nang mas maaga pa sa gàgong ràpist na 'yon. Kung tao lang sana ako..."Pagkatapos ay umupo ulit ako sa kaniyang tabi at sinandal ang likod sa head board ng kama at saka patuloy na hinaplos-haplos ang kaniyang buhok. Pumikit ako at saka pinakiramdaman ang nangyayari sa labas ng kwarto ni Avery. "They're quarreling," I whispered and opened my eyes.Pagbukas ko ng aking mga mata ay bumungad si Seya sa pinto kaya naman sinenyasan ko siya na tumahimik at saka tinuro si Avery na natutulog.Tumango siya at sumenyas din na tumahimik kaya natawa naman ako ngunit pinigilan ko ang sobrang pagtawa dahil baka magising ko ang natutulog.Dahan-dahan siyang pumunta papalapit sa akin at umupo rin sa tabi ko."She's asleep," she whispered."You nee
Averill's POV:Nagising ako nang maramdaman na may pagulong-gulong sa kama ko kaya agad kong tinignan ang katabi ko."Huh?" bulong ko dahil sa pagkakagulat na rito pala nakatulog si Seya.Dali-dali naman akong tumayo at saka inayos ang pagkakahiga niya dahil muntik na siyang mahulog kanina sa kama.Agad naman akong tumayo at saka inamoy ang damit.Napatakip na lang ako ng ilong matapos maamoy ang sarili."Ang baho ko na pala..." Iling-iling na bulong ko sa sarili. Agad akong naghanap ng damit at nagpasiya na maligo kahit na kagigising pa lang.Ito pala ang kalalabasan kapag hindi ako nag-half bath, grabe! Ang baho ko na.Sa aking pagligo ay marahan kong sinabunan ang aking katawan ngunit natigilan ako nang maalala ang paghawak at pag-amoy sa akin ng lalaki kagabi.Napapikit ako ngunit agad din naman akong nabalik sa reyalidad nang mahulog ko ang sabon.Agad ko itong kinuha at saka mabilis na sinabunan ang katawan at parte kung saan ako hinawakan ng gàgo na 'yon.Natigilan lang ako na
He just hummed while looking at me and waiting for my question to him."Napag isip-isip ko lang..." bulong ko, "ilang araw ka ng nandito at simula nang araw na humingi ka ng tulong sa akin, hindi pa rin tayo nagsisimula na hanapin ang katawan mo.""Ayos lang naman 'yon. Hindi naman ako nagmamadali," sabi niya sa akin.Agad akong napatingin sa kaniya at napaharap matapos iyon sabihin."Hindi iyon ayos, Silas," saad ko.Nangunot naman ang kaniyang noo dahil sa naging tugon ko."Bakit naman?" tanong niya."Hindi mo alam ang mangyayari kapag nagtagal pa sa lupa ang kaluluwa mo," paliwanag ko sa kaniya."Ano ba ang mangyayari?" tanong nito.Bumuntong hininga ako at saka nagpasiya na ipaliwanag sa kaniya ang lahat."Kapag unti-unti nang nasanay ang kaluluwa mo sa mundong ito ay unti-unti mo na rin maaalala ang lahat simula noong nabubuhay hanggang sa pagkamatay mo at maaari kang maghangad ng paghihiganti dahil unti-unting babaguhin ng sakit na naramdaman mo ang buo mong pagkatao," mahabang
"Salamat, Ate," ngiting wika ko sa kaniya at saka hinalikan siya.Pagkalabas ko ng gate ay tila mas gugustuhin ko na lang ulit na pumasok sa loob ng bahay dahil sa mga titig sa akin ng mga kapit-bahay namin."Calm down," wika ni Silas.Pasikreto na lang akong tumango at saka sumakay sa tricycle nang makarating na kami sa kanto.Gaya noon ay sa bubong na naman sumakay si Silas dahil sa may mga sumunod din na sumakay na pasahero."Manong, dito na lang po," wika ko at saka dahan-dahan din naman niya tinigil ang tricycle sa tabing kalsada.Mabuti na lang at hindi traffic ngayon kaya mabilis lang din ang naging byahe namin.Pagkatapos ko magbayad ay tumabi muna ako sa bangketa para makaandar ang tricycle paalis."Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin."Tumabi ka lang sa akin. Baka mawala ka dahil sa dami ng taong namimili," sagot ko sa kaniya.Agad naman niyang sinunod ang utos ko at saka hinawakan ang kamay ko para manigurado. Hindi man halata ngunit hinawakan ko rin 'yon nang mahigpit d
Tumayo ako nang mapansin na nasa tagiliran ko na siya. "Pasimple pa 'yang galawan mo, ha," pang-aasar pa niya sa akin."Manahimik ka nga," bulong ko sa kaniya at may riin ang bawat salita para naman mahalata niya na hindi ako nakikipagbiruan sa kaniya.Nang makarating sa lugar ay nilibot ko ang bawat gilid ng daan at napangiti ako nang makita ang isang karatula na nagsasabi na isa iyong morgue.Dahil sa kasiyahan ay dali-dali akong tumakbo papunta roon habang hawak-hawak ang kamay ni Silas.Siyempre ay hindi ko nakalimutan na tumingin sa kanan at kaliwa pagtawid ko.Kumatok muna ako rito bago pumasok at maya-maya ay may nagbukas din ng pinto."Anong kailangan mo, Ineng?" tanong sa akin ni manong."Maaari ko po bang makita ang mga katawan na bagong dating dito o kahit noong isang linggo pa?" tanong ko sa kaniya."Ay, sige. Pasok. Baka ikaw na ang isa sa pamilya ng mga ito," wika niya.Tumango naman ako at saka pumasok. Sa aking pagpasok ay napatigil na lang ako sa aking paghinga dahil
Pag-uwi namin ay swerte ako dahil hindi pa umuuwi si Kuya Elias mula sa trabaho."Where did you go, Tita Vivi?" tanong sa akin ni Seya.Tinukod ko ang aking mga tuhod at saka isang malaking ngiti ang ginawad ko sa kaniya.Agad siyang sumilip sa aking likuran nang mapansin na may sinusubukan akong itago ngunit mabilis ko rin naman nabasa ang mga galaw niya kaya mas lalo kong tinago ang isang balot ng pagkain mula sa Jollibae na pasalubong ko sa kaniya."Ano po 'yon?" tanong niya sa akin.Tumawa na lang ako imbes na sagutin ang kaniyang tanong at saka sunod na ginulo ang kaniyang buhok bago ibigay ang pasalubong ko sa kaniya."Wow!" sigaw niya at nagningning ang mga mata nang makita ito.Agad niya akong niyakap at nagpasalamat. Napahagikgik na lang ako nang agad niyang kuhanin ang supot sa akin."Saan mo nakuha ang pera mo?" tanong ni Mama sa akin at saka tinignan si Seya na sabik na sabik na binuksan ang pagkain."Galing sa naipon ko 'yon, Ma," paliwanag ko sa kaniya.Nagtaka ako dahil
Umupo ako sa tabi niya at saka binuksan ang aking laptop. Sa pagbukas ko ay roon bumungad ang sunod-sunod na email ng kumpaniya sa akin.Isa-isa ko itong binasa at napailing-iling na lang ako nang makita na halos noong mga nakaraang araw pa ang mga ito."Hello. Good day, Miss Fuentes. May I know what's the reason of your sudden absence today? Other employee says that you suddenly went out of the company while it's still work hours," basa ko sa unang message."Miss Fuentes? Please kindly answer my messages ASAP," pagbabasa ko ulit.Napangiwi na lang ako habang binabasa ang iba pang messages sa akin."Gano'n ba talaga ako kahalaga sa kanila kaya ganito sila ka-desperado?" tanong ko sa sarili.Napailing-iling na lang ako dahil nagsisimula na namang bumalik ang masalimuot na huling ala-ala ko sa kumpaniya nila."I'm sorry for my sudden action. I know I'm not professional for acting like that. If you didn't like what I did, you can cut off some of my income and then I'll get the remaining