Share

Chapter 25

"Responsibilidad niya rin ang sarili niya," sagot naman ni Mama.

Napahilamos na lang ng mukha si Kuya dahil sa inis habang si Ate ay patuloy sa pagpapakalma sa akin.

"Ipapakulong ko 'yong lalaking 'yon," seryosong saad ni Kuya.

"Ano?!" sigaw ni Mama at saka kinuha ang kwelyo ni Kuya.

"Saan ka naman kukuha ng pera? Ang mahal-mahal no'n tapos paggagastusan mo pa?!" pagtutol nito kay Kuya.

"May ipon ako riyan, Ma. Hindi ko na kailangan pang mag-alala sa gagastusin na pera," paliwanag ulit ni Kuya sa kaniya.

"Puwede na natin 'yong pang kain," saad naman ni Mama.

Mas lalo lang akong napaiyak kaya sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Ate.

Base sa pananalita ni Mama, bakit parang wala lang sa kaniya lahat nang nangyari sa akin? Bakit parang wala lang sa kaniya na muntik na akong ma-rape? Bakit parang hindi man lang siya nag-aalala sa akin? Anak ba talaga ang turing mo sa akin, Ma?

Natigilan si Kuya sa sinabi ni Mama at pagkatapos ay inalis niya ang pagkakahawak ni Mama sa kaniyang kwelyo.

"K
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status