Agad din naman akong pumasok dahil baka mapagalitan pa ako ni Mama."May nangyari ba?" excited na tanong ni Ate.Naguguluhan naman akong tumingin sa kaniya."Huh?" tanong ko.Napakamot naman siya sa kaniyang batok."Ay, wala ba?" tila na dismaya na aniya."Ate, magkaibigan lang kami ni Am-Am, okay?" wika ko sa rito.Dahan-dahan siyang ngumisi at saka taas-kilay na tumingin sa akin na mas lalo kong pinagtaka."Wala naman akong sinabi kung sino ang tinutukoy ko, ah?" ika niya habang may mga pang-aasar sa labi.Napanguso na lang ako dahil alam kong ako lang din naman ang maasar."Sige na. Papahinga na lang muna ako," ani ko."Bakit ka naman napagod?" tanong naman agad ni Mama."Hindi ako nakatulog nang maayos, Ma," paliwanag ko sa kanila ngunit mukhang maling salita yata ang sinabi ko dahil lahat sila ay may pagdududa na sa mga mata at hindi pa mawawala ang ngisi sa labi."Bakit? Ano bang nangyari?" tanong naman ni Kuya."Nagpuyat kami—""O to the M to the G! May mabubuo kaya? Saan ba pi
Silas' POV:Nang makalabas siya sa kuwarto ay roon na tuluyan na nagbagsakan ang aking mga luha.F*ck! I thought ghost can't feel anything? I thought they couldn't feel anything even the pain but why? Why I felt like being tortured by her words?I know she didn't mean it, but it still hurts. Nang makaalis si Averill ay tila nalungkot ako dahil hindi man lang niya nagawang magpaalam sa akin at tila nagmamadali pa siya sa pag-alis.Agad pumasok sa kuwarto si Seya at saka nginitian ako."Good morning," bati nito sa akin."Good morning too," ani ko."Why is there something wrong?" she asked. Siguro ay napansin din niyang hindi gano'n kaganda ang pakiramdam ko ngayon."Nothing." I smiled at her."Nasaan si Tita Vivi?" tanong nito ss akin."Umalis kasama 'yong lalaking pumunta rito kahapon," sagot ko sa kaniya."Oh, iyon pala ang pinag-usapan nila kahapon..." dagdag pa niya, "so, Kuya Am-Am is with her, huh?""Why?" tanong ko dahil tila hindi siya agree roon."Nothing. I just felt that Ku
Dahil sa nangyari ay hindi na ako nakabalik sa pagtulog kaya ang kinalabasan ay itim na itim ang ilalim ng mata ko dahil sa eyebags.Pareho kaming nasa sofa ni Silas pero hindi nagpapansinan. Malayo rin ang agwat namin sa isa't isa dahil sa pagkakagulat.Why did I said that to him?! Am I pervert...?Nagkatitigan kaming dalawa nang may kumatok sa pinto. Pinakiramdaman namin ang isa't isa kung sino ang unang tatayo.Napabuntong hininga na lang ako at saka nagpasiya na buksan ang pinto pero nagulat ako dahil saktong pagtayo ko ay ang pagtayo rin niya. Lalo tuloy naging awkward ang hangin ngayon dito sa kuwarto.Sinenyasan niya naman ako na ako na ang magbukas ng pinto kaya tumango naman ako at saka dali-dali na binuksan ang pinto.Gaya ng inaasahan ay si Seya ang bumungad dito na halata mong kagigising lang dahil may tuyong laway pa sa labi."Good morning," bati niya sa akin."Good morning too," bati ko rin dito."Can I come in?" she asked."Sure!" I opened widely the door and let her in
Napapikit naman ako at saka napatakip ng tainga. Napalabas naman sina Mama at Ate na nasa kusina."Anong nangyari sa iyo?" natatawang tanong ni Ate nang makita ang damit ni Kuya na basang-basa ng kape."Sige, tawanan mo pa," sarkastikong saad ni Kuya at halata mo pa rin ang pagkagalit."Sorry na nga Kuya, eh," wika ko."Bumaba ka rito at ihahagis ko rin sa iyo 'tong walis tambo," singhal niya.Napasimangot naman ako at saka dahan-dahan na bumaba. Mukhang wala na akong takas, ah? Hawak-hawak ba naman niya ang walis at kaunti na lang ay baliin na ito dahil sa galit.Pagbaba ko ay nagulat ako dahil wala man lang paalam na hinagis niya nga ito sa akin. Mabuti na lang at nasalo ko ito kaagad dahil kung hindi ay tatama ito sa plorera ni Mama at pareho pa kaming malilintikan."Sira na umaga ko dahil sa walis tambo na 'yan. Bwisit!" ika niya at saka umakyat sa taas.Nang mawala siya sa paningin namin ay nagkatitigan naman kami ni Ate at saka sabay na tumawa. Nag-apir pa kaming dalawa ngunit
Naligo ako at saka nagbihis ng pang alis. Pagkatapos ay nagpaalam ako kay Mama na maghahanap ng trabaho."Bumalik ka bago maghapon, ha," paalala sa akin ni Ate."Opo," sagot ko at saka nagsimula nang maglakad.Hindi naman ako puwedeng mag-tricycle dahil baka may malagpasan ako na banner na naghahanap ng mga empleyado.Hindi pa man ako nakakarating sa bayan ay napangiti naman ako matapos makita ang isang banner na naghahanap sila ng panadera.Hindi naman ako magaling sa pag-bake pero alam ko naman kung paano gumawa ng cookies."Hello po," bati ko sa nagbabantay sa tindahan."Anong bibilhin mo?" tanong nito."Ay, hindi po ako bibili. Gusto ko lang po sana itanong kung naghahanap pa rin po ba kayo ng panadera?" tanong ko at saka tinuro ang banner na nasa labas ng tindahan nila."Sorry, neng, pero nakahanap na kami kani-kanina lang," saad nito.Napatango-tango naman ako. "Gano'n po ba? Sige po. Maraming salamat."Tumango na lang ito at bago pa ako tuluyang makaalis sa tindahan ay pinakati
"40,000 per month," sagot niya.Nanlaki ulit ang mga mata ko at hindi na napigilan pa ang bibig na bumuka."Seryoso ka ba?! Ang laki, huy," saad ko."Kaya nga pag-isipan mo nang mabuti dahil kun'di ay maghahanap ako ng ib—""Oo na! Sige na. Payag na ako maging manager ng hotel mo," sagot ko.Natawa naman siya dahil sa aking naging reaksyon.Hindi naman siguro halata na mukha akong pera, 'di ba? Nangangailangan lang talaga."Hindi pa tapos ang pagpapagawa sa hotel. Isang buwan pa bago matapos, payag ka ba na maghintay ng isang buwan?" tanong niya."Oo naman. Kung nakakapaghintay ang pera, e 'di gagawa ako ng paraan para makapaghintay rin," sagot."Bakit ka naman gagawa ng paraan?" nagtatakang tanong nito."Duh! Mukha akong pera," pagbibiro ko.Napaili
Pagkatapos kumain ng tanghalian ay nakatanggap ako ng text messages mula kay Am-Am na puwede ko raw i-check ang hospital na nasa kabilang bayan.Hindi naman iyon kalayuan pero sabi niya ay hindi niya ako masasamahan dahil busy pa siya sa pag-handle sa mga businesses niya.Bumuntong hininga na lang ako at saka nagpasiya na tumuloy sa hospital na tinutukoy niya kahit walang kasiguraduhan kung nandoon ba ang katawan ni Silas.Suot ko pa rin ang damit na pang alis na sinuot ko kanina. Mabuti na lang at hindi pa ako nakakapagbihis ng pang bahay noong nag-text siya."Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Mama."Sa hospital sa kabilang bayan, Ma," paliwanag ko.Napatango-tango naman si Mama at tila naintindihan ang gusto kong gawin.Matapos kong magpaalam ay papalabas na sana ako sa pinto nang tawagin ulit ako ni Mama."Sandali!" sigaw niya."Bakit, Ma?" nagtatakang tanong ko sa kaniya."Dalhin mo 'to," saad niya at saka binigay sa akin ang mga bulaklak. Ito 'yong mga tanim na bulaklak ni Mam
Napahawak ako sa aking bibig dahil sa pagkakagulat at nabitawan ko pa ang basket ng bulaklak na dala-dala ko. Ilang beses pa ako napaurong palayo rito."S-Silas?" I murmured and started to cried.I finally found him. I finally did... but why do I felt upset? I should felt happy because finally he can rest now... finally.Punong-puno ng swero ang katawan niya at hindi ko pa ito mamukhaan pero hindi ako puwedeng magkamali sa tattoo na nasa kamay niya... may ganoong tattoo rin si Silas.He's sleeping peacefully here and I'm wrong thinking that he's dead. He's just sleeping... What do I need to do?!I felt sorrow instead of happiness.Bumuntong hininga ako at saka sinubukan na pakalmahin ang sarili mula sa pag-iyak.Pinunasan ko muna ang luha bago maglakad palayo ngunit kahit anong punas ko ay siya namang pagbuhos ng mga ito."Ouch!" rinig kong sigaw ng boses babae nang madanggi ko ito."Ay, sorry!" paghingi ko ng tawad at saka mabilis na umalis.Hanggang sa makasakay ako sa jeep ay patu