Home / Romance / Tame Me: Sweet Defiance / Thunder, and Something Else

Share

Thunder, and Something Else

Author: Fleurdelis
last update Last Updated: 2026-01-28 03:00:24

“Did you sprain your leg?” tanong ni Lysander habang nakasalo pa rin ang kamay niya sa balikat ng dalaga. Bumaba ang tingin niya sa paa nito.

“Stand still.”

Hindi naghintay ng sagot ang binata. Yumuko siya upang silipin ang paa ni Chlorothea.

Pagdampi ng kamay niya sa bukung-bukong ng dalaga, bigla itong napaigtad at napahawak sa likod ng suot niyang damit. Napatingin si Lysander sa kanya, agad napansin ang reaksiyon.

“This is what you get for being stubborn,” wika niya, hindi galit masyadong kontrolado para doon.

“I don’t need your unsolicited opinion,” irap ni Chlorothea habang iniiwas ang paa niya. Mas maingat na ngayon, hindi na niya ipinapahampas sa semento.

“Still stubborn,” anang binata habang tumatayo sa harap niya.

Hindi sumagot ang dalaga. Naiinis siya sa binata, sa sarili niya, sa katahimikan sa pagitan nila. At para bang sinasadya ng kalangitan, muling gumuh

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Tame Me: Sweet Defiance   No Reason to Stay

    Nakatayo si Chlorothea sa labas ng silid ni Lucien sa ospital. Nakalampas na sa kritikal na sitwasyon ang matanda at ngayon ay nasa yugto na lamang ng paggaling. Sa nagdaang mga araw, hindi siya pumasok upang dalawin ito kahit pa naroon siya sa ospital araw-araw dahil sa kanyang clinical rotation.Hindi rin siya nagpakita sa pamilya niya.Kapag wala nang tao sa silid ni Lucien, saka lamang siya lumalapit. At sa tuwing ginagawa niya iyon, hindi siya pumapasok. Tumitigil lamang siya sa labas ng pinto nakatayo, tahimik, walang emosyon sa mukha.Dahil sa kilos na iyon, lalo lamang nagalit sa kanya ang pamilya ng ama niya. Tinawag siyang walang utang na loob. Anak na walang pakialam kung mamatay man ang sarili niyang lolo.Hindi iyon ikinagulat ni Chlorothea. At lalong hindi siya naapektuhan.Hindi naman talaga siya naroon para makipag-ayos o makipagplastikan sa kanila. May isa lang siyang dahilan at iyon ay pagbayarin

  • Tame Me: Sweet Defiance   Thunder, and Something Else

    “Did you sprain your leg?” tanong ni Lysander habang nakasalo pa rin ang kamay niya sa balikat ng dalaga. Bumaba ang tingin niya sa paa nito.“Stand still.”Hindi naghintay ng sagot ang binata. Yumuko siya upang silipin ang paa ni Chlorothea.Pagdampi ng kamay niya sa bukung-bukong ng dalaga, bigla itong napaigtad at napahawak sa likod ng suot niyang damit. Napatingin si Lysander sa kanya, agad napansin ang reaksiyon.“This is what you get for being stubborn,” wika niya, hindi galit masyadong kontrolado para doon.“I don’t need your unsolicited opinion,” irap ni Chlorothea habang iniiwas ang paa niya. Mas maingat na ngayon, hindi na niya ipinapahampas sa semento.“Still stubborn,” anang binata habang tumatayo sa harap niya.Hindi sumagot ang dalaga. Naiinis siya sa binata, sa sarili niya, sa katahimikan sa pagitan nila. At para bang sinasadya ng kalangitan, muling gumuh

  • Tame Me: Sweet Defiance   Uncharted Variables

    Hindi naman humindi si Aurelian sa mungkahi ni Lysander na sa driver na lang magpahatid patungo sa hospital. At sa sandaling pumayag ang matanda, nagmamadaling tumalikod ang binata, ang hakbang ay mas mabilis kaysa karaniwan. Naiwan si Aurelian na nakatingin lamang sa likuran ng anak, nagtataka kung ano ang biglaang nagbago.“Stupid General.” Gigil na usal ni Chlorothea habang naglalakad sa kalsada, tinatakpan ang tenga na para bang kaya niyang patahimikin ang boses sa loob ng ulo niya. “Dahil marunong kang mag-profile, akala mo pwede mo na akong i-analyze? Wala ka bang ibang alam kundi military strategies?”Hindi niya pinapansin ang daan. Hindi ang mga sasakyan. Hindi ang mga taong kasalubong. Punô ng galit at inis ang dibdib niya lahat nakaipon sa isang pangalan.“He is getting on my nerves. How can someone be so stupid, so stoic, so insensitive?”Papahapon na, ngunit hindi niya iyon namamalayan.Sa kawal

  • Tame Me: Sweet Defiance   Moments Before Everything Changed

    Nakatingin si Chlorothea sa malinaw na tubig ng swimming pool habang nakatayo sa gilid nito. Habang nakatitig siya sa mahinahong alon ng tubig, malayo ang nilalakbay ng kanyang isipan. Hindi pa rin mawala sa alaala niya ang nasaksihan kanina ang pagbagsak ng matandang Thessara at ang gulat at panic sa mga mukha ng pamilya nito.Nakatayo lang siya noon sa may pinto, tila natulala, habang pinapanood ang matanda na isakay sa stretcher at mabilis na isugod sa ospital.Paulit-ulit na nagre-replay sa isip niya ang eksena. Wala siyang maramdaman kundi kawalan. Isang hungkag na katahimikan.Habang nakatingin siya sa tubig, biglang pumasok sa isip ni Chlorothea na marahil ay magaan sa pakiramdam kung nasa ilalim siya nito. Baka mas luminaw ang kanyang isip. Napapikit ang dalaga, at halos hakbang na sana siya papunta sa tubig nang biglang may malakas na bisig ang humatak sa kanya at marahas siyang pinihit paharap.“Are you crazy?!”Iyon ang unang galit na salitang narinig ni Chlorothea nang mag

  • Tame Me: Sweet Defiance   Hostile Interest

    “And taas naman ng tingin mo sa sarili mo,” sarkastikong wika ni Nerissa. “Isang bagay na nga lang ang puwede mong gawin para sa pamilyang ito, magdadamot ka pa. All you have to do is ask the General----”“Again, I am not going to do that.” Putol ni Chlorothea, mariin. “If that was the plan from the beginning, bakit hindi niyo sinabi? Why mask it as a promise between friends?” Umangat ang baba niya. “And regardless, I won’t consent to becoming your leverage. Why would I? Have you all forgotten what you did to me and my mom?”Tumingin siya sa ama niya isang titig na kung kaya lang pumatay, matagal nang bumaon ang mga punyal sa dibdib nito.“Let me remind you, in case nakakalimutan n’yo,” patuloy niya. “You exiled us. Tinrato n’yo kami na parang hindi parte ng pamilyang ’to. Tinrato n’yo akong illegitimate child, tinrato ang mama ko na parang kabit when in f

  • Tame Me: Sweet Defiance   A Legacy on the Brink

    Nakatingin lang si Chlorothea sa pamilya ng papa niya habang seryoso ang usapan ng mga ito tungkol sa malaking problemang kinakaharap ng negosyo nila. Kilala sa buong bansa ang Thessara sa pagmamay-ari ng pinakamalalaking hotel chains. Ilang dekada na silang nasa industriyang iyon. At ngayon, buong pamilya ang nagtipon sa isang mabigat at seryosong diskusyon tungkol sa krisis na bumabalot sa kanilang negosyo.Hindi maintindihan ni Chlorothea kung bakit siya naroon. Abala siya sa paghahanda para sa kanyang clinical rotation at wala siyang panahon para sa drama ng pamilya niya.Kanina lang, pagdating niya, sinalubong siya nina Noelle at Nerissa, at gaya niya, halatang hindi rin masaya ang dalawa sa presensya niya.“What brings you here?” tanong ni Nerissa, malamig ang tono. “Acting like you’re a member of this family. Do you think just because you married the general and fulfilled Lolo’s promise-----”“Oh, please.” Biglang singit ni Chlorothea, pinutol ang sasabihin nito.“What?!” gulat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status