Share

CHAPTER 12- GOLDEN HEART

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko pagkatapos ay lumabas na ako since wala naman yatang may gustong kumausap sa akin, eh. Nag-iisa lang ang tema ko sa buhay. Sa bandang huli ay isang outcast pa rin talaga ako sa kampong ito.

Buhay is life. Ang hirap maging masaya.

Pagkarating ko sa kwarto ay agad na natulog na ako. Itinulog ko na lang ang lahat ng sama ng loob ko sa mundo.

Kinabukasan naman ay maaga rin naman akong binulabog ni Kenshane. Ni hindi pa ako nakapag-almusal ay nasa flat ko na ito.

"Trice, samahan mo naman ako sa mall."

"Anong gagawin natin doon?"

"Shopping, duh?"

Nanlumo naman ako. Hindi ako mahilig sa gano'ng trip at alam kung gano'n din siya. Ano kayang nakain nito at biglang nag-aya ng shopping?

"Bakit ako pa? Iba na lang," tanggi ko at pumasok ng kusina. Sumunod naman ito sa akin. Nagtimpla ako ng kape habang nakamasid lang ito sa bawat galaw ko.

"Eh ikaw ang gusto kong isama, eh. Sige na."

Napakamot naman ako sa noo. "Eh? Fine. Maliligo lang ako."

"Huwag ka ng
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status