Share

1- His Possession

(Sharian Roden POV)

"Burn the store down!" sigaw ko sa mga membro ng Stygians. 

"Maawa po kayo Maam, wag po. " makaawa ng may-ari ng store na susunugin ko. Yakap niya ang mga paa ko. Umiling lang ako at pinaikot ang mga mata.

"Matagal na akong nagtitimpi sa inyo. Di kayo nagbabayad ng tama. Total wala naman kaming mapapalang tama sa inyo mas mabuti pang sunugin namin ang tindahan niyo keysa maghirap pa kaming magpabalik balik at kolektahin ang kakaunti niyong bigay!" Sinipa ko siya kaya napa-atras ito.

"Maawa po kayo!" Bumalik uli ito para yakapin ang mga paa ko. Damn, lowly weaklings!

"Tsk, ligpitin niyo yan. Lahat! Kunin niyo ang mga mapapakinabangan pa," utos ko, tinanggal ang pagkakayakap ng may-ari ng tindahan at bumalik na ng sasakyan. 

Bilang kapatid ng tinitingalang gangster na si Young lord Stan Elthen Indelcio, leader ng Stygian Beasts ang pinakamakapangyarihang grupo dito sa Cordova City, wala akong kinakatakutan na sino man. Hawak namin ang lugar na to. Sa ilalim ng pakpak ng kapatid ko.

Hindi ako natatakot, wala akong kinakatakutan kahit isa, hindi dahil sa kapatid ko si Stan kundi dahil sa hindi ako takot mamatay kaya di ako natatakot sa kahit ano. 

Stygians are doing their best to get numbers, dahil narin sa lumalaki at lumalakas na ang kalabang Rubicunds kaya kailangan namin ng malaking pera para matustusan lahat ang kailangan ng bawat grupo. 

The more the members, the greater, pero ang gastos malaki rin. 

Bilang taga ipon ng pondo kailangan kong mas mahigpit at mas pursigido sa paglilikom ng pera makatulong man lang sa grupo.

*** 

(10 pm)

Kailangan ko nang umuwi dahil may pasok pa ako bukas. 

Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at lumabas.

"Clai, tara na!" Tawag ko kay Clai na busy sa pagtetext. 

Siya palaging kasama ko sa mga ganitong lakad. 

Tumango lang ito at pinuntahan na ang ibang membro. 

Matagal ko nang gusto tong si Clai pero ang gusto niya ay ang adopted sister kong si Zaneah. 

Tsss ano ba kasing nagustuhan niya sa tangang babae na yon? Kahit kailan di ko talaga magugustuhan ang Zaneah na yun dahil inagaw niya na ang atensyon ng kuya kong si Stan, ang pagmamahal ng bunso kong kapatin na si Kezen, siya pa ang tagapagmana ng Stygians crown at higit sa lahat siya ang gusto ni Clai.. Nakakaasar talaga siya. Kaya kahit kailan hindi ko siya magustuhan bilang kapatid.

"Tara na," sambit ni Clai pumasok na ng kotse at pinaandar ito. Pumasok na rin ako sa kotse at sumulyap sa maamong mukha ni Clai.

Nagdrive na siya pauwi. 

Nakasunod lang ang ibang Stygians. 

Tahimik lang kami habang binabaybay ang daan pauwi. 

Marami kaming nasunog at nasirang establishment ngayong araw, siguradong tunog na naman ang pangalan ng Stygians sa lugar. Hmmm.

***

(5 Months later)

"Roden, balita ko nagkakalat ka sa Cordova," mahinahong tanong ni Stan, nasa loob ako ng opisina niya nakaupo sa swivel chair, pinatong ko ang isa kong hita sa kabilang hita.

"Anong nagkakalat? Nililinis ko nga eh," bored na sagot ko at hinawi ang madulas at makintab Kong itim na buhok.

"Kumusta ang pondo," tanong neto habang tumitingin sa mga papeles sa harapan niya.

Umiling ako at tumingin sa labas ng glass wall. Ang maaliwalas na panahon, ang bughaw na kalangitan, maputing ulap at mga ibong malayang lumilipad sa himpapawid.

"Malapit ko nang maabot ang kota, wag kang magalala, by the end of the month kompleto na ang hawak kong budget para sa ipapagawang training center ng Stygians."

"Aasahan ko yan," sambit ni Stan tinapunan ako ng tingin.

"Sige. Pasok na ako." Tumayo na ako at inayos ang uniform.

"You take care.Susunod ako."

"I will." Lumabas na ako ng office niya. Papasok na ng school.

***

Pababa ako ng malaking hagdan at kita ko na agad si Clai sa gitna ng malawak naming sala.

"Lets go Clai, " yaya ko kay Clai na nagbabasa ng dyaryo sa may sofa ng malaking sala. Naka C.U. Uniform na ito at mukhang hinihintay talaga ako. 

"Tara... kumusta ang paguusap niyo ni Stan?" tanong niya tumayo at nilapag sa glass table ang news paper. Moderno na Ang panahon pero nagpapadeliver parin ng dyaryo si Stan.

Naglakad na ako palabas ng pinto at alam kong nakasunod si Clarence.

"Okay naman, tsaka okay na tayo, malapit na natin maabot ang budget para sa mga bagong ipapatayong hide outs at mga bagong weapons na kailangang bilihin. Konting kembot na lang." sagot ko tulak ang malaking pinto at lumabas na.

Patuloy sa pagkaladkad papunta sa garage at sumakay na ng kotse. 

Sumakay na rin si Clai, pinaandar agad ang sasakyan at nagdrive na papuntang Crown University. Nakasunod ang iba pang Stygians saamin. Napatingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Na-excite ako today para bang may magandang mangyari o kabaliktaran? Hmmm.

Sa daan may makakasalubong kaming maraming magagarang sasakyan. 

"Hmp mukhang mayaman tong mga to."

"Mukha nga. Familiar saakin ang tatak ng mga kotse nila. "R" na may gold belt." Sabi ni Clai. 

"Banggain mo!" utos ko kay Clai.

"Ano?" gulat na napatingin siya saakin.

"Sabi ko, banggain mo ang sasakyan na yan!" Turo ko kay Clai sa papalapit na sasakyan. 

"Pero bakit?"

"Basta banggain mo!"

Hinila ko ang braso ni Clai para makabig niya ang manibela at mabangga ang mahabang kotse.

Isang malakas na kalabog ang narinig ko.

Napangiti ako.

"Damn Roden!" singhal ni Clai.

"Relax, I got this okay?" tapik ko sa balikat ni Clai at bumaba na ng kotse. 

Nagtigilan lahat at nagsibabaan ang mga nasa kotse at ang mga kasama naming Stygians pate na rin ang mga nakasakay sa sasakyang nabangga namin at ang mga convoy nito.

Mukhang mga butler lang naman ang mga to.

Napatingin ako sa kakabukas lang na kotse at bumaba galing dun ang isang napakagwapo at matanggkad na lalaki. He is young, siguro 18 or 19 years old. At kasunod na bumaba sa kanya ang apat pang cute na lalaki. Napaangat ang mukha ko at tiningnan ang lalaki. Kilala ko siya!

He is the famous charismatic Zaki Delrama. Step brother ni Dylan Delrama na protector ng kapatid kong si Zaneah. Si Zaki ay kakatransfer lang sa C.U. at napasama agad sa Icon Class. Di ko pa masyadong kilala ang lalaking to. Minsan lang kasi ako pumapasok. Balita ko kababata niya si Ian Mercado ng Rubicunds. Ang tangkad niya at ang ganda ng postura. Siya ba ang may-ari ng sasakyang binangga ko?

Napatingin siya sa gawi ko. Kakaiba siya tumingin kahit wala namang reakson ang mukha niya. Tinaasan ko siya ng kilay kaso napapikit ako dahil pinalid ng hangin ang bangs ko at tumusok sa mata ko. Damn!

"What now, " bulong ni Clai. 

"Relax, let me in this." Nilapitan ko ang gwapong lalaking si Zaki. Tignan natin baka mamaya puro kapogian lang ang alam nito.

"Magbayad ka." Sambit ko pagkalapit sakanya at tinaasan siya ng kilay.

Tiningnan lang ako nito. Hinawi ko ang buhok palikod para maaninag ko ang mukha niya ng husto.

Sa unang pagkakataon nanliit ako sa sarili ko dahil sa titig ng lalaking to. Bukod kase sa tangkad niya at malaki pala talaga ang katawan niya lalo sa malapitan. Pero di ako nagpagalata at pilit inaangat ang ulo ko pate na ang kilay ko.

Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa mga labi niya habang nakatingin saakin.

"Sige," sambit niya at sumenyas sa tauhan niya pero di inaalis ang tingin saakin. 

"But Zak, sila ang bumangga saatin," reklamo nung isang lalaking kasama ni Zaki.

Arghhh inikot ko ang mga mata ko at pinagkrus ang mga braso. 

"Shut up Scott. Give me the money." Utos Zaki na hindi man lang inalis ang tingin saakin. 

"1m only and we're done her." Sabi ko mababa lang since sinadya ko naman talagang banggain ang sasakyan niya. Napatingin lang ako sa mukha niya. Tss what a fool. Sayang puro porma lang.

Inabot ni Zaki saakin ang isang case na tinanggap niya galing sa tauhan niya. 

Nginitian ko siya bago bumalik sa kotse namin. 

"Lets go." Sabi ko kay Clai pagkapasok namin ng kotse. 

Nilagpasan na namin ang mga sasakyan nina Zaki. Nakasunod ang tingin niya sa sasakyan kong saan ako sumakay.

"Tss kakaiba ka talaga." puri ni Clai. 

"Mga mayayaman talaga, madaling takutin. As of that Zaki guy, such a disappointment. Mayaman, makapangyarihan pero tanga naman." Napa-iling ako. Nasa isip ko ang mukha ni Zaki di ko mabasa ang ekspresyon niya. Whatever atleast may nakuha ako sakanya.

Pero mukhang di takot ang nakita ko sa mga mata ni Zaki iba ang tingin niya. 

Parang kakaiba ang titig niya. Napalunok ako.

(Fast Forward)

Nasa harap kami ng malalaking tatlong 6th feet buildings. Ngayon ko lang narating ang bahaging to ng Cordova City. 

Balita ko legal lahat ng negosyo sa bahaging to ng Cordova. Wala akong pakialam, kailangang maabot ko ang kota ko at maibigay na kay Stan.

"Wala kayong karapatang mangolekta dito. Legal at lisensyado ang negosyo namin dito!" sigaw ng babae saakin. 

Siguro siya ang manager ng establishments na to. 

"Wala akong pakialam! Ang gusto ko magbigay kayo sa amin at aalis na kami! Easy right?"

"No way!" sagot niya. 

Talagang matigas ang babaeng to ah. 

"Ganun ba?.... Stygians pulbosin niyo ang buildings na to," utos ko sa mga Stygians, nagsunuran naman agad sila at kanya kanyang kuha ng maso at sinimulang basagin ang establishment.

Iniwan kong nakatulala ang babae at ilang staff ng entertainment building na yon. Matigas kase kayo!

Pumasok ako ng kotse at tiningnan ang pagbagsak ng building na yon. Napangiti ako. Sino kaya ang ang may ari ng buildings na to?

***

(5 days later)

"So, anong balita?" Tanong ni Stan saakin. 

"Well, malapit na. Konti na lang."

"Mukha yatang mas marami kang sinira kaysa sa nakolekta." tinapunan ako ng tingin habang inaayos ang pagbutones ng polo niya.

"Well, ganon talaga. Ang mga mahihina ay dapat nililipol ang mga mahihirap ay dapat binubura!" Diin ko.

"Ibang iba ka talaga kay Zaneah. "

"Alam ko at hindi ako magiging katulad niya dahil tunay na Indelcio ako at siya hindi!" Tinaasan ko ng kilay si Stan.

"Shut up, Roden. Kapatid parin natin siya."

"Bakit? Di ba dapat malaman niya na ang totoo na di natin siya kadugo? Tss kung wala ka nang sasabihin, aalis na ako. Maibigay ko ang hinihingi mo after this month!" sabi at lumabas na ng opisina ni Stan ayaw ko ng marinig ang mga sasabihin niya pa tungkol kay Zaneah! Kahit kailan di ko siya ituturing na kapatid. Ang tanga ni Stan para ipagkatiwala ang Stygians sa hindi naman namin kadugo!

Kinuha ang bag at lumabas na ng bahay papasok ng C. U. 

Nauna na yata si Clai at ang iba pa dahil pinauna ko sila since wala sana akong balak pumasok kaso ayaw kong kausap si Stan!

Nilabas ko na ang kotse ko ng gate. Bumaba para isara ang gate. 

Pagbukas ko ng pinto. Napaluhod ako nung may tumusok sa balikat ko, hinila ako at sinakay ako sa kotse ko! Damn!

Nakita ko pa ang mga kalalakihang sumakay sa kotse mo at pinaandar ito, bago nagdilim ang lahat. 

(Fast Forward)

Nagising akong nakatali sa isang bangko. 

Dahan dahan kong inangat ang mukha ko at nanlaki ang mga mata ko kung sino ang nasa harap ko. Napalunok ako.

"You look surprise, you can't speak. Did you think na makakatakas ka at palalagpasin ko lang ang pagpolbo mo ng buildings ko?"

"Za...ki!?" banggit ko ng pangalan niya.

"You sure a difficult lilgirl to tame huh." Lumapit ito saakin at tinulak ang noo ko kaya napatingala ako. Iniwas ko ang mga mata ko.

"You want money, right. Look, " turo niya sa mga cases ng pera sa ibabaw ng kama. 

"Sayo na lahat yan. Plus susuportahan ko ang Stygians," seryosong dagdag niya.

Napa-ismid ako.

"Bakit... bakit mo naman gagawin yon?"

"Kapalit nun ay ikaw!" 

Napatingin ako sakanya.

"Nababaliw ka na ba?" Natawa ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa kamay niya nung hatakin niya ang kamay ko.

Sinuotan niya ako ng isang bracelet na may nakatatak na "Z's"

Means Zaki's.. Nababaliw na talaga ang taong to. 

"Who wants to be your possession you freak!" Sigaw ko wasiwas ang kamay ko.

"This is the proof that you belong to me Roden. Alam mo ba ito?" sambit niya taas ang isang kulay blue na liquid. 

"Ito yung ininject ko sayo kanina kaya ka nawalan ng malay. Unti unting sisirain nito ang sistema mo. Kaya kung gusto mo pang mabuhay, lumuhod ka sa harap ko at kapalit nun ang antidote nito." Seryoso ang mga mata niyang tinitigan ako.

"Insane!" Napaismid ako. Sino ba siya sa palagay niya para luhuran ko? Mas madali pa para saakin ang baliin ang leeg niya kesa lumuhod sa harap niya!

Kinalagan niya ako, hinila ang isang bangkong naroon at umupo sa harap ko. 

Mukhang seryoso nga siya. 

"Get on your knees Roden!" Ang mapungay na mga mata at maamo niyang mukha ay nagbago ang ekspresyon at di ko na mabasa.

No way! Ako? Luluhod sakanya? Kalokohan!

Nagtitigan lang kami. Tiningnan ko siya at di ako magpapatalo sa titigan lang!

Napatingin ako sa hawak niyang kulay asul na likido. Napalunok ako at kinabahan. Paano kung lason nga iyon?

For the first time of my life, natakot ako sa kamatayan. 

Di parin ako luluhod. 

Tumayo ito at dinampot ang isa pang syringe na nadoon.

Nagulat ako nung ininjectionan niya ako uli. 

"Noooooo!" sigaw ko pilit hinihila ang balikat ko!

"From today, onwards, your freedom belongs to me. Your life is mine now. You are my pet who does what your master wants you to do! Understand?" Sambit niya at mas lalong diniinan ang pagkakahawak sa braso ko.

Nanlaki ang mata ko nung hilahin niya ako at siniil ng halik. 

What's going on?! I don't want to be this guys possession! There's no way!! 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status