Share

Chapter 20 - Azalea

Door

Napagod ako kahit pa wala naman ako gaanong ginawa buong araw. Pagdating ko sa bahay ay binilisan ko ang paglilinis sa sarili dahil malakas ang tawag sa akin ng aking higaan. Hindi ko na nagawang maghanda ng pagkain para sa hapunan, mabigat talaga ang pakiramdam ko at gusto ko na magpahinga.

Nakahiga na ako sa kama at gustong-gusto ko na sana matulog kaso wala akong kontrol sa isip ko. Kusang binabalikan ng utak ko ang nangyari kanina.

Maikli ang naging pag-uusap namin ng aking ina pero mabigat ang bawat salitang ibinato namin sa isa’t isa. Napag-alaman kong natatakot siyang matulad ako sa kaniya, mag-isa at malungkot. Siguro dala na rin ng pawala niyang kasikatan kaya nalulungkot siya, kaya niya pinag-sisisihan na iniwan niya ang nag-iisa niyang anak. 

Kung tutuusin wala namang pinag-kaiba ang naging sitwasyon ko sa mga anak ng OFW na walang pagpipilian kundi ang magtrabaho sa ibang bansa para kumita ng dolyar. O sa mga mayayaman

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status