Share

Chapter 32 - Azalea

Paradise

“Ma!! Daddy is here, Ma! Daddy! Daddy!”

Para akong naalimpungatan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at ang init-init ng pakiramdam ko dahil sa narinig. Saglit akong natulala at nang matauhan ay nakapaa akong tumakbo palabas ng bahay.

Halos madapa-dapa kong tinungo ang daungan ng bangka nang matanaw na may mga tao doon. Sa pagkakaaninag ko ay isang matipunong lalaki at babae ang nandoon.

Hindi kaya… Si Hue at Maliah na ba ‘yon? Natagpuan na ba nila kami?

“Ma!!”

Binalikan ko ang naiwang si Kahel. Binuhat siya at saka nagpatuloy sa pagsalubong sa kanila. Halos naluluha na ako. Pinipigil ko lamang ang pabagsak na luha dahil ayaw kong makita ako ni Kahel na umiiyak. Simula nang magkamuang siya ay ni minsan ay hindi ako nagpakita ng kahinaan at lungkot sa kaniya. At ngayon ngang malapit na kaming makauwi ay hinding-hindi ko pa rin ipapakita sa kanya ang kalungkutan na dala ng paraisong ito. A

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status