Chapter 14
(Megan POV)
Kung kukuha nga siya ng stylish para sa akin, okey lang, hindi naman ako ang mababawasan ng kayamanan diba?
“Yun lang ba Master Damian? Since wala na yung mga maingay na mga babae, siguradong makakatulog na ako pagkatapos ngang makain ko itong ice cream. Want some?”
“Tss. FYI, that’s mine.”
“Uhmmm. Hahatian mo ba ako? Hahaha. Okey ibabalik ko na lang.”
Ngunit namalayan ko na lang kinuha sa akin ni Mrs. Zu. Ngayon nasa dinig table kami at inihanda na nga yung ice cream sa harapan namin. Nagkatitigan kami ni Damian… Sigurado ba siyang kakainin niya yung ice cream kaagad na hindi pa siya kumakain ng hapunan?! Eh, magkakasakit siya kapag ginawa niya yan. Saka hating-gabi na. Kailangan niyang kumain ng maayos.
“Master Damian…” Nang sasandukin na sana niya ang kanyang chocolate ice cream. Natigilan naman at umangat ang paningin sa akin. “Uhmm… Ano, talaga bang kakainin niyo na yan? Eh, hindi pa po kayo naghahapunan at baka magkasakit kayo.”
Sabagay kung magkasakit siya at mamatay, tapos nga ang usapan. The End. Plus, kung papatagalin pa nga ng Old Master Quinn ang kontrata namin hangang dalawang buwan, atleast nakaratay na sa higaan si Damian at wala siyang magagawang masama sa akin.
“Pero, maari niyo ng kainin kung nais niyo talaga.” Urong ko sa concern kong hindi ko alam kung saan ko napulot at sumulpot na lamang. Ang demonyo Megan, hindi binibigyan ng concern. Itahimik mo ang bibig mo, at hayaan mo ngang magkasakit siya.
“Mrs. Zu…” Marahan na tawag ni Damian sa ginang, at kaagad naman lumapit. “Kumain ba ng maayos ang babaing ito ng kanyang hapunan?”
“Kumain ako.” Sagot ko na instead nga si Mrs. Zu… “At naging maayos ang pagkain ko.” Dahil wala ka. “Kaya saluhan mo na ako kumain ng ice cream. Masarap ito.” Para magkasakit ka, at mamatay ka na nga Damian.
Ngumisi si Damian. At tila ba mayroong binabalak… Hangang sa… Kumain siya ng hapunan muna, at ako itong pinaghihintay niya bago kumain ng Ice cream.
Nakakainis. Parang yung inis ko kanina sa mga babae, sa kanya ko ata mabubuntong. Pero bakit ko naman yun sa kanya gagawin? Eh, mas demonyo pa siya sa akin. Hantay-hantay na lang Megan, matatapos din ang lalaking yan.
Nang matapos siya, syempre natuwa ako, kasi kakain na nga kami ng ice cream. Sana naman pwera sipon, kay Damian niyo na lang yan ibigay.
Hindi ako nagkamali na napakasarap talaga nung chocolate ice cream. Nais ko man itanong sa kanya kung bakit favorite nga niya ang ice cream na ito, pero i-zipper na lang natin ang bibig. Nang walang usapan na mangyari, at hindi nga ako magkamali. Simot yung ice cream bowl ko… pero ng umangat ang paningin ko, ang paningin ni Damian sa akin nakapako.
Anong problema talaga ng lalaking ito?
Bigla pa itong tumayo sa pagkakaupo, at lumapit sa akin. Hinila ang upuan… na dinig na dinig ko ang tunog. Tapos biglang slow motion dahil sa effect nga ng di mo inaasahang kagwapuhan niya, at ang malakas niyang karisma. Itinigil niya ang upuan mas malapit sa akin, at umupo, saka kinuha ang table napkin ng biglang… pinunasan niya ang labi ko.
Kinabahan ako doon.
“Ako na lang.”
Binitawan naman niya yung table napkin, pero ang sumunod na eksena… inangkin nito ang aking labi. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ito ginagawa, ngunit pilit ko siyang tinutulak… pero hindi, mas nilaliman pa niya ang panghahalik. At Napakagaling niya sa paghalik upang ang pagtangi ko lalo lang na sumisiklab na parang tumutugon ako sa kanya. Ipinapasok niya ang buo nitong dila sa aking bibig, at pilit na hinuhuli nito ang aking dila.
Nagtagal ang panghahalik niyang yun sa akin, na tila ba may balak sana siyang mawalan na ako ng hininga. Binitawan lang niya ang aking labi na kaagad ko naman ikinahinga. Habang siya… Pangisi-ngisi lang.
Nais kong murahin siya at sigawan ito kung para saan yun, pero hindi ko yun magagawa.
Tinitigan ako ni Damian na may ngisi sa kanyang labi. Satisfy na satisfy sa ginawa niya sa akin, saka niya pinunasan sa pamagitan ng kanyang daliri ang laway na lumabas sa gilid ng kanyang labi.
“Para saan yun? May— May nilabag na naman ba akong—.”
“Nothing. I’m just giving you a goodnight kiss.” Sinabi ni Damian na parang normal lang talaga ito.
“Ano?” Tipong gusto ko marinig ulit ang sinabi niya ngunit Klarado ito sa aking isipan. Goodnight kiss para ano?! Para saan?! Hindi naman kami mag-asawa para gawin niya yun.”
“Goodnight Megan.” Bulong niya sa aking tenga, bago tuluyang tumayo at nilisan ang hapagkainan.
Syempre naiwan akong parang timang, at naghahanap nga ng kasagutan sa kanyang ginawa.
At dahil sa kanyang ginawa hindi nga ako nakatulog ng maayos. Patuloy na pinapakita sa akin ng isipan kung paano niya ako halikan… At para bang nabitin ako.
Haist. Sira ulo ka talaga Megan, kaya hindi ka nakakatulog!
At naibato ko nga ang unan, saka yung isang unan pinagsusuntok ko. Gusto ko na matulog, pero ang ginawa ni Damian instant pang-insomnia. Habang ang lalaking yun ngayon ay mahimbing na ngang nakatulog, habang ako… Mamatay na sa inis.
Akala ko ba si Damian ang mamatay. Bakit parang ako? Mali ito. Hindi ako magpapatalo sa Damian Quinn na yan. Ano naman Megan kung hinalikan ka niya? Ano naman ngayon? Basta wag na wag kang mahuhulog sa kanya, at wag na wag din mahuhulog ang Damian Quinn na yan sa akin.
Kailangan ko mag-isip para gantihan nga ang Damian Quinn na yan sa kanyang ginawa. Yung maiwan din siya na confuse sa ginawa ko. Humanda siya sa akin. Wag na wag niya akong minamanyak!
Hangang sa nakatulog nga ako. Pero bigla ko na naman naimulat ang aking mga mata dahil sa bangungot na totoo naman nangyari. Maraming what if… At ang what if ko na yun, wag na wag talagang mangyayari.
Bumangon na ako na may determination na gumanti. Kahit nga malamig ang tubig sa banyo, niligo ko na dahil init na init ang katawan ko kahit na sagad na sagad na yung aircon. Saka napahalakhak ako ng binigyan na nga ako ng magandang plano para maghiganti kay Damian. Siya naman ngayon ang maging confuse.
Dahil nanabik ako sa gagawin ko, isinuot ko na lamang ang damit na inihanda sa akin ni Cindy na itinawag pa nga niya sa nakuhang stylish ni Secretary Lucas, ayon na din sa utos ni Damian. Hindi ko lang isinuot yung mataas na heels, kundi ang tsinelas pangloob lang.
Pumunta ako sa kusina at nagulat si Mrs. Zu sa akala atang hindi ako magigising ng maaga ngayon dahil hating-gabi na nga ng maka-akyat ulit ako sa kwarto. Thank you na lang po sa confusion na iniwan sa akin ni Damian.
“Ako po ang magluluto ng agahan para kay Damian.”
“Sigurado ka iha?”
“Sinabi at inutos po yun mismo ng kanyang ama sa akin.”
“Sige iha. Sabihin mo lang sa amin kung may maitutulong ba kami.”
“Wala naman po.” Dahil sanay na sanay akong kumilos mag-isa sa kusina. Umaalis pa nga akong malinis at maayos ito.
Nag-isip ako kung ano ang lulutuin kong agahan para kay Damian, at dapat yung hindi niya matatalikuran. Kaya naman minabuti ko nga ang pagluluto, hangang sa nagawa ko na ang perfect breakfast para sa kanya. Though nagmamadali din ako dahil ayokong maabutan niya ako dito sa kusina. Saka dapat yung tawagin niya ako na wala nga ako dito para ipaliwanag itong ginawa ko sa kanya. Para siya naman yung ma-confuse. Wag ako Damian. Wag na wag.
Hangang sa hinanda ko na nga sa may hapagkainan. Perpekto. Ikaw na ang bahalang humusga, Damian Quinn.
“Aalis po ako ngayon. Pupuntahan ko si Tatay,” Hubad ko ng apron, saka nga lumapit sa akin si Cindy para ibigay ang hiningi kong dollshoes na not bad kahit nga may two inches na takong. Kayang-kaya. “At agad din ako babalik kung sakaling hindi ako kailangan masyado sa hospital.”
“Mag-iingat kayo Miss Megan.” Ngumiti ako kay Mrs. Zu, at napakaway na lamang.
Paglabas ko, kaagad na binati ko yung apat na bodyguards ko ata kung sakaling lalabas ako.“Maari niyo ba akong Ipagdrive papunta sa hospital? Bibisitahin ko lang si Papa.”
Tumango ito, at inilahad nga ang daan papunta sa elevator, at isa sa kasamahan ng pumindot papunta sa may basement parking. Hindi ko nga inaasahan sa paglabas namin sa elevator nakahanda na ang sasakyan. Agad na pinagbuksan ako ng pinto at pumasok nga ako.
Pupuntahan ko si papa kasi wala akong mapagtanungan kung maayos na nga ito. Ngunit kung wala naman sa akin nakakaabot na balita, ibig ba nitong sabihin maayos na si Papa? Sana nga…
Pagkatapos ng tahimik at safe na pagdrive, saka wala man lang trapik at napakabilis namin nakarating sa hospital, agad akong dumiretso papunta sa VIP room ni Papa. Kung hindi dahil nga sa matandang uklubin na yun, alam kong hindi ko maibibigay ang silid na ganito kay papa, at special treatment o kahit man lang ang mabili ang mga gamot nito. Hay naku Tatang… Sabagay titiisin ko na lang ang anak ninyo. Kaya ko naman gumanti, kahit paano.
Basta Megan, wag na wag kang mahuhulog sa kanya. NEVER.
Nang binuksan ko ang pinto, kaagad na sumalubong sa aking paningin ang may malay na si Papa, at kinakausap nga si Paul.
“Good morning po itay.” At napalapit ako dito para mayakap. Hindi ko nga napigilan na umiyak sa sobrang tuwa na maayos na siya, at may malay na ngayon… kesa noong huli kong dalaw dito sa kanya. “Kamusta po ang inyong pakiramdam?”
Itinaas ni Papa ang kanyang kamay… At napa-thumbs up ito sa akin. Ibig sabihin maayos lang ang pakiramdam niya. Mga mata nito parang tinatanong kung kamusta din ako… “Maayos din ako itay.”
Ang kasinungalingan na sinasabi nga nilang white lies. Saka nakita ko si Paul…
“Halika nga dito.” Dahil ang mukha niya sobra ngang nahihiya sa akin. Lumapit naman ito sa akin, ngunit masyado siyang mabagal para hilain ko nga at yakapin ang pinaka-chubby kong kapatid. Ginulo ko ang buhok nito at saka…
“Wag mo nang uulitin na sumama pa doon sa mga bad influence mong barkada ha. Malalagay mo sa alanganin ang buhay mo… At buhay ko.” And dalawang huling pangungusap ay bulong ko na lang ngang sinabi sa kanya.
Nang biglang umiyak ito. “Ate pasensya na…”
“Sus. Kalalaking tao nito umiiyak.”
“Wag ka nang mag-alala kay Papa ate, ako na ang bahalang magbabantay sa kanya dito. Pasensya na po talaga. Hindi na po mauulit. Saka alam ko naman na mahirap ang ginagawa niyo, kaya hindi niyo na po kailangan na pumunta dito para alamin kung ayos lang si Papa. Sasabihin ko naman sa inyo kung maayos lang siya.”
“Ay naman. Gustong-gusto ko na pumunta dito para makita si Papa at ikaw. Kamusta maayos ka na bang nakakapag-aral?”
“Opo.”
“Mabuti naman.”
“Nga pala Ate… Si Papa, pinapatanong kung kamusta na daw ang love life mo.”
Natigilan ako, at lumingon nga ako kay Papa. Dahil nga si Paul ang andito alam kong nahuhulaan na din niya kung ano ang nais iparating ni Papa sa amin. Ngumiti ako kay Papa…
At sa inaakala ko na ang tinutukoy niya ang tungkol sa pakikisama ko kay Damian Quinn saka yung arrangement naming dalawa… Sa totoo lang itay, may mga bagay na hindi ko na nakokontrol… At natatakot nga ako. Kasi yang si Damian ay talagang isang adik, manyak at baliw hindi katulad ng lalaking minsan na ngang dumating sa buhay ko.
At hindi ko ito kailangan na sabihin sa kanya. Dahil baka hindi pa gumaling si Papa at lumala pa ang kanyang sitwasyon.
“Ayos naman ang lahat, itay. Wala ho kayong kailangan na ipag-alala. Ako pa.” Masaya kong ngiti sa kanya, kahit nga sobra na akong nahihirapan… At naiinis sa mga kapatid ko. Buti na lang itong Paul na ito nakikita ko sa kanya ang pagsisi.
“Si Damian Quinn, magkasama kami ngayon na ninirahan sa isang suite, at hindi ko nga ito nasasamahan si Paul sa bahay, pero sa tingin ko dito na siya tumitira din. Pati ata rasyon na pagkain kabilang ka na ha, Paul.”
“Hindi naman ate.”
“Yun nga, kasama ko siya sa isang bahay pero magkaiba ang silid namin. Kaya wag po green ang isipan. Hindi po kami interesante sa bawat-isa kasi masyado yung pogi at mayabang… Kaya engggg talaga siya sa akin. Yan pong si Damian, eh may minamahal na ding babae, kaya nga po hindi natuloy yung kasal namin. Ang ginagawa na lang ng kanyang ama… Ang mag-experiment kung mahuhulog ba kami sa isat-isa na alam kong hindi naman mangyayari.”
@Death Wish
(Dahlia POV)Malaki ang ipapasalamat ko sa tulong na binibigay ng kompanya sa akin. At kailangan ko pa kapalan ang mukha ko, para humingi ng advance since nga walang-wala kaming pera ni Grandma. Nakakahiya pero nilakasan ko ang aking loob, at alam kong hindi tatangihan ni Sir Venal ang pabor ko. Napakabait nito, at walang alintanang ginagawa ang lahat pagdating sa akin. Hindi naman sa inaabuso ko ang kabaitan niya, sadyang wala lang talaga akong malapitan. Promise babawi ako sa kanya.Kaagad naman umalis si Sir Venal matapos ngang iremind sa akin, na mamaya kakain ako sa harapan ng boss namin. Since madami na din naman akong kinain, alam kong kunti na lang ang kakainin ko. Saka nakakahiya talaga, di ko rin alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa aking sarili kung para saan ba ito.Hinahawakan ko ang kamay ni Grandma at pinisil-pisil ito. Nalilito ako kung nais ko ba ito magising o manatili siyang matulog para di nito malaman ang nangyari. Napabuntong-hininga na lamang ako.Bumalik ang da
(Dahlia POV)Nang makapasok ako sa banyo, tinignan ko ang laman ng paperbag. Puro dress ang naroroon. May binili naming pang-ilalim, pero yung damit talaga… Alam kong kung magkano ang isa noon. Sa sikat at mamahaling brand pa sila namili.Isinuot ko na lamang yung skirt na mahaba, at white chiffon blouse. Habang yung skirt kulay beige. Dahil medyo tinatagos ng lamig ang blouse, isinuot ko yung longsleeve. Tuck in, para nga hindi magmukhang manang. May ternong dollshoes yung skirt, at ng tumitig ako sa salamin, maganda. Simple, ngunit maganda. Prefer ko yung mga damit na plain lang at walang kahit ano-anong print.Paglabas ko, wala na sila Madam Lilith. Itinabi ko na lamang sa sulok yung mga paperbag, ng mapansin kong may kung ano sa may mesa. At ng lapitan ko, biglang kumalam ang tiyan ko.Pagkain… Masasarap na pagkain. At sa hinuha ko, ang pagkain na yun para sa akin.Storm Corporation, natural ba sa kompanya na ganito ang ipamalas na pagtulong sa kanilang mga empleyada?(Venal POV)
(Venal POV)Parang isang papel na inihipan ng hangin ng mismo sa aking mga mata nawalan nga ng malay si Miss Dahlia. Kaagad ko itong nilapitan at binuhat. Tumawag naman ng attention ang mga assistant ko, at sa isang silid nga namin idinala si Miss Dahlia.Over fatigue ang dahilan kung bakit nawalan siya ng malay. Normal na mabibigla ang katawan niya sa mga nangyari.Mag-uumaga na, at wala parin siyang malay. Naalala ko ang sinabi ni Master Dryzen na ipagluluto niya ng agahan si Miss Dahlia. Bahagyang nakalimutan ko ang tungkol roon. Nasisigurado ko kanina pa yun gising, at walang kaalam-alam sa mga nakalipas na oras kung ano ang nangyari kay Miss Dahlia.Tinawagan ko si Lilith, at kinumpirma niya sa akin na maaga itong nagising at abala na si Master Dryzen sa pagluluto.“Maari mo bang sabihin sa kanya, na hindi makakarating si Miss Dahlia.”“Natutuwa akong sabihin yan kay Master Dryzen ngunit hindi matutuwa ito sa maririnig niya sa aking bibig. Bakit anong problema ng babaing yan? Suk
(Dahlia POV)At nagising ng, tumunog ang phone ko. Nagbabakasakaling sila Carlo at Karen… Pero hindi, si Sir Venal. Tungkol ba ito sa paggamit ko ng Card? At napansin ko ang orasan, magmamadaling araw na para hindi pa siya nagpahinga at mapansin pa in case man may nakukuha siyang notification sa paggamit ko ng Card.Hindi ko naman maaring di sagutin… Sinagot ko.“Miss Dahlia…” Bati niya sa akin. “Sir Venal…” Saka narinig ko itong huminga ng malalim.“I’m sorry, ngayon ko lang nabalitaan ang tungkol sa nasunog niyong bahay. Napasugod ako ngayon dito. Mabuti na lamang at wala kayo dito ng mangyari ang sunog. Ngunit alam kong mabigat parin sa inyo ang nangyaring aksidente. Maari ko bang malaman kung nasaan kayo?”“Sir Venal…”“Miss Dahlia?” At tuluyan na naman akong naiyak.Wala na akong lakas na loob na magsalita pa, hangang sa ibinaba ko na lamang ang tawag ng hindi ko sinasabi kay Sir Venal kung nasaan nga ako.Pero hindi ko inaasahan, na lumipas lamang ang ilang minuto, napuno bigl
(Dahlia POV)Lumapit ako sa information desk, at naki-usap sa nurse na iiwan ko muna si Grandma. Pumayag naman ito, ngunit ng tumalikod na ako at ilang hakbang pa lamang ang layo ko sa kanya…“Anong klaseng kamag-anak ba yun. Nasa loob pa nga ng emergency room ang kanyang abuela, hindi pa nga inilalabas, aalis kaagad. Di naman sinabi kung ano ang rason.”Kaya natigilan ako. Ang galit na akala ko, wala… Akala ko pangamba lamang, ay biglang sumabog. Saka hindi ko aakalain na sa kanila ko mabubuhos ang frustration na aking nararamdaman.Napalingon ako, at tahimik na bumalik ulit sa information desk.“Sa nasusunog ang bahay namin, miss. Ano ang sa tingin mo ang dapat kong gawin?!”At napapikit ako bago pa man lumala ang sitwasyon. Huminga ng malalim… At ayoko nang dagdagan pa ang pwerwisyong nangyayari.Kaya humingi ako ng pasensya.“Sorry, hindi ko sinasadya na pagsigawan ka. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala ng husto kay grandma. Ngunit kailangan ko bumalik ng bahay dahil nasusunog
(Dahlia POV)“Miss Dahlia… May nangyari ba?”Umiling ako kaagad. Medyo nalilito ako kung para saan ba ang tanong niya at pag-aalala sa akin. Nang maalala ko na tumakas ako, at siguradong yun ang tinutukoy niya.Bigla akong napayuko sa harapan niya. “Pasensya na Sir Venal kung umalis kaagad ako. May kailangan kasi ako ayusin.”Ayusin. At di ko nga alam kung saan magsisimula.“Maayos po bang nakakain ang CEO?”Napatango naman ito bilang tugon, at nakahinga kahit paano ng makumpirma na ayos lang ako.“Nalaman ko na hindi ka pa nakakauwi sa inyo. Kaya pinahanap kita.”“Sir Venal…” Alam kong mayroong utos ang CEO sa kanya na ihatid-sundo ako sa bahay namin. Ngunit ang weird. Hindi ko maintindihan kung para saan itong ginagawa nila. Kung may kinalaman ito sa special na trabaho na nais nilang tangapin ko, siguro nga yun ang dahilan.“Ayos lang naman ako, Sir Venal. Wag kayong masyadong mag-alala sa akin. Sanay po akong umuwi ng ganitong oras, kahit mag-isa. Kaya nga po nais ko sanang tangiha
(Dahlia POV)“Punyeta!” Muli niyang mura. “Magising ka nga Dahlia! Wag kang mayabang! Marami na akong napatunayan, habang ikaw, wala. Wala kang magagawa kundi tangapin ang alok ko, sa ayaw mo man o hindi! Advice ko sayo at dapat kang makinig, hindi magandang kalabanin ang isang kagaya ko. Kung ako sayo dapat na kaibiganin mo ako! Minsan lang ako mabait, Dahlia.”“Minsan? Nakakatakot naman Yuki.” Ang pag-iisip ng babaing ito, napaghahalataan na makitid ang isipan. “Hindi niyo ako mapipilit.” Tigasan kong sinabi. “Hindi mo ako matatali at hindi ako magiging sunod-sunuran sayo. Kapag tinangap ko ang alok mo, yun ang magsisilbing katangahan ko.”“Dahlia!”“Lalaban ako.” Titig ko sa kanyang mga mata, at aktong babangon na ako sa kinakaupuan ko ng biglang hinawakan ng dalawang katulong ang balikat ko.“Tss. Hinahamon mo talaga ako Dahlia at parang may hinahanap ka. Pwes ibibigay ko sayo, at dapat pagsisihan mo kaagad at mamulat ka sa katotohanan na dapat tangapin mo ang alok ko sayo habang
(Dahlia POV)“Kung hindi ko lang alam na magnanakaw ka Miss Yuki, sa bookstore pa lang lumuhod na ako sa harapan niyo. Ngunit mas mababa ka pa sa mas mababang nilalang, kung hindi ka marunong rumespeto ng pinaghirapan ng ibang tao.”“Puny*ta.” Biglang mura nito. Medyo nagulat ako dahil, ang mukha niya hindi bagay sa lumabas sa kanyang bibig. Sabagay andito ako para hindi makipagkabutihan sa kanya. “Tss. Hindi ko na ata kailangan itago ang ugali ko, Dahlia. Hindi ko na kailangan magkunwari. Dapat ka nang matakot dahil hindi mo ako kilala! Simpleng utos lang naman, uupo ka lang naman diba? At kapag sinabi kong uupo ka, mauupo ka! Upo!”Hindi ako kumilos, nanatili akong nakatitig sa kanyang mga mata. Malungkot ngunit nakakatakot.Lumapit ang dalawang katulong nito sa akin, upang sapilitan na paupuin ako sa harapan ni Yuki. Mala-anghel ang mukha niya sa mga tarpulin na nakikita ko. Ngunit isa lang pala itong maskara. Ang akala ko isa siyang mabait, mahinhin at tahimik na babae. Yun pala n
(Dahlia POV)“Alam mo Miss hindi ko rin inaasahan na magkikita ulit tayo. Pero andito na nga ulit ako sa harapan mo.”“Para saan?!”Napangising-aso ito. “Andito kami dahil napag-utusan lang ng kapatid ng boss ko. At alam kong kilala mo kung sino ang tinutukoy ko.”“Si Yuki.”“Pero lilinawin ko, hindi siya kapatid ng boss namin. Sampid lang naman siya sa pamilya.” Mapait niyang sinabi laban sa pangalan na binangit ko. Tila ba may lihim na galit si Cedrick sa kanya. “Nagkakilala na kayo kanina.”“Oo. Ang babaing walang ikinalayo sa boss mo. Magnanakaw at manloloko.”“Hulaan ko, pumunta ka na naman sa stasyon ng pulis. Bakit Miss Dahlia? Sa tingin mo ba may magagawa sila? Nagpapatawa ka lamang sa lagay na yan.”“Nagbabakasakali lang ako na may tumulong sa akin laban sa—.” Natigilan ako dahil mas lumapit siya sa akin at ibinaba ang kanyang labi sa aking tenga.“Wag kang tanga. Napaka-useless ng ginagawa mo, Miss Dahlia.” Ngumisi siya. Malapit na ngumisi sa mukha ko. “Kahit na ang pinakama