Share

CHAPTER 15

Chapter 15

(Megan POV)

Sa mga mata ni Papa natutuwa siya na marinig yun. Ngunit sumabat na naman si Paul at binangit ang pangalan na hindi ko inaasahan na maririnig.

“Kamusta na daw kayo ni Kuya Alfred, sabi ni Papa nitong nakapagsalita siya ng bahagyang.”

Alfred. Natahimik ako. Ang unang lalaking manliligaw at sinagot ko naman. Sa akala ko kasing kaya niyang mapaghintay habang ginagawa nga ang bagay na manligaw… Ayun sumuko na lamang. Ahahaha. Edi wow, kung ganoon naman talaga ang lalaki hindi mapaghintay dapat sa kanila hinihiwalayan. Hindi yung binibigay ang gusto nila at tino-tolerate na lang. Kaya lang minahal ko din ang lalaking yun. Kaya nga nasasaktan din ako paano. Hiniwalayan niya ako na parang wala siyang pakialam. Kung nasaan man siya ngayon sana maayos lang ang kalagayan niya. Pasensya na kung hindi pa nga ako handa na isuko ang bagay na wala pa ngang basbas ang pagsasama namin.

Minsan iniisip ko din kung naalala pa ba ako ng mokong na yun, kahit kunti man lang. Pero sa ginawa ko alam kong impossible.

Sasabihin ko ba kay Papa ngayon na wala na kaming dalawa ni Alfred? Hindi maari Megan… Tignan mo naman ang kanyang sitwasyon ngayon…

“Si Alfred, syempre po ayos na ayos kaming dalawa. I’m so in love with him. Kaya lang dahil nga sa nangyari wala muna kaming progress tay. Siguro pagkatapos ng dalawang buwan babalik ang lahat sa normal, baka sumang-ayon na po ako sa proposal niya.”

“Huh? Hindi mo parin Ate tinatangap ang proposal ni Kuya Alfred? Ay grabe ka naman ate.” Napalingon ako kay Paul. Kung matagal ko nang tinangap ang proposal, sa tingin ba ng batang ‘to may pambayad sila kay Asik?

“Sorry Ate.” Nakuha naman ang ibig sabihin ng aking titig.

Sa totoo lang hindi naman ako nagsisinungaling ng sinabi ko ngang mahal ko parin si Alfred, kahit nga hindi kami okey, di ko siya nakikita o nakaka-usap man lang para ayusin nga ang relasyon namin. Ano yung pagkukulang… Sa hinayaan ko lang kasi mahulog ang aking sarili na hindi dapat. Ganito pala kapag nagmamahal…

“Sinabi ni itay, inaalala ka niya… Paano na daw kung lumisan na siya sa mundong ito tapos single ka pa daw.”

“Sus naman Papa. Wag naman kayong mag-isip na iwan kami.” Napasimangot ako. “Dapat ang mindset, gagaling kayo. Hindi yung mang-iiwan. Ang sakit kaya ng ini-iwanan. Oo darating tayo sa puntong yun pero hindi naman sana sa mga susunod na araw. Bibigyan pa kayo ng ilang taon na mabuhay sa mundong ito. Alam ko yan. At gusto kong i-sketch kayo, kaya babalik ako dito balang araw na dala ko yung sketch pad.”

May ngiti sa mga mata ni Papa… Parang gusto nga niya ang ideya na yun.

Pinaghaharot nga ako ni Paul sa sinasabi ni Papa habang wala pa ako. Buong araw din ako nanatili sa tabi nila, hangang sa may pumasok na nga sa loob na tauhan at sinabing kailangan ko na umuwi.

Wow naman ang bahay ni Damian, mayroon palang curfew. Nais ko pa sanang manatili o matulog man lang dito, pero ayoko nga mabali ang utos ng demonyong yun. Nakatulog na din naman si Papa, at kay Paul na lamang ako nakapagpaalam.

“Sabihin mo kaagad sa aking kung may emergency ha. Hindi ba talaga pumupunta dito yung iba nating mga kapatid?” Napa-iling si Paul, at ako napabuntong-hininga sa pagkadismaya nga sa kanila.

Nagkaroon ulit ng tahimik na byahe pabalik ng penthouse.  Minsan lang din magsalita ang mga bodyguards na sumusunod sa akin, nagsasalita lang sila kung kinakailangan. Nanahimik na lamang ako sa loob ng sasakyan at naglalaro sa aking isipan ang tungkol kay Alfred. Kung dahil nga sa pagiging mailap ko ang dahilan ng break-up namin, magagawan ko naman ng paraan, pero parang may iba pang dahilan. Kung ano man yun sana sinabi niya sa akin.

Ngunit kung nasaan man siya ngayon, sana masaya siya at mayroong maayos na buhay… Hindi katulad ko na naipit sa ganitong sitwasyon.

Tumigil ang sasakyan sa may basement parking at yung elevator nga doon ang ginagamit ko upang makapunta sa palapag kung nasaan ang unit namin. Hindi ko ginagamit ang main door para na din ilihim nga sa mga andito na minsan na akong nakatira dito. Hay naku… Dalawang buwan lang naman. Dalawang buwan na mawawala din ang mga nakabuntot na bodyguard sa akin.

Nang makapasok ako sa unit namin, masaya akong binati ni Mrs. Zu at ilang katulong na naroroon. Gabing-gabi na nga talaga para maghanda na sila ng hapunan. Kamusta naman kaya yung lalaking pinag-confuse ko? Hinanap ba niya ako?

Pero nadismaya lang ako ng makita ko sa hapag-kainan ang pinaghanda kong agahan kay Damian. Hindi niya kinain ang pa-in ko. Masarap ang luto ko, at ang balak ko sana iisipin niya kung bakit ko pa siya pinagluto kahit nga pinagtripan niya ako kagabi. Yung ninakaw niyang halik na hindi nga ako basta-basta binitiwan.

Pero sana man lang nilinis na ito ni Mrs. Zu para hindi man lang ako nakaramdam ng pakiramdam na… Wala talagang pakialam si Damian kung magalit at mainis man ako sa kanya. Nais niya akong sumuko… Sumuko na bayaran na lang yung utang sa kanyang ama. Pero Damian Quinn, alam mo naman siguro kung gaano ako nahihirapan maghanapbuhay para sa aming mag-aama diba? Kaya kung maari, cooperasyon na lang.

“Nagmamadali kasi kaninang umaga si Master Damian, kaya hindi na niya napansin Miss Megan ang tungkol sa agahan niya.”

“Nakakahinayang lang na hindi niya ito kinain. Sayang ng pagkain… Ang mahal pa naman ng mga bilihin ngayon. Uhmm, iligit na natin para makakain na nga ako ng hapunan.” At wala talaga akong balak na kumain ulit sa harapan ni Damian… Naalala ko pa nga kung saan ako nakatayo habang hinuhubad ko ang aking mga damit ng gabing yun… At sa may terrace na nakikita ko… Doon din niya ako ninakawan ng halik. Ano pa ang susunod mong gagawin Damian Quinn. Di na ako papayag na may gawin ka pang hindi maganda sa akin.

“Ah, kami na ang bahala nito Miss Megan. Magpahinga na muna kayo habang hinahanda namin ang hapunan ninyo.”

“Hindi po. Tutulungan ko na kayo.” Since nga hinintay pa ako makauwi bago nga iligpit ang hinanda kong ito. Siguro inisip lang ni Mrs. Zu na hindi ako matutuwang iniligpit lang yung inihanda kong agahan para kay Damian. Kaya nanatili pa nga ito hangang ngayon.

“Kami na lang po Miss Megan. Hindi niyo ito kailangan gawin dahil kayo po ang Matriarch ng pamamahay na ito.”

“Hindi po. Kung hindi lang po sa mga utang ng kapatid ko sa Old Master Quinn, tiyak wala po ako dito. Wala din kayong pinagsisilbihan na isang kagaya ko.” Kami na nga ang may utang, ako pa tuloy ang pinagsisilbihan. May sakit ata sa utak yang si Tatang.

“Miss Megan…” Malungkot ang tono ni Mrs. Zu. “Alam ko pong naappreciate ni Master Damian ang ginawa niyo, kaya lang nitong umaga nagmamadali siyang umalis.”

Kala ata ni Mrs. Zu, nagtatampo ako sa ginawa ni Damian. Ngumiti ako… At umiling.

“Ginawa ko lang po ito para, uhmmm… Pasasalamat na kung hahayaan lang niya ako manatili ng buong araw sa hospital. At hinayaan naman niya ako.” Ayan nakahanap nga ako ng lusot. Kesa naman sabihin ko ganti ko kay Damian dahil napakawalanghiya niya.

Pero yung mga sinabi ko kay Mrs. Zu, parang hindi siya natuwa. Alam ko na nais niya kasi kaming magkasundo ni Damian, pero Mrs. Zu, impossible yun mangyari.

Kumilos na lamang ako at ginawa yung kailangan gawin. Hangang sa kumain nga ako mag-isa, at minadali ko lang nga ang hapunan.

“Goodnight po sa inyong lahat.” Bati ko sa kanila bago nga umakyat ako sa aking silid.

Dahil nga nangako akong babalik sa hospital, hinanda ko na ang lahat na materials na dadalhin ko sa pag-sketch nga kay Papa. Alam ko natutuwa yun si Papa dahil nakabalik na ako sa pag-guhit at may oras na nga sa ilang hobbies ko.

Napa-unat unat ako ng aking mga kamay, at parang kailangan ko maligo para magkaroon ng magandang tulog. Naligo nga ako, at nakapagbihis naman kaagad. Yung pangpatulog na hinanda sa akin ni Cindy, gaya ng dati… Sexy sleeping dress na masyado ngang maiksi ang damit… at satin nga ito. Haist. Ako lang naman sa silid na ito, at may kumot naman… Kaya walang problema. I-lo-lock ko na lamang ang pinto, para walang makapasok. Saka applicable naman ata ang rule number one ni Damian, na bawal akong pumasok sa silid niya, so, bawal din siyang pumasok sa silid ko.

Ibo-blower ko na sana ang aking buhok ng biglang may kumatok, at narinig ko nga ang boses ni Mrs. Zu… Binuksan ko ang pinto habang pinupunasan ko nga ng twalya ang aking buhok.

“Ano po yun Mrs. Zu? May kailangan po ba kayo sa akin?” Tanong ko na mayroon namang ngiti sa aking labi, habang nakatayo siya sa harapan ng aking pinto.

“Miss Megan, uhmmm… Nais ni Master Dam—.”

“Tss. Move aside.” Di na natuloy ni Mrs. Zu dahil tumabi na siya at ang nasa harapan ko na ngayon ay ang demonyong lalaking ito. Akala ko pa naman hindi ko siya makikita sa buong araw na ito.

Ngumisi siya kaagad sa akin. Nawala nga yung lakas ko para ipagpatuloy ang pagpunas ng twalya sa aking basang-basa na buhok.

“Come with me.” Na bigla na lang niya hinila ang kamay ko. Hindi naman masakit pero sapat lang ang higpit para hindi ako makawala sa hawak niya.

“Teka lang.” Pigil ko sa kanya. “Anong gusto mo.” At parang gusto kong hampasin ang twalyang hawak ko sa kanya. Binitiwan niya ang kamay ko, para tuluyan nga akong harapin nito. Ngunit ang titig niya mula ulo hangang paa… Na biglang nawalan nga ako ng confidence. Napaka-ikli pa naman ng damit ko, at expose nga masyado ang ilang bahagi ng aking katawan.

“Matutulog na ako. Kaya kung ano ang kailangan mo, sabihin mo na sa akin.”

“Rule number three and four, Megan.”

“Nilabag ko ba? Gusto mo ako kausapin diba kaya pumunta ka dito, saka… yung four, actually hindi yun sa akin klaro.”

“Then I will explain it to you better.” Hablot ulit niya ng aking kamay at kinaladkad ako pababa sa hagdan kahit nga napapa-protesta ako.

“Saan mo ba ako dadalhin.” At nagsisimula na naman ako mataranta. Ang damit kong ito ay para lang sa akin, at walang dapat na makakita… Sobrang nakaka-inis ang lalaking ito. Napakademonyo talaga!

Hangang sa nasa harapan kami ng isang pinto, at binuksan yun ng katulong na naghihintay, nasa Theater room kami.

“Anong gagawin natin dito?” At dahil sa tanong ko, lalong lumaki ang ngiting demonyo ni Damian.

“And what do you think?” Saka binitiwan niya ako, at bumalik sa pinto para sarhan ito, at narinig ko ngang parang nilock pa niya iyon.

Ang theater room na ito, ay may malaking sofa ngunit ano ang ginagawa ng isang King size bed sa loob? Yun ba ay kapag tinamad ka nang umakyat sa silid at maari ka na lang matulog?

Ngunit ang utak ko, bigla na lang nawala ang pagka-inosente dahil, baka may binabalak na hindi maganda si Damian sa aking katawan! Ngayon nakatitig na ulit siya sa akin, kaya napaurong ako habang siya pa-abanteng lumapit sa akin.

“Sinabi ng Papa mo na… Hindi niya ako tinapon na isang karne para gawin mo ito. Wala ito sa pinag-usapan namin ng Old Master Quinn.”

“Anong pinagsasabi mo Megan? Sasamahan mo lang naman ako manuod ng movie, and I felt like I want to watch right now.”

Nakahinga ako, at naupo na nga siya sa sofa na parang isang princippi. Ngunit ang ngisi sa kanyang labi hindi nawawala.

“Master Damian…” Kuha ko ng attention nito, at tumaas lang ang kilay niya, naghihintay sa sasabihin ko.  “Maari bang sa susunod na lang kita samahan. Inaantok na talaga ako.”

Nang biglang tumawa siya.

“Preskong-presko ang katawan mo Megan, sabihin mo sa akin, paano ka naman aantukin? Natatakot ka ba na may gawin ako sayo?”

“Hindi naman sa ganoon. Naniniwala ako at nagtitiwala ako sayo na wala kang masamang gagawin sa akin.” Kampante kong sinabi sa kanya. “Ngunit, hindi magandang ang timing na manuod ngayon ng Movie kasi…” Wala naman akong hilig riyan. Mas gugustuhin ko na lang matulog. “May gagawin tayo bukas?”

“Ayaw mo bang sundin ang gusto ko? At sinasagot mo na ba ako pabalik?” At muli siyang tumayo para lapitan ako…

“Oo na! Sasamahan na kita manuod. Di-dito na lang ako mauupo.”

“No. You will seat beside me on that sofa.” Turo niya ng inupuan niya kanina.

@Death Wish

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status