Umiiwas dahil sa pait na kanyang nararamdaman dahil sa sitwasyon na nakikita nito sa kanyang ama.
Ito rin ba ang nararamdaman ng kanyang ama kung bakit siya nito iniiwasan noon?
Hindi.
Magkaibang-magkaiba sila ng sitwasyon.
Kalaban ni Gabriel ang sundong kamatayan ng kanyang ama.
At sa tingin ngayon ng binata, matagal na siyang nagsisinungaling sa kanyang sarili. Umaasa na balang araw may magandang balitang darating sa kanya. Iyon ay ang magkamalay ang kanyang ama.
Sa sitwasyon nito may kung ano sa kanya na pilit niya pinipigilan na hindi tangapin na hindi na nga ito magkakamalay pa.
Natatakot siya. Takot na hindi niya maintindihan kung para saan.
Sa buong buhay nito parang ilang oras lang sila nagkasama. Minsan lang mag-usap at minsan lang maging magulang sa kanya.
Kaya naman hindi masisi si Gabriel kung bakit kunting magagandang alaala lang ang pinanghahawakan niya.
Saka kung noon hindi niya maunawaan ang sinasabi ng kanyang ama, ngayon ay alam na niya dahil sa naranasan niya kung paano nga palakarin ang kompanya. Naging malinaw sa kanya ang lahat, lalo na ang mga salitang binitiwan nito noon habang namimingwit silang dalawa.
Napakahirap nga.
Ngunit kinaya niya.
Kahit wala ang kanyang ama napatunayan niya na mayroon siyang maibubuga sa pagpapatakbo ng kompanya. Naging mas maunlad nga ito, ngunit naging kapalit naman ang oras niya na dapat inilaan niya sa ginagawa ng mga normal na binata sa gulang niyang iyon.
Naiyukom ni Gabriel ang kanyang kamao.
Napapikit…
Hindi niya namamalayan na basang-basa na ng luha ang kanyang pisngi. Sapagkat hindi malakas ang loob niya dahil may nakaligtaan siyang isa pa nitong habilin.
Yun ang kinakatakot niya.
Yun ang dahilan kung bakit umaasa siya na balang araw magigising pa ang kanyang ama.
Dinig na dinig pa niya na tumawa ang kanyang ama ng sabihin nito na kailangan niya mag-asawa kahit anong mangyari. Pero sa kalagayan niya ngayon paano niya gagawin yun kung nagiging irritable siya sa mga babaing nakikilala niya?
Inaamin niya na wala nga siyang maihaharap na babaeng masasabi na makakasama niya habang buhay. At yun ang dahilan ni Gabriel kung bakit tumagal ng husto ang kanyang ama na nakaratay sa hospital. Yun ang dahilan kung bakit wala siyang lakas upang pirmahan ang documento na pilit niyang iniiwasan.
“Mahal na mahal ko ang iyong ina kaya hindi ko magawang mag-asawa pa muli.”
Nararamdaman ba niya ang pagka-irita sa ilang babaing nakilala niya ay dahil natural sa kanila na iisa lang ang mamahalin na babae?
“Dad siguro hindi ko pa nakikilala ang babaing para sa akin… Ngunit masyado kitang pinapahirapan para hintayin lang na dumating ang araw na yun. Patawarin mo sana ako.”
Ang mahina niyang sinabi.
“Ngunit alam natin na darating ang panahon na makikilala ko siya. At gaya ng sinabi niyo, kahit anong mangyari kailangan ko yun gawin. Kung sakali ngang kailangan niyo na magpahinga, sana manatili na gabayan niyo ako sa bawat desisyon na gagawin ko sa aking buhay.”
“Yung babae naman, sa ngayon lang pabaon lang muna ang pangako kong ito, pero gagawin ko yun. Makikilala ko din siya balang araw, ngunit sana bigyan niyo ako ng senyales kung siya na ba yun. Saka ipapangako ko na, mamahalin ko siya kagaya ng pagmamahal niyo kay Mom. Walang ibang makakakuha ng atensyon ko at pagmamahal ko kundi siya lang. Dad… Maghihintay ako sa senyales na iyon. Gabayan niyo ako ni Mom palagi.”
Saka inipon niya ang lakas niya para hawakan ang palad ng kanyang ama.
Malamig ito…
At buto’t balat na nga ito gaya ng sinabi ng mga kaibigan nito.
Halos matagal na silang iniwan nito.
“Hangang dito na lang siguro Dad. Patawarin niyo ako kung nabigo ko kayo. Masaya ako na sa gagawin kong ito makakapagpahinga na kayo at makikita mo na si Mom, Dad. Sa ginawa niyo para sa akin, labis akong nagpapasalamat. Maraming salamat sa lahat.”
At bumuhos ang luha sa kanyang pisngi.
Lumingon sa mesa kung nasaan ang dokumento na nais ng ama-amahan niya na pirmahan ito. Ang documento na tuluyang maglalaho ng maliit na pag-asang magigising pa nga ang kanyang ama. Sa oras na pinirmahan niya iyon, tuluyan na niyang bibitawan ang pag-asang yun.
Binitiwan niya ang kamay ng kanyang ama at lakas loob na nilapitan ang folder na paulit-ulit nga niyang binabasura.
Nanginginig man ng mahawakan ang dokumento, ngunit kailangan na niya iyon harapin. Napapikit siya at huminga ng malalalim.
At ng imulat ang kanyang mata halos wala siyang maintindihan sa kanyang binabasa kundi ang katotohanan na ngayon mismo mamatay ang kanyang ama. Ang pirma niya ang dahilan kung bakit tuluyan na itong lilisan sa mundo.
May pumatak na luha sa dokumento na hindi niya namamalayan hangang sa pinirmahan na niya ito.
Halos hindi siya makahinga…
At ang luha niya bumugso na parang walang hanganan. Tila yun ang luha na inipon niya sa loob ng sampung taon na lumipas.
Bago siya tumalikod, sa huling pagkakataon pinagmasdan niya ang kanyang ama. Sinusubukan na kinakausap na nagawa na niya… Makakapagpahinga na ito.
Sa paglapit niya ulit, isa lang ang ibinulong niya bilang pabaon…
“Dad, magpahinga na kayo ng tahimik. Ako na ang bahala.”
Bumukas ang pinto at lahat ng paningin sa labas kay Gabriel nakatitig, lalo na sa hawak niyang dokumento.
Lumapit siya kay Seneca. Hindi siya makatitig ng diretso dito.
“Gawin niyo na ang nais niyong gawin.” Ang mahina niyang sinabi sabay abot ng dokumento.
Isa lang ang ibig sabihin ni Gabriel pumirma na ito.
Tinangap ito ni Seneca at wala siyang masabi para dito.
Lumapit naman sa kanila si Oxford at tinapik ang balikat ng binata. May nais itong sabihin ngunit walang boses na lumabas.
Tumalikod si Gabriel na tila ba kung magtagal siya roon baka bawiin nito ang dokumento. Kaya sa pagkakataon na iyon kailangan na niyang umalis… Tumakas.
Nauunawaan naman ng dalawa niyang ama-amahan kung hindi nga ito mananatili hangang sa maalis lahat ng supporta para sa katawan ng kanyang ama.
Masakit ito sa kanya.
Nang mawala na sa paningin nila si Gabriel, nagkatitigan si Seneca at Oxford sa isa’t-isa. Tumango ang abogado at ng buksan ni Seneca ang documento, agad na nakita nila ang malinis na pirma ni Gabriel.
Napabuntong-hininga ang doktor.
“Napakatapang ni Gabriel upang gawin yan.” Ani ni Oxford.
“Ngunit kailangan niyang harapin dahil ito ang mas makakabuti.” Saka napalingon si Seneca sa mga kasamahan nitong doktor. “Gawin niyo na.”
Na siyang kinuha ni Oxford ang documento para nga maging legal ang lahat ng proseso.
@DeathWish
[HER RETURN 2024]
Chapter 241 The Happiness Dahil sa tanong ni Gabriel naging matamis at magian ang ngiting inabot ni Seneca. Napatango ito…“Nagdadalang-tao siya.”“Ibig sabihin…”“Yeah boy. Malapit ka nang maging ama. Congratulation. Better to prepare yourself for this.” Sabay abot ni Seneca ng alak sa kanya. “Cheers for this.”Hindi makapagsalita si Gabriel… Ngunit ng matauhan siya… Parang kung anong enerhiya ang pumasok sa katawan niya… Oo may galak… ngunit hindi niya alam kung para saan ang matinding kaba. Hindi niya magawang makapagsalita… Masaya naman siya…Ngunit…Ano itong nararamdaman niyang kakaiba? O sadyang labis lamang ang kagalakan niya.Kinuha niya ang alak… At diretso iyon na ininom…Ngunit di maitatago ang biglang pagkaputla ng mukha niya sa doktor na nakamasid nga s
Chapter 240 The Old Wine Pagkatapos kumain ni Serena…“Matutulog muna ako.”Tahimik na tumango si Gabriel. Ngunit ang ikinakatuwa talaga niya ng lihim… Ang di pagsusuka ni Serena ng pagkain. Lihim din na napatango sa kanya si Agatha dahil ito rin ay nakahinga na kumain nga ang dalaga.Mas pinili ni Gabriel na maupo sa sofa habang hinihintay ngang makatulog si Serena. Oo, mabilis ngang makatulog ito… Yun ang napansin niya… At tulog mantika sa tuwina.Nang makumpirma niyang tulog na ito… Sinarhan niya ang folder saka tinignan ang oras…Si Doctor Seneca…Hinahamon talaga siya nito.Talagang sinasadya na hindi nito sundin ang utos niya na puntahan siya mismo sa silid na iyon. Ngunit parang mayroong dahilan ang ama-amahan niyang doktor… Siguro para hindi na rin marinig ni Serena kung ano man ang natuklasan nito sa result
Chapter 239 Spoon Feeding Nang marinig ni Serena ang tanong ni Gabriel sa presensya ng mga doktor kahit siya naghihintay din sa sagot ng mga ito. Malay diba mayroon siyang malalang sakit… Edi matatapos na ang kabaliwan na ginagawa ni Gabriel sa kanya.“Master Gabriel, si Doctor Seneca ang kailangan niyong kausapin tungkol sa bagay na ito.” Isa sa mga doktor ang naglakas na loob na sabihin iyon dahil iyon naman talaga ang utos ng nakakataas na doktor sa kanila.“Hindi ba pinapatawag ko siya?”Hindi nakasagot ang mga ito.“Tsk.”“Gusto ko din malaman ang sakit ko.” Kuha ng pansin ni Serena kaya nilingon siya ni Gabriel. Titig ni Gabriel sa kanya hindi natutuwa sa narinig nito.“Eh, baka diba may malala akong sakit?”“…f*ck.” Napamura ng mahina ang binata.“Ikaw din… Kasalanan mo kapag namatay ako kaagad na h
Chapter 238 To Eat to Spoiled Maingat na inihanda sa harapan ni Serena ang isang bowl ng mainit na sopas.“Mabuti ito para sayo Miss Serena.” Si Agatha.“… Salamat po. Si Gabriel?” hindi niya kaagad nahuli ang sarili ngunit… huli na para din ang Mayordoma bumakas sa mukha ang gulat dahil kakalabas lang ng binata kanina at hinahanap niya kaagad.“Magpapalit daw muna siya ng damit. Sa ginagawa niya iha… magkakasakit siya.” Inabot sa kanya ang kutsara… Tinangap naman niya ito.“Magkakasakit siya? Bakit ano po ba ang ginawa niya?”Tinikman niya ang sopas… Bahagyang napatango. Oo, gutom na gutom siya…“Agad siyang umuwi ng dis-oras galing sa ibang bansa. Umuwi siya kaagad dahil alam mo na… Sino ba naman ang hindi makaka-uwi ng dis-oras ng malaman nga ang nangyari sayo? Lubos kasi siyang nag-alala ng husto sayo Miss Seren
Chapter 237 Cheerfully Hindi maitatangi ni Serena na ang mga matang nakatitig sa kanya ngayon ay puno ng pag-alala. Napabuntong-hininga siya dahil halata naman na pagod na pagod ang binatang nasa harapan niya at kahit ang kagandahang pagkalalaki nito ay hindi naikubli iyon.“They are fine. Tell me, may masakit ba sa'yo?”“…”“Serena…”“Uhm-ano.” sinubukan niyang bumangon nang alalayan siya ni Gabriel. Haplos nito may dalang kakaibang init na tila ba nangaling iyon sa labis na pag-aalala sa kanya.Hindi nila namalayan na iniwan sila mag-isa ng mga taong kanina nasa loob ng silid.Nang makaupo si Serena… Sinalubong na niya ang titig ni Gabriel ng walang alinlangan… Binigyan ito ng simpleng ngiti at lihim naman napabuntong-hininga ang binata.“Medyo masakit lang ang ulo ko pero hindi naman kailangan ipag-alala…
Chapter 236 His Silent Kiss “Mia ang pangalan mo. At pareho ang pamilyang pinangalingan ninyo ng Driver ni Master Gabriel.”“… Driver ni Master Gabriel… Sino po?”Muli isang Nakakadismayang buntong-hininga ang pinakawalan ng Mayordoma. Lumingon sa kasamahan at napatango dito. Nagulat na lamang si Mia ng lumapit ito sa kanya at sinabing…“Kailangan mong sumama sa akin, kailangan namin ito imbestigahan.”“Pero…” Angal ni Mia.“Sasama ka iha kung yun ay wala kang ginawang masama, sasama ka ng kusa. Ito lang ang paraan para malinaw na wala kang kinalaman sa nangyari. Ngunit hiling ko na wala nga… At isa lamang itong aksidente.” Saka tumayo si Agatha, at lumabas nga ng silid.Dinig pa niya ang paki-usap ni Mia ngunit napailing na lamang siya. Hindi matutuwa si Gabriel kapag may nagbalak ngang masama kay Serena.Lumapit si