Nang makaramdam si Gabriel na may humihila ng kanyang pain, agad naman nakita ng kanyang ama na mayroon na siyang mahuhuli.
Ngumiti ito para sa kanya, at kaagad na hinila ni Gabriel ang kanyang pamingwit.
Isang isda na may kalakihan upang ngumiti si Gabriel at masaya siyang tinulungan ng kanyang ama.
Kumikislot ang isda at madulas ito sa kamay kaya dali-daling dinala ng isa sa tauhan na kasama nila ang pagsisidlan.
“Naunahan mo pa akong makahuli, Gabriel.” Ani ng kanyang ama. “Natutuwa ako para sayo.”
Sa oras na yun, parang kung anong tagumpay ang nakamit ni Gabriel dahil lang sa sinabi ng kanyang ama. Iyon ang una niyang pagkakataon na marinig na tila ba ipinagmalaki siya ng kanyang ama. Ang araw na iyon ay hindi niya nakakalimutan.
Muling hinagis ni Gabriel ang pain sa ilog. At ang kanyang ama nagpatuloy sa ikinukwento nito sa kanya. Tahimik lang siyang nakikinig ngunit kung may ano sa kanya na nais niyang makahuli ulit ng isda bago pa man makahuli ang kanyang ama.
“Katulad ng panghuhuli ng isda, ang mundo ng negosyo Gabriel ay isang napakalaking kompentensyon. Gustuhin mo man o hindi, alam mo sigurong ikaw ang magpapatuloy at sasalo ng responsibilidad sa maiiwan ko sayo.”
At ng marinig ito ni Gabriel bahagyang nagising siya sa katotohanan na ang lahat ng bagay ay mayroong hanganan, kahit na nga ang buhay ng isang tao.
Ang isda na nasa sisidlan… Dahil walang tubig ay naghihikaos itong huminga.
“Unang-una tungkol sa kompanya ng ating pamilya. Ito ay kailanman di pa nakakatikim ng pagbagsak. At aasahan ko na hindi mo ito hahayaan na bumagsak. Nakaalalay sayo ang mga ninuno natin. Nakamasid. Alam kong mas hihigitan mo pa ang kaya kong gawin sa panahon na ito.”
Sa mga oras na yun ang isipan ni Gabriel sinasabi nito na madali lang ang sinasabi ng kanyang ama para magampanan niya iyon. Madali lang ang pagpapatakbo ng kompanya lalo na marami namang tauhan ang gagawa noon para sa kanya.
“Pangalawa ang habilin ng matandang Aquinas tungkol sa pinagmulan natin. Sa ngayon ikaw na lamang ang batang nag-iisang Aquinas. Ikaw ang nag-iisang tagapagmana ng lahat ng ari-arian ng pamilya natin. Hindi ko sayo itatago, malungkot ang buhay natin. Ngunit subukan mo paring maging masaya. Hindi kita pinagbabawalan. Dahil kailangan mo ipangako sa akin na kahit anong mangyari, mag-aasawa ka at gagawa ng isang mapagmahal na pamilya. Muli mong papayabungin ang pamilyang ito. Naniniwala ako na makakaya mo, Gabriel. Mayabong na taliwas sa pagiging gahaman at mag-isip ng masama sa sarili niyang kadugo.”
Seryosong sinabi ng kanyang ama.
At maya-maya napabuntong-hininga ito.
“Sa kasawiang palad kasi, iniwan kaagad ako ng maaga ng iyong ina. Mahal na mahal ko siya kaya hindi ko nagawang mag-asawa muli. Kilala ang pamilya natin na hindi nagtataksil sa kanyang minamahal. Walang Aquinas ang kumaliwa at naging salawahan. At hindi mo yun puputulin, hindi ba Gabriel?”
Umangat ang paningin ni Gabriel sa kanyang ama ng bigla itong tumawa. Ang tawa ng kanyang ama na minsan lang nga niya marinig.
Na siyang ikinangiti ni Gabriel.
“Nais ko sana bago ako umalis sa mundong ito, makita na maayos ka ngang nakapangasawa. Kapag lumaki ka na at naging binata na, hindi ako makikialam sa kung sino man ang babaing mamahalin mo, basta ang importante sa akin mahal mo siya. Dahil kapag mahal mo ang iyong asawa magiging masaya ito. Happy wife, happy life. Yan ang tandaan mo. Matutuwa ako para sayo. Tignan mo, parang may mahuhuli ka na naman.”
At naramdaman nga ni Gabriel na may kung anong humila ulit sa pain niya kaya dali-dali niyang itinaas ang kanyang pamingwit.
Yun nga nakahuli siya.
“Sa lagay bang ito Gabriel hindi mo ako dinadaya?” Pagbibiro ng kanyang ama.
“Hindi po.” Kaagad na pagtangi ni Gabriel habang abala ito sa pag-alis ng isda sa kanyang pamingwit.
Masaya naman na nakatitig sa kanya si William. Ngunit may kung anong pait siyang nararamdaman sa tuwing nakikita nga niya ang mukha ng kanyang anak…
Ang kanyang asawa na si Binca. Labis siyang nangungulila sa kanyang minamahal.
“Gabriel, muli mong papayabungin ang pamilyang Aquinas hindi lang dahil isa itong responsibilidad, kundi para mas maging masaya ka. Ito ang responsibilidad na hindi ko nagawa ng maayos. Sa galing mong ito hindi impossible na hindi mo ito magawa. Hmmm… Okey lang sa ating pamilya kung bibigyan mo ako ng dalawang dosenang apo.”
At muli na naman tumawa si William.
“That’s impossible Dad, especially if you want to take care the health of your wife.”
Lalong lumakas ang tawa ni William dahil parang nakuha nga ni Gabriel ang ibig niyang sabihin.
“Basta iho mapamahal na pamilya, sapat na iyon sa dalawang dosenang apo na hinihingi ko sayo.”
Palubog na ang araw nang umuwi sila. Masayang-masaya si Gabriel dahil sa kanyang nahuli, ngunit ng papalayain na niya ito sa malapit na ilog sa Aquinas Manor, ang ilang isda ay patay na.
Tinapik siya sa balikat ng kanyang ama.
“Hindi naman natin yan maaring kainin.”
“Dapat pala hindi ko na sila hinuli.” Malungkot niyang tugon sa kanyang ama.
Sinalubong sila ni Agatha. Ito ang namamahala sa mga utusan sa Manor, ang headmistress. Pinunasan nito ang pawis ni Gabriel.
“May inihanda akong meryenda para sa inyong dalawa Master William.”
“Kailangan ko umalis ngayon.” Na siyang napatitig si William sa kanyang relo, kasabay ng paglapit ng isang tauhan nito at inabot ang phone.
Napatitig na lamang si Gabriel sa kanyang ama na tumalikod na nga para kausapin ang nasa kabilang linya. Mag-isa nga niyang kinain ang hinandang meryenda ni Miss Agatha . At bago siya umakyat sa kanyang silid, naabutan niya ang kanyang ama na nakapagbihis na.
Aalis nga ito.
Ngunit ngumiti ito sa kanya at naupo para magka-label ang paningin nilang dalawa.
“Gabriel, wag mong sisihin ang iyong sarili sa nangyari sa iyong ina. Hindi mo yun kasalanan. At walang dapat na sino man ang dapat sisihin sa nangyari. Pareho tayong nawalan at mas nakakahigit ka pa na nangailangan sa kanya kesa sa akin. Walang may gusto na mangyari yon. Wag mo sanang isipin na kasalanan mo yun.”
At dahil sa sinabi ni William, gumaan ang pakiramdam ni Gabriel na parang pinalaya siya nito sa kanyang sariling kalungkutan. Alam niya kung bakit wala siyang ina sa kasalukuyan ay dahil namatay ito sa panganganak sa kanya.
Ngumiti na lamang si Gabriel bilang tugon sa kanyang ama, na siyang ginulo ni William ang buhok nito. “Magpakabait ka habang wala ako rito.”
Dahil sa ideyang aalis na naman ito, hindi maiwasan ni Gabriel na malungkot. Ngunit umaasa siyang babalik ulit ito.
Muli sa terrace, sa pamagitan ng kanyang paningin hinatid niya ang sasakyan ng kanyang ama.
“Natutuwa ako iho na nagkaroon sayo ng oras ang iyong ama. Dumating siya kanina at ikaw ang hanap niya. Kaagad ko sanang i-uutos sa mga tauhan na pa-uwiin ka, ngunit sinabi niya na pupuntahan ka na lang niya. Sana magkaroon pa nga ng maraming oras ang iyong ama para sayo.”
Iyon ang sinabi ni Miss Agatha sa kanya.
@DeathWish
[HER RETURN 2024]
Chapter 241 The Happiness Dahil sa tanong ni Gabriel naging matamis at magian ang ngiting inabot ni Seneca. Napatango ito…“Nagdadalang-tao siya.”“Ibig sabihin…”“Yeah boy. Malapit ka nang maging ama. Congratulation. Better to prepare yourself for this.” Sabay abot ni Seneca ng alak sa kanya. “Cheers for this.”Hindi makapagsalita si Gabriel… Ngunit ng matauhan siya… Parang kung anong enerhiya ang pumasok sa katawan niya… Oo may galak… ngunit hindi niya alam kung para saan ang matinding kaba. Hindi niya magawang makapagsalita… Masaya naman siya…Ngunit…Ano itong nararamdaman niyang kakaiba? O sadyang labis lamang ang kagalakan niya.Kinuha niya ang alak… At diretso iyon na ininom…Ngunit di maitatago ang biglang pagkaputla ng mukha niya sa doktor na nakamasid nga s
Chapter 240 The Old Wine Pagkatapos kumain ni Serena…“Matutulog muna ako.”Tahimik na tumango si Gabriel. Ngunit ang ikinakatuwa talaga niya ng lihim… Ang di pagsusuka ni Serena ng pagkain. Lihim din na napatango sa kanya si Agatha dahil ito rin ay nakahinga na kumain nga ang dalaga.Mas pinili ni Gabriel na maupo sa sofa habang hinihintay ngang makatulog si Serena. Oo, mabilis ngang makatulog ito… Yun ang napansin niya… At tulog mantika sa tuwina.Nang makumpirma niyang tulog na ito… Sinarhan niya ang folder saka tinignan ang oras…Si Doctor Seneca…Hinahamon talaga siya nito.Talagang sinasadya na hindi nito sundin ang utos niya na puntahan siya mismo sa silid na iyon. Ngunit parang mayroong dahilan ang ama-amahan niyang doktor… Siguro para hindi na rin marinig ni Serena kung ano man ang natuklasan nito sa result
Chapter 239 Spoon Feeding Nang marinig ni Serena ang tanong ni Gabriel sa presensya ng mga doktor kahit siya naghihintay din sa sagot ng mga ito. Malay diba mayroon siyang malalang sakit… Edi matatapos na ang kabaliwan na ginagawa ni Gabriel sa kanya.“Master Gabriel, si Doctor Seneca ang kailangan niyong kausapin tungkol sa bagay na ito.” Isa sa mga doktor ang naglakas na loob na sabihin iyon dahil iyon naman talaga ang utos ng nakakataas na doktor sa kanila.“Hindi ba pinapatawag ko siya?”Hindi nakasagot ang mga ito.“Tsk.”“Gusto ko din malaman ang sakit ko.” Kuha ng pansin ni Serena kaya nilingon siya ni Gabriel. Titig ni Gabriel sa kanya hindi natutuwa sa narinig nito.“Eh, baka diba may malala akong sakit?”“…f*ck.” Napamura ng mahina ang binata.“Ikaw din… Kasalanan mo kapag namatay ako kaagad na h
Chapter 238 To Eat to Spoiled Maingat na inihanda sa harapan ni Serena ang isang bowl ng mainit na sopas.“Mabuti ito para sayo Miss Serena.” Si Agatha.“… Salamat po. Si Gabriel?” hindi niya kaagad nahuli ang sarili ngunit… huli na para din ang Mayordoma bumakas sa mukha ang gulat dahil kakalabas lang ng binata kanina at hinahanap niya kaagad.“Magpapalit daw muna siya ng damit. Sa ginagawa niya iha… magkakasakit siya.” Inabot sa kanya ang kutsara… Tinangap naman niya ito.“Magkakasakit siya? Bakit ano po ba ang ginawa niya?”Tinikman niya ang sopas… Bahagyang napatango. Oo, gutom na gutom siya…“Agad siyang umuwi ng dis-oras galing sa ibang bansa. Umuwi siya kaagad dahil alam mo na… Sino ba naman ang hindi makaka-uwi ng dis-oras ng malaman nga ang nangyari sayo? Lubos kasi siyang nag-alala ng husto sayo Miss Seren
Chapter 237 Cheerfully Hindi maitatangi ni Serena na ang mga matang nakatitig sa kanya ngayon ay puno ng pag-alala. Napabuntong-hininga siya dahil halata naman na pagod na pagod ang binatang nasa harapan niya at kahit ang kagandahang pagkalalaki nito ay hindi naikubli iyon.“They are fine. Tell me, may masakit ba sa'yo?”“…”“Serena…”“Uhm-ano.” sinubukan niyang bumangon nang alalayan siya ni Gabriel. Haplos nito may dalang kakaibang init na tila ba nangaling iyon sa labis na pag-aalala sa kanya.Hindi nila namalayan na iniwan sila mag-isa ng mga taong kanina nasa loob ng silid.Nang makaupo si Serena… Sinalubong na niya ang titig ni Gabriel ng walang alinlangan… Binigyan ito ng simpleng ngiti at lihim naman napabuntong-hininga ang binata.“Medyo masakit lang ang ulo ko pero hindi naman kailangan ipag-alala…
Chapter 236 His Silent Kiss “Mia ang pangalan mo. At pareho ang pamilyang pinangalingan ninyo ng Driver ni Master Gabriel.”“… Driver ni Master Gabriel… Sino po?”Muli isang Nakakadismayang buntong-hininga ang pinakawalan ng Mayordoma. Lumingon sa kasamahan at napatango dito. Nagulat na lamang si Mia ng lumapit ito sa kanya at sinabing…“Kailangan mong sumama sa akin, kailangan namin ito imbestigahan.”“Pero…” Angal ni Mia.“Sasama ka iha kung yun ay wala kang ginawang masama, sasama ka ng kusa. Ito lang ang paraan para malinaw na wala kang kinalaman sa nangyari. Ngunit hiling ko na wala nga… At isa lamang itong aksidente.” Saka tumayo si Agatha, at lumabas nga ng silid.Dinig pa niya ang paki-usap ni Mia ngunit napailing na lamang siya. Hindi matutuwa si Gabriel kapag may nagbalak ngang masama kay Serena.Lumapit si