Taming the  Sunshine

Taming the Sunshine

last updateПоследнее обновление : 2025-04-24
От :  Death WishUpdated just now
Язык: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 Рейтинг. 1 Обзор
218Главы
1.7KКол-во прочтений
Читать
Добавить в мою библиотеку

Share:  

Report
Aннотация
Каталог
SCAN CODE TO READ ON APP

Синопсис

Dala ng wala nang iba pang solusyon sa sitwasyon ng nag-iisang tagapagmana ng Multi-billionaryong kompanya, si Gabriel Aquinas, nagawa ng kanyang dalawang ama-amahan na gawin ang isang bagay na labag sa kalooban ng dalaga na si Serena Madison ang dalhin nito ang kanyang anak. Ang dalaga lamang ang nag-iisang babae na malapit kay Gabriel dahil pihikan ang binata na makipag-usap o makipagkilala man lamang sa mga babae. Sa una hindi malinaw kay Gabriel kung bakit napakagaan ng loob niya sa dalaga na kahit problema niya sinasabi niya dito kahit nga nililihim niya ang pagkatao sa dalaga. Ngunit ng may mangyari sa kanilang dalawa kaagad naman luminaw ang lahat kay Gabriel. Simula ng may mangyari sa kanila hindi na hinayaan pa ng binata na makalayo sa kanya ang dalaga lalo na nagbunga ang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Ngunit ano na nga lang ba ang mangyayari kung wala namang nararamdaman sa kanya ang dalaga at hindi nito nagustuhan ang ginawa niya sa kanya? Paano na kung ang nangyari sa kanila ang dahilan upang mawala ng tuluyan ang tiwala ni Serena kay Gabriel? At paano na rin kung ang matagal nang hinahanap na kahinaan at butas ni Gabriel ng kanyang mga kalaban ay ang dalaga na naging malinaw na nga sa lahat? Paano ba niya mabibigyan ng proteksyon ang dalagang nagalit sa kanya sa likod ng maraming maaring manakit dito? At paano niya mapapatunayan sa dalaga na mahal niya ito? TAMING THE SUNSHINE @DeathWish [HER RETURN 2024]

Узнайте больше

Chapter 1

Prologue

Musika nang kuliglig ang maririnig sa napakagandang gabi.

Napakakalmado ng paligid.

Nagniningning ang mga butuin sa kalangitan.

At ang paghigop ng tsaa ang siyang magsisilbing patunay na kahit sa paghihintay ay maari kumalma kahit nga nasa kalagitnaan ng tension. Kung ito bang hinihintay nila ay magtatagumpay sila sa kanilang pinaplano o mapupunta lang ang lahat sa wala.

Ngunit napakapositibo ng paligid.

Lalo na ang pananaw ng isang tanyag na abogadong si August Oxford. Kasama nito sa pagtsa-tsaa ang batikan sa larangan ng mangagamot, si Seneca Tan.

Naghihintay lang naman silang dalawa sa tawag ng kanilang mga kanya-kanyang tauhan habang nasa balkonahe ng Aquinas Manor.

Naubos na ang kanilang maaaring pag-usapan, kaya naman walang sino man ang may nais magsalita. Kapag nagkakasalubungan ang kanilang paningin napapangisi na lamang sila sa isat’isa. Siyang musika nga ng kuliglig ang tanging umaaliw sa kanilang mga tenga.

Nang ipinatong ni August ang kanyang tasa ay siya naman biglang tumunog ang kanyang phone at umangat ang paningin nito kay Seneca. Bago niya sinagot ang tawag, napangisi siya sa kanyang kaibigan.

“We got the package, Sir. It is hundred percent confirm. The package will arrived in the manor within ten minutes.”

At sa narinig ni Oxford sa kanyang tauhan, napangiti siya.

“Mabuti. Ngunit hindi natin masasabing tagumpay ang mission ninyo kung hindi makakarating ng ligtas dito ang bagahe. Napakahalagang bagahe. Kaya siguraduhin niyo na maayos kayong makakarating dito. Asahan namin kayo sa loob ng sampung minuto.”

Saka ni Oxford ibinaba ang tawag, at muling sinalubong ang paningin ni Seneca. May ngiti sa labi nito na tila ba tinutuya ang kaibigan.

“Paano yan, nakuha na nila si Serena.” Sabay kuha niya ng kanyang tasa at hinigop ang laman.

“Sampung minuto narito na ang bagahe. Parang nakakasabik na ang susunod na mangyayari. Ayon na din sa plano.”   

“Mabuti.” simpleng sagot ni Seneca at tinangap ang pagkabigo ng mga kanyang tauhan. “Dahil yun naman talaga ang mahalaga sa gabing ito. Ang mahanap ang bagahe, at madala dito ng ligtas. Saka umayon nga ang lahat sa pinaplano nating dalawa.”

Ngunit muling ngumisi si Oxford. Parang hindi niya papalampasin ang pamimintas niya sa mga tauhan ni Seneca.

“Paano yan naunahan ng tauhan ko ang mga tauhan mo.”

“Wag kang magyabang.” Mahinahon na sinabi ni Seneca. “Alam mong madadaya ang mga  tauhan mo. Alam mo yan. Wala silang ikinalayo sa isang kagaya mong tuso, Oxford.”

Saka nga nagtawanan ang dalawa dahil hindi maitatangi ni Oxford ang sinabi ng kanyang kaibigan. Bihasa sa pandaraya ang mga tauhan niya. Dahil gagawin nila ang lahat, isa na doon ang pandaraya para lang maisagawa ng maayos ang mission.

“Do or die, kailangan gamitin ang lahat ng paraan basta lang mangyari ang pinaplano ngayong gabi. Maayos at sana nga may magandang resulta. Kung hindi malalagot tayo nito sa kaibigan nating si William.”

“Yun?” May ngisi sa labi ni Seneca. “Kung nabubuhay pa ang kaibigan natin, tiyak ito din ang paraan niya para lang mabuhayan itong anak niya at magising sa ginagawa niyang pagtakbo sa katotohanan. Si William…” Napatango si Seneca. “Siguradong matutuwa siya ngayong gabi.”

“Matutuwa siya dahil kumilos tayo at hindi natin pinakingan ang anak niya bago pa man maging huli ang lahat. Napakatigas ng ulo ni Gabriel. Mag-aampon?” Nadidismayang bangit ng salita ng doktor.

“Eh, mayroon naman siyang minamahal na babae, bakit mag-aampon kung kaya pa naman niyang mabutis yung babaeng iyon? Saka hindi siya magagalit sa atin, dahil gusto naman niya yung bagahe na tinutukoy mo, Oxford. Kung magalit man siya, siguro kunti lang. Dahil hindi natin nirespeto ang pagrespeto niya sa bagaheng iyon.”

Hindi maalis ang ngisi ni Oxford sa kanyang kaibigan. Ang mga sinabi nito ang mga bagay na inisip nila at ang ilan ay binaliwala lalo na tungkol nga sa sitwasyon ng bagaheng tinutukoy nila.

“Ngunit hindi ito maganda, alam mo yan Seneca.” Paalala niya. 

Ibinalik naman ni Seneca ang ngisi sa kaibigan. “Katulad ng sinabi mo wala tayong ibang paraan. Kundi ito lang. Madaming sinarhan na oppurtunidad itong si Gabriel. Ito na lamang ang huling baraha upang hindi siya mawala sa larong ito.”

Sinalinan ng doktor ang laman ng kanyang tasa. “Saka ang tanong sa sitwasyon na ito, kung kakagat ba si Gabriel sa plano natin?”

Pagkatapos masalaninan ng doktor ng kanyang tasa, kinuha naman ni Oxford ang sisidlan ng tsaa, at sinalinan din ang kanyang tasa.

“Wala ka bang tiwala sa ibinigay mong gamot sa akin? Kung nabigo ka man ng mga tauhan mo, ang gamot na inirecommenda mo para sa planong ito ay hindi ka bibiguin. Nasisigurado ko. Gising na gising ang pagkalalaki ni Gabriel sa mga oras na ito.”

Napangiti si Oxford sa kanyang sinabi. “Gamot na hindi makakatakas ang kung sino man sa nais na mangyari ng kanyang katawan. Mauuhaw ito ng husto. Uhaw na uhaw sa bagay na maramdaman iyon, Seneca. Hindi ito maitatangi ng katawan ni Gabriel. Hindi. Lalo na kung katabi na niya ang bagaheng iyon. Tao lang naman siya, kaya hindi niya mapipigilan ng basta-basta ang kanyang sarili, except kung siya ay isang diyos ng mga maginoo at di maputol na sanga ng pagrespeto. Hindi ba Seneca? Nakikita kong magiging halimaw sa gabing ito si Gabriel pagdating sa bagay na iyon. Mauuhaw siya ng husto. Gugustuhin niyang mangyari yun kahit nga mamatay pa siya.”

Lalong lumaki ang ngiti ng doktor sa kanyang labi. Nasisigurado nilang magtatagumpay nga sila sa gabing iyon.

“Inerecommenda kong gamot? Akala ko ikaw ang gagamit  noon.” Pagbibiro ni Seneca. “Ngunit kung ipinainom mo nga sa kanya ang gamot na iyon. Naku, napakalakas ng tama noon, lalo na sa binatang kailan man hindi pa nakakatikim ng luto nang diyos.”

Saka tuluyan na ngang nagtawanan ang magkaibigan.

“Kaya naman ang laro nating dalawa ngayon ay masasabi natin na, patas lang.”

“Patas lang kung may maganda ngang resulta. Ngunit positibo naman hindi ba? Dahil kung hindi, alam natin pareho na malaking gulo itong pinapasok natin para kay Gabriel.”

Pagpapaalala ni Oxford sa kaibigan. “At patas-patas natin itong haharapin.”

Napatango na lamang ang doktor.

“Eh sa disidido tayong dalawa at kung sino man na nagpapahalaga sa binatang iyon, na magkaroon siya ng anak. Tagapagmana man lamang ng lahat ng ari-arian na pinaghirapan pa ng mga ninuno ng pamilya nila.”

“Yun nga. Ang inaalala natin dito ang tungkol sa bagay na yan. Tipong ito ang papel natin sa buhay ni Gabriel.”

“Mas mabuti na ito na sinubukan natin, kesa nga sundin natin ang kagustuhan niya na maghanap ng batang aampunin. Hindi ka ba natatakot na baka sunduin ka ng pamilyang Aquinas kapag hindi natin ito nagawa ng maayos? Natatandaan mo pa ba kung gaano kasungit ng Chairman noon? Yun bang mukhang yun ang nais na sumalubong sayo?”

Ngumiti na lamang si Oxford at napailing sa kaibigan.

“Tungkol naman sa bagahe, sa tingin mo aayon siya sa mangyayari ngayong gabi?” Kasunod na itinanong ni Seneca.

“Kung si Gabriel ay nakainom, ang karayom ay hindi magsasanhi ng labis ng sakit sa isang babae, hindi ba Seneca?”

Napatango ng doktor sa kaibigan.

“Ikaw na ang siyang bahala sa bagahe. Alam mo ang gagawin para mangyari ang dapat na mangyari sa gabing ito.”

Ang turukan ng gamot na hindi nagkakalayo sa gamot na ipinainom nila kay Gabriel.

“At kapag ginawa mo iyon, ilang porsyento na lang ba ang sa tingin mo na mabibigo tayo, Seneca? Hindi ba, magiging impossible nang mabigo tayo?”

Napatango ang Doktor.

“Nakita mo naman. Halatang di natin ito pinaghandaan masyado.” Pamimilosopong tugon ni Seneca.

“Walang paghahanda.” Saad ni Oxford. Nais niyang itama ang kanyang kaibigan. Hinuli ang paningin ni Seneca. “Dahil kung meron man na nangyaring paghahanda, alam natin ang susunod na gagawin pagkatapos nito. Hindi ba wala pa tayong plano?”

Tumango naman ang doktor. Ngunit walang lakas si Seneca para nga mag-isip at mag-alala pa sa susunod na maaring mangyari. Ang mahalaga maisakatuparan nila ang mahalagang gabing ito para kay Gabriel.

“Oxford, sa tingin ko saka na lang natin yan isipin. Ang mahalaga ngayon ay ang may mangyari sa kanilang dalawa at magkabunga ang gabing ito. Hindi lang para kay Gabriel, para din ito sa kinabukasan ng pamilyang Aquinas. Saka na lang natin isipin kung ano ang mga susunod na suliranin. Alam natin sa bawat problema na humamon man sa atin, magagawan natin ng paraan. At malay mo umayon ang bagahe sa mangyari sa kanya. Isang Aquinas si Gabriel, sinong babae ang tatangi sa kanya?”

“Ang bagaheng yun.” Kaagad at walang alintana na sagot ni Oxford. “Ngunit wag kang mag-alala, alam kong may gagawin si Gabriel pagkatapos nito. Sapat na itong tinulong natin sa kanya. Eh sa pamagitan nito parang tuluyan na natin siyang itinulak sa bagay na hindi niya maaring tangihan at talikuran.”

“Sabagay. At tiyak magpapasalamat pa siya sa atin. Dahil napaka-special ng gabing ito para sa kanya. Akalain mo iyon? Kailangan pa natin kumilos para sa kanya.”

“Ikaw talaga napakatuso mo Seneca.”

“Natuto lamang ako sayo, Oxford.” Balik nito sa kanya.

“Bakit si William hindi?”

“Natuto siya ngunit ginamit niya iyon sa pagpapatakbo ng kompanya, hindi sa pagmamahal niya sa kanyang asawa. O sadyang totoo ang sinasabi ng mga matatanda noon na ang mga Aquinas daw ay tapat na nagmamahal.”

“Stick to one parati.”

“Kahit arrange marriage ang nangyari sa pagitan ni Bianca at William, mahal ng kaibigan natin ang asawa niya.”

“Dahil siya ang itinuro natin sa Chairman noon kung sinong pangalan ng babae ang minsan na ngang binangit ng kaibigan natin.”

Saka nagtawanan muli ang magkaibigan na hindi nila namalayan ang pagdating ni Agatha. Ang Headmistress ng Aquinas Manor.

“Hindi na ako magtataka mga ginoo kung kayo ang nasa likuran ng lahat ng ito. Dumating na ang hinihintay ninyo.” Na ang titig ni Agatha sa magkaibigan ay hindi maganda.

Nagkaroon ng saglit ng katahimikan, ngunit ng magtama ang paningin ng magkaibigan, muli silang nagkangitian. Saka nga umangat ang paningin ni Seneca kay Agatha.

“Alam mong kailangan natin itong gawin sa nag-iisang at natitirang myembro ng pamilyang Aquinas. At sa tingin namin Agatha nauunawaan mo naman siguro.”

Napabuntong-hininga and Headmistress. Gaya ng mga sinabi nito sa kanya kanina, wala nang ibang paraan para nga hindi matigil kay Gabriel ang lahi ng mga Aquinas.

At sa pagtayo ni Seneca sa kinakaupuan nito.

“Umaasa ako na gagawin ng mga tauhan mo ngayon ng maayos Seneca ang kanilang trabaho.” Si Oxford na nanatiling nakaupo.

“Simpleng bagay lang iyon sa mga tauhan ko, Oxford.”

Saka tumalikod si Seneca at bago sumunod si Agatha sa Doctor, nilingon niya si Oxford.

“Malalim na rin ang gabi para manatili ka dito sa labas, Oxford.”

Ngumisi lamang ang abogado, at walang salitang lumabas sa bibig nito.

Nang makasunod si Agatha kay Seneca, kaagad siyang tinanong nito.

“Kamusta si Gabriel?”

“Ayon sa sinabi mo nasa loob siya ng silid ngayon, natutulog.” At tumigil si Miss Agatha sa harapan ng isang pintuan. Sa likuran ni Seneca ay nakasunod na dito ang mga babaing doktor na siyang magtuturok nga ng gamot sa bagahe.

Muli napabuntong hininga si Agatha.

“Sigurado ba kayong gagawin niyo ito?” Muling tanong niya. “Hindi ito makatarungan para sa dalaga. Alam ko rin kung gaano nirespeto ni Master Gabriel ang tungkol sa relasyon nilang dalawa ng dalaga.”

“Magkaibigan? Impossibleng kaibigan lang ang nais ni Gabriel para sa kanilang dalawa, Agatha.”

“…”

“Hindi namin alam kung ano ang kahihinatnan nito, kinabukasan? Ngunit ang importante ginawa namin ni Oxford ang lahat para kay Gabriel. Ayaw namin mabigo ang angkan ng Aquinas. Ito ang responsibilidad namin sa kanya. Pinakamahalagang responsibilidad.”

Muli napabuntong-hininga ang headmistress at binuksan na nga sa kanila ang pinto.

“Mahimbing ang tulog niya. Tila ba may nauna nang gamot na itinurok sa kanya.” Sinabi na lamang ni Agatha. “Hindi man lang siya nagising ng pinunasan namin siya.”

Napatitig si Seneca kay Agatha. Napatango ito.

“Bukas maghanda ka ng masustansyang almusal para sa kanila. Dahil special ang gabing ito para kay Gabriel, siguradong kailangan nilang kumain ng maayos, bukas.”

@DeathWish

[HER RETURN 2024]

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Комментарии

user avatar
Death Wish
Hi po. Thank you po ulit sa supporta. Sana magustuhan niyo po ulit itong book at sa mga darating ko pang bagong book. Love you guys!
2024-07-05 15:34:02
2
218
Prologue
Musika nang kuliglig ang maririnig sa napakagandang gabi.Napakakalmado ng paligid.Nagniningning ang mga butuin sa kalangitan.At ang paghigop ng tsaa ang siyang magsisilbing patunay na kahit sa paghihintay ay maari kumalma kahit nga nasa kalagitnaan ng tension. Kung ito bang hinihintay nila ay magtatagumpay sila sa kanilang pinaplano o mapupunta lang ang lahat sa wala.Ngunit napakapositibo ng paligid.Lalo na ang pananaw ng isang tanyag na abogadong si August Oxford. Kasama nito sa pagtsa-tsaa ang batikan sa larangan ng mangagamot, si Seneca Tan.Naghihintay lang naman silang dalawa sa tawag ng kanilang mga kanya-kanyang tauhan habang nasa balkonahe ng Aquinas Manor.Naubos na ang kanilang maaaring pag-usapan, kaya naman walang sino man ang may nais magsalita. Kapag nagkakasalubungan ang kanilang paningin napapangisi na lamang sila sa isat’isa. Siyang musika nga ng kuliglig ang tanging umaaliw sa kanilang mga tenga.Nang ipinatong ni August ang kanyang tasa ay siya naman biglang tu
last updateПоследнее обновление : 2024-05-03
Читайте больше
Chapter 1: GABRIEL AQUINAS
Approval for Euthanasia. Nakita kaagad ng Chief Lawyer ang dokumento sa ibabaw ng kanyang mesa. Kinuha niya ito ngunit wala lakas ng loob para buksan iyon. Tipong mabigat ito sa kanyang kamay, kahit nga ilang papel lamang ang nilalaman nito. Alam niya na para iyon sa kanyang kaibigan. Si William. Marami nang papel at dokumento na dumaan sa kanya, ngunit ngayon nakakalungkot isipin na may mga papel na ang nilalaman ay katulad niyon. Papel na maaring mawalan ng hininga ang isang tao. Approval for Euthanasia… Napahawak siya sa kanyang batok. Muli na naman nagpakita ang ducomentong iyon sa kanya. Ang kaibigan niya na halos siyam na taon nang comatose, at kinukumbinsi siya ng Chief Aquinas Physician na tanging makina at gamot ang dahilan para manatiling humihinga ang buto’t katawan ni William. William Aquinas. Ang kilalang Presidente ng Aquinas Group na halos sampung taon nang hinihintay na magkaroon ng malay. Hindi lamang ang mga kaibigan nito at kompanya ang naghihintay sa k
last updateПоследнее обновление : 2024-05-03
Читайте больше
Chapter 2: Untouchable
Dahil sa nangyari kay William hindi lang ito naging silbing unos sa kanyang kompanya kundi sa nag-iisa niyang anak na si Gabriel. Napakabata pa nito para maiwan ang malaking responsibilidad sa kompanya. “Halos nitong linggo ko lang nakita ulit si William, hayaan mo ako na muli ko siyang puntahan at makita man lang muna, ngayon.” Na siyang maingat naman na isinilid ni Oxford sa kanyang suitcase ang dokumento. Lumabas ito kasama si Seneca at pumunta nga sa hospital kung nasaan si William. Habang papunta sila sa hospital sa isang gusali naroroon ang napakalaking screen at pinapakita nito ang ekonomiya ng bansa. Nangunguna ang Aquinas Group na may malaking kontribusyon sa bansa. Muli napabuntong-hininga si Oxford. Naalala pa noon niya noon ang unang pagkakataon na naglantad sa publiko ang pangalan ni Gabriel. Ang batang dapat na tinatamasa ang kalayaan ay biglang inabuso ng responsibilidad nito sa kanyang pamilya. Gabriel Aquinas. Labing pitong taong gulang ng maratay sa hospital a
last updateПоследнее обновление : 2024-05-03
Читайте больше
Chapter 3: His Tears
Pinagmamasdan ni Oxford si Gabriel habang nagsasalita ito sa enteblado upang ipakilala ang panibagong produkto ng kompanya.Hindi man lang ito ngumingiti.Ngunit maraming mga mata ang nahuhumaling sa kagaya ni Gabriel. Mula sa tindig at pananamit, halata namang maraming babae ang maghahabol sa kanya. Ang bibig na maraming mapapa-Oo dahil sa matalino at galing sa pananalita.Nang dumating si Seneca, tinapik siya nito sa balikat.“Nauunawaan ko na kung bakit ipinangalan ni Bianca sa nag-iisa nilang anak ang martyr na archangel. Gabriel.”Pilyong ngumiti si Seneca at naupo sa tabi ng kaibigan.“Dahil sa physical na anyo?” Hula ng doktor.“Hindi lang dahil sa physical na anyo pati ata ang magiging papel niya sa mundong ito. Kailangan ba talaga niyang maging seryoso? Nakita mo na ba siyang ngumiti? Si Gabriel ba nabangit sa biblia na ngumiti?”Kinuha na lamang ng doktor ang inumin niya sa mesa at ngumiti ito sa kanyang kaibigan saka napailing. “Mabuti pa itong ama niya, nakita nating ngumi
last updateПоследнее обновление : 2024-05-03
Читайте больше
Chapter 4: Women Through His Life
“Headmistress, kinumpirma na ng secretarya ni Master William na naka-alis na ang private jet papuntang Russia.” Narinig ni Gabriel na ibinalita ng isang katulong kay Agatha.“Matagal na namang makakabalik si Master William, siguraduhin ninyo ang securidad ng paligid.”Naibaba ni Gabriel ang kanyang librong binabasa at tahimik na napabuntong-hininga. Napatitig sa labas ng bintana at ang malagintong sinag ng araw ang sumalubong sa kanyang paningin. Noong bata siya hindi niya maunawaan kung bakit laging umaalis ang kanyang ama lalo na labas pasok ito ng bansa. Sa tuwina napakalayo ng mga lugar ang pinupuntahan nito. Halos nga hinahabol nito ang oras. At hindi maintindihan kung para saan itong ginagawa ng kanyang ama.Hangang sa natuklasan niya ang sistema kung paano umiikot ang pera sa mundong ito. Palaging naiiwan si Gabriel sa Aquinas Manor, napakalaking bahay ngunit halos lahat ng sulok ay mayroong mga nakabantay o hindi kaya mga kamera. Para ito sa kanyang securidad, na tila ba isa
last updateПоследнее обновление : 2024-05-03
Читайте больше
Chapter 5: Those Moments
Nang makaramdam si Gabriel na may humihila ng kanyang pain, agad naman nakita ng kanyang ama na mayroon na siyang mahuhuli.Ngumiti ito para sa kanya, at kaagad na hinila ni Gabriel ang kanyang pamingwit.Isang isda na may kalakihan upang ngumiti si Gabriel at masaya siyang tinulungan ng kanyang ama.Kumikislot ang isda at madulas ito sa kamay kaya dali-daling dinala ng isa sa tauhan na kasama nila ang pagsisidlan.“Naunahan mo pa akong makahuli, Gabriel.” Ani ng kanyang ama. “Natutuwa ako para sayo.”Sa oras na yun, parang kung anong tagumpay ang nakamit ni Gabriel dahil lang sa sinabi ng kanyang ama. Iyon ang una niyang pagkakataon na marinig na tila ba ipinagmalaki siya ng kanyang ama. Ang araw na iyon ay hindi niya nakakalimutan.Muling hinagis ni Gabriel ang pain sa ilog. At ang kanyang ama nagpatuloy sa ikinukwento nito sa kanya. Tahimik lang siyang nakikinig ngunit kung may ano sa kanya na nais niyang makahuli ulit ng isda bago pa man makahuli ang kanyang ama.“Katulad ng pang
last updateПоследнее обновление : 2024-05-03
Читайте больше
Chapter 6: His Last Family
At ngayon nasa harapan na ni Gabriel ang kanyang ama. Kung dati rati ang likuran nito ang palagi niyang nakikitang tumatalikod sa kanya, nitong mga nakalipas na taon naman siya ang palaging umiiwas sa kanyang ama.Umiiwas dahil sa pait na kanyang nararamdaman dahil sa sitwasyon na nakikita nito sa kanyang ama.Ito rin ba ang nararamdaman ng kanyang ama kung bakit siya nito iniiwasan noon?Hindi.Magkaibang-magkaiba sila ng sitwasyon.Kalaban ni Gabriel ang sundong kamatayan ng kanyang ama.At sa tingin ngayon ng binata, matagal na siyang nagsisinungaling sa kanyang sarili. Umaasa na balang araw may magandang balitang darating sa kanya. Iyon ay ang magkamalay ang kanyang ama.Sa sitwasyon nito may kung ano sa kanya na pilit niya pinipigilan na hindi tangapin na hindi na nga ito magkakamalay pa.Natatakot siya. Takot na hindi niya maintindihan kung para saan. Sa buong buhay nito parang ilang oras lang sila nagkasama. Minsan lang mag-usap at minsan lang maging magulang sa kanya.Kaya
last updateПоследнее обновление : 2024-05-03
Читайте больше
Chapter 7: The Meeting Place
Alam na ni Gabriel ang sasalubong sa kanya kung sa main exit siya dadaan. Kaya mula sa VIP area ng hospital dumaan siya sa VIP hallway papunta sa basement. Ngunit kahit sa basement may mga taga-media na nakaabang pero dahil sa presensya ng mga tauhan ni Gabriel hindi ito makalapit sa kanya.Kailan man hindi sini-sekreto ng gobyerno at mga ka-kompetensya ang mga nangyayari sa pamilya ng Aquinas. Aktibo nilang sinusubaybayan ang buhay nila lalo na siya bilang tagapagmana ng lahat ng ari-arian ng pamilya. Kung may pagkakataon na may mahuthot sila ay gagawin nila yun. Palaging mayroong kinakaharap na kaso at hindi na yun bago kay Gabriel. Dahil wala naman napapatunayan sa mga kasong yun.Karamihan ng kalaban ng pamilyang Aquinas ang nais nila ang makapaghanap ng butas sa pamilyang Aquinas, ngunit nabibigo sila parati.At simula nang lumabas ang mukha ni Gabriel sa publiko siya na ang paboritong pinupuntirya ngayon.Matapos ma-comatose ang kanyang ama, saan man siya magpunta di siya nakak
last updateПоследнее обновление : 2024-05-06
Читайте больше
Chapter 8: Turning Fate
Yung gabing iyon…Naalala ng dalaga…Ang isang gabi na kamutikan na siyang sumuko sa buhay. Sa maari naman tumakas diba? At bahala na yung maiiwan niya?Ngunit hindi… Hindi siya hinayaan ng Maylikha na gumawa ng hindi maganda sa sarili niya sa pamagitan nga ni Sister Agnes.At sa katayuan nga ni Serena, sino naman ang di aayaw sa buhay kung ang buhay ay palaging hinahamon ng problema?Napangiti ang dalaga ng maalala niya iyon.Napadpad siya mismo sa kinalalagyan ng sasakyan ngayon.Mismo sa sidewalk na yun.Naupo siya roon na parang isang baliw na wala na ngang pag-asang natitira sa kanya noon.Pero hangang ngayon marami parin siyang problema, ngunit sa awa ng diyos nabibilang pa naman sa kanyang mga kamay.‘Tiwala lang, at wag susuko. Lahat mayroong hanganan, at kapag tumigil ka, natural na hindi matatapos ang problema.’Dati rati maganda pa ang buhay nila kung hindi lang talaga sila hinamon ng buhay.Paralizado ang masipag niyang ama.Dalawa silang magkapatid sa unang asawa ng kanya
last updateПоследнее обновление : 2024-05-06
Читайте больше
Chapter 9: First Condolences
Kahit mahinang kislot kaagad iyon maririnig ni Gabriel, kaya ng may narinig siya na parang may bumagsak, kaagad na umangat ang paningin niya. Paglingon niya sa bintana, isang babae…Nadulas ito malapit sa kanyang sasakyan…At biglang hindi niya nahuli ang kanyang sarili dahil binuksan niya ang sasakyan at sa kanyang isipan kailangan niyang tulungan ang babae.Ngunit natigilan siya dahil nakatayo na ang babae.Hindi naman makapaniwala si Gabriel sa ikinilos niya.Ang dalaga naman nagmadaling pinulot ang mga dala niya.Babalik na sana si Gabriel sa loob ng sasakyan ng napansin niyang mayroong lalaking napatitig sa dalaga. Kaagad na kinutuban si Gabriel na parang hindi ito kilala ng dalaga. Para sa binata hindi naman kagandahan ang dalaga para pagnasaan ito ng isang lalaki. Ngunit yung lalaki kasi halata niya na isa itong manyak. Yung shirt pa naman ng babae masyado maluwag kaya habang pinupulot ang mga gamit nito kung sisilipin talaga nakikita ang cleavage nito.Wala nang nagawa si Gabr
last updateПоследнее обновление : 2024-05-06
Читайте больше
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status