LOGIN"Ang matigas mong hotdog sa mainit kong mani..." Isang bangayan ng hotdog at mani ang nauwi sa isang mapusok, mainit at di malilimutang gabi. Sa muli nilang pagkikita, makikilala kaya nila ang isa't-isa? Lalo na ngayong may little baby na laging naglalapit sa kanila?
View MoreROSELEI RIVAMONTE’S POV
“Maniiiii” “Mani! Bili na kayo ng mani! May adobo, may sili, may matamis!” sigaw ko sa hangin kahit wala namang masyadong dumadaan. Masakit ang ulo ko, pagod ang katawan, at amoy alak ang hininga ko. Pero heto ako ngayon, naglalakad pa rin sa madilim at malamig na kalsada ng Maynila maga-alas dyes ng gabi, bitbit ang isang malaking basket. Ako si Roselei Rivamonte, labinsiyam na taong gulang. Isang ampon na ginagawang gatasan ng mga kinikilala kong magulang. Kaya ako nakainom ng dalawang bote ng murang beer ay dahil sa kanila. Bago ako umalis ng bahay, sinabunutan at minumura na naman ako ng nanay-nanayan ko dahil kulang daw ang naiuwi kong pera. Gusto ko sanang lumaban. Palaban akong tao, hindi ako basta-basta nagpapa-api. Pero wala akong mapupuntahan. Wala akong pera. Sa gitna ng paglalako ko, may napansin akong isang maliwanag na tent sa gilid ng kalsada. May malaking banner, KING HOTDOG - FREE TASTE. At may tagline pa sa baba, parang dialogue ng hotdog cartoon na nasa banner, “Taste me! Malulula ka sa sarap!” Tumaas ang isang kilay ko, isang free taste ng hotdog ng ganitong oras? Kung sinuswerte ka nga naman, kumalam na kasi ang sikmura ko. At mukhang makakalibre ako ng pagkain ngayon. Wala na akong inaksayang oras at naglakad palapit. Pero nang makalapit ako, napakunot ang noo ko. Ang nagbabantay ng booth ay hindi isang ordinaryong promo boy. Isa siyang lalaking nakasuot ng itim na jacket, matangkad, malapad ang balikat, matangos ang ilong, makapal ang kilay at pinkish ang lips, mukha na parang kayang magpalalaglag ng panty ng kahit sinong babae. In short, napakagwapo niya! Pakiramdam ko’y biglang tumibok ang mani ko— I mean, ang puso ko. Pero ang mga mata niya... seryoso at napakalamig. Para siyang isang delikadong tao na napilitan lang tumayo rito. Kumuha ako ng isang maliit na hotdog sa platito at kinain 'yon. Ngumuya ako, tapos umiling. “Kuya, ang tamlay naman ng hotdog mo,” reklamo ko, medyo tinamaan na ng lakas ng loob dahil sa alak. “Walang lasa tsaka malambot na. Paano niyo ibebenta 'yan kung hindi man lang makapasa sa panlasa ng masa?” “May pa, ‘malulula sa sarap pang nalalaman,” Kumunot ang noo ng lalaki. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, tila naiirita sa presensya ko. “If you don't like it, don't eat it. Wala akong pakialam sa opinyon mo, bata.” Ang boses niya ay malalim, malamig, at nagpataas ng balahibo ko. Aba’y tinawag akong bata! “E’, nagsasabi lang ng totoo! Manong, makabata ka naman!” Inilapag ko ang basket ko sa mesa niya at binuksan ang plastik ng paninda ko. “Gusto mong matikman ang masarap? Heto, subukan mo 'tong mani ko. Mainit, maanghang, siksik sa lasa! Siguradong pagpapawisan ka sa sarap.” Tiningnan niya ang mani, tapos tiningnan niya ako. May kakaibang kislap na dumaan sa mga mata niya. “I doubt your mani is better than my hotdog.” “Subukan mo para malaman mo!” Akmang isusubo ko sana sa kanya ang isang butil ng mani nang biglang may tatlong itim na van ang mabilis na huminto sa harap mismo ng booth. Nagkaskasan ang mga gulong. Bago pa ako makapag-react, bumukas ang pinto at naglabasan ang mga lalaking may hawak na malalaking baril. Biglang nagbago ang awra ng lalaking nasa harap ko. Ang malamig niyang mga mata ay naging mabangis. Wala pang isang segundo, hinablot niya ang braso ko. “Ano ba—” “Shut up if you want to live,” mariin niyang bulong. Para akong inakyat ng gulat sa katawan, kumakain lang naman ako ng free taste mukhang mapapahamak pa! Ang mahal naman ng kapalit ng hotdog niya! Bago pa man umulan ng bala, hinila niya ako papasok sa isang madilim na eskinita. Rinig na rinig ko ang basag ng mga salamin at ang sunod-sunod na putok ng baril mula sa booth kung saan kami nakatayo kanina. Nanginginig ang mga binti ko, hindi dahil sa alak, kundi sa takot. Tumakbo kami sa mga pasikot-sikot, hawak niya ang kamay ko nang mahigpit, hanggang sa marating namin ang isang luma at madilim na kwarto sa loob ng isang abandonadong gusali. Sinipa niya pasara ang pinto at ni-lock ito. Madilim. Wala akong makita kundi ang anino niya at ang tunog ng mabibigat naming paghinga. “A-anong nangyari?!” nauutal kong tanong, sinusubukang bawiin ang braso ko. “Sino ang mga 'yon?!” “Don't ask questions you can't handle,” sagot niya, papalapit sa akin. Na-corner niya ako sa pader. Amoy na amoy ko ang mamahaling pabango niya na parang mas lalong nagpalasing sa akin. “Kasalanan mo 'to. Kung hindi ka nanggulo sa booth ko, hindi sana ako tatakbo na parang duwag.” Uminit ang ulo ko. “Aba! Kasalanan ko pa? Ang pangit na nga ng hotdog mo, idadamay mo pa ako sa gulo mo!” Isang mababang tawa ang pinakawalan niya. Nakakapanindig-balahibo, pero may halong pang-aakit. Idinikit niya ang katawan niya sa akin, sobrang lapit, ramdam na ramdam ko ang pagkabog ng dibdib niyang tumatama sa dibdib ko. “You talk too much about my hotdog. You don't know anything about it.” Napalunok ako. Ang init ng katawan niya ay tumatagos sa manipis kong damit. Parang biglang nanlabo ang paningin ko at hindi ako makapag-isip ng maayos, may kakaiba rin akong nararamdaman sa puson ko. Tumingala ako. “Edi patunayan mo.” Napapalunok kong saad. Hindi na siya nagsalita. Sa halip, dahan dahan siyang lumapit, hanggang sa magbangga ang mga dulo ng ilong namin. “A-anong gagawin mo?” nauutal kong tanong, napapapikit. “I’m gonna prove to you, malulula ka sa sarap ng hotdog ko…”“Pero nung nalaman kong ikaw ang babae noong gabing iyon... nung nalaman kong sarili kong dugo’t laman si Reyleigh! I gave up that fucking revenge, Roselei!”Nanigas ako.“All I am doing was to protect the both of you!” pagpapatuloy niya, bahagyang lumuwag ang yakap niya.Pero hindi parin ako makagalaw, parang nawalan ako ng lakas ng lumayo at umalis sa bisig niya.Tinitigan niya ako sa mata, animo’y nagsusumamo na paniwalan ko siya.“Sa pag-aakalang mapapahamak kayo kay Supremo, hindi ko sinabi sa'yo agad... gusto kong patumbahin muna ang mga Diamante para masigurong ligtas kayo bago ko ipagtapat ang lahat! I was trying to keep you safe!”Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin.Unti-unti, bumaba ang kan’yang mga mata, pababa sa aking labi.Napalunok ako… hindi ko magawang iatras ang katawan ko. Hindi ko magawang pigilan ang sarili kong mapapikit.No! Hindi ako gano’n karupok!At kaligtasan?Gusto niyang protektahan kami?Isang malamig at mapaklang ngiti ang sumilay sa mga
ROSELEI.Alas-dos na ng madaling araw.Hindi ko magawang matulog. Kahit gaano kalambot ang futon sa loob ng master suite, pakiramdam ko ay nakahiga ako sa isang kama ng mga karayom. Ang utak ko ay walang tigil sa pagtakbo, inuulit-ulit ang mga nalaman ko ngayong gabi.Lumabas ako ng kwarto. Binalot ko ang sarili ko sa isang makapal at madilim na winter robe. Gusto kong makalanghap ng hangin. Kailangan kong palamigin ang nag-aapoy kong dibdib.Naglakad ako patungo sa likurang bahagi ng ryokan kung saan matatagpuan ang traditional outdoor hot spring. (Onsen)Napakalamig ng hanging taglagas sa Kyoto. Ang bawat pag-ihip nito ay tila nanunuot hanggang sa mga buto ko.Sa kabila nito, makapal ang puting usok na umaangat mula sa mainit na tubig ng stone pool.Ang mga pulang dahon ng maple ay dahan-dahang nalalaglag mula sa mga puno, sumasayaw sa hangin bago lumutang sa ibabaw ng umuusok na tubig.Huminto ako sa gitna ng maliit na wooden bridge na tumatawid sa gilid ng onsen.Niyakap ko ang sar
Napakabilis ng mga pangyayari.Bago ko pa tuluyang maproseso ang lahat, nasa loob na kami ng isang mainit at selyadong armored convoy. Walang nagsasalita sa buong byahe pabalik sa stronghold ng mga Diamante.Tahimik na kumakain si Reyleigh ng hotdog sa tabi ko, walang ideya na ang mundo ng kaniyang kinikilalang "Mama" ay tuluyan nang gumuho.Pagdating namin sa dambuhalang ryokan—ang traditional Japanese inn na ginawang hideout ng pamilya—sandali ko munang iniwan si Reyleigh sa kwarto kasama ang yaya niya.Pakiramdam ko anumang oras sasabog ako. Halo-halong emosyon. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko, sakit? Pagkabigla? Pagkasabik?Dumiretso ako sa master suite.Pumasok ako sa malawak na banyo at marahas na isinara ang sliding door.CLICK.Ni-lock ko ito.At doon… doon tuluyang bumigay ang mga tuhod ko.Bumagsak ako sa malamig na tiles ng banyo. Napakapit ako sa gilid ng marmol na lababo. Tumingala ako at tinitigan ang sarili ko sa malaking salamin.Namumutla.Ang maga
“Daddy is here! Daddy is giving hotdogs for free!”Mama? Sinabi na ba ni Leonrei? Kelan?Mama.Tinawag niya akong Mama. Ang salitang matagal ko nang pinangarap na marinig mula sa kaniya... ngayon ay kusang lumabas sa bibig niya.Humagulgol ako nang napakalakas, tinatakpan ang bibig ko habang ang buong katawan ko ay yumuyugyog sa tindi ng emosyong hindi ko maintindihan.“Mama, are you okay? Are you still mad to Daddy?” inosenteng tanong ni Reyleigh.Nanginginig akong tumayo. Naiiyak akong tumingin sa anak ko, “S-sino ang nagsabi sayong t-tawagin akong mama?”“Daddy told me yesterday, you were my real mama… so I have to keep an eye on you so that Mr. Snyder wouldn’t take you away from us.”Leonreeeiiii!Kung gano’n nandito nga siya! Kahapon pa!“Roselie.” Tawag nito sa akin, “It was me! Makinig ka sakin! Please, pakinggan mo. Reyleigh is—”“Gagamitin mo naman ngayon ang bata Leonrei? Gagamitin mo na naman siya para ano?”“Fuck! I just want to get you back! We are family—”“At anong palab
APAT NA TAON ANG LUMIPAS.LEONREI FERUZZI’S POV“Daddy, no! I don’t want that! It looks like plastic!”Napabuntong-hininga ako habang hinihilot ang sentido ko. Nasa loob kami ng custom-made na bulletproof black Maybach, binabagtas ang trapikong kalsada ng Maynila.Sa labas, ako ang kinatatakutang p
ROSELEI RIVAMONTE’S POVMasakit.Iyon ang unang pumasok sa isip ko nang unti-unting magising ang diwa ko.Parang binugbog ang buong katawan ko. Dumilat ako at sinalubong ang manipis na sinag ng araw mula sa basag na bintana ng abandonadong kwarto.Gumalaw ako at naramdaman ko ang isang mabigat na b
“M-Ma... nasaan ang baby?” bungad ko.Tumayo ang foster mother ko. Wala man lang reaksyon sa mukha. May kinuha siyang isang maliit na kumot na may bahid ng dugo, at inabot iyon sa akin. Walang galaw. Walang tunog.“P-Patay na,” malamig na sabi niya. “Mahina raw ang baga. Binalot na namin para maipa
ROSELEI RIVAMONTE’S POV“Maniiiii”“Mani! Bili na kayo ng mani! May adobo, may sili, may matamis!” sigaw ko sa hangin kahit wala namang masyadong dumadaan.Masakit ang ulo ko, pagod ang katawan, at amoy alak ang hininga ko.Pero heto ako ngayon, naglalakad pa rin sa madilim at malamig na kalsada ng


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore