Share

Chapter 17

Amanda Colen

HINDI NA ako nagpaalam kay Tarinio at nauna na akong lumabas. Hindi ko na gusto ang ingay sa loob at gusto ko ng katahimkan. Malalim na ang gabi at madilim ang parking lot kung saan nakaparada ang kotse niya. Sumandal ako doon at tumingin sa kalangitan. Malalim akong napabuga ng hangin dahil sa kirot sa dibdib ko na hindi na nawala mula nang banggitin kanina ni Amari ang tungkol sa ama, amang wala ako.

Mapait akong napangiti habang nakatingin pa rin sa kalangitan na napakaraming bituin. Hindi ako madramang tao pero tulad ng lahat ng tao sa mundo ay may emosyon din ako. At sa gabing ito parang bigla akong napagod na magpanggap na malakas. Gusto kong sumigaw habang nasa isip ko ang tanong na, nasaan nga ba ang totoo kong ama? Nasaan ang totoo kong mga magulang?

“Iniisip niyo rin kaya ako?” pagkausap ko sa mga bituin. May nabasa ako noong libro na kapag nangungulila ka sa kahit na sino ay pwede mong kausapin ang mga bituin dahil sasabihin ng mga
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status