Sa back ride sana ako uupo, pero inunahan na ako ni Xalent. Napakamot na lamang ako sa aking noo at napakapit sa strap ng aking bag.
"Just sit inside."
Wala naman akong nagawa kundi ang pumasok sa loob. Alangang makipagtalo pa ako, mas lalo lang kaming matatagalan.
This isn't my first time riding a tricycle. Madalas akong mag-tricycle dati sa tuwing wala ang sasakyan at dala ni dad. Isa lang kasi ang sasakyan na mayroon kami dati, kaya nasanay na rin ako. Pero nagbago ang lahat nang tumuntong ako ng high school, dahil nga umangat na ang business namin ay nakabili si dad ng isa pang kotse. Iyong luma naman niyang kotse ang ginagamit sa paghatid, sundo sa'kin. Sa kaniya naman 'yong BMW na nabili niya.
"You... okay, there?"
Napaangat ako ng tingin at nakitang nakasilip si Xalent sa'kin. May katabi rin naman ako, pero ka-batch ata 'to ni Xalent base on the color of her ID lace. Medyo na-insecure pa nga ako, eh. Slight lang naman.
"Y-yeah," nauutal kong sagot. Hindi ko talaga alam kung bakit pumipilipit ang aking dila sa tuwing sasagot ako sa kaniya.
Nag-umpisa nang umandar ang tricycle. Hindi naman lubak-lubak ang daan dito sa may school dahil pinaayos ng mayor ang kalsadang 'to last year, pero pagpasok sa baryo namin ay lubak-lubak na kaya nga naninibago ako ngayon. Kung dati ay sanay ako, ngayon hindi na. Hindi naman kasi gaanong ramdam ang kalubakan kapag nag-kotse. Napapapikit na lamang ako sa tuwing nauuntog ako sa bubong ng tricycle.
Pag-pasok namin sa bukana ng baryo namin ay agad pumara ang babaeng katabi ko, kaya ako na lang ang mag-isa. Sa may dulo pa ng kalyeng 'to ang bahay namin. Malapit-lapit na rin naman, at kaya pang tiisin.
"Manong, dito lang po sa kanto," rinig kong sabi ni Xalent kaya napatingin ako sa kantong ito. Pangalawang kanto na 'to. May tatlo pa para tuluyan na akong makauwi.
"Dito na ako, bye." Tinanguan ko lang siya at umandar na muli ang tricycle.
Pahinto-hinto rin ang ticycle dahil may iilang mga sumasakay. Ito ang hassle. Naalala ko dati... Papasok ako ng maaga dahil punuan ang tricycle 'pag gano'ng oras, lalo na at may pasok. Buti nga hindi ako nali-late no'n, kundi ay baka matagal na akong pinatalsik ng school.
Nang tuluyang makarating sa paroroonan ay agad akong nagbayad at pumasok na sa bahay. Sumalubong naman sa'kin ang ilan naming kasambahay at niyaya akong kumain. Tumango lang ako at umakyat na sa taas. Mamaya pa akong alas-otso kakain dahil hihintayin ko ang demonyita kong pinsan. Kaya ayaw kong kasama 'yon, ang sakit niya sa ulo. Buti sana kung isa siyang babae na ang alam lang ay magbasa ng mga libro na sobrang nakatatalino, pero mukhang iba pa ang binabasa niya.
Nang mag-alas-otso na ay hindi pa rin umuuwi ang pinsan ko. Kaya bumaba muna ako para kumain, gutom na rin naman ako. Nang makarating sa dining area ay mayroon nang mga nakahandang pagkain at pinggan. Umupo ako agad at nagsandok ng makakain.
Amoy pa lang, nakagugutom na. Kaya hindi na dapat ako magpatumpik-tumpik pa sa pagkuha.
"Insan!"
Muntik ko nang maibuga ang kinakain ko nang biglang hatakin ni Dey ang buhok ko. Napadaing ako dahil sa sakit ng paghatak niya. Muntik ko tuloy siyang saksakin ng hawak kong tinidor.
"What the!" Nilingon ko siya at saka sinamaan ng tingin. Iyong tingin na kaunting udyok na lang ay makakasakal na ng nilalang na sabog.
Messy hair, ayos pa naman ang damit pero 'yong isang strap nito ay medyo bumaba na sa balikat niya, nagkalat din ang lipstick niya at higit sa lahat ay isang heels na lang ang suot niya't ang isa ay hawak niya. Pupungas-pungas pa siya habang todo ang ngiti sa'kin.
She's so wasted! Kadiri.
"Yuck! Look at yourself, insan. Ang pangit mo. Kulang na lang ay i-alay mo na ang sarili mo sa mga lalaking haharang sa daan mo."
Umirap lamang siya at akmang uupo nang pigilan ko siya. Ano siya, sinuswerte?
"Ops! Huwag kang uupo at kakain dito hangga't hindi pa maayos ang sarili mo. Nakakadiri kang bruha ka! May kasalanan ka pa sa'kin. Magtutuos pa tayo!"
Nanlaki ang kaniyang mga mata at agad nagtatakbo papunta sa kuwarto ko. As if she's scared, eh sinasabunut-sabunutan nga lang ako ng isang 'yon. My goodness! Parang bata kasi.
Nakabalik na si Dey at dali-daling umupo sa tabi ko. Kumuha siya ng marami na akala mo ay gutom na gutom. Napailing na lamang ako.
Hindi ba 'to kumain? My goodness gracious! Wala nga pala 'tong pera, pero paano nakabili ng alak?
"Paano ka uminom?" Tanong ko habang pinapapak ang lumpia. This is my favorite food. Walang makapipigil sa'kin kapag lumpia ang usapan.
"Duh! Of course, gamit ang bibig."
"Bruha!" Sinabunutan ko siya. "I mean... Paano ka nakainom ng alak, wala kang pera 'di ba? Hindi ka binigyan ni tita, right?"
"Nangharot ako, sis. Ayun! Binigyan ako." Umakto pa siyang dinidilaan ang lumpia.
Eww! Parang nawalan tuloy ako ng gana kumain.
Tatayo na sana ako nang may maalala kaya bigla ko siyang kinotongan ng malakas. Muntik na ngang mangudngod ang mukha niya sa plato. Sayang, at hindi natuloy.
"Ano ba?"
"What? Angal ka diyan? Hey! Bakit mo dinala ang sasakyan ng walang paalam? Kapag ito nalaman ni daddy, uuwi ka talaga sa Manila. Today, now na, walang palugit." Nanlaki naman ang mga mata niya.
Uto-uto rin talaga ang isang ito, madaling mapaniwala.
"Oh my goodness! Don't! Huwag mong sabihin kay tito, please... Sorry na. Akala ko kasi maaga akong makakauwi, pero hindi pala. Sorry na, ayaw ko pang bumalik sa Manila. I finally found my happiness here, in your arms," ma-drama niyang sabi at hinimas-himas pa ang braso ko. My gosh!
"Sa susunod. Kapag inulit mo 'yan ate, ha. Goodness! Sinasabi ko sa'yo." I crossed my arms and glared at her like I am her evil stepmother. Just kidding!
"Sorry. And please, don't call me ate," iritado niyang sabi at saka nagpatuloy na sa pag-kain.
Nagkibit-balikat na lamang ako't nilagay na sa lababo ang pinagkainan ko at saka dumiretso na sa aking kwarto. Mamaya pa aakyat 'yong isang 'yon dahil for sure, may ka-late night talk na naman 'yon. Mukhang nakabingwit kanina kaya gano'n. Well, as if I care.
Naligo muna ako saglit at saka in-blower ang buhok para madaling matuyo. Napatitig ako sa salamin at medyo tumagilid para makita ang kulot kong buhok na namana ko kay Mommy. Some of my friends like my hair so much. Minsan pa nga hiniling nila na sana sila na lang biniyayaan ng ganitong buhok. Perpekto kasi ang pagkakakulot.
Some called me 'Nazarene' minsan naman niloloko ako na parang pancit canton daw ang aking buhok. Well, I don't care naman kasi proud akong may ganito kagandang buhok ako. Kaso ayaw ko nang pagupitan na hanggang balikat dahil hindi bagay sa'kin. In-try ko pagupitan 'to dati noong grade 7 ako, at sobrang nagsisi ako dahil nag-mukha akong si Peppa pig kaya ayaw ko na. Gupitin na lahat huwag lang ang buhok ko.
Umupo ako sa kama at tinitigan ang family picture na nakalagay sa side table. Ang saya namin dati. Tipong mahal na mahal namin ang isa't-isa at walang problema ang hindi nasu-solusyon-an, pero sadyang mapaglaro ang buhay... Gagawa at gagawa ng paraan para magkaroon ng problema, ng challenges, pero sobra ata ang binigay sa'min kaya nasira ang pamilya namin. Ito yata talaga ang nakatadhana, nakatadhana nang masaktan ako. Ang sakit na, hindi ko lang alam kung paano ko ilalabas.
Sa tuwing nakikita ko si daddy na seryosong nakatitig sa laptop niya ay wala na akong ibang ginawa kundi ang humiling na sana bumalik na lang sa dati. Iyong buo pa kami para kahit papaano ay nabibigyan ako ng atensyon. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung nasaang lupalop na ang mommy ko at ang kinakasama niya. Hindi na rin ako nag-effort na hanapin siya.
Pasasaan pa 'di ba?
Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Pumikit ako at dinama ang lamig at tunog na nagmumula sa aircon. By this time, all I can feel is the soft touch of my mother and my giggles when I was young. I can also hear my father's voice saying I love you to the both of us. Unti-unti kong idinilat ang mga mata at naramdamang pumatak ang luha na galing sa aking mata.
Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya agad kong pinunasan ang mga luha ko. Tumikhim muna ako bago tuluyang sagutin ang tawag.
"H-hello."
"Are you okay?"
Napapikit ako. Bakit ba sa tuwing nasasaktan ko ay parang alam niya?
"Actually... I'm not."
Sana sa pagkakataong 'to... Sa pagkakataong 'to ay masabi ko na ang nararamdaman kong sakit na matagal nang nakatarak sa aking puso.
Edited—
What is the happiest moment of my life? It is when he kneel down in front of me, holding a ring that will make me cry, and feel so much love and happiness in my whole existence. I never thought that crying can be a happy for me. Until that day came. Sa buhay ko ay madalas akong umiyak dahil sa pagkadapa, sa sakit, sa iniwan, at sa kahit ano pang nangyari at naranasan ko sa mga nakalipas na taon ng buhay ko. Lahat ng masasamang bagay na nangyari sa buhay ko ay wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak, umiyak dahil masakit at hindi ko na kayang harapin at danasin pa ang mga iyon. Pero sa pagkakataong ito? Wala akong ibang masabi kundi masaya ako at ibinuhos ko ang huling luha ko sa kaniya. Sa taong alam kong siya ang bubuo sa buhay ko, ang kokompleto sa'kin. "Will you marry me?" Agad akong napatakip sa aking bibig habang nakatulala sa kaniya. Ang sahig na niluluhuran niya ay p
Xalent Planze Nang banggitin ng doktor ang mga katagang 'yon ay halos manlumo ako. Tita is a soft hearted woman. She's very kind and of course, a loving mother. Kaya napakahirap sa'min ang masaksihan ang kalagayan niya't ang nais ko lamang ay sana may pag-asa pa, pero tila ba tadhana na ang nagsasabi na wala na. "H-hindi..." I heard my love and I hugged her so tight, at saka hinimas ang kaniyang likod para tumahan. Hindi ko kayang nakikita siyang nasasaktan. Masakit na nga sa'kin ang malaman na namatay si tita kahit na hindi niya ako kadugo. Kaya alam kong mas masakit sa kaniya ito dahil anak siya ni tita. Ilang taon silang hindi nagkaroon ng kahit anong komunikasyon. Masyadong naging matigas ang puso ni Lushhiane, at ginawa niya ang lahat para lamang hindi na sila mag-usap ulit. Pero sino ba naman ako para husgahan siya? Sisihin siya? Tao lang din naman siya at nasasaktan.
Nakaupo kaming tatlo at ang nasa gitna namin ay si Xalent habang hinihintay na lumabas ang doktor. Tumahan na rin ako, pero hindi pa rin ako mapakali. "Rendein." Napaangat kami ng tingin nang may magsalita. Lalaki siya, na sa tingin ko ay nasa edad lang ni daddy. Siya ata ang daddy ni Rendein at ang mahal ni mommy. Napatingin naman siya sa'kin na naging dahilan ng pagyuko ko. May kasama pa siyang batang babae na namumugto ang mga mata. Naramdaman ko naman siyang naglakad palapit sa'kin at umupo sa tabi ko. "Are you ate Lushiane?" Nagulat ako nang tanungin niya ako, kaya napalingon ako sa kaniya. Ang cute niyang bata. Sa tingin ko ay nasa five or seven years old na siya. Maputi rin siya at may pagka-brown ang bagsak niyang buhok. Medyo singkit ang mga mata niya at nakasuot ng pink na dress habang may hawak na teddy bear. Sumisinghot-singhot pa siya at tintigan ang mukha ko.
My lips started to tremble as I looked at him with so much questions in my eyes. I felt my heart hurt a little bit, at sobrang kaba na ang nadarama ko ngayon pa lang dahil sa kaniyang sinabi. "W-what happened?" Napatayo na ako at tuluyan nang nawala ang tama ng alak sa'kin. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari at bakit ako kinakabahan na tila ba masama ito. "Your mom... Sinugod siya sa hospital ngayon. Umiiyak si Rendein nang tumawag siya." "Puntahan natin siya... Puntahan natin, Xalent!" Nanginginig kong bulyaw sa kaniya at niyugyog ang braso niya. "Yes, baby. Huwag kang mag-alala, magiging maayos din si tita. Let's go to her," sabi niya't patakbo na kaming lumabas at sumakay ng sasakyan. Habang nasa loob ng sasakyan ay punong-puno ako ng katanungan sa aking utak. Nanginginig na rin ang mga kamay ko at unti-unti na rin
Nang humiwalay na sa'kin ang lalaking nanghalik ay agad ko siyang tinitigan. Kahit nahihilo na ako ay kita ko pa rin ang mukha niya kaya agad akong bumungisngis at nilapit ang bibig sa kaniyang tainga."Xalent," bulong ko at tatayo na sana ng mapaupo ulit. Damn this alcohol!"Let's go home," bulong niya.Tinulungan niya naman akong tumayo at hindi pa kami tuluyang nakakaalis ng biglang magsalita ang lalaki na kausap ko kanina."Saan mo siya dadalhin, bro?""Uuwi na kami ng grilfriend ko," Mariin na sabi ni Xalent kaya agad natameme ang lalaki."Woah?" 'Yun lang at iniwan na namin siya.Natatawa ko namang hinawakan sa pisnge si Xalent habang inaalalayan niya ako palabas. "Girlfriend?""Ayaw mo?" Agad naman akong umiling at kumapit sa braso niya."Gusto. Boyfriend na kita, ha! Doon tayo sa bahay natin." Natawa naman s
Dalawang linggo na ang lumipas at bigla na lang akong bumait kay Xalent. Parang biglang naglaho ang lahat ng hinanakit ko sa nakaraan at bumigay na sa kaniya. Pumayag na rin ako na ligawan niya ako.Gosh! I'm so marupok pala?After ng happenings sa café at sa site ay napagdesisyunan kong 'wag nang magpabebe pa. Naisip ko rin na wala namang mangyayari kung papayagan ko siyang manligaw. Pero na-bad trip ako no'ng pauwi na kami, pagkatapos ng lunch, dahil ang h*******k na 'yon ay nilagyan na naman ako ng hickey dahil naka-spaghetti straps daw ako. Todo tabon tuloy ako ng buhok ko sa leeg ko para hindi makita ni tita.Napakurap-kurap ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko, kaya agad ko namang sinagot ito dahil si Deylia ang tumatawag."Where are you?""Café.""Pupunta ako diyan at nasa eroplano na ako. Samahan mo ako sa bistro at maglasing tayo."Napakunot naman ang noo ko. Anong nakain nito't talagang gumastos para makapunta lang sa