It's already Wednesday at kailangan nang mag-review dahil exam na namin bukas at after ay sembreak na. Madalas din ang pinsan ko dito, tuwing recess nga lang, at sa tuwing pupunta siya dito ay excited na excited siya. Hindi naman nagkukuwento sa'kin kung sino ang nahanap niya dito.
Kaloka! Ang harot, pero wala akong pakialam dahil hindi ko naman mapipigilan ang pinsan ko sa mga pinaggagagawa niya. Kung diyan siya masaya, support na lang ako.
"Oh my goodness! Naku insan! Ang pogi niya. Nasaan na kaya 'yon? Kilala mo ba, insan? Hindi niya kasi ako pinapansin kahit tinatanong ko kung anong name niya. Choosy pa siya, sa ganda kong 'to ako na ang lumalapit sa kaniya. Iyong palay na mismo ang lumalapit sa manok, pero wala siyang pakialam," sabi niya at saka maarteng hinawi ang kaniyang buhok. Narinig ko naman ang pagtawa ni Aisie.
Sus! Parehas lang silang maharot. Kaloka! Bakit ba ganito ang mga kasama ko? Gosh!
"Sino ba 'yon, ate?" Pang-aasar naman ni Aisie. Napailing na lamang ako dahil ayaw na ayaw pa naman ng pinsan ko na tawagin siyang ate. Pakiramdam niya raw kasi ay sobrang tanda niya na, hindi naman daw nagkakalayo ang edad namin.
"Duh! Ate? Isang taon lang tanda ko sa inyo, 'no. So stop calling me ate! Mas mukha pa nga kayong ate," mataray niyang sambit at napalingon sa kung saan. Nagulat ako nang bigla ay parang naging kiti-kiti siya sa upuan at niyuyog pa talaga ang balikat ko.
Kaloka! Alam na kumakain ako'y napakalikot naman nito. Wala talaga sa hulog 'tong pinsan ko.
"He's there!" Natutuwa niyang aniya, kaya nilingon din ni Aisie ang tinuro niya. Pero nanatili lang akong nakatungo at inabala ang sarili sa kinakain ko.
Gutom ako, eh. Wala munang pakialam sa mga nangyayari dahil lamon is life for real. Galit-galit muna.
"Oh... Si..." Nilingon naman ako ni Aisie.
Ano na namang problema? Bakit ako? Ako na lang lagi. Talaga naman, o! Ako na naman ang napapansin, kitang nananahimik ako at ninanamnam ang aking pagkain. Gosh!
"Hey," rinig kong bati ng kung sino, at pamilyar ang boses niya. Kaya inangat ko ang aking mukha para tingnan kung siya ba talaga iyon. At tama nga ako.
Wow! Ngayon lang ulit kami nagkita. I mean, hindi ko naman iniisip na magkikita kami. Pero nakakapanibago lang dahil hindi ko naman siya nakakasalubong sa buong campus. Siguro naging busy siya, o baka nagkakasalubong kami at hindi ko lang napapansin.
Sino ba kasi siya para bigyan ko ng pansin?
"Oh my! Hi, babe," malanding sambit ng pinsan ko at saka tumayo at kumapit sa braso ni Xalent. Napailing na lamang ako.
Walang hiya talaga ang pinsan ko. Bahala siya diyan. Pero nakakahiya, naman!
"Si Xalent pala ang type girl. Inaagawan ka, so sad."
Sinamaan ko lang ng tingin si Aisie dahil sa binulong niya't kulang na lang ay salpakan ko ng kung ano ang bibig niya para manahimik na siya sa tabi.
Lagi niya na kasi akong inaasar kay Xalent dahil nalaman ko sa kaniya na si Xalent pala ang nagdala sa'kin sa hospital. Medyo overreacting ha, pupwede namang sa clinic na lang muna ng school ako dinala. And guess what? Siya pala ang nagbigay ng cellphone number ko kay Xalent dahil hiningi niya raw. Nagulat nga ako, eh. Ang weird.
"How are you?" He asked, not minding my cousin's presence. Bigla akong napaiwas ng tingin dahil sa mga tingin niyang iba ang dulot sa aking dibdib.
"Fine," I answered casually at nagpatuloy na sa pagkain.
Niyaya siya ng pinsan kong sumabay sa'min ngayong recess. No choice naman siya dahil mapilit si insan. Magkatabi sila at katapat ko siya ngayon. Medyo naiilang tuloy akong sumubo, and I don't know why. Nakararamdam ako ng awkwardness kahit hindi naman dapat. My goodness!
"So... Your name is Xalent? Ang cute, parang talent lang. Siguro ay talented ka, kaya iyan ang pangalan mo." She chuckled and hugged his arms. Medyo naiinis na ako sa kaharutan nitong babaeng 'to.
"Lalala..."
Mapaglarong humuni si Aisie, kaya sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng mesa. Ano na naman ba ang iniisip nito?
"Aww!" Masama ko siyang tiningnan "Aww! Ang cute niyong tingnan," sabi niya't nakapangalumbaba pang tinitigan ang dalawa sa harap namin.
Kahit kailan talaga, lakas mang-asar ng kaibigan kong ito. Parang mas bagay pa silang magpinsan ni Dey kaysa sa'min. Swak na swak ang tandem nila kapag nagkataon.
Pagkatapos kong kumain ay agad na akong tumayo at iniwan na sila doon. Wala ako sa mood makisama ngayon at may exam pa akong proproblemahin para bukas, at saka maa-out of place lang ako sa kanila. Halata namang malapit din si Aisie doon sa lalaking 'yon, tapos 'yong pinsan ko naman talagang napakalaki ng confidence sa sarili at sanay 'yon makipag-usap.
Pagdating ko sa classroom ay agad kong nilabas ang libro ko para magbasa-basa. May quiz kami mamaya para ma-review na rin namin ang mga lalabas sa exam.
"Hindi mo ako hinintay," nagtatampong bungad ni Aisie at saka naupo sa tabi ko
"Ang bagal mo, eh."
I chuckled when I remembered something, pero bakit ba ako natatawa sa tuwing naaalala ko 'yong araw nasapul ako ng upuan na 'yon? Dapat ba akong matuwa dahil nagkabukol ako? To be honest, medyo kita pa rin ang bukol sa noo ko. Pero medyo lumiliit naman na kaya hindi na gaanong masakit.
"Baliw." Napairap na lang ako sa sinabi ni Aisie.
Mabilis natapos ang oras ng klase at ngayon ay nagliligpit na ako ng gamit para umuwi. Iniwan na nga ako ni Aisie dahil may lalandiin daw siyang basketball player.
Sus! Bobolahin lang siya no'n for sure.
Mga basketball player pa naman ang hilig mambola. Minsan nga 'yong iba, pati feelings mo ginagawang kulangot, binibilog tapos itatapon, babalewalain. Boom! Joke lang, wala akong sama ng loob sa mga basketball player.
Kasalukuyan kong hinihintay ang sundo ko sa labas ng school. Umupo muna ako sa waiting shed sa tapat lang naman ng school. 3:30 PM na, pero wala pa rin, at nakakailang text na ako. Mag-aaral pa ako, kaya hindi ko pupwedeng sayangin ang oras. Baka ma-late ako ng gising bukas at hindi makapag-aral, marami-rami pa naman ang dapat kong tandaan.
Kaloka! Ano bang nangyari at wala pa rin? Hindi na ako mapakali dito dahil baka may kung ano nang nangyari sa bahay.
In-try ko nga tawagan ang pinsan ko at nagba-baka sakaling masabihan niya. Pero out of coverage area ang bruhang 'yon. Baka siya ang may dala ng sasakyan. Humanda 'yon sa'kin, nadi-delay ang pag-uwi ko nang dahil sa kaniya.
"Hey."
Nag-angat ako ng tingin at nakita si Xalent na prenteng nakatayo sa harapan ko. Bigla tuloy akong umayos ng pagkakaupo at saka pasimpleng inipit sa likod ng aking tainga ang ilang hibla ng aking buhok.
My goodness! Ito na naman ang puso ko at hindi ko maintindihan. Parang kanina lang ay inis na inis ako sa kaniya, pero ngayon ay parang iba na.
Bakit ba kasi lapit ng lapit ang isang 'to? Siguro crush ako nito... Joke!
"H-hey!" I tried to calm my voice, and wave my hand. Sana lang ay hindi halata ang pagaka-utal ko.
Bakit ba ako biglang kinabahan? Lushiane, si Mr. Substitute teacher lang iyan na mayroong kahalikan sa labas ng school at mayroong napakagandang boses.
"Di ka pa uuwi?"
Obvious ba? Tsk.
"Hinihintay ko pa ang sundo ko. May nilakad siguro." Napansin ko naman siyang naglakad sa kaliwa ko at saka umupo. Hindi naman kalayuan ang distansya namin.
"Ah..."
"How about you? Waiting for someone?"
Well... I'm talking about the morena girl, pero alam ko namang hindi na sila nagkakasama lately.
"Nope. I will accompany you here while you're waiting for your service."
Tumango lang ako at nilaro ang mga daliri, hindi mapakali.
It's already 4:00 PM. Pero wala pa rin ang sundo ko. Sinubukan kong tawagan ulit ang bruha kong pinsan at sa wakas ay sumagot na.
"Hoy! Dala mo ba ang sasakyan?" I heard her giggled. Rinig din ang maingay na music sa background niya.
Where the hell is she?
"Ops! I'm sorry. Nakahanap kasi ako ng disco-an dito sa Tagum. Don't worry hindi naman ako ang nag-drive, 'yong driver niyo."
Narinig ko pa ang pagtawa niya, kaya napakunot ang aking makinis na noo. Lasing ba 'to? And what the heck! Umabot siya ng Tagum? Gosh! Malayo-layo 'yon dito.
"Walang hiya ka! Kanina pa ako naghihintay dito! Humanda ka sa bahay. Fu—" naputol ang sasabihin ko nang babaan ako ng pinsan ko.
"Gosh!" Inis kong sambit. Mukhang tricycle ang bagsak ko nito, pero malapit-lapit lang din naman ang pauwi.
"Any problem?"
Napangiwi naman ako sa tanong niya at saka tumango't sinabing, "I'm going to ride a tricycle. Dala ng pinsan ko ang sasakyan."
Tumango siya at saka tumayo. Inayos niya rin ang polo niya na medyo nagusot.
"Let's go," seryoso niyang sabi at saka mataman akong tiningnan.
Bakit ganito 'to makatingin?
"H-huh?"
"Tara na. Sumakay na tayo sa tricycle. Sabay na tayo, since madadaanan naman ng tricycle ang sa'min."
Natulala ako ng ilang segundo, at saka sumunod na sa kaniya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. Dahil ang weird niya talaga.
Edited—
What is the happiest moment of my life? It is when he kneel down in front of me, holding a ring that will make me cry, and feel so much love and happiness in my whole existence. I never thought that crying can be a happy for me. Until that day came. Sa buhay ko ay madalas akong umiyak dahil sa pagkadapa, sa sakit, sa iniwan, at sa kahit ano pang nangyari at naranasan ko sa mga nakalipas na taon ng buhay ko. Lahat ng masasamang bagay na nangyari sa buhay ko ay wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak, umiyak dahil masakit at hindi ko na kayang harapin at danasin pa ang mga iyon. Pero sa pagkakataong ito? Wala akong ibang masabi kundi masaya ako at ibinuhos ko ang huling luha ko sa kaniya. Sa taong alam kong siya ang bubuo sa buhay ko, ang kokompleto sa'kin. "Will you marry me?" Agad akong napatakip sa aking bibig habang nakatulala sa kaniya. Ang sahig na niluluhuran niya ay p
Xalent Planze Nang banggitin ng doktor ang mga katagang 'yon ay halos manlumo ako. Tita is a soft hearted woman. She's very kind and of course, a loving mother. Kaya napakahirap sa'min ang masaksihan ang kalagayan niya't ang nais ko lamang ay sana may pag-asa pa, pero tila ba tadhana na ang nagsasabi na wala na. "H-hindi..." I heard my love and I hugged her so tight, at saka hinimas ang kaniyang likod para tumahan. Hindi ko kayang nakikita siyang nasasaktan. Masakit na nga sa'kin ang malaman na namatay si tita kahit na hindi niya ako kadugo. Kaya alam kong mas masakit sa kaniya ito dahil anak siya ni tita. Ilang taon silang hindi nagkaroon ng kahit anong komunikasyon. Masyadong naging matigas ang puso ni Lushhiane, at ginawa niya ang lahat para lamang hindi na sila mag-usap ulit. Pero sino ba naman ako para husgahan siya? Sisihin siya? Tao lang din naman siya at nasasaktan.
Nakaupo kaming tatlo at ang nasa gitna namin ay si Xalent habang hinihintay na lumabas ang doktor. Tumahan na rin ako, pero hindi pa rin ako mapakali. "Rendein." Napaangat kami ng tingin nang may magsalita. Lalaki siya, na sa tingin ko ay nasa edad lang ni daddy. Siya ata ang daddy ni Rendein at ang mahal ni mommy. Napatingin naman siya sa'kin na naging dahilan ng pagyuko ko. May kasama pa siyang batang babae na namumugto ang mga mata. Naramdaman ko naman siyang naglakad palapit sa'kin at umupo sa tabi ko. "Are you ate Lushiane?" Nagulat ako nang tanungin niya ako, kaya napalingon ako sa kaniya. Ang cute niyang bata. Sa tingin ko ay nasa five or seven years old na siya. Maputi rin siya at may pagka-brown ang bagsak niyang buhok. Medyo singkit ang mga mata niya at nakasuot ng pink na dress habang may hawak na teddy bear. Sumisinghot-singhot pa siya at tintigan ang mukha ko.
My lips started to tremble as I looked at him with so much questions in my eyes. I felt my heart hurt a little bit, at sobrang kaba na ang nadarama ko ngayon pa lang dahil sa kaniyang sinabi. "W-what happened?" Napatayo na ako at tuluyan nang nawala ang tama ng alak sa'kin. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari at bakit ako kinakabahan na tila ba masama ito. "Your mom... Sinugod siya sa hospital ngayon. Umiiyak si Rendein nang tumawag siya." "Puntahan natin siya... Puntahan natin, Xalent!" Nanginginig kong bulyaw sa kaniya at niyugyog ang braso niya. "Yes, baby. Huwag kang mag-alala, magiging maayos din si tita. Let's go to her," sabi niya't patakbo na kaming lumabas at sumakay ng sasakyan. Habang nasa loob ng sasakyan ay punong-puno ako ng katanungan sa aking utak. Nanginginig na rin ang mga kamay ko at unti-unti na rin
Nang humiwalay na sa'kin ang lalaking nanghalik ay agad ko siyang tinitigan. Kahit nahihilo na ako ay kita ko pa rin ang mukha niya kaya agad akong bumungisngis at nilapit ang bibig sa kaniyang tainga."Xalent," bulong ko at tatayo na sana ng mapaupo ulit. Damn this alcohol!"Let's go home," bulong niya.Tinulungan niya naman akong tumayo at hindi pa kami tuluyang nakakaalis ng biglang magsalita ang lalaki na kausap ko kanina."Saan mo siya dadalhin, bro?""Uuwi na kami ng grilfriend ko," Mariin na sabi ni Xalent kaya agad natameme ang lalaki."Woah?" 'Yun lang at iniwan na namin siya.Natatawa ko namang hinawakan sa pisnge si Xalent habang inaalalayan niya ako palabas. "Girlfriend?""Ayaw mo?" Agad naman akong umiling at kumapit sa braso niya."Gusto. Boyfriend na kita, ha! Doon tayo sa bahay natin." Natawa naman s
Dalawang linggo na ang lumipas at bigla na lang akong bumait kay Xalent. Parang biglang naglaho ang lahat ng hinanakit ko sa nakaraan at bumigay na sa kaniya. Pumayag na rin ako na ligawan niya ako.Gosh! I'm so marupok pala?After ng happenings sa café at sa site ay napagdesisyunan kong 'wag nang magpabebe pa. Naisip ko rin na wala namang mangyayari kung papayagan ko siyang manligaw. Pero na-bad trip ako no'ng pauwi na kami, pagkatapos ng lunch, dahil ang h*******k na 'yon ay nilagyan na naman ako ng hickey dahil naka-spaghetti straps daw ako. Todo tabon tuloy ako ng buhok ko sa leeg ko para hindi makita ni tita.Napakurap-kurap ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko, kaya agad ko namang sinagot ito dahil si Deylia ang tumatawag."Where are you?""Café.""Pupunta ako diyan at nasa eroplano na ako. Samahan mo ako sa bistro at maglasing tayo."Napakunot naman ang noo ko. Anong nakain nito't talagang gumastos para makapunta lang sa