Share

CHAPTER 9

Tahimik lang sa kabilang linya. Pero rinig ko ang bawat paghinga niya. Siguro ay nag-iisip siya.

"Can you sing for me? Because... I'm sad right now, really. And I want to hear you sing." Pinukpok ko ang sarili kong ulo ng sabihin ko 'yan. Bakit ko ba siya kinakausap? I can't just say that I'm being being dramatic, but I found him comfortable to talk with.

"What kind song do you want to hear?" 

"Anything." 

Kabado man na baka hindi niya ituloy ay naghintay pa rin ako hanggang sa nakarinig ako ng pagtipa ng gitara. He can play? H-how? Oh my goodness! Malamang inaral, Lushiane. Hindi ka talaga nag-iisip.

Napapikit na naman ako nang marinig ko ang boses niya. Ang ganda talaga't hindi ka magsasawang marinig. So he is singing 'Passenger Seat'. Naalala ko tuloy ang pagsakay namin sa tricycle kanina. Hindi kotse, kundi tricycle. Tapos ito pa ang kinanta.

"Are you laughing?" 

Nakagat ko naman agad ang pang-ibaba kong labi. Nagpipigil at hindi ko malaman kung kilig ba itong nararamdaman ko o naging taga-hanga niya lang ako.

"A-ah... No! Please continue." 

I heard him chuckled a bit kaya napahawak ako sa dibdib ko. What's happening? I think soon... Something will going to explode in my chest. May sakit ba ako? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko na tila ba isang anghel ang naririnig ko?

Nahuhulog ang talukap ng aking mga mata dahil sa naririnig. Kaunti na lang ay baka makatulugan ko siya. Nagmistula siyang taga-hele sa malungkot na gabi ko.

Nang mag-chorus ay talagang hinatak na ako ng pagka-antok, pero gusto ko pa sana siyang marinig na tapusin ang kanta. Ang kaso ay tuluyan na akong nilamon ng antok nang dahil sa malamig at malambing niyang boses na talagang gustong-gusto ng nakararami. 

---

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa malakas na yugyog ang natanggap ng aking katawan. Naramdaman ko pa ang cellphone ko sa may dibdib ko. 

"Wala kang balak pumasok, sis? Kanina pa alarm nang alarm 'yang cellphone mo. Masyado naman atang masarap ang tulog mo ngayon." 

Bigla naman akong napabangon at napasulyap kay Deylia na ngayon ay may kung anong pinagkakaabalahan sa cellphone niya.

"Ano? Late ka na, uy! Exam niyo diba?" Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa kaniyang sinabi, at nagtatakbo na patungo sa banyo. 

Oh my!

Sa sobrang pagmamadali ko ay parang wisik-wisik lang ang ginawa ko. Hindi na ako magkandaugaga sa pagbibihis ng uniform.

"Argh! Sakit pa rin ng ulo ko. Kaunti lang naman ang nainom ko kagabi. Oh hell'a!" Napairap na lang ako sa reklamo ng pinsan ko at sinuksok na lahat ng kailangan ko sa bag ko. 

Oh em! Hindi na ako nagkapag-review ulit. 

Nagmamadali na akong bumaba at kumain ng tinapay. Halos kumain na nga ako habang nag-aayos. Pagtapos kong ayusin ang aking sarili ay patakbo na akong sumakay ng sasakyan. 

Pagdating ko sa school ay lakad-takbo ang ginawa ko. May teacher na nga sa ibang room na nadaanan ko, kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Ako na nga lang ang makikita dito sa hallway. Buti walang nakakakita sa ginagawa kong pagtakbo. 

Pagpasok ko ng classroom ay napabuntong hininga ako ng makitang wala pa ang teacher namin. Dali-dali naman akong umupo sa tabi ni Aisie na ngayon ay nagbabasa na. Nilabas ko naman ang libro ko para magbasa. Mga ilang minuto lang ay dumating na ang teacher namin at binigay na ang unang subject na iti-take.

Mabilis lang naman ang oras at saka alas-dose ang uwian namin ngayon since magi-exam lang kami. Then 'yong ibang subject na hindi na-take this day ay bukas iti-take. Pangalawang subject na 'to at pagtapos ay magri-recess muna then after ay tatapusin ang dalawa mamaya. Iyong ibang katanungan ay hindi ko napag-aralan kaya no choice ako kundi ang hulaan. Malay niyo naman tumama. Pero 'yong iba ay nagpapasalamat ako na alam ko't nabasa ko. 

"5 minutes, and you'll pass all your papers finish or not." 

Dahil sa sinabi ni ma'am ay nakita ko ang iba kong kaklaseng nagkagulo at 'yong iba ay nagtutulungan na sa pag-sagot. Akin kasi lima na lang ang wala pang sagot at saka hindi ko na rin naman alam, kaya huhulaan ko na lang. 

Napasulyap ako sa katabi ko na nakatalikod na ang test, at nakapangalumbabang naghihintay. 

"Sana all tapos na," bulong ko at nginisihan lang ako ng bruha.

"Yabang."

Nang matapos na ay kinuha na ng teacher namin ang mga papel at nag-announce na recess na, kaya nagmamadaling nang lumabas ang iba kong kaklase. Nauna pa sa teacher namin lumabas. Kaloka!

"Good mood?" Tanong ni Aisie.

"Hindi. Bakit?" 

"Blooming ka, girl!" Natutuwa niyang sambit at saka hinila ang buhok ko. Trip talaga nila ang buhok ko.

"Blooming? Neknek mo! Eh hindi nga ako magkandaugaga sa pag-aayos ng sarili ko kanina dahil sa pagmamadali. Kaloka!" Pinaypayan ko pa ang sarili ko bago ilagay ang ballpen sa bag at tumayo na.

"May nangyari ba kahapon?" Nagugulat ko siyang hinarap at nakita ko ang nakakaloko niyang ngiti.

"A-anong pinagsasasabi mo?" 

"Ay sus! Sabay kayo ni Xa—" hindi niya naituloy ang sasabihin ng bigla kong tinakpan ang bunganga niya.

"Ang ingay mo," wika ko at tinanggal na ang kamay ko sa bibig niya.

"Hala! Totoo nga? Akala ko gawa-gawa lang ni Daralien 'yon." Napakunot-noo ako at kinuha na ang wallet at cellphone ko sa bag.

"Who's Daralien?" 

"Ah! Iyong chismosa na kapitbahay ko. Nakasabay niya raw kayo sa tricycle, eh." 

Naguluhan naman ako. "Kasabay?"

"Oo raw. Akala nga niya girlfriend ka ni Xalent." 

Luh? Sin—ay pisti! Iyon ba 'yong katabi ko? Kaloka! Chismosa pala 'yon?

"Hala! Iyong ka-batch ni Xalent?" Tumango siya.

Lumabas na kami nang classroom, pero tuloy pa rin kami sa pagkukuwentuhan. Hindi ko nga namalayan na nasa canteen na kami, kung hindi ko pa nakita ang likod ng pinsan ko na katabi ni ano... Ni... Ni Xalent! Oh my G! Parang nahihiya na ako. 

"Alam—" naputol ang sasabihin ng pinsan ko kay Xalent nang bigla kaming umupo sa harapan nila.

"Kanina ka pa dito?" Nakayuko kong tanong. Nag-uumpisa na akong mailang. Ramdam ko ang titig niya.

"Yes! Tapos nakita ko 'tong si Xalent kaya niyaya ko siya dito tutal wala pa naman kayo." Lumingon siya kay Aisie. At sinabing, "Aisie samahan mo 'ko. Tayo na bumili ng pagkain." 

"Sama ako," sabi ko at tatayo na sana nang kurutin ako sa tagiliran ni Aisie.

"Diyan ka na. Bonding well." Napairap na lamang ako sa sinabi niya at napaupo.

Umalis na ang dalawa, pero nakayuko pa rin ako at binuksan ang cellphone ko para magkunwaring may ginagawa. Hindi  ko na kaya. Para akong maiihi na ewan. 

"Are you okay na?"  

I'm okay now. Okay not until I heard you... Laughed.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Becca Caranza
maganda, nakakaaliw
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status