HAHAHHA
JALENE’s Pov“KANINONG condo ito?” tanong ko kay Frank nang iupo niya ako sa sofa. Mula sa parking lot hanggang dito pinangko niya ako. Nasa 22th floor pa naman ang “Mine.”“Ang ganda at ang laki. Dito ba kayo nag-stay ni Kassandra mga nakaraan?”Bumaling siya sa akin. “No.”“So, marami kang condo?”“Bakit ka ba tanong nang tanong?”“Sungit mo naman.” Hindi na lang ako umimik, iginala ko na lang ang paningin ko. Malaki at napakalawak. Halos doble yata ng aking kwarto sa bahay niya. Pero nakakapagtaka lang, bakit bili nang bili ng condo tapos may bahay naman siya na napakalaki? Hindi kaya maraming babae si Frank? Napangiwi ako. Hindi naman ako babae niya kaya dapat umuwi na ako sa bahay. Doon ako nababagay dahil asawa niya ako. May isang tinig sa aking isipan ang kumontra. Hindi naman daw ako asawa. Tumungo si Frank sa kusina, pagbalik niya, may dala siyang tubig at inilapag sa center table.“Mag-stay ka ba rito? Sa bahay na lang ako,” mungkahi ko sa kanya.Naupo siya sa harap ko
Warning : Reader discretion is advised - mature themesJALENE’s Pov“SO, kung hindi siya driver magseselos ka? Paano kung sabihin ko sa ’yo na naguguwapuhan ako sa kanya, huh?”Naningkit ang mata ni Frank. “Wwwhat did you say? Nnnaguguwapuhan ka sa kanya? Eh, sa akin?” Sabay turo niya ng mukha niya kaya natawa ako. Pero agad ko ring pinalis iyon.“Oo. Kung ikumpara ko kayo, mas gwapo siya. Thoughtful at mabait. Saka mas komportable ako sa presensya niya. Kaya hindi malabong magustuhan ko siya. At kung wala akong asawa ngayon, baka nilandi ko na siya.” Dahil binuksan niya ang ilaw nang pumasok siya kanina, kita ko tuloy kung paano mamula ang mukha niya. Ewan ko lang kung sa inis o sa alak.“Hhhow dare you, Jalene…” galit na siguro siya, pero hindi ko makita dahil sa kalasingan niya.Dapat siguro, hindi siya umiinom, nagiging ibang anyo siya. Parang hindi siya si Frank kung umakto.Magsasalita sana siya nang unahan ko siya.Naisip ko bigla. Ibang tao siya kapag lasing. Kaya pwede ko si
JALENE’s PovKIROT at hapdi ang naramdaman ko matapos na maghugas ng aking kaselanan. Pagka gising ko, nakaramdam ako nang naiihi kaya nagpunta ako rito. Ramdam ko na ang kirot kanina habang naglalakad, pero hindi ko akalaing pati sa pag-ihi ay higit pa roon ang mararamdaman ko.Pabagsak na nahiga ako sa kama. Padapa din kaya wala akong makita. Iniinda ko pa ang kirot dahil nga nabasa. Hindi ko naman kasi alam na masakit pala.Nang maalala si Frank ay hinanap ko ang cellphone ko. Nakita ko ang aking cellphone sa may side table. Nahiga akong dinadayal ang numero ni Frank. Pasado alas diyes na noon ng umaga.“Frank,” ani ko.“Bakit?” tanong niya sa kabilang linya. Hindi ko naman makapang galit siya.“Ang hapdi ng ano ako,” sumbong ko sa kanya sabay daing. “Masakit kapag nilakad tapos ang hapdi din nang mabasa. Ang tagal mawala. Anong gagawin ko?”Matagal na hindi umimik si Frank. “I’ll send a doctor over to check on you.”“Okay.” Napaisip ako bigla. “Hindi ba nakakahiya iyon?”“What’s wr
JALENE’s PovFEEL na feel ko talaga ang pagiging assistant ni Frank ng mga sumunod na araw. Kasi naman, hinahayaan na ako ni Frank na makialam sa mga sinusuot niya. Inaayos ko na rin ang tie at suit niya kapag may meeting. Saka hindi na rin niya ako masyadong sinusungitan kapag may sasabihin o ipinagtimpla ko ng kape.Dalawang bagay na lang ang hindi ko nagugustuhan, hindi siya sumasabay sa akin mag-lunch dahil umuuwi siya para saluhan si Kassandra. At ang panghuli, hindi na niya ako pinapansin noong umuwi na ako sa bahay niya. Sa opisina lang kami okay.Sanay na akong hindi kumakain ng lunch sa opisina niya si Frank kaya hindi ko na siya niyaya. Hindi kami pwedeng magsabay ni Lenny kumain kaya sumama ako kay JV. May group lunch date daw siya kasama ang nobyo niya, pero hindi ko akalaing marami kami. Oo, nabanggit na niyang group, sa isip ko, mga lima lang kami. Hindi ko naman akalaing lagpas sampu kami at halos mga lalaki at mga miyembro ng lgbt.Akala ko, mahihirapan akong pakisamaha
Warning: Reader discretion is advised – mature themesJALENE’s Pov“PAANONG iba, Frank?”Hinaplos ni Frank ang pisngi ko.“Actually, hindi ko rin alam, Jalene. H-hindi ko maintindihan ang sarili ko– I mean naguguluhan ako. Basta naiinis ako kapag may ibang lalaki kang kinakausap at kapag hindi ka nakikita, hindi rin ako mapakali. I’m tired, Jalene. Pagod na ako kakasungit sa ’yo.”Napatitig ako sa kanya. Parang ang possessive niya pala.“Hindi mo alam ang ibig sabihin niyan?” Umiling si Frank. “I can tell na may space na ako dyan.” Sabay turo sa puso niya. “Dito rin.” Sa sinitido naman niya ang tinuro ko. Dahil wala siyang masabi, nagpatuloy ako.“Sabi mo rin kanina, na-miss mo ako, Frank,” ani ko. “Kaya sigurado na akong gusto mo na rin ako. At sa tingin ko, hindi lang ’yan simpleng miss.”Ngumiti ako sa kanya at kumapit sa leeg niya. Naramdaman ko naman ang haplos niya sa aking bewang. Tumaas-baba pa iyon.Mukhang hindi niya alam ang nararamdaman niya para sa akin. Ako, alam ko. Mu
SANTINO’s PovMas gusto ko talagang wala ang Senyorito sa bahay kasi tahimik ang buhay ko. Walang gaanong ginagawa. Walang sisigaw sa akin kahit hindi naman ako mali. Lately kasi, kay Miss Kassandra ako nagbabantay dahil ayaw ni Senyorito na lumalapit ako kay Ma’am.Sa totoo lang, naaawa lang naman ako kay Ma’am Jalene kaya nasa side niya ako lagi. Siya itong legal na asawa pero nasa ibang silid natutulog. Hindi rin magawang pahalagahan ni Senyorito. Wala siyang pinag-iba kay Tatay talaga. Kaya naiinis ako pagdating sa bagay na iyon. Pasalamat siya, boss ko siya.Kaya nga ang concern ko na kay Ma’am Jalene. Ibang-iba rin kung pakitunguhan ko siya kumpara kay Miss Kassandra. Kasi nakita ko noon ang paghihirap ni Nanay kaya ayaw kong makita iyon ulit. Dinala ba naman ni Tatay sa bahay namin ang kabit niya. Kaya gusto kong tulungan noong una si Ma’am Jalene na umalis sa bahay kung gustuhin niya. Kaso, may nahalata ako kay Senyorito lately.Iritado masyado ang Senyorito kay Ma’am Jalene ka
JALENE’s Pov (continuation)“May alam akong lugar na pwede nating kainan,” suhestyon ko mayamaya.May na-miss akong kainan malapit sa pinagtapusan kong eskwelahan noong high school.“Are you sure dito tayo?” tanong ni Frank nang makitang karinderya lang iyon. “S-sure ako. Ayaw mo ba?” Oo nga pala. Mayaman nga pala ito.“B-basta malinis, pwede naman.” Sa narinig ay napangiti ako. Malinis naman talaga rito. Kaya nga maraming customer na kumakain rito. Apat na putahe ang inorder kong ulam. Kare-kare, baked tahong, ampalaya at pritong isda. Umorder din ako ng soft drinks at mineral water. “Alam mo? Masarap ang kare-kare nila dito.”“Favorite dish mo?”“Isa sa mga favorite ko. Marami akong favorite kasi.” Tinuro ko isa-isa ang mga nasa menu nila na nakadikit sa harapan. Nakita kong natawa siya.“Seriously? Ang dami naman.” Hindi niya inaalis ang tawa noon kaya natutuwa ako. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa nang matagal. Ang pogi niya tuloy sa aking paningin. “Oo nga. Hindi naman ka
FRANK’s Pov“DUMATING na ba ang asawa ko?” tanong ko kay Tino nang makita siya sa bakuran. Nagpapahangin yata siya.“Wala pa po, Senyorito.”“What?” Tumingin ako sa relo. Pasado alas nuebe na, wala pa rin ito?Nagmadali siyang umuwi kanina ayon kay Lenny. Umalis ako kanina dahil sinamahan ko si Kassandra sa ospital dahil nga sumama ang pakiramdam niya. At pasado alas singko na ako nakabalik. Si Jalene lang naman ang sadya ko kaya ako bumalik. Gusto kong sabay kaming umuwi ngayon.Hanggang ngayon, ilag siya sa akin. Anong magagawa ko? Hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Hindi porket sinabi kong gusto ko siya, papalitan na niya si Kassandra. May mga ipinangako ako kay Kassandra. Hindi ko pwedeng sirain iyon.Maghapong iniwasan din ako ni Jalene kaya nga bumalik ako. Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko. Agad kong hinanap ang numero ng pamangking si JV.“Are you with Jalene?”“No, Uncle. Pero nag-chat sa akin kanina ’yon if I’m busy.”“And?”“Sabi ko po, oo. May date ako with my boyf
FRANKBAGO ko pinangko si Jalene, nagpadala ako ng mensahe kay Tino at sinabing bayaran lahat ng available room ng inn na ‘yon. At kung gusto mang maghanap, ipinasabi niya na walang malapit na hotel o inn. Kaya no choice siya, sa tabi ko siya matutulog.Alam kong ayaw talaga akong makasama ni Jalene ngayon. Ang hirap niya pa naman suyuin. Pero sabagay, valid naman ang inaasta niya ngayon. Dahil sa katangahan ko kaya nawala siya sa akin.Nagising lang ako sa katotohanan nang mawala siya sa paningin ko. Pero nagsimula akong maghinala nang marinig ang kwento ni Tino sa akin na sinundan ng testimonya ni Warren…***“S-Senyorito, sigurado po ba kayo sa desisyon niyo?”Inis kong tiningnan si Tino. “Hindi mo ba naiintindihan, buntis siya at hindi ako ang ama? Kaya sigurado ako! Saka hindi mo ba nakita? Ang bilis niyang pirmahan ang annulment paper namin!”Kakalabas lang noon ni Jalene sa sasakyan. At kaya ako nagagalit, dahil ganoon lang kabilis niyang pinirmahan ang annulment! Damn! Excited
JALENENAKANGITING pinagmasdan ko si Warren. Napakaganda ng kanyang ngiti habang nakatunghay sa kanyang bride na noo’y naglalakad na kasama ang parents nito. Halata sa mukha talaga ng kaibigan ang saya. At last, nakahanap ito ng babaeng magmamahal sa kanya.Hindi kasi talaga kayang turuan ang puso. Ilang beses niya akong niligawan noon pero ilang beses ko ring ni-reject. Gusto niyang panindigan ang nasa sinapupunan ko, e, hindi kaya ng aking konsensya. Si Frank ang mahal ko ng mga sandaling iyon. Kahit na sinaktan niya ako, hindi ko kayang maghanap ng iba. Mabait sa mabait si Warren. Napaka-gentleman pa pagdating sa akin. Kung respeto man lang din, sobra-sobra. Kaso hanggang kaibigan lang ang kaya kong maibigay sa kanya.Ito na yata ang pinaka-solemn na napuntahan kong kasal. Noong sa Guam, meron akong mga na-attendan pero itong kasal ni Warren ang gusto ko. Hindi ko tuloy maiwasang mainggit. Dapat talaga maayos ko na ang mga dapat kong gawin dito sa Pinas. At sana mapirmahan na ni Fr
JALENEPARANG gusto kong matawa sa tanong niya. Anak raw niya? Sino ang anak niya? Kailan kami nagkaanak? Pero ako, oo. May anak ako. Si Kai.“Anak mo? May anak ka ba sa akin?” tanong kong may pagkasarkastiko.Sa pagkakaalala ko, tinanggi niya at sinabing hindi siya magkakaanak sa akin dahil baog siya. Ngayon, magtatanong siya?“Alam mo ang tinutukoy ko, Jalene. Where is my child?” Sinalubong niya ang nakakalokong ngiti ko.“Mukhang mali ka ng tinanungan. Nasaan ang anak mo kay Kassandra? Saka, ’di ba? Baog ka? Kaya paano tayo magkakaanak?”“Niloko niya ako.”Tumaas ang kilay ko. Niloko siya ni Kassandra? “There’s nothing wrong with my fertility,” seryosong sabi niya.“Ah. Okay. So?”“Kaya anak ko ang dinadala mo noon.”Natawa ako. “Paano ka nakakasigurong may anak ka sa akin? Sa pagkakaalam ko, hindi ako buntis noon. Nagpa-check up ulit ako after ng kidnapping dahil sa pag-aakala ko, maapektuhan ang bata. Pero lumabas na hindi ako buntis. Kaya wala kang anak sa akin, Frank.” Tumingin
JALENE“COME in,” yakag ni Frank sa akin.Umiling ako sa kanya. “Hindi na kailangan, Frank. Dito na lang. Ikaw naman talaga ang sadya ko. Since nasa harapan na kita, hindi na kailangang pumasok.”Natigilan si Frank.Inilabas ko sa bag ko ang ziplock na envelope ko at inilabas ang divorce paper na dala ko pa mula Guam. Tanging pirma na lang niya ang kulang, tapos na ang problema ko. Kumunot ang noo ng dating asawa habang nakatingin sa mga papel.“What’s that?” Biglang nagseryoso siya. Kanina, may ngiti pa sa labi niya, pero ngayon, biglang napalis.“Divorce paper. Sorry at late akong nagpakita. I’m sure hinanap mo ako para dito.” Imbes na kunin, tumitig lang siya sa akin. “Frank!” tawag ko nang bigla siyang tumalikod sa akin. The heck! ‘Di ba? Ito ang gusto niya?“Umalis ka na, Jalene!” tanging sigaw lang niya. “Aba’t ‘di ba, ito ang gusto mo?” sigaw ko.Hindi siya sumagot. Akmang sisigaw ulit ako nang biglang sumara ang gate. “Frank! Ano ba?!” “Ma’am, mas mabuti pong umalis na
FRANK’s Pov7 years later…KASALUKUYAN akong nasa meeting noon nang pumasok si Tino. Lahat napatingin sa kanya dahil sa hingal na hingal siya. Saka talagang ang lakas ng loob nitong istorbohin ang board meeting.“What the heck, Tino?”“Senyorito, may balita na po kay Ma’am.”Bigla akong napatayo. “I’m sorry. I need to leave.” Tumingin ako sa sekretarya kong si Jerome. Binilinan ko siya na i-send sa akin ang napag-usapan. Patapos naman na kami at na-address na ang ilang concern nila.“Where is she?”“Palapag na po ang eroplanong sinasakyan niya.”“What? Baka nakalapag na iyon!”“Papunta naman na po si Mathew, Senyorito. Kung makaalis naman po, siguradong susundan niya po.”Tumango-tango akom “Make sure na hindi mawala kamo sa paningin niya.”“Sasabihin ko po.”Mabilis ang naging kilos namin ni Tino. Halos takbuhin ko ang papuntang elevator. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Ang magkaroon ng balita kay Jalene. Ngayong bumalik na siya, hindi ako makakapayag na mawala ulit siy
JALENE’s PovPAGKAGALING sa burol, dumeretso ako sa bahay ni Frank. Sana lang hindi pa nagbago ang passcode dahil kung hindi, hindi ako makakapasok. Pagpasok na pagpasok ko kaagad ay nakaramdam ako ng lungkot. Ang daming memories ang nag-flash sa aking isipan. Naalala ko, noong unang araw namin dito, halos wala kaming pinalampas na sulok dito. Walang sawang inangkin namin ang isa’t-isa. Intense ang laging namamagitan sa amin kapag kami ay nagnininiig.Napangiti ako nang mapakla. Hindi naman totoo ang mga pinakitang iyon ni Frank. Walang totoo sa lahat ng aking nakikita. Kaya nga nandito ako sa bahay ni Frank para kunin ang ilang mga gamit ko. Hindi naman kasi totoong asawa niya ako. Pero kahit na sa ganoon, hindi ako nagsisisi. Iba ang hatid sa akin ng batang nasa sinapupunan ko. Wala mang natira sa akin ngayon, alam kong hindi ako iiwan ng magiging anak ko. Kaya hindi ko dapat pagsisihan iyon. Tamang tao ako na nahulog lang sa maling tao. Walang mali sa akin. Na kay Frank. Dahan-da
JALENEPAGKA-SEND ng mensahe kay Tino ay binalik ko sa maliit kong side table ang cellphone. Sabi ko kay Tino, may kukunin lang akong mga dokumento sa bahay ni Frank, subalit wala siyang reply. Kaya naman nagpasya akong kay JV dumaan.“Hindi ako pwedeng umalis ngayon sa ospital, Jalene. Isinugod si Lolo kanina.”Natigilan ako sa narinig. “B-bakit?” kinakabahan kong tanong.“Hindi ko alam, besh. Pero ang huling nakausap niya ay si Uncle.”Doon na ako napapikit. “P-pwede ba akong dumalaw, JV? Nandyan ba ang Uncle mo?”“Kakauwi niya lang, pero babalik ’yon dahil papunta si Attorney.”“Punta ako dyan, JV. Please?”“Hindi mo rin siya makakausap, Jalene. Ang tanging gusto niyang bisita ay si Attorney. Ni isa sa amin ni Uncle hindi rin niya kinakausap, kaya mas lalo pa siguro ikaw.”“S-sisilipin ko lang siya, JV. Kahit iyon lang, please?”Saglita na nawala sa linya si JV. “Sige. Pero mabilis lang, huh?”Mabilis ang kilos ko na nagbihis. Mabuti na lang at wala si Frank nang dumating ako. Sina
JALENEAGAD akong nagpa-discharge pagkaalis nila Frank. Wala naman nang problema sa billing dahil nabayaran na ni JV bago umalis. At imbes na umuwi sa bahay na binili ni Frank para sana sa amin, sa dati kong apartment ako tumuloy. Doon ko binuhos ang sama ng loob para kay Frank.Matapos niya akong buntisin, itatanggi niya? Ano bang akala niya sa akin, maruming babae? Sabagay, kahit nga si JV, pinag-isipan niya ng masama. Tanghali ako nagising kinabukasan. Marami ring missed calls ang rumehistro sa cellphone ko mula kay Frank pero hinayaan ko lang iyon.Alam kong madadamay si Warren sa problemang ito kaya tinawagan ko siya para makipagkita. Dinner niya ako pinagbigyan dahil busy siya maghapon sa trabaho niya. Nagsisimula na kasi siyang magsersyoso umano sa buhay.Hinihintay ko noon si Warren nang may lumapit sa akin. Nakangiting Kassandra ang umupo roon kaya tinaasan ko siya ng kilay.“Mukhang hinihintay mo ang loverboy mo, Jalene.”Natawa ako nang pagak. “Oo, hinihintay ko nga,” ani k
JALENE“JV,” tawag ko sa pangalan ng kaibigan. “Bakit, beshy?” ani ng kaibigan kabilang linya.“P-pwede mo ba akong sunduin?” Saglit na natigilan ang kaibigan.“May problema ba? Hindi ko gusto anh tono ng pananalita mo.”“Pwede bang puntahan mo na lang ako dito?” ani ko, imbes na sagutin ang tanong niya.“Okay. Nasaan ka ba?”“N-nasa ospital.”“Ano?! Anong ginagawa mo sa ospital? Alam na ba ’to ni Uncle? Natawagan mo na ba siya?”“H-hindi ko siya natawagan. A-ayoko, JV. Kaya sana ’wag mong sabihin. Pwede ba?”“May nangyari nga,” pag-conclude niya.Hindi na siya nagtanong, pero dinig ko ang buntonghininga niya sa kabilang linya.“Puntahan kita ngayon din. Nasaan ka ba?”Matapos kong sabihin ang address ng ospital at pinatay na ng kaibigan. Pinatihulog ko ang cellphone ko sa dibdib. Nakatitig lang ako sa kisame ng ospital na iyon. Muntik na. Muntik na akong makunan kanina. Buntis ako. Iyon ngayon ang pinoproblema ko. Kasi kung ang magandang pakitungo niya sa akin nitong nakaraan dahi