Share

Chapter Nine

Welcome back!

Mabangong amoy ng piniritong bacon at itlog ang nagsumiksik sa aking ilong. Napatagilid ako nang aking pagkakahiga, paharap sa pintuan. 

Nakapagtatakang nakapasok sa loob ng silid ko ang nag-a-alab na amoy na 'yon. Wala namang open area ang kuwarto ko na nagdudugsong sa aking kusina. 

"Ang bango..." 

Niyakap ko nang mahigpit ang aking unan at makulit na pinagpantasyahan 'yon. 

"Good Morning, Love." Kunwari'y may body touch kami ni In-guk ngayon. Hindi ko siya nagawang masilayan nang mapadpad kami ni Gabriel sa Korea kahapon. Kaya kahit sa panaginip ko na lang ay mayakap ko siya.

My one true love!

"Talaga mabango ako?" 

"Oo, Gukshi ko." Hinigpitan ko pa lalo ang yakap sa unan. 

"Nice," he answered.

Ngunit nalito ako sa sinabi niya. At nagsasalita ang aking unan? Tsk. Grabe na talaga ata ang pagkahumaling ko kay In-Guk maging sa daydrean ay nagagawa ko siyang pagsalitain.

"Get up sleeping beauty," the voice said again.

I opened my eyes.

Sa una'y malabo pa ang paningin ko, kaya naman ilang beses kong binukas sara 'yon. 

"Hi! Felicity."

A good looking man appeared in front of me. He has thick eyebrows and red lips. Pointy nose and a very powerful eyes. 

Parehas kaming nakatagilid nang pagkakahiga.

"Get up. Breakfast is ready," he said.

Wait a minute!

Napabalikwas ako nang bangon ng mapagtanto na si Darren ang kaharap ko. 

What th hell am I doing... With him?

Mabilis akong bumaba sa aking nahihigaan at napasabubot sa aking buhok. Inisip ko kung ano ba ang nangyari. 

Sa pagkakalala ko'y nasa apartment ako, tapos sumama si Gabriel ngunit umalis rin bigla ang binata nang walang paalam. Then nagluto ako nang noodles at  egg. Hinintay ko na bumalik si Gabriel ngunit nakatulugan ko na ata 'yon. Tapos wala na, wala na akong maalala.

Binalingan ko si Darren at muling sumapa sa higaan. "A-anong ginagawa ko rito?" 

"I don't know, Felicity. I just woke up sniffing some blood. And then, it's you, hugging me while taking a nap," he explained.

"Seryoso?" tanong ko. Nakagat ko ang aking kuko, thinking what really happened.

"Yeah. Then ayon hindi na tuloy ako nakapagpahinga. I didn't even go to work," muli'y sabi niya.

"Anong oras na?" 

"Well, past nine in the morning." Sinulyapan niya ang wall clock sa kaniyang silid.

"Shocks," I uttered. "Kailangan ko nang umalis." Sa pagmamadali ay nalaglag pa ako sa higaan niya. Narinig ko ang marahan niyang pagtawa dahil do'n. He even called clumsy, ni hindi na lang ako tinulungan.

"Kailangan kong alamin kung bakit narito na naman ako. Umalis na kaya ako kahapon." Pagkukwento ko sa kaniya habang inaayos ang nagulo niyang higaan. 

"Ako nang bahala niyang Felicity." 

"Hindi ako na mabilis lang to." Sinalansan ko ang unan at kumot nang maayos. Nakakahiya hindi ko na nga alam angn nangyari tapos 'di pa ako maglilinis. 

"Alis na muna ako Darren ha. See you when I see you." Pagpapaalam ko sa kaniya bago pihitin ang seradura. 

"Kumain ka muna." Alok nito sa akin. He is pertaining to the food na nsa side table. 

'Yon ang naamoy ko kanina, bacon and egg. Sinipat ko 'yon at medyo natakam nga ako. I gulped. Hindi rin ako nakakain kagabi kaya medyo kumakalam na nga ang tiyan ko. 

I ran to the food and picked egg and put it on my mouth. Dumampot pa ako ang bacon at binitbit 'yon. 

Sinenyasan ko nalang si Darren dahil full na ang bibig ko. Sana'y naintindihan niya ang gusto  kong sabihin. 

Before I leave I saw him smiled at waved at me. 

Ba't ako nakitulog sa kwarto ng lalaki? Kahiya-hiya e.

Tinakbo kong tinungo ang room 17. Ayon nga, sumalubong sa akin ang maleta ko't bag na kahapo'y bitbit ko paalis. Naguluhan talaga ako sa nangyari. Did I sleep walk or did Gabriel bring me back here? 

Mukhang ang option two ang sagot ha. Ang loko na 'yon, desidido talaga sa gusto niya. Naligo muna ako't nagtoothbrush bago naisipan puntahan ang lalaki sa opisina.

Aba! Hindi porket niligtas niya ako ay puwede na niyang gawin ang nais niya. Nasa democratic country pa rin kami.

I have right to choose kung ano ang gusto ko sa aking buhay. At hindi ang pagiging owner nang lugar na 'to ang gusto ko. 

Marahan kong isinara ang pintuan upang hindi makalikha nang kahit na anong ingat. Mukha akong magnanakaw sa lagay kong ito. 

Dumungaw ako sa ibaba't nakita ang busy na mga tenants. They were doing their daily lifestyles and routine.

Later on ay ibinalik ko ang sarili sa paglalakad sa baba. Actually sa third floor ay tahimik talaga ang ambiance unlike sa second and third floor na sadyang mapalalabas ang mga nakatira do'n.

Naalala ko bigla ang sinabi ni Kuya Constav noong unang rating ko rito. VIP guest raw ako kaya for sure VIP rin ang kuwarto ko.

Thinking about it, sinong VIP kaya ang nakatira roon bago ako? Isa ba siyang Mythycal God or Goddess?

Nakasalubong at nakatanga sa akin ang ilang tenants na nadaanan ko sa second floor. Some of them throw a smile to me, ang iba naman ay tinatanguan ako. 

Nang makarating ako sa first floor ay gano'n rin ang senaryo. I was like a vey important person to them. They all give me a warm morning. 

Hindi ko nagawanf tumigil at magkaro'n ng chichat sa kanila. Dire-diretso lang ako sa opisina ni Gabriel. Gonna ask him kung ano namang ginawa niyang kababalaghan kaya ako nakabalik dito. 

Kumatok ako nang tatlong beses ngunit walang nagbukas. Nang hawakan ko ang doorknob ay nalaman kong hindi iyon nakalock. Dahan-dahan kong pinihit ang pinto at pmasok. 

Walang tao.

Tinawag ko ang pangalan niya ngunit walang sumagot. "Baka lumabas," nasabi ko. 

Nilibot ko ang paningin sa kabuuan nang kaniyang malawak na silid. Iba nga talaga ang amoy ng mga libro. Nakaka-addict! 

Naupo ako sa swivel chair niya't pinaikot-ikot 'yon. 

"Felicity! Hindi ka na naman nakaabot sa deadline ang story mo!" Natawa ako sa ginawa kong panggagaya sa boses ni Sir Martin. Gano'n parati ang ginagawa nito kapag pinapagalitan siya. 

"Okay, okay. Mahusay!" Isang beses pa'y nagmistula siyang isang boss sa lagay na 'yon.

"Ano! Ganda ka girl?" Pagkaraa'y ang sarili ko naman ang aking kinausap. 

Isinandal ko ang katawan sa malambot at gumagalaw na upuang 'yon. Ipinatong ko ang aking ulo sa dulong bahagi nang sandigan. Ini-angat ko ang aking ulo't tumingala sa sa kisameng kulay kahoy.

"Mahirap ba talaga ang buhay bilang may-ari ng Tenement?" My lips curved habang ginegewang-gewang ang aking upuan. 

Pero, nakayanan naman niya nang matagal eh. Ibig sabihin okay lang naman. At saka kumpleto naman siya sa pangangailangan mula sa tirahan at makakain. Hindi niya kailangang isipin ang pang araw-araw na gastusin. Marami siyang pera panigurado, nagbabayad naman siguro ang mga nakatira rito sa kaniya. 

Ngunit, saan naman sila kumukuha nang pambayad? Lumalabas kaya sila para mag trabaho? O baka may savings sila sa banko mula pa noon. 

Hmm. Ang rami kong tanong eh. Nakakacurious lang kasi talaga. Nakapangalumbaba ako habang nag-iisip. 

Siguro dapat tanungin ko na lang si Gabriel mamaya pagrating niya. 

"Sir Gabriel, deliveries po." 

Nagulat ako sa pagtunog nang walkie talkie na nakapatong sa lamesang kinapu-pwestuhan ko. 

Si Kuya Constav. 

"Sir..." 

Alangan kong kinuha 'yon, kailangan ko bang sagutin o pabayaan ko na lang? Baka ma issue pa ako kung bakit ako ang may hawak ng walkie talkie.

"Sir meat and vegatables delivery po ang dumating." 

Muli'y nagsalita si Kuya sa kabila. Ah so pagkain pala 'yon mukhang importante. Dinampot ko na ang radyo at sumagot sa tawag ni kuya.

"Kuya, si Feli po 'to," umpisa ko.

"Ah. Mabuti po at gising na kayo Ma'am. Maari bang kayo na lang ang magreceive ng items?" 

"Ahm." Hindi agad ako nakasagot sa kaniya. "S-sige po kuya. Punta ako riyan." 

Sinabi sa 'kin ni Kuya na hindi alam nang nagde-dekiver dito na may ibang tao bukod kay Gabriel. Kay hindi siya puwedeng magreceive ng kahit na anong dinadala o pinapadala sa Tenement. 

"Nasa'n po ba si Gabriel?" tanong ko pagkarating sa istasyon niya. 

"Hindi ko rin po alam, Ma'am," sagot niya sa akin.

Natigil lang ang usapan namin sa isang doorbell. Akala ko nga'y umalis na ang naghatid ng foods ngunit nasa labas pa pala.

"Super importante ba talaga nang laman ng truck na 'yan?" I asked.

"Yes po Ma'am. One week supply 'yan ng mga nakatira rito," Kuya Constav stated.

"Ah, talaga? Deliveries pala ang pagkain dito?" 

"Yes ma'am. May ilang tenants kasi rito na hindi talaga pu-pwedeng lumabas. Ang iba'y ayaw lumabas at mayro'ng trauma sa tao," he explained. "Sinasabi ko po 'to sa 'yo kasi alam kong sinabi na sa 'yo ni Sir Gabriel ang tungkol sa 'min. Siguro nama'y bukas na ang isipan mo patungkol sa lugar namin, Ma'am," he added. 

Nakatingin lang ako kay kuya Constav. Medyo nakakaguilty pala ang gan'to. I feel so scared to them without even knowing kung worth it ba silang katakutan talaga. 

"Ma'am bubuksan ko na ang gate ha," kuya Constav let out a huge smile to me. 

"Okay po," I happily answered to him.

Beef, pork and chickens. Tapos ay ibat-ibang fruits and vegetables ang ni-deliver ngayon. Dinala 'yon lahat ni Kuya Constav kasama si Gerry sa stockroom kung saan ay isasalansan pa raw iyon ni Gabriel at i-check. 

Bukas daw ay rice other food and amenities naman ang darating. Depende sa request ng tenants. 

Baka naman pwede akong magrequest ng donuts and milktea, no?

"Hindi po nagpaalam si Gabriel kung sa'n siya pupunta?" 

Tumigil si Kuya Constav sa pagpapatong nang beef sa malaking freezer na nasa harapan namin.

"Naku ma'am, hundi po nagpapalam 'yon si sir kapag may pupuntahan. Umaalis na lang po siya bigla. Kaya nga minsan kapag ganito na may dumarating ay nahihiraman talaga kami. Liban na lamang po kung magawan nang paraan nang ilang may kakayahan dito," medyo hininaan niya ang boses sa pagkakasabi nang huling katagang binitiwan niya.

"Huh? Ano pong ibig mong sabihin kuya?"

"Ang alam kasi nang mga tao ay walang nakatira rito, ma'am. This is a haunted house sa mga mata nila. 'Yong mga delivery man? Naku! Takot na takot nga ang mga 'yon sa t'wing nagpupunta rito. Lagi pong kuwestyonable sa kanina ang napakaraming karne at   gulay na dinadala nila buwan-buwan," mahabang paliwanag ni Kuya sa akin. 

So gano'n pala, kaya gulat ang reaksyon na binigay sa akin nang mga nagdeliver kanina. Alam kong may gusto silang itanong hindi lang nila magawa.

"Ma'am, tapos na po. Kayo na lang po ba ang bahala mag sara rito? Babalik na sana ako sa post ko." 

"Ah, s-sige po kuya, ko na ang bahala rito." Nginitian ko siya bago siya lumabas sa silid. 

Tinignan ko ang mga pagkain na nakasalansan nang maayos. 

Let me know you more, Tenement.

Nagising ako dahil sa isang panaginip. Naisip ko ang aking paa, nalaglag raw ako sa bangin. 

Nakamot ko ang aking ulo nang mapagtanto na hindi naman totoo ang nangyari. Umayos ako nang upo habang humihikab. Sakit nang puwetan ko, ha. Ilang oras ba akong nakatulog sa upuan ito?

"Mabuti't gising ka na."

Nagulantang ako sa boses na 'yon. Shit! Nasa'an na naman ako? 

Nilinga ko ang paningin at nabungaran si Gabriel... Topless. 

"H-hoy ba't n-n*******d ka riyan?" Mataas ang tono na binitawan ko. Napatayo pa ako habang tinuturo-turo siya.

"Makaturo ka r'yan. Baka ma-nuno ka," he said chuckling.

Tatalikod sana ako kaso... huwag na. Pinagmasdan ko ang lalaking nasa harapan ko. Nakatalikod siya't ipinapagpag ang polo na siyang isusuot ata niya. 

Infairness! May ibubuga. Ang tigas ata nang muscles niya, saktong-sakto ang tan niyang balat. Nakagat ko ang pang-ibabang labi kaka-kalkula kung may abs pa siya.

Harap na!

"Ano bang ginagawa mo sa opisina ko?" 

Mabilis kong ibinaling ang paningin sa kisame. "Ha? W-wala. Tatanungin ko lang kasi sana kung bakit narito ulit ako sa Tenement mo. Binitbit mo ako rito, no?" Pag-aakusa ko sa kaniya.

"Ba't ko naman gagawin 'yon?" Ngayo'y nakalpit na siya sa akin.

"Eh, kusa ka namang babalik dito," sabi niya tapos ay nagtungo sa shelf at tila naghanap nang pu-puwede niyang basahin.

"Loko? Ayaw ko na ngang bumalik dito." Inirapan ko siya.

"Nakasaad sa kontrata na pinirmahan mo na hindi ka basta-basta makakaalis dito. Kaya ibabalik at ibabalik ka sa Tenement Uno." 

Nagkasalubong ang mga mata namin. Sana pala'y hindi na lang ako lumapit sa kaniya. Niyuko niya lang ako mula sa kanan niya. 

Sa gulat ko nama'y iniwas ko ang tingin sa kaniya at kunwaring naghahanap na rin nang libro. 

"Wala kang mababasa riyan, lahat 'yan ay nakasulat sa Latin." Iniwanan niya ako pagkatapos niyang sabihin 'yon.

"Ows, talaga?" Sinundan ko siya. 

"Oo." Naupo siya sa swivel chair na kanina'y kinatulugan ko na. 

Tumango-tango lang ako. Hindi na ito naimik at nakafocus na ang tingin sa librong kaniyang kinuha. 

"Sa'n ka nagpunta kagabi?" Bigla-biglang tanong ko sa kaniya.

Itinigil nito ang pagbabasa't inangat ang paningin sa akin.

"Wala."

"Wala? Puwede ba 'yon?" Iritang tanong ko. Paano'y nag-antay ako kagabi tapos pala'y inindiyan niya lang ako.

"May pinuntahan lang akong importante. Pasensya na."

"Hm. Nag-antay kaya ako." Pagmamaktol ko sa kaniya.

"Sorry," he voiced out. 

Namangha ako sa sinabi niya. Don't know na nagso-sorry din pala siya.

"Do you want to eat?" 

"Eat? Sa'n?" 'Yon agad ang naitanong ko. Well, gutom na rin talaga kasi ako. "

"I'll cook," he declared.

Na shocked ako sa tinuran niya. "Wow, ano naman ang lulutuin mo, aber?  At saka marunong ka ba no'n?" 

"Don't underestimate me, Felicity." 

Napatawa ako sa sinabi niya. "Okay fine, so ano ngang lulutuin mo?"

"Canton na may nilagang itlog." 

Natural na napanganga ako.

"Gago!"bulyaw ko sabay tampal nag malakas sa braso niya. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status