Share

Chapter Eight

Saved by Gabriel.

Tanging pagbuga nang hangin ang nagawa ko habang nakaupo sa dalawahang upuan ng pampasaherong bus na aking nasakyan. Matapos kong makita ang tunay na anyo ni Cindie ay hindi na ako nagdalawang isip na kumaripas nang takbo palabas ng malaking tarangkahan na 'yon.

Wala na akong pakialam kung matisod o may malaglag man ako sa daan. Ang importante ay makatakas ako sa katakot-takot na lugar na iyon.

Kinuha ko ang cellphone na nakasuksok sa bulsa nang aking bagpack. Siguro dapat  na tawagan ko si Monica, kailangan kong mai-kwento sa kaniya ang ginawa ni Abi sa akin. 

Aba! Patirahin ba naman ako sa lugar na pulos hindi maipaliwanag ang nakatira! 

Ngunit sandali, kung alam ni Abi ang tungkol sa Tenement Uno... Sino o Ano siya?

Ilang beses kong ni-dial ang numero ni Monica ngunit wala akong nahita na sagot.  Lunch time na, panigurado'y kumakain na 'yon. Impossible na hindi niya napapansin ang tawag ko, eh hindi naman niya nabibitawan ang cellphone niya tuwing may pagkakataon.

"Monica, pick-up!" usal ko.

Ngunit sa kasamaang palad ay wala talagang Monica ang sumagot sa akin.

Itinago ko na lang muli ang cellphone at itinuon ang pansin sa daan. Ni-hindi ko nga namalayan na nakatulog pala ako. Nasa terminal na nang ako'y magising. 

"Ay! Kung puwede lang na iwanan ko na 'to rito ginawa ko na eh." 

Ang tinutukoy ko ay ang mga bitbit ko, ang hirap kasi ang sakit-sakit na ng braso ko. 

"Kapag hindi kayo nakisama tignan niyo... I-eevict ko kayo." Tila bata na pinapagalitan ko ang aking mga gamit.

Marahas kong pinaghihila ang de-gulong na lagayan ng damit.

"Miss bili ka tubig," alok sa akin ni Manong na palakad-lakad na nagtitinda ng tubig at yosi.

"Hindi po kuya, salamat." Tanggi ko sa kaniya.

Kailangan kong tumawid sa kanilang lane dahil naro'n ang sakayan ko pauwi sa inuupahang bahay ko, iyong bahay ko talaga ha. 

Lumingon ako sa kaliwa't kanan para makita kung puwede na akong tumawid. Walang stop light sa lugar na 'to kaya ang malas ko.

Kahit traffic enforcer ay wala rin. 

Tumayo ako sa may pedestrian lane, nag-antay nang tiyempo.

"Tara dali! Mala-late na tayo." Nagtulakan sa pagtawid ang dalawang babae sana galing sa likuran ko. Nabundol ako nila dahilan upang dumulas sa kamay ko ang malateng aking bitbit. Gumulong iyong patungo sa gitna.

"Magdahan-dahan kayo," galit kong sabi. Mabuti na lamang at hindi kalayuan ang kinapuntahan nang aking bag ko. 

"Mga kabataan talaga," inis kong sambit. 

Patakbo kong hinabol ang dumulas na maleta sa kamay ko.

Marami pa sana akong gustong sabihin, ngunit wala naman akong mapapala kahit pa magwala ako ngayon. Hinayaan ko na lang, ang tanging inisip ko ay pagmamadali na nakauwi na. 

Mag-a-ala una na ng hapon. Hindi talaga pumayag na hindi maka-alis si Felicity sa lugar na kan'yang napuntahan. 

Hinabol niya ang maletang dumulas sa kaniyang kamay patungo sa kalagitnaan ng mainit na kalsada. Halos nasa gitna na siya ng pedestrian lane, namutawi ang konting inis niya sa nangyari dahilan upang hindi niya na guwardyahan ang kaniyang aksyon. 

Isang rumaragasang sasakyan ang parating sa gawi niya. Bumusina 'yon nang bumusina upang marinig niya ang presensya niyon. Ngunit sa bilis nang pangyayari'y hindi na nagawang kumilos. 

Class three vehicle ang paparating sa gawi niya.

Nagmistula siyang estatwa panandalian sa punto na 'yon.

Ngunit bukod sa lahat isang pangyayari ang hinding-hindi sumagi sa isipan niya na mangyayari. 

Dumating si Gabriel at hinigit siya sa beywang. Tila nag slow-mo ang lahat. Maski ang pagharap niya sa binata'y naging tila kagaya ng sa mga pelikula. 

Para bagang tumigil ang oras nila. Nakatingala siya ng kaunti sa binatang kalmadong nakatungo sa kaniya. There were just small space between their noses. 

Napakurap-kurap ang maliliit na mata ni Felicity. She can't even let out her breath, ilang segundong pinigilan niya 'yon. 

"Are you okay?" That was the time she returned from her air castling.

.

Doo'y bumitaw siya sa pagkakahawak nito. "O-okay lang ako, teka! Anong ginagawa mo rito?" tanong n'ya sa matipunong landowner ng Tenement Uno.

"Naglalakad-lakad lang," sagot niya.

"Wow! Dito mo talaga napiling maglakad-lakad?" 

"Yes," matipid niyang sagot. Nakapasok na ang mga kamay nito sa dalawang pakete ng kaniyang kupasing pantalon na itim. 

Tumango-tango na lang si Felicity bago nagpaalam na aalis na. Tinalikuran na niya ang lalaki't sinimulang hilahin ang kaniyang maleta. 

Ngunit hindi niya naituloy ang lahat nang mabungaran ang kalsadang kaniyang tatawiran. Maging ang mga building ay hindi pamilyar sa kaniya. Ang mga nakasulat sa bawat entrada ng gusali'y hindi niya mabasa.

"T-teka, a-ano 'to?" nangunot ang noo niya.

May mga tao na dumaraan sa gawi nila't nagsasalita nang kakaiba. Maging ang mga suot nila'y malayong malayo sa Pilipino-style.

 

Namuo ang labis na pagtataka sa isipan niya ngunit nang maalala na may kasama siyang kakaiba'y nawala lahat ang kaniyang masamang naiisip.

Mabilis niyang binalingan ito't hinarap. "Sabihin mo, kagagawan mo 'to? N-nasa'n tayo?" Tensiyonado ang kaniyang boses.

"Ah. Kailangan kasi nating makaalis kanina do'n kaya dinala na lang kita rito," kalmadong paliwanag ni Gabriel. Ngunit kahit na gano'n ay mababakas sa mga mata niya ang konting sigla. Bahagya kasing umangat ang sulok nang kaniyang labi.

"So, n-nagteleport tayo rito?" 

Gabriel chuckled. "Ang pangit mo pala magulat." 

"Aba! At may sinasabi ka pa talaga ha!" Singhal ni Felicity kay Gabriel.

"Ayaw mo ba rito? This is the land of Oppas'." 

Ngayo'y si Felicity naman ang tumawa nang tumawa. Hinampas-hampas pa niya ang braso ni Gabriel.

"Land of Oppas'? Ang baduy mo!" She just keep on laughing. Pero makalipas ang isang minuto'y natigilan siya. Tinignan niyang muli si Gabriel. 

"Y-you mean... N-nasa Korea t-tayo?" Uutal-utal niyang tanong. 

"Yes, absolutely."

Natural na napanganga siya ng bibig. Hindi makapaniwala si Felicity na nakatungtong siya sa Seoul nang gano'n kadali. Ilang beses siya nag-apply for passport kahit 'yong pangtravel lang ngunit hirap siyang makakuha.

At ngayon, narito siya. Ommo! 

Natuwa siya dahil possibleng makita niya ang mga paborito niyang Oppa na sina Seo In-Guk, Lee Jong-Suk and +99 others.

A kiss with Gong Yoo under while having a coffee date is superb.

"Pero kailangan na nating bumalik."

Lumaylay kusa ang kaniyang mga balikat nang marinig ang tinuran ni Gabriel.

"Ang KJ mo 'no?" Sinimangutan niya ang binata.

"Kailangan na talaga nating umalis,"aniya.

"Ano ba 'yan wala pa nga akong Oppa na nakikita man lang. Iwanan mo na ako rito." Suhestiyon ni Felicity sa kaniya.

"Hindi p'wede, magiging kapalit pa kita sa Uno." Nilapitan na siya ni Gabriel at hinigit. 

"Ayan ka na naman! Sabing ayoko nga nang inaalok mo." Pinameywangan niya ang lalaking kaharap. 

"Bakit ba ayaw mong subukan Felicity? Subukan mo lang. Tignan mo kung kaya mo ang alok ko, kapag hindi, okay tatanggapin ko," seryosong saad ni Gabriel sa kaniya.

 Desperado talaga ang Landlord na makahanap nang hahalili sa kaniya. Gustong-gusto niyang mamuhay ng normal. Gusto niyang ma-reincarnate.

Si Felicity nama'y marahang nag-isip. Oo nga, bakit hindi niya subukan? Okay naman pala sa kaniya kung hindi niya tanggapin ang alok nito. Kaso, nakakatakot sa Tenement hindi niya ata maatim na bumalik ro'n gayong alam niya na hindi mga normal na nilalang ang nakatira ro'n.

"Okay, sige pag-iisipin ko. Pero hindi ko sinasabing gusto ko nang alok mo. Mahirap mabuhay nang matagal Gabriel. Parang nakakalungkot 'yon." 

"Oo alam ko. Alam ko ang pakiramdam nang gano'n. Salamat. Subukan mo lang, may isang buwan pa naman ako..."

"Isang buwan?" Kunot-noo na tanong ni Felicity.

"Oo, isang buwan ko pang nanamnamin ang sakit at kalungkutan."  

Sinserong tinitigan ni Feliciry ang binata. Gusto niyang tulungan na maibsan ang dinaramdam nito ngunit

paano? Isakripisyo niya ang  sarili para rito? Eh, ni-hindi niya nga lubos pang kilala ang lalaki.

"Ang drama mo na, sige na umalis na tayo baka magbago pa ang isip ko magpapaiwan talaga ako rito," natatawa niyang sabi.

"Okay. Sa Tenement?"

"Hindi no!" mabilis niyang pagputol sa sinasabi nito. "Sa apartment ko."

Your POV.

Ano Gabriel, okay ka lang ba sa bahay ni Felicity? First time mo 'to na makapasok sa tirahan ng iba. Sa loob nang mahigit tatlong daang taon, ginugol mo lang ang buhay mo sa pagpapalakad sa Tenement. Wala kang ibang inisip kundi ang kapakanan ng tenants mo at kung magkano ang ibabayad nila sa 'yo.

Tanggap mo naman sa sarili mo na isa kang gahaman at sakim pagdating sa pera, hindi ba? Kaya mo nga nakuha ang sumpa na nasa 'yo ay dahil sa kahibangan mo na umangat agad sa buhay noong panahong normal na tao ka lang.

Ngayon, kaya mo kayang paamuhin si Felicity upang saluhin ang kaluluwa mo? 

"Sige lang. Feel at home, Gabriel," sigaw na sabi ni Felicity sa 'yo. Iniwanan kaniya sa sala't tulak-tulak niya ang kaniyang gamit sa kuwarto. 

"Tinawag mo na rin ako sa pangalan ko," tugon mo habang nililinga mo ang iyong paningin sa mga litrato sa may TV.

"Natural, may hihilingin ako eh," anya nang makalabas sa kaniyang silid.

"Hiling?" nagulumihanan mong tanong sa kaniya.

"Oo, nextime punta tayo sa Paris ha."

Nagulat ka sa tinuran niya. Kaya naman mula sa pagkakatayo sa may telebisyon ay naglaho ka't lumitaw sa kaniyang kaliwa. Napatili siya nang i-angat niya ang ulo mula sa pagkakadukwang sa ref. Kamuntik pa niyang mabitawana ang pitsel na may tubig.

Nagkasalubong ang iyong mga kilay na nagsalita. "User ka ano?"

"Hoy! 'Wag ka ngang judgemental. At saka makapagsalita ka, ba't ikaw hindi? "Kumuha siya ng baso't nagsalin ng tubig. "Hindi malamig, pakibuksan mo nga ang fridge. Minimum lang." 

Umiling-iling ka bago i-tap nang isang beses ang ibabaw ng kaniyang refrigirator. Umugong iyon at nagsimulang magpalamig ng laman.

Napangiti si Felicity sa ginawa mo.

"'Wow! Bet ko ang powers mo, pero hindi ang paggiging Landowner." Then she laughed.

"Marami ka pang makikitang kakaiba, Felicity. Just accept it."

"Luh. Biglang may gano'n?" natatawa niyang sabi sa 'yo.

"Magugustuhan mo rin 'yon," sabi mo. 

"Tsk. In your dreams, Mr. Landowner. Titignan ko ang ginagawa mo bilang may-ari no'n pero alam ko na kasi ang sagot ko sa 'yo. Ayoko talaga! Ngunit nakiusap ka at tinulungan mo rin ako kanina... Bigyan kita nang chance wala namang masama eh." Pagsasalita pa niya habang naghahalukay sa cabinet.

"Sabi mo eh," matipid mong tugon sa kaniya.

"May preferred ka ba na gustong kainin?" tanong niya sa 'yo.

"Ikaw." 

Namula ang magkabilang pisngi ni Felicity sa sinabi mo. "T-tanga ka! A-anong ako?"

"Ikaw na ang bahala." Iyon lang at umalis ka't nagtungo sa sofa't prenteng naupo.

Naiwanan mo naman si Felicity na napatunganga sa kawalan. Naisabunot niya ang mga kamay sa kan'yang buhok. Sinilip-silip ka niya habang nakaupo ro'n. Naisipan pa nga niyang batuhin ka nang sahod dahil sa kalokohang sinabi mo. 

"Malagyan nga nang asin ang lulutuin kong noodles," aniya bago binuksan ang kalan.

"Narinig ko talaga 'yon." 

Muli'y sinilip ka niya. "Grabe, matalas din pandinig mo?" 

Nilingon mo naman siya bago nagsalita. "Gusto ko ng Pochero." 

"Hala siya! Hindi ako marunong no'n. Grabe nagdedemand ka pa talaga?" Pagsusungit sa'yo ni Felicity.

"Kanina tinatanong mo 'ko, ngayon sinagot ko ayaw mo naman." Akalain mo 'yon marunong ka rin palang magreklamo, Gabriel?

"Ano ba 'yan!" Kinuha ng dalaga ang cellphone na nakaipit sa kaniyang pantalon at nag-dial. "Magpadeliver na lang tayo..." sambit niya.

"Pizza gusto ko at saka chicken siguro sabayan mo na rin nang soda," sunod-sunod mong request sa kaniya. 

Naisipan mong kuhain ang remote control at binuksan 'yon. Tumambad sa 'yo ang patalastas nang isang ice cream brand kaya nagka-ideya ka.

"Felicity, sabayan mo na rin nang gan'to." Itinuro mo nga ang laman ng telebisyon

"Hoy! Gabriel, empleyado lang ako hindi Manager na kung makahiling ka wagas!" Pagmamaktol niya. Nilapitan ka niya't pinamaywangan.

"Siguro dapat umuwi ka ma sa Tenement, do'n ka na lang kumain. Kairita ka." Ang dami-daming sinasabi ni Felicity ngunit tila hindi ka naman nakikinig. 

Nanatiling nakatutok ang mga mata mo sa tv. 

"Hoy!" Tinapik ni Felicity ang balikat mo. Hindi ka na kasi sumagot mula kanina. 

Na-curious naman ang dalaga kaya sinulyapan din niya ang pinanonood mo. 

Nakadikit ang iyong mga mata sa isang variety show na kung saa'y may tatlong nakaupo sa harapan ng sa table. Mga jugdes sila, alam mo 'yon. 

"Gabriel, okay ka lang?" 

Hindi ka pa rin umiimik, bagkus ay nagkasalubong pa ang iyong mga kilay. Namuo ang apoy sa 'yong dibdib. Naikuyom mo rin na kagaya ng isang baseball ang iyong mga kamay.

"Gab-" hindi na natapos ni Felicity ang sinasabi dahil tinangay na ng hangin presensiya mo. 

Naglaho ka't naiwan siya mag-isa; takang-taka.

Tanging ang pagpatay-sindi na lang nang mga ilaw ang kumaway sa dalaga. 

Nalikom ang galit sa iyong dibdib, Gabriel. Paano'y nakita mo siyang muli. Hindi-hindi ka puwedeng magkamali. Si Fernando 'yon... Ang dating nangangalaga sa Tenement Uno bago ikaw.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status