Share

Chapter 139

Dumating ang dalawang bampira sa Council building. Sapilitan ang kanilang ginawang pagpasok sa pribadong lugar ng mga supernaturals. Pinatumba pa nila ang mga security na nagbabantay sa buong paligid.

Handa si Darren sa magiging kaparusahan sa ginagawa niyang karahasan ngayon, ang tanging goal lamang niya ay ang tulungan at bumawi kay Felicity. 'Yon lang.

Ilang nagbabantay ang naibalibag at napatulog niya sa bawat bigwas na kaniyang ginawa.

Pasulyap niya na tinatapunan ng tingin si Felicity. Bago lang sa kaniya ang bagay na 'to, at kakailanganin pa nito ng gabay. Ngunit sa pinapakita niya ngayon ay mukhang hindi na niya kailangan ng gano'n.

Katulad niya'y marami na rin itong napabagsak na mga nakaitim na tagapangalaga ng kapayapaan sa loob ng Council.

Tuluyang lumabas ang pangil na pinipigilan ni Felicity, na-triggered lang ng may biglang sumakal sa kaniya. Ang guwardiyang 'yon ng naging kauna-unahang nilalang na nakagat niya. Kumapit ng mapulang dugo sa kaniyang ngipin at labi.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status