Share

2

Author: AltheaLim
last update Last Updated: 2025-11-07 00:42:51

Sydney's POV

"Pero syempre joke lang." Agad nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang sinabi na joke lang daw at hindi niya naman talaga ako aanohin. Aba sira ulo 'to ah! Pinaasa ako!

"Ano?!" Bulalas ko.

"Bwahahahaha!" Humagalpak siya nang tawa saka napa-yuko sa manibela ng kotse niya. Aba, loko talaga. "Naniwala ka talaga? Hindi ako pumapatol sa kagaya mo 'no." Tila biglang umakyat ang dugo ko sa mga pinagsasabi niya. Ibig sabihin ayaw niya sa akin? Nakaka-hurt naman ng feelings 'tong lalakeng 'to. Huhu! "Saka matagal kanang akin kaya hindi na kita kailangang angkinin."

Dug-dug

Shutaaaa! Ano bang sinasabi ng lalakeng 'to? Bakit grabe maka-react 'tong dibdib ko nang dahil lang sa huli niyang sinabi? Sino ba naman ang hindi kakabahan sa sinabi niyang matagal na daw akong kanya? Heart please stop!

Kahit isang letra o words ay walang lumabas sa labi ko. Wala akong masabi. Dahil walang umimik samin ay sinimulan na niyang paandarin ang makina at nag-drive. Sobrang tahimik ng byahe namin. G
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • That Billionaire Is The Father of My Twins   WAKAS

    Narrator's POV"Ano ba?! Bakit kaba nanghihila, ha?" Inis na tugon ni Amielle sa binatang si Parker ng hilahin siya nito. Medyo malayo sila sa bahay ni Amielle."Why? Why did you leave?" Tanong ni Parker."Problema mo kung umalis ako? Katulong lang naman ako diba?" Sambit ni Amielle."That guy. Who's that fvcking guy to you?" Tanong ulit ni Parker."Si Eriko ba? Eh manliligaw ko 'yon matagal na, mas nauna ko siyang nakilala kesa sayo." "But I am your first kiss." Pagdipensa ni Parker sa sarili. Napahilamos si Amielle sa mukha."Yun na nga eh! Hindi ko naman ginusto yung halik mo na 'yon! Ikaw ang kusang sumunggab sa akin!" Sigaw ni Amielle. Mabuti na lamang at walang masyadong tao."Then why you response to my kisses? Kung hindi mo ginusto 'yon bakit ka tumugon?" Tanong ni Parker na ikinamula ng mukha ni Amielle."Bakit ba doon ka naka-focus?! Ang sabihin mo ginamit mo ako. Hindi ako nagtrabaho sa manila para lang halik-halikan ng kahit sino! Feeling ko ang dumi-dumi ko ng halikan mo

  • That Billionaire Is The Father of My Twins   19

    Sydney's POV"Kiss her and I will punch your fvcking face." Madiin na sabi ni Parker kay Eriko. Ang talim ng tingin nito. Umiigting din ang panga niya.Ay taray. Ang haba ng buhok ni Amy ah?"Eriko? Anong ginagawa mo ditong bata ka?" Bigla akong napatingin sa nagsalita. May kaedaran na ang mukha nito. Ito na siguro ang nanay ni Amy. May bitbit kase itong bilao na lalagyan ng kakanin.Nginitian ito ni Eriko at inabot ang kamay nito, nag-mano siya. "Magandang tanghali po, Tita Amilya." Magiliw nitong sabi."Mudra, si Ma'am Sydney po at ang asawa niya na si Ser Pyro. Sila po ang amo ko sa manila." Pagpapakilala ni Amy. Nginitian kami ng nanay ni Amy kaya gumanti din ako ng ngiti. Narinig ko ang pag-ubo ni Parker. Tumikhim muna si Amy bago magsalita. "A-At siya naman po si Parker.""Nice to meet you, Mamã." Nagulat ako sa sinabi ni Parker. At mas lalo akong nagulat ng abutin ni Parker ang kamay nito at biglang hinalikan ang likod ng palad. Pati ang reaksyon ni Pyro ay hindi makapaniwala.

  • That Billionaire Is The Father of My Twins   18

    Sydney's POVAng daming nag-bago. Masaya kami ni Pyro pero hindi namin matiis si Parker na nalulungkot at nagpapaka-wasted nang dahil lang sa babae. Masyado pa siyang bata para magdusa sa pag-ibig.Nandito kaming tatlo ngayon sa probinsya kung saan nakatira si Yaya Amy. Mahaba ang naging byahe papunta rito. Nakakapagod talaga. Bawal pa naman akong mapagod."Excuse me did you know this address?" Tanong ni Parker. Kanina pa siya nagtatatanong sa mga taong nandito pero wala ang may alam. Minsan nga napa-isip ako, baka mamaya diwata pala si Yaya Amy.Goosebumps!Sana h'wag naman. Naramdaman ko ang pagpisil ni Pyro sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya. "Wife, malalim ba ang iniisip mo?" Tanong niya.Umiling ako. "Hindi ah." Pagtanggi ko.Iniwan ni Pyro yung kotse namin sa airport kanina. Sa private plane na kami sumakay at hanggang ngayon ay hindi pa rin dumadating ang kotse. Mas nauna pa kaming nakarating. Psh!Kaya ngayon ay naglalakad lang kami sa daan na walang masyadong sasakyan. Kara

  • That Billionaire Is The Father of My Twins   17

    Narrator's POV(Flashback)"Ano?! Magpo-propose si Ser Pyro kay Ma'am Sydney?" Gulat na gulat na sabi ni Amielle kay Parker. Kasabwat kase si Parker at wala namang kaalam-alam si Amielle.Pero bakit niya pa kailangang malaman? Isa lang naman siyang kasambahay sa mansion nila Pyro. Bakit kailangan pang ibalita ni Parker kay Amielle na aalis siya at pupunta sa kompanya ng pinsan niya para i-surprise si Sydney? Hindi rin alam ni Parker kung bakit."Yeah, got to go." Sambit ni Parker at akmang aalis na ng biglang pigilan ni Amielle si Parker sa kanyang braso. Parang bigla itong nakaramdam ng kuryente nang hawakan iyon ni Amielle. Nakaramdam siya ng pagka-irita. "Hindi mo 'ko isasama?" May halong pagpapa-awa sa tono ng boses ni Amielle habang sinasabi iyon kay Parker."Then why would I? You're just a maid here." Alam ni Parker na may pagka-harsh ang pagkakasabi niya nun kay Amielle. Pero totoo naman ang sinabi niya diba? Biglang nagkunot ang noo ni Parker ng hindi manlang nagbago ang

  • That Billionaire Is The Father of My Twins   16

    Sydney's POV Lumipas ang isang araw simula ng mangyari ang candy—este condom thing sa pagitan nina Amy at Parker. Akalain mo yun? Inosente pala ang bruha? Eh ano yung sinabi niya sa amin ni Pyro dati na ituloy lang namin ang pakikipag-jujugan? Siguro ayun ay alam niya, pero ang condoms hindi. Nalaman ko din na may isang box pala ng condoms si Parker sa kwarto niya. Grabe talaga ang batang 'yon. Mukhang makakabuntis agad siya, college pa lang. Nandito ako sa kusina habang kumakain ng baked Mac. Ako lang mag-isa. Si Pyro kase na sa trabaho niya. Matagal din siyang hindi nakapasok sa trabaho at sayang ang araw kaya pinapasok ko na. Napansin ko si Yaya Amy na busy sa phone niya na gawa sa nokia. Seriously? 2020 na ganyan pa rin ang cellphone niya. Pang-text at tawag lang yata 'yan eh. Nahuhuli ko siya na minsan ay biglang ngingiti habang may ka-text. Ang landi naman ng bruha na 'to. "Yaya Amy." Pag-tawag ko dito. Agad itong lumingon sa akin. Nakangiti pa rin ito na parang asong uru

  • That Billionaire Is The Father of My Twins   15

    Amielle's POV (Yaya Amy)"Mudra, ayos lang ho ako dito. Mababait po sila, saka ano ba kayo? Dalawang taon na akong nagta-trabaho dito." Sabi ko sa Mudra ko (Mama). Nasa probinsya kase siya kasama ang mga kapatid ko. Ako na lang ang inaasahan nila kaya patuloy akong kumakayod.Nagising ako kanina. Bigla kase akong hinimatay. Nag-ala Snow White lang ang peg ko kanina. Umalis yata sila Ma'am at Ser kasama ang bisita nila.["O sige. Kapag nalaman ko lang na sinasaktan ka diyan sisipain kita sa pwet."] Sambit ni Mudra. Ako na nga ang masasaktan ako pa ang sisipain. Ibang klase."Okay, fine. I'll hang up na." Medyo maarte kong sabi. Nakukuha ko na ang ugali ni Ma'am Sydney. Kahit na may pagka-demonya ang ugali ay iniidolo ko 'yon. ["Ingles Ingles ka pa diyan! Spokening dollar kana pala ngayon? Sige na at ako'y magbebenta pa ng kakanin kila Tata Eko."] Ani Mudra saka binaba ang tawag. Si Tata Eko, kapitbahay namin na may gusto kay Mudra kaya pinagkakakitaan siya si Mudra sa tuwing nagbebent

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status