LOGIN“May tutuluyan ka na ba dito sa Maynila, Hazel?” tanong ni Ms. Viola sa kanya habang nagla-lunch sila sa pantry. Inilibre siya nito ng lunch, treat daw nito sa kanya dahil tinulungan niya ito nang dumating ang mga Van den Bergs.“M-meron na po, Ma’am. Sa kasera ng kaibigan ko po noong college,” sagot niya. Ang tinutukoy niyang kaibigan at si Caitlyn, dati niyang kaklase na ngayon ay nagta-trabaho na rin sa siyudad. Isang sakay lang ng jeep ang layo ng kasera nito mula sa Oceanlink kaya naman nang alukin siya nito na paghatian na lang nilang dalawa ang kwartong inuupahan nito, umoo siya agad.Tumango si Ms. Viola. “Mabuti kung gano’n. At least, hindi ka na masyadong mahihirapan sa biyahe. Siya nga pala, mamaya, mauna ka nang umuwi. Alam ko mag-aayos ka pa sa lilipatan mo. Ako na ang bahalang mag-explain kay Sir Caleb,” anito, sumubo ng pagkain.Ngumiti si Hazel. “Maraming salamat po, Ma’am.”Gumanti ng ngiti ang matandang babae. Nang sumunod na ilang minuto, napunta sa ibang topic ang
Kanina pa nakatitig si Hazel sa kisame ng kanyang silid habang yakap-yakap ang anak na si Riley. Tahimik ang buong ampunan dahil malalim na rin ang gabi. Subalit sa isip niya, maingay ang iba’t-ibang katanungan. Katanungan tungkol sa mga susunod na araw, sa hinaharap.Nag-usap naman na sila ni Sis. Clara kung anong magiging set-up kapag nakakuha na siya ng trabaho sa Maynila. Pumayag si Sis. Clara na iwan muna niya si Riley sa ampunan. Alam naman niyang safe ang anak doon. Kaya lang… maisip pa lang niya na hindi niya makikita nang ilang araw sa isang linggo ang anak, parang nadudurog na ang puso niya.Humigpit ang yakap niya sa anak na noon ay tulog na tulog pa rin.Alam niyang para sa anak din ang lahat ng ginagawa niyang pagsusumikap sa buhay kaya lang… mahirap pa rin. Kung pwede lang siyang mag-uwian sa Tagaytay araw-araw, gagawin niya. Subalit alam niyang siya rin ang mahihirapan kapag gano’n ang ginawa niya.“H’wag kang masyadong makulit kapag wala ang Mama, anak ha? H’wag mo m
Abala sa pagliligpit ng mga gamit sa private lounger si Hazel nang bumalik si Caleb doon. Agad siyang natigilan nang magtama ang tingin nila ng binata.Sandali siyag pinag-aralan ng lalaki, nangunot-noo bago muling humakbang papasok sa silid.“So, you do know what to do, Ms. Evangelista. Bakit kanina habang kausap kita, parang napilitan ka lang sa pagpunta dito?” tanong nito, huminto ilang hakbang ang layo sa kanya.Napalunok siya, tumuwid ng tayo. “H-hindi ko po kasi inaasahang kayo mismo ang mag-iinterview sa akin, S-Sir,” pagsisinungaling niya.Tumango-tango si Caleb. “I understand that. My employeers at SSL do have the same reaction when I talk to them. But, if you want to keep this job, you better overcome that. Totoo ang sinabi ko kay Mrs. Van den Berg. I only hire excellent employees. If you really want to work with me, I only have three rules for you: you must be punctual at all times, have presence of mind at all times, and deliver an excellent job at all times. Can you prom
“Is this correct, Frau Hazel?” tanong ng batang si Gisel, ang isa sa mga apo ni Mrs. Van den Berg. Kasalukuyang nasa may table ni Hazel ang bata at gumagawa ng mga origami na itinuro niya mismo. Pati ang kapatid nitong si Karl ay gumagawa rin ng origami.Sandaling pinagmasdan ni Hazel ang origami na gawa ni Gisel, ngumiti siya pagkatapos. “Very good, Gisel. You are good at this. Here, let’s make more,” sabi pa niya, inabutan ulit ng bond paper ang bata na noon ay kuntodo na ang ngiti.“Danke, Frau Hazel. I’m going to make lots and lots of birds and put colors on them later,” sabi pa ng bata, muling sinimulan ang pagtutupi sa papel. Si Karl naman ay tahimik din na gumagawa sa kanyang tabi.Napangiti siya sa progress ng dalawang bata. Kung kanina ay panay ang bangayan ng mga ito, ngayon ay halos hindi maalala ng mga ito kung anong pinag-aawayan nila. Mabuti na lang at gawain niya rin ang paggawa ng origami sa ampunan. Si Sis. Clara ang nagturo sa kanya no’n. At ngayon nga, itinuturo ni
Umingit pabukas ang pinto ng opisina ni Caleb at inilabas doon ang bulto ng nagmamadaling si Ms. Viola. “Hazel, nandito na ang mga VIP in fifteen minutes. Samahan mo akong ihanda ang private lounge. But before that, i-follow up mo muna sa reception ‘yong pastries na in-order ko kanina. Tell them, na iakyat agad dito sa floor ang delivery kapag dumating. Tapos, ihanda mo na rin ang coffee maker sa pantry,” dire-diretsong utos ng sekrertarya, kinarga ang pile ng folders na nasa mesa nito bago dumiretso sa private lounge.Agad namang tumalima si Hazel sa mga inutos nito. Matapos niyon, sumunod siya sa private lounge upang tulungan ito sa paghahanda. Nang matapos ang lahat within fifteen minutes, bumalik silang dalawa ni Ms. Viola sa kani-kanilang mesa at naghintay.Maya-maya pa, lumabas na si Caleb sa opisina nito.“They are here, in three minutes,” anito seryoso, agad na naglakad patungo sa lift, ni hindi tinapunan ng tingin si Hazel.“Dito ka lang, Hazel. Ako ang sasama papaba kay Sir,
Tahimik na pinindot ni Hazel ang button para sa lobby ng building. Plano niyang umuwi agad para may maitulong pa siya sa ampunan ngayong araw. May sakit ang cook nilang si Manong Rod. Kaya kailangan nila ng mas maraming kamay sa kusina. Bibili na lang siya ng biskwit sa terminal ng bus mamaya. Iyon na lang ang agahan niya.Nang muling bumukas ang pinto ng elevator, agad siyang humakbang palabas doon. Dumiretso siya sa reception at ibinalik ang kanyang temporary pass. Subalit hindi pa man siya nakakalabas ng building, muling nag-ring ang cellphone ng dalaga. Agad niya iyong hinugot sa kanyang bag.Nang tignan niya, bagong number ang naka-flash sa screen. Sandali siyang nag-isip, nagdesisyon kung sasagutin ba ang tawag. Sa bandang huli, lakas-loob din niyang sinagot iyon.“H-hello?” aniya, alanganin.“Ms. Evangelista, this is Viola. ‘Yong secretary ni Sir Caleb. Pinapatanong ni Sir kung nasaan ka na raw banda? You’re still in the building, right?”“O-opo, Ma’am,” takang-sagot ni Hazel,







