When the f---ing world ends

When the f---ing world ends

last updateLast Updated : 2022-06-30
By:  jjangpotCompleted
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
6 ratings. 6 reviews
38Chapters
1.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

"If life has a physical form, I would've planned a revenge, but life has none. So I'll just move on to the life's most beloved... the world." - Kirsten Mosqueda --- School's Mister friendly, Tyson Guevarra, finds a strange notebook sitting on the chair of the bus stop. Out of curiosity, he picked it up only to find a strange letter entitled 'When the f***ing world ends.' Intrigued as to how and why did the owner wrote the letter. He plans to get closer to her, oblivious to the fact that every step he take exposes him into a great danger. ------- DISCLAIMER This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Story started: 060921 Store ended: --/--/--

View More

Chapter 1

Chapter 1

Before anything else, I would like to remind you that this story contains sensitive and mature contents such as violence, trigger warning, self harm, mental health and other such customs. If you are sensitive to this kind of topic then I advise you to stop reading this.

Please read at your own risk 。◕‿◕。

Chapter 1

Habol ko ang aking hininga habang tumatakbo kasabay ng pag-dribble sa bolang aking hawak. My brown skin slightly sparkled because of my sweat. Huminto ako sa pagtakbo nang may humarang sa daanan ko. I tsk-ed saka inilibot ang paningin ko.

"Ty!" Napatingin ako sa gilid hindi kalayuan mula sa amin at doon nakita ko ang kaibigan kong si Bernard. "Dito Ty!"

Walang pagdadalawang isip na ipinasa ko ang bola sa kaniya at agad ulit kaming nagtakbuhan upang suportahan si Bernard. He's running towards the ring habang nakasunod lang ako sa likuran niya.

Nang sakto na ang layo sa pagitan niya at ng ring ay agad siyang tumalon at agad ko rin namang hinawakan ang short niya dahilan upang matanggal ito. Leaving him with his Spongebob boxer.

Napuno ng tawanan ang buong court habang si Bernard ay pilit na inaagaw ang short niya sa akin. Iyon ang plano ko kanina, I just thought that it would be so hilarious and I'm not wrong.

"Tang ina ka talaga, Tyson! Kaya ayaw kong naniniwala sa pagmumukha mo e, gago ka," aniya habang sinusot ang short niya habang ako ay hindi na makahinga sa kakatawa.

"Spongebob? Seriously? What are you. A second grade?" All of us turned our head to the door nang may biglang magsalita. We saw Jenny walking towards us. Napangisi ako nang makita ang namumulang mukha ni Bernard.

He scratched his reddish ear before saying, "N-nasa labahan na kasi lahat ng matinong boxer ko."

Tumaas ng kilay ko habang nakangisi sa kaniya kaya inambahan niya ako ng suntok. I chuckled at his reaction habang naiiling.

"Sus, huwag ka na magpaka-plastic Bernard. Tayo-tayo lang naman ang mga nandito," pagsingit ni Andrei sa usapan.

Bernard gritted at his teeth saka pinanlakihan kami ng mga mata na halos sumigaw na ng 'Tumigil kayo' na tinawanan lang namin. Jenny did not saw his face dahil abala siya sa isang supot na dala niya.

"Tama na nga 'yan, mga ulupong. Bumili ako ng tubig." Itinaas niya ang supot saka kumuha ng isang bote para ipakita sa amin. "Kumuha na lang kayo."

Ibinaba niya ang supot sa sahig na agad namang pinagpistahan ng barkada maliban sa aming dalawa ni Bernard. Pinagpatuloy ni Jenny ang paglalakad patungo sa amin na may dalang isang bote ng tubig.

She stopped in front of me. Nakaupo ako sa sahig kaya kailangan ko pang tumingala upang makita ang bote ng tubig na inaabot niya sa akin. Nakita ko si Bernard na nag-iwas ng tingin sa amin ng gawin niya iyon.

"Oh," she said.

I shook my head. "No thanks. Hindi naman ako nauuhaw."

I smiled at her pagkatapos ay tumayo. Tinapik ko ang balikat niya saka nag-uunat na naglakad patungo sa iba pa naming barkada. Tinapik ko ang balikat ni Michael saka nakisali sa usapan nila.

Unconsciously, my eyes went back to Jenny and Bernard. Ngayon ay hawak na ni Bernard ang boteng binibigay sa akin ni Jenny kanina at iniinuman iyon. They are talking now na ikinangisi ko.

Bernard likes Jenny. Alam naming lahat iyon maliban kay Jenny. Kulang na lang ay ibato na ni Bernard ang sarili niya sa kaibigan naming iyon pero hindi niya pa rin napapansin. But I am not oblivious of Jenny's feelings for me, alam din naming lahat iyon pero pinili ko na lang na hindi magsalita.

I like Jenny but not in a romantic way. Halos sabay kaming lumaki. Parang kapatid ko na rin siya kaya sa simula pa lang ay naka-ekis na ang pangalan niya sa listahan ng mga babaeng puwede kong paglaruan. Isa pa, I don't want to be caught up in a cliche love triangles, like dude, that's just lame.

Umiiling kong iniwas ang tingin sa kanila saka itinuon ang buong atensyon sa pakikipag-usap kanila Michael. Nakatuon ang buong atensyon namin kay Matthew na ikini-kuwento ang buhay ng paboritong alaga niya raw dati.

"Manok iyon e. Sobrang mahal na mahal namin ni Papa iyon. Hanggang ngayon nga may picture pa kaming dalawa sa cellphone ko." Pinipigilan kong matawa dahil mukhang seryoso siya sa ikini-kuwento niya. "Tapos noong 10th birthday ko, e di nagising ako, 'di ba? Pumunta agad ako sa kulungan ni Roostie."

"Teka, sino si Roostie?" singit ni Kino.

"Iyong manok nga," sagot naman ni Matthew. Hindi na namin napigilang matawa dahil doon. "Tahimik na kasi kayo!" saway niya sa amin pero maging siya ay natatawa rin naman.

"Iyon nga! Pumunta nga ako sa kulungan niya 'di ba? Tapos hindi ko siya nakita doon. Pumasok ako sa bahay para itanong kay Mama kung nasaan si Roostie kasi minsan kinukuha din iyon ni Papa sa kulungan. Pero pagpasok ko nadatnan ko si Mama. Nakangiti siya ng malaki sa akin ta's sabi niya 'Happy birthday, anak. Halika, naluto ko na iyong handa mo'. E 'di masayang-masaya ako noon kasi may handa. Pagupo ko sa lamesa nakita ko iyong fried chicken tas may menudong manok pa at adobo. Tinanong ko siya, 'Ma, ba't andami kong handa?' nginitian niya lang ako tapos bigla kong naalala si Roostie na wala sa kulungan niya. Tumingin ako kay Papa ta's nakita kong mangiyak-ngiyak siya habang kinakain iyong fried chicken."

Nagkatawanan kami dahil sa kuwento niya at halos hindi na ako makahinga. Pinunasan ko ang luha sa aking mata habang nakahawak sa tiyan. Nasa ganoong senaryo kami nang biglang tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang klase.

Lahat kami ay napamura dahil kailangan pa naming magpalit ng uniform kaya mabillis naming nakalimutan si Roostie at kumaripas ng takbo patungo sa shower room.

Nang matapos ay tumakbo na agad kami patungo sa mga room namin. Halos sumpain ko na ang buong school dahil hindi man lang sila nagpatayo ng elevator. Hinihingal tuloy ako. Third floor pa lang ang nararating ko, nasa fourth floor ang classroom namin.

I groaned in frustration saka mas lalo pang binilisan ang pagtakbo. Muntik na akong matumba nang may mabangga ako. Tumilamsik ang mga papel na dala niya pero wala na akong oras para tulungan siya. Strict pa naman ang teacher namin ngayon, hindi kami puwedeng ma-late kung hindi ay papatayuin kami noon sa labas habang may bitbit na upuan.

"Sorry Miss!" sigaw ko na lang saka kumaripas ng takbo nang hindi nililingon ang nakabangga ko.

Pagdating ko sa room ay nakahinga ako ng maluwag dahil halos magsabay lang kami ni Ma'am Guinoo sa pagpasok sa room. Hapong-hapo akong umupo habang tinatanggal ang unang dalawang butones ng aking uniporme mula sa leeg ko.

"Magandang hapon," agad na wika ni Ma'am Guinoo. Hindi ako nakasabay sa pagbati nila dahil hinahabol ko pa rin ang hininga ko. Kasalanan 'tong lahat ni Roostie.

Makalipas ng ilang minuto, sa wakas ay nakalma ko na rin ang paghinga ko. Kinalabit ko si Ethan na nasa harapan ko upang humingi ng tubig na agad naman akong binigyan.

Nasa pinakadulo ang puwesto ko kaya naman napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon. Dumungaw isang babae saka dahan-dahang ipinasok ang sarili niya sa loob. She's short, parang 4'9 lang yata ang height. Bilugan ang mukha at mahaba ang unat at itim na buhok, may bangs din siya na halos tumakip na sa mga mata niya.

Nagtagumpay siyang makapasok sa loob pero nang bitawan niya ang pintuan ay napangiwi ako nang makalikha iyon ng isang malakas na tunog. Nakita kong ipinikit niya ang kaniyang mata dahil sa iritasyon nang ibaba ni Ma'am Guinoo ang librong hawak niya para harapin ang klase.

"Sinong late?" tanong nito.

Mula sa pagkakayuko ay dahan-dahan na tumuwid ng tayo ang babae saka nag-aalinlangang nagtaas ng kamay.

Tumaas ang kilay ni Ma'am Guinoo. " Bakit ka late?"

"Uhm... K-kasi po Ma'am may..." I'm sure that she's talking pero wala akong marinig dahil sa sobrang hina ng boses niya. Tinitigan ko siya habang nakakunot ang noo. Ngayon ko lang siya nakita. Although she looks familiar and that's weird kasi akala ko kilala ko na lahat ng kaklase ko. Is she really our classmate?

"Ano? Hindi kita marinig!" Napaigtad kaming lahat nang biglang sumigaw si Ma'am. Iniyuko noong babae ang ulo niya saka napakagat na lamang sa labi. She's playing with her hands na para bang doon niya nire-release ang stress niya. "Anong sabi ko? Hindi ba sabi ko ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang mga late comers?!"

"S-sorry po. M-may inutos po sa akin si Ma'am Reyes tapos medyo natagalan lang po ako kasi may nakabangga—"

"Enough! I don't need your explanation. Where's your seat?" Itinuro niya ang upuan na nasa tabi ng bintana. "Kuhanin mo, pumunta ka sa labas at buhatin mo. Huwag mong ibababa hangga't hindi natatapos ang klase ko. Makita ko lang na nasa baba iyan at ie-extend ko an oras ng parusa mo hanggang next subject."

Napangiwi ako dahil sa parusang ibinigay niya. Hindi man lang ginaanan, babae kaya iyon at higit sa lahat ay maliit pa. Makakaya niya kaya iyon?

The girl sighed as she walked her way towards her seat. She looked at me na ikinagulat ko dahil biglang tumalim ang tingin niya pagkatapos ay umirap. Nag-marcha siya palabas habang ako ay hindi pa rin makapaniwala sa inasal niya. Bakit kasalanan ko, parang kasalanan ko? Wala naman akong ginawang masama sa kaniya kasi positive ako na hindi ko siya kilal—

Nanlaki ang mga mata ko nang may ma-realize. Siya iyong babaeng nakabunggo ko!

"Shit!" bulong ko. Nilingon ko ang nakasaradong pinto kung saan siya lumabas at napakamot sa batok. Kasalanan ko nga!

Buong klase ay pasulyap-sulyap ako sa labas kung nasaan iyong babae. I suddenly felt guilty. Ginulo ko ang buhok ko saka muling sumulyap sa labas. Hindi ko nakikita ang kabuuan niya pero nakikita ko ang paa ng upuan na nakataas sa isang maliit na siwang sa itaas na bahagi ng classroom namin.

I sighed. I have to apologize to her.

Nang matapos ang klase ay nagsipag-lapitan sa akin ang iilan naming mga kaklase habang ako ay sumusulyap sa pintuan para tignan kung nakapasok na ba siya. Nakita kong kinakausap pa siya ni Miss Guinoo sa labas.

"Grabe talaga si Miss Guinoo. Buti hindi ka nahuli, Ty," napatingin ako kay Katrina na hinarangan ang tingin ko sa pinto.

"Ah. Oo nga," saad ko na lang saka itinagilid ang ulo ko.

Sakto namang nakita kong papasok na ang babae dala ang upuan niya. Binuhat niya iyon hanggang sa orihinal nitong puwesto pagkatapos ay inunat niya ang kaniyang katawan. Pinaikot-ikot niya pa ang balikat niya at pinisil-pisil ang kaniyang braso na mas lalong ikina-guilty ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang magtagpo ang mga mata namin. Her chocolate brown eyes are cold, para bang sobrang bored niya na sa buhay. Hindi matangos ang ilong niya at maninipis ang kaniyang maputlang labi. Sa hindi malamang dahilan ay iniwas ko ang tingin ko. Biglang uminit ang paligid especially iyong pisngi ko.

"Ayos ka lang, Ty? May lagnat ka ba? Namumula mukha mo oh," ani Katrina.

Napatingin ako sa kaniya. "Ha?"

"May sakit ka, Ty?" Lumapit si Macy sa amin dala ang isang pencil case. "May biogesic ako dito."

"Hindi naman. Wala akong sakit." Muli akong tumingin sa direksyon ng babae at nakita kong nakaupo na siya at nagsusulat sa isang weird at itim na notebook. Mga bungo at pulang rosas ang nakadikit na disenyo rito. Nakayuko siya habang nagsusulat kaya natatakpan ng unat at itim niyang buhok ang kaniyang mukha sa paningin ko.

"Sure ka?" tanong ni Macy.

"Sandali lang ha," sabi ko sa dalawa saka tumayo. Akmang maglalakad ako patungo sa babae nang biglang dumating ang sumunod naming subject teacher.

Napakamot ako sa ulo ko saka muling umupo.

"Mamaya na nga lang," bulong ko sa sarili ko.

Pero hanggang mag-isang linggo ay hindi pa rin ako nakakahingi ng tawad. Matapos ang araw na iyon ay hindi na siya pumasok ulit.

Malalim akong nagbuntong hininga habang sabay kaming naglalakad ni Bernard patungo sa school. May hawak siyang pulang face towel na pinapaikot niya sa kaniyang daliri. Lumingon siya sa akin nang marinig ang buntong hininga ko.

"Ang lalim noon ah," aniya. "Let me guess, babae ba?" Tinignan ko siya ng masama na tinawanan niya lang.

"Wow! Did I just pissed off the almighty Tyson Guevarra?" namamanghang saad niya. Ang buong atensyon ay nasa akin na ngayon. "Ano bang nangyari? You're acting weird lately."

"Define weird," nababagot kong saad.

"Weird like parang palagi kang may hinahanap?" patanong niyang sagot. "What happened to you dre? Na-ghost ka ba?" natatawang dagdag niya pa.

I sighed again. "So there's this gi—"

"Oh!" natigil ako nang bigla siyang sumigaw at may itinuro sa harapan namin. "Kit! Kit!" Nilingon ko ang itinuturo niya at napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang pamilyar na babae na iyon.

She turned her head to look at us at muling nagtagpo ang mga mata namin. Just like last time, her eyes are cold pero mas malamig yata ang mga ito ngayon. And it seems like they are almost... Empty?

Tumakbo si Tyson palapit sa kaniya. "Ayos ka na ba? Teka, papasok ka na?"

Tumango siya, ni hindi man lang nagsalita. Lumapit ako sa kanila pero parang nawala yata iyong communication skills ko dahil nakatunghay lang ako doon habang pinapanood silang magusap. Well, more like, nagtatanong si Bernard na sinasagot niya lang ng tango at iling.

"Sure ka ayos ka lang ha." Muli siyang tumango bilang sagot. Bernard sighed. "Sige na, sige na nga. Hindi na kita guguluhin."

Tinitigan niya si Bernard saka walang sabi-sabing pinagpatuloy ang paglalakad.

"Sino iyon?" tanong ko.

Ipiniling ni Bernard ang ulo niya para tignan ako. "Si Kit? Kaklase mo 'yon ha. Hindi mo kilala?"

Umiling ako bilang sagot.

"Sabagay, hindi naman kasi siya katulad ng mga babaeng halos mamatay na para lang mapansin mo," aniya habang umiiling.

"Sabi ko na nga ba naiiinggit ka sa ka-guwapuhan ko," nakangisi kong saad.

"Ulol!" sagot niya saka pinakyuhan ako.

"So sino nga 'yon?" tanong ko ulit.

"Si Kit nga, Kirsten Mosqueda. Kapit-bahay namin iyon. Bakit ba curious ka?" pinaningkitan niya ako ng mga mata at iniwas ko naman ang tingin sa kaniya.

"Wala. Dalian mo na nga maglakad," wika ko saka binilisan ang paghakbang.

Sa classroom ay desidido na akong hihingi ako ng tawad sa kaniya ngayong araw. Kaya lang, saktong pagpasok ko sa classroom ay naroon na din ang teacher namin. Hindi rin ako nagka-chance during break and lunch time dahil bigla na lang siyang naglahong parang bula sa inuupuan niya.

I tried to find her in the cafeteria pero ni anino niya ay hindi ko nakita. Iritado tuloy ako habang kumakain kami ng lunch.

Nang matapos kami sa pagkain ay agad na akong bumalik sa classroom. Hindi na ako sumama sa kanila sa court kagaya ng dating gawi. Medyo madami na kami nang makapasok ako sa loob dahil malapit ng mag-bell.

Agad ko siyang namataan sa upuan niya. Nakayuko at may sinusulat na naman. I took a deep breath. Hindi ko pinansin ang mga kaklase kong tumatawag sa pangalan ko nang ihakbang ko ang mga paa ko palapit sa kaniya.

Huminto ako sa harapan ng desk niya. Nang makita ang sapatos ko ay inangat niya ang tingin sa akin. Nakatitigan kaming dalawa ng mga ilang segundo bago ko napagdesisyunang ibuka ang labi ko para magsalita.

"I—"

"Ty!" Nanlaki ang mga mata ko nang may humigit sa braso ko dahilan upang mapatalikod ako sa kaniya. "Nag-bake ako ng cupcake. Favorite mo 'to 'di ba?"

Nahila nila ako palayo sa kaniya at muli na naman nila akong pinalibutan. Napakamot ako sa ulo ko dahil sa iritasyon pero pinilit ko pa ring ngumiti.

I glance her way at nakita kong bumalik na ang atensyon niya sa pagsusulat. I sighed saka tuluyan na ngang nag-give up sa paga-apologize.

Bahala na nga!

NAKADAGDAG pa sa iritasyon ko ang biglaang pag-ulan noong pauwi na kami. Hindi na nga ako muling nagtangkang kausapin siya pero hindi ko maiunat ang nakakunot kong noo. Naiinis talaga ako. Hindi ko nga lang alam kung bakit.

Tumatakbo ako patungo sa bus stop habang nasa uluhan ko ang aking bag na ginamit ko bilang panangga sa ulan dahil nakalimutan kong magpayong.

"Sandali!" sigaw ko sa bus pero kahit anong bilis ko ay hindi ko pa rin ito naabutan. "Kainis!" I exclaimed saka sinipa ang basurahan.

Umupo na lang ako sa isa sa mga upuan doon para magpahinga. Ipinikit ko ang mga mata ko habang hinahabol ang aking hininga pero agad ding namulat nang biglang pumasok sa isipan ko ang babaeng iyon.

Napahilamos ako sa mukha ko. Ano bang nangyayari sa akin? Pati ako ay naw-weird-uhan na rin sa kinikilos ko. Iniling ko ang ulo ko para alisin iyon sa isipan ko. That's when I noticed the familiar black notebook lying down the chair beside me.

Kumunot ang noo ko saka pinulot iyon. I know that I have seen this somewhere. I tilted my head para alalahanin kung saan ko nga ba ito nakita.

It has a skull and red roses design. Sa gitna ng pag-iisip ay hindi ko namalayang may huminto na palang bus sa harapan ko.

"'toy! Sasakay ka ba?" sigaw ng konduktor. Halos mapaigtad ako sa gulat pero agad ko rin namang nailagay ang notebook sa loob ng bag ko saka sumakay na sa bus.

Pag-uwi ko sa bahay ay agad kong inilabas ang notebook sa bag ko. Halos ito lang ang laman ng isipan ko habang nasa biyahe. I'm sure that I have seen this before.

Humiga ako sa higaan saka binuklat ang notebook.

Sama ng loob compilation.

Tumaas ang kilay ko nang iyon agad ang bumungad sa akin. I scan through pages pero wala naman akong makuta kung hindi mga scribbles. It's just lines na walang direksyon at inu-okupa ang buong pahina ng notebook. Walang words o kung ano pa man. Mas lalo akong nagtaka, mga kalahating ng notebook ay iyon lamang ang nakasulat doon.

Napailing ako. Nagsasayang lang ng papel ang may-ari nito.

Isasara ko na sana ang notebook nang may isang piraso ng papel ang nahulog mula rito. Pinulot ko iyon. Gusot pa ito, tanda na nilukot muna iyon bago itupi ng maayos.

When the f***ing world ends

Kumunot ang noo ko. I think this is a letter or something. Ewan.

I want to stop the noises. I want the people around me disappear. I want to end the world.

They say life is good... Somehow.

It just happened to be unjust, to make us learn. To make us grow. Just like parents to their child. Life sometimes slaps you across the face to wake you up. To make you acknowledge the wrong things you've done. But if life's really our parents then I would call 911 because I've been abused all my life.

No matter how hard I think. I still can't understand why I am life's favorite plaything. I've been good all my life. I shut my mouth just like what they wanted. I blinded myself just so I couldn't see the truth that they kept on denying. I never complain. I live my life just like how they wanted. But why did I still end up being bruised?

If life has a physical form, I would've planned a revenge. But life has none so I'll just move on to life's most beloved... The world.

Without world, there will be no humans. Without humans, life wouldn't have toys to play with. Life will be miserable. Unhappy. Alone. Just like what it did to me.

So I came up with a plan to end the world.

But before I execute my plan. I want to do some things so I won't have any regrets after I end the world; First, I want to eat pizza.

I almost laugh when I read that. Seiously? Matatapos na ang mundo pero ang una niyang gustong gawin ay kumain ng pizza? Naiiling kong pinagpatuloy ang pagbabasa. 

A lot of it until I pass out. Second, I want to dye my hair. Third, I want to buy a motorcycle then I'll go out of town using it. Fourth, I want to watch stars with someone. And lastly, I want to...

Kumunot ang noo ko. Binaliktad ko ang papel pero wala na akong makitang kasunod noon. I want to what? Anong gusto niyang gawin? Kinuha kong muli iyong notebook at tinaktak iyon, nagbabakasakaling mahulog ang kasunod na pahina ng letter na ito pero wala.

I scan through the pages again pero wala na talagang kasunod. Napasimangot ako saka ibinato ang notebook sa kama ko.

What's with the owner of this notebook. Gusto niyang tapusin ang mundo? Paano niya naman gagawin iyon. Napangiti ako habang naiiling. Nasobrahan yata siya sa panunuod ng anime at pagbabasa ng fantasy stories.

Ibinato ko ang sarili ko sa kama saka tumitig sa kisame. That's when an image came into my mind. Iyong notebook, it is the same notebook na sinusulatan ng babaeng iyon.

Muli kong binuklat ang notebook at sa unang pahina ay nakita ko ang kaniyang pangalan. Kirsten Mae Mosqueda.

Muling kumunot ang noo ko. She owns this strange notebook and she probably wrote this letter too. Umahon ang kuryisidad sa pagkatao ko. So all this time, hindi pala siya nagsusulat. She's just scribbling. Pero bakit naman kaya? And why does she wants to end the world?

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

Comments

user avatar
CarLyric
Mukhang nakakabaliw ito ah, mababaliw ka sa kakaisip every chapter.
2022-02-26 00:44:51
1
user avatar
SweetDevilishAngel
Interesting story! Keep writing po!
2021-12-04 18:54:47
1
user avatar
SGirl
Great story, author. Keep up the good work.
2021-11-27 18:08:52
1
user avatar
CarLyric
Very interesting. fresh story writernim. Keep it up..........
2021-11-26 00:14:45
1
user avatar
Missybishi
ang ganda po author,,, Palagi ako nagaantay ng update
2021-11-20 17:17:52
1
user avatar
Freaking Otaku
ಥ‿ಥ <3 - These emoticons best describe what I am feeling rn lels
2021-11-10 08:24:10
1
38 Chapters
Chapter 1
Before anything else, I would like to remind you that this story contains sensitive and mature contents such as violence, trigger warning, self harm, mental health and other such customs. If you are sensitive to this kind of topic then I advise you to stop reading this. Please read at your own risk 。◕‿◕。 Chapter 1 Habol ko ang aking hininga habang tumatakbo kasabay ng pag-dribble sa bolang aking hawak. My brown skin slightly sparkled because of my sweat. Huminto ako sa pagtakbo nang may humarang sa daanan ko. I tsk-ed saka inilibot ang paningin ko.
last updateLast Updated : 2021-10-11
Read more
Chapter 2
CHAPTER 2I’ve been watching her from afar simula nang mapulot ko ang notebook niya. Her letter is ridiculous but she seems so serious and angry by the way she wrote that letter. Madiin ang pagkakasulat niya na halos tumagos na ng tinta sa kabilang pahina at sobrang sloppy na para bang nagmamadali siya kaya hindi ko masyadong maintindihan ang mga salita. I wonder what drives her to write that letter. “Ty,” Nawala ang tingin ko kay Mosqueda nang biglang humarang si Katrina sa harapn ko. “Sama ka sa amin mag-lunch?” I glanced her way again and I saw her putting her things inside her bag. Napadiretso ako ng upo nang tuluyan na nga siyang tumayo at tahimik na naglakad patungo sa labas ng lassroom. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa aking paningin. “Ty? Hello? Nandiyan ka ba?” ibinalik ko ang tingin kay Katrina saka awkward na tumawa.
last updateLast Updated : 2021-10-12
Read more
Chapter 3
CHAPTER 3   Mabilis na lumipas ang araw na iyon. Gumuhit ang malawak na ngiti sa aking labi nang imulat ko ang mga mata ko upang salubungin ang bagong umaga.   Umupo ako sa kama saka nag-unat habang humihikab. May katiting na antok pa akong nararamdaman pero umalis na ako sa kama para paghandaan ang panibagong araw.   “Morning,” bati ko sa kapatid kong nagkukusot pa ng kaniyang mga mata habang patungo sa CR.   “Morning,” she greeted back then yawn.   I smiled saka bumaba na sa kusina. Nadaanan ko ang kambal sa sala na muling nag-aagawan sa remote.   “Naruto!” sigaw ni Rom.   “Sofia the first nga,” ani naman ni Rem, nang tuluyan na ngang naagaw ni Rom ang remote ay tumili si Rem ng malakas kaya napangiwi ako then she cried. “Mama! Si Rom niaaway ako!”   “Hay nako!” Narinig ko ang tinig
last updateLast Updated : 2021-10-13
Read more
Chapter 4
Chapter 4  Weekend passed by like it never came. Kinukusot ko ang aking mga mata habang naghihikab sa gitna ng paglalakad sa hallway. Pinadaan ko ang aking palad patungo sa akin batok saka pinatunog ko ang aking leeg. Nakapikit ang aking mga mata noong ginagawa ko iyon at nang muli ko itong imulat ay agad na bumungad sa akin si Mosqueda. Halos hindi niya na makita ang dinadaanan niya dahil may dala na naman siyang box na halos kasing laki niya lamang. I sighed at nang tama na ang distansiya sa pagitan naming dalawa ay kinuha ko ang dalawang box at iniwan ko sa kaniya ang isa. "Good morning." Napangiti ako nang makita ang gulat na ekspresyon ng bilog niyang mga mata. Napakurap siya ng ilang segundo, tila hindi alam ang sasabihin kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Nang maramdaman kong sumusunod siya sa akin
last updateLast Updated : 2021-10-16
Read more
Chapter 5
Ramdam ko ang pasimpleng pagsulyap sa akin ng bawat estudyanteng nakakasalubong ko pagkapasok na pagkapasok ko sa school building. I’m used to it. Pero ngayong araw ay tila ba may kakaiba sa mga tingin nila.   I just shrugged it off saka nagpatuloy sa paglalakad. Humikab ako saka bahagyang iniunat ang aking katawan habang patuloy sa paghakbang.   Nanlabo ang mga mata ko matapos ko iyong kusutin at sa unti-unting paglinaw ng aking paningin ay lumuwag ang ngiti ko nang makita ko si Mosqueda na lumabas mula sa pintuan ng aming classroom.   I stood straight and raised my arms to wave at her.   “Mosque—" Hindi pa nagtatagal ang pagdantay ng kaniyang tingin sa akin ay agad niya ng iniwas iyon. Pinagpatuloy niya ang paglalakad nang hindi ako binabalingan ng tingin na para bang isa lamang ako sa mga taong nakakasalubong niya sa daan.   Nalusaw ang aking ngiti saka nakakunot ang noong pin
last updateLast Updated : 2021-10-19
Read more
Chapter 6
"Do you have lights?" Napakurap ako dahil tila ba nag-iba ang Mosqueda na nasa harapan ko ngayon. "You smoke?" Ang unang lumabas mula sa labi ko. Ibinaba niya ang tingin sa sigarilyong hawak niya saka muling tumingin sa akin. "I guess?" hindi siguradong aniya. “At paano mo naman naipasok iyan sa school?” She just smiled at me saka inilagay ang sigarilyong walang sindi sa kaniyang bibig. She looked up to the sky and her big round eyes squinted as the sun met her gaze. Natahimik kami pagkatapos noon. Kagaya niya ay tiningala ko rin ang kalangiatan at napangiti ako kung gaano kapayapa iyon. I smiled as my hair danced along with the cold wind. I shut my eyes to feel it gently brushing to my skin. 
last updateLast Updated : 2021-10-22
Read more
Chapter 7
AGAD AKONG dumiretso ng tayo mula sa pagkakahilig sa pader ng aming classroom nang makita ko ang paglabas ni Mosqueda sa pintuan. Mukhang nagulat ko siya sa biglaan kong pagsulpot ngunit nginitian ko lamang siya ng malawak.It's lunch time kaya naman nagku-kumpulan ang mga tao sa hallway."Yow," bati ko sa kaniya. In-expect ko na na lalampasan niya lamang ako dahil nasanay na ako sa ugali niyang ganoon. But I was stunned when she smiled at me gently."Yow," aniya at na-freeze ang ngiti sa labi ko.She chuckled saka umiling bago pinagpatuloy ang paglalakad habang ako naman ay naiwang nakatayo sa aking puwesto, hindi makapaniwala sa nangyari.Did she just greeted back?Lumaki ang aking ngiti kasabay ng pagsipa ng saya sa aking puso. Patalon-talon pa akong sumabay sa paglalakad niya habang ang aking kamay ay nasa aking likuran."You greeted back," namamanghang wika ko.Tinaasan niya ako ng kilay, "And so?"Naglakad ako pata
last updateLast Updated : 2021-10-25
Read more
Chapter 8
From: NinangMsg: Pasensiya na ‘nak, mukhang mahuhuli ako sa appointment natin. May emergency lang kaya baka mamaya pa ako alas singko pupunta diyan. Pasensiya na talaga.I glanced over my shoulder to look at Mosqueda na nakikibasa rin sa mensaheng ipinadala ni Ninang. Napakamot ako sa ulo ko. Halos magiisang oras na kaming nakaupo sa labas ng nakasaradong Salon ni Ninang at naghihintay sa kaniya. Alas dos pa lang ng hapon at ramdam ko na rin na naiinip na si Mosqueda at pilit lang na inaaliw ang sarili sa mga taong dumadaan.Malalim akong nagbuntong hininga saka bumaling sa kanya, “May gagawin ka pa ba mamayang hapon? Gusto mo umuwi ka na muna, susunduin na lang ulit kita.”She tilted her head while looking at me pagkatapos ay umiling siya, “Hindi na, wala rin naman akong gagawin sa bahay. Saka, nandito na rin naman tayo.”Tumayo siya mu
last updateLast Updated : 2021-10-31
Read more
Chapter 9
"Do I look good?" tanong ni Mosqueda habang naglalakad kami palabas ng mall.Tumakbo pa siya sa harapan ko at naglakad nang patalikod upang makaharap sa akin.I blinked a couple times. She looks different. Mas lumiit pa ang kaniyang mukha dahil sa bago niyang gupit and I can clearly see her face now that her bangs were gone."So?" she asked again when I didn't answer.Kumibot ang aking labi upang pumorma ng isang ngiti."Yes, it suits you," ani ko at mukha namang natuwa siya sa sagot ko dahil mas lumaki pa ang ngiti sa kaniyang mga labi.She stopped walking. Akmang tatalikod na upang maglakad ng maayos nang makita ko ang isang mahaba at pinagdugtong-dugtong na pushcart na tulak-tulak ng isang empleyado sa mall. Patungo iyon sa direksyon niya at isang hakbang na lamang ay babangga iyon sa kaniya.Mabilis ang pagkilos ko. I held her arms and pulled her closer to me. Medyo napalakas nga lang dahil naramdaman kong tumama ang pisngi niya s
last updateLast Updated : 2021-11-06
Read more
Chapter 10
Andrei nudges me and I blinked. Doon na bumalik ang lahat ng ingay at tao sa paligid ko. Para bang nagising ako sa isang napakagandang panaginip."Good morning?" she greeted again at hindi ko alam pero bigla na lang akong napatayo ng diretso na para bang sundalong reporting on duty."G-good morning!" I exclaimed, stuttering.She just smiled at me pagkatapos ay inipit niya ang kaniyang buhok sa likuran ng kaniyang tenga. She excused herself then finally went to her seat.Medyo napayuko naman ako nang maramdaman ko ang bigat ng braso ni Andrei nang bigla niya akong akbayan."Kilala mo 'yon?" nanlalaki ang mga matang tanong niya. Tinignan ko lang siya at napansin ko ang pagningning ng kaniyang mga mata.I tsk-ed then removed his arm on my shoulders at iiling-iling na bumalik sa inuupuan ko. Nang makaupo ay binalik kong muli ang aking tingin kay Mosqueda. She's wearing a makeup now. Hindi naman gaanong kakapal, it was just simply right. She look
last updateLast Updated : 2021-11-08
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status