Share

Kabanata 45

"M-Mommy... D-Daddy..." Hindi ko mapigilan ang sunod-sunod na pag-agos ng mga luha ko. 

Nanginginig ang mga kamay ko nang ilapat ko ito sa magagara nilang sapatos habang nakatingala sa kanila.

Hindi ko na ininda ang malamig at basang lupang inuupuan ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

"S-Sorry... Sorry po s-sa lahat... Sorry po mommy... S-Sorry po sa lahat ng ginawa kong m-masama... K-Kailangan ko po kayo ngayon... K-Kailangan po k-kayo ng m-mag-ama ko!" Malakas kong pag-iyak at tuluyan nang napayuko sa mga paa nila.

"Isabelle! Stand up!" Sigaw ni Daddy. Nanghihina na 'ko ngunit pinilit ko pa ring itukod ang mga siko ko at muli silang tingalain. Mabilis ang pagtibok ng puso ko at ubos na ang lakas ko sa pag-iyak.

Halo-halo ang emosyong nakikita ko sa mga taong nakapaligid sa 'kin. Ang mga kamag-anak nami

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status