Share

Espesyal na Kabanata 2

Masayang mabuhay. Lalo na kapag kasama mo na ang mga taong mahal mo at mahalagang-mahalaga para sa 'yo.

Masayang mabuhay, kapag nalampasan mo na ang lahat ng mga pagsubok na dapat mong malampasan upang makamit lang ang tagumpay at totoong kasiyahan na dapat mong matamasa.

At masayang mabuhay, kapag sa kabila ng lahat ng paghihirap na narasanan mo, ninyo ng taong mahal mo na halos naging dahilan na ng paghihiwalay ninyong dalawa at pagsuko, ay...

Nagawa n'yong matagumpay na malagpasan kasi... Sobrang worth it ng magiging pagtatapos ninyong dalawa.

Anim na taon na ang nakararaan matapos kong maipanganak ang ikalawa naming anak na si Rage. Matapos maging tatlo ni Rage ay siya naman naming nasundan ang dalawa naming anak ni Reigan ng ikatlo at ikaapat pa na si Radleigh at Raven.

Ang aming tahanan na nagsimula sa tahimik habang sina Issel at Rage palang ang nagkakagulo ay ngayon, hindi nalang sila dalawa kung hindi apat na at kahit na minsan ay nagkakaroon ng mga hindi pagkakaunawaan, ay naaayos pa rin dahil matagumpay namin silang napalaki ni Reigan nang maayos.

"Mommy, oh! Si Raven, kunin mo nga siya at napakakulit, gumagawa po ako ng assignment, eh!" Hindi ko maiwasang matawa habang nangangamot ng ulo si Issel at inis na inis habang tinitignan ang kapatid niyang si Raven na nakikikulay sa proyektong ginagawa niya na kailangan na niyang ipasa mamaya.

"Raven, anak! Nandito na si daddy!" Pagkuha ko sa atensyon ng bunso ko. Sabay namang napalingon si Rage na may ginagawa rin sa isa pang lamesa patungkol sa mga homeworks niya at napaayos pa ng suot na salamin, kasama si Radleigh na naglalaro rin sa damuhan at nagtatanim.

"Nashan shi daddy?" Sumigaw si Raven at tumakbo papalapit sa 'kin bitbit ang malaking krayola na hawak niya. Ibinuka ko naman ang mga braso ko upang salubungin siya at ikulong sa mga bisig ko upang hindi na makapangulo kay Issel.

"Pauwi na po, bata. H'wag ka na manggulo kay ate, ha? Gumagawa kasi siya ng project niya, hmm?"  Pakiusap ko kay Raven at hinalikan ito sa ulo. Pawis na pawis na siya sa sobrang kalikutan pero amoy baby pa rin siya.

Parang ang asawa ko, hihi.

Sabado ngayon at tuwing sabado ay mahilig kaming tumambay sa bakuran habang si Issel at Rage ay kani-kaniya sa paggawa ng mga homework.

Masaya akong ipaalam na sa susunod na taon ay magtatapos na si Issel ng high school, habang si Rage naman ay grade one na. Ang kambal namang bunso na si Radleigh at Raven ay magta-tatlong taon palang kung kaya't malayo pa ang lalakbayin nila.

Mamaya pang tanghali uuwi si Reigan mula sa trabaho para sabayan kami sa pagla-lunch. Sobrang busy niya nga nitong mga nakaraang araw dahil maraming proyekto ang kumpanya namin ngayon.

Pero ayos lang 'yon dahil kahit na sobrang abala niya sa pagtatrabaho ay lagi pa rin siyang gumagawa ng paraan upang mabigyan kami ng sapat na atensyon at lagi niya ring nafu-fulfill ang mga pangangailangan ko at ng mga anak niya.

Hays, kay bilis ng panahon. Hindi ko na namalayang paunti-unti ay nagsisilakihan na ang mga anak namin ni Reigan, lalo na si Issel... At napakahaba na rin ng napagsamahan naming dalawa at pinagmamasdan ang mga anak naming paunti-unti ay naglalakihan na.

Nakakatuwa at halos wala na akong mahihiling pa Sa Panginoon dahil labis nang blessing ang mga natamo namin sa kaniya.

Kahit na minsan ay may mga pagkakataong kami ay nagkakaproblema, at minsan ay nagkakaroon kami ng mga hindi pagkakaunawaan, sobra talaga akong nagpapasalamat na may napaka-pasensyoso akong asawa at kailan man ay hindi siya naging immature, at madalas na nagpapaubaya at nanghihingi ng tawad upang magkaayos lang kami.

Sobra akong nagpapasalamat, at sobra akong masaya sa kung gaano na ka-payapa ang buhay namin ngayon, at wala nang mga iniintinding mga problema.

"Radleigh, baby. Come to mommy, I'll just wipe your sweats, anak..." Pagtawag ko naman kay Radleigh habang pinupunasan ang ulo ni Raven dahil baka matuyuan siya ng pawis.

"Yes, mommy. Wait," Sa kambal naming bunso ni Reigan ay si Radleigh ang pinaka-fast learner. Tuwid na kasi itong magsalita at hindi pa ito marunong mag-tagalog, ngunit hindi na siya bulol gaya ni Raven. Mahilig din itong magbasa at manood ng mga learning clips, at parang namana niya ito kay Reigan.

Perks of having a smart husband, nakuha ng mga anak namin ang genes niyang 'yon, and that was one of the things I am so proud of in my family.

Tumayo na si Radleigh at pinagpag pa ang pantalong suot niya, dahil bahagya itong nadumihan ng lupa sa pagtatanim niya.

Napuno na nga ng mga plants ang bakuran namin dahil nahihilig ako sa pagtatanim, at siya naman ay nahawa sa 'kin at nahilig din nang turuan ko. Maganda naman 'yon dahil natututo ang anak ko na mahalin ang kalikasan at alam kong maganda ang mararating niya sa hinaharap.

Si Raven naman ay kabaliktaran niya halos dahil napakakulit at clumsy ng batang ito, pero nakikitaan ko siya ng potensyal sa pagso-solve ng mga math problems dahil nahihiligan ni Issel na turuan siya. Bukod do'n ay mahilig din siyang sumayaw.

Si Rage naman na pinagmanahan din ni Radleigh ay ang introvert sa kanilang lahat. Bihira lang siyang magsalita at noong mag-five siya at nag-request siya sa 'min ng papa niya na gusto niya na raw magsariling kwarto dahil big na raw siya.

Hindi ko pa nga sana papayagan dahil bata pa sila at gusto kong magkalapit-lapit ang loob nilang magkakapatid, kaya lang ay gusto talaga 'yon ni Rage at nahihilig din siya sa paglalaro ng drums habang madalas na nakikinig sa mga rock songs.

Pangarap ata ng anak kong ito na maging rakista. Pero alam ko naman na magiging matagumpay siya balang-araw sa kung anong gusto niya. At isa rin sa nakaka-proud sa kaniya dahil grade 1 palang siya pero achiever na rin siya sa eskwelahan.

Sobrang nagpapasalamat ako na genes ni Reigan ang nakuha nila, at pati na rin ang talino ni Reigan ay namana nila dahil kung sa akin manggagaling ay baka maiyak nalang ako.

Si Issel naman ay gano'n pa rin, dahil nga ako ang pinagmanahan niya ay hindi siya ang tipo ng taong nakikipagkarera sa grades at pag-aaral. Hindi naman siya bumabagsak pero hindi siya competitive at bihira lang na magka-medalya, pero ayos lang 'yon dahil alam ko na masaya siya sa pag-aaral niya, at ayaw rin namin ng asawa ko na ma-pressure siya.

At ako? Ayon, tuloy pa rin ako sa pagti-teacher. Sa iisang eskwelahan lang nag-aaral ang mga anak ko, at doon din ako nagtatrabaho, sa Halemann University.

Si Reigan naman ay gano'n pa rin. Hindi nagbabago at napaka-grin minded pa rin. Speaking of asawa ko, napatayo kami ng kambal nang marinig namin ang busina sa labas ng bahay.

Agad na nagtakbuhan sina Radleigh at Raven papunta sa gate, habang si Issel at Rage naman ay napatayo upang salubungin din naming tatlo ang daddy nila.

"Daddy!"

"Hey, anong ginagawa ng mga babies ko?" Lumuhod pa si Reigan upang makapantay ang kambal niya at pinaghahalikan ito sa ulo. Lumapit naman si Rage upang halikan din sa pisngi ang daddy niya, at gano'n din si Issel.

"I am planting a new flower, daddy," Pagsagot ni Radleigh at itinuro pa ang bago niyang tanim sa isang paso.

"Nagkorol po ako with ate Ishel," Sabat naman ni Raven at itinuro pa si Issel na napaikot nalang ang mata habang kayakap sa bewang niya si Rage na tahimik lang.

"How about mommy? Wala ba akong kiss?" Mahina akong natawa nang bumaling sa 'kin si Reigan. Naglakad naman ako papalapit sa kaniya, at siya naman ay tumayo upang harapin ako.

Hahalik na sana siya sa labi ko ngunit tinakpan ko ang labi niya upang pigilan siya, atsaka itinuro ang pisngi ko na siyang nagpanguso sa kaniya.

"Makikita tayo ng mga bata," Natatawa kong sambit. Tumawa nalang siya at hinalikan na nga ako sa pisngi.

"Yiee! Susundan n'yo na po ba sina Radleigh at Raven? Mom, please! Babae naman po... Eat a lot of citrus, mom! Sawa na 'ko sa mga lalaking 'to!" Pabirong sambit ni Issel. Pinanlakihan ko naman siya ng mga mata at sabay kaming natawa.

"Halika na nga, gutom na gutom na 'tong mga babies ko," Pag-aya sa 'min ni Reigan at binuhat sa magkabila niyang braso ang dalawa naming bunso.

Niyakap ko naman si Rage at kinarga kahit mabigat na ang batang ito, ngunit ngumiti naman siya sa 'kin at pinulupot ang kamay niya sa leeg ko upang yumakap.

Cold man ang istilo ni Rage ay alam kong may tinatago siyang ka-sweet-an lalo na sa 'kin! Umakbay naman sa 'kin si Issel at sabay-sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay.

Tinulungan nila ako na ihanda sa hapag ang mga pagkaing naluto ko na kanina pa kasama si Issel, at pagkatapos ay nagsiupuan na kami sa kani-kaniyang upuan at pinalibutan ang hapagkainan.

"Okay, who will now lead the prayer?" Tanong ko sa kanila. Nagtaas naman ng kamay si Rage habang nakangiti.

"Okay, baby Rage, pray na po tayo..." Pagsagot ko. Natahimik naman ang buong hapag at nagsimula na kaming mag-pray. 

Nagsalubong ang mga tingin namin ni Reigan at hindi ko naiwasang mapangiti sa kaniya na siya namang nginitian niya rin pabalik at mahigpit na hinawakan ang kamay ko sa ilalim ng lamesa.

"Okay, let's eat now!"

Pinagmasdan ko ang buo kong pamilya na ngayon ay masaya nang nagsasalu-salo sa hapagkainan namin upang kumain.

Isinandal ko ang ulo ko kay Reigan at hindi na naiwasang dampian siya ng halik sa labi. Hindi naman ito napansin ng mga anak namin dahil busy na ito sa pag-aagawan ng ulam.

"Thank you for everything, Reigan... Thank you for bringing this family with me into this world... I am so proud of you, proud of us..." Mahinang bulong ko habang sinasalubong ang magaganda niyang mga mata na nakangiti sa 'kin.

Ngayon ay wala na akong mahihiling pa dahil makita lang silang buo kong pamilya na masaya ay kumpleto na ako.

THE END. . .

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status