Isabelle is not the typical girl who loves studying and prefers staying indoor. She loves adventure and she wants freedom that her parents spoiled her since she was a kid. And because of that, she didn't took care of her self and her reputation—that made her life went all f*cked-up. But great God and Destiny, her fate changed as she met the most benevolent and kind man in the whole world. And it was also him, who changed every bad insights she have in her life—as well as made her appreciate all the small things she should thank that she have. Because of that one accidental night that they made something out of their control, everything has changed as well as her.
View More"Manong, saglit. Paki-stop ang car," Utos ko sa driver ko.
Agad niya namang itinigil ang sasakyan namin sa harap ng isang under construction na mall. Pinababa ko ang wind shield ng sasakyan at ang shades ko upang mapasadahan ng maayos ang site. Napangisi ako.
I'm so excited, nagsasawa na kasi ako sa Mall sa 'min, that's why nae-excite na talaga akong mabuo ang Mall na 'yan para may bago naman. Ang laki ng building, siguro mga ilang taon pa bago ito matapos. Pero anyways, I can wait.
Dumako ang tingin ko sa mga construction workers na nagtatrabaho, yay! They looks so unpleasant in my eyes. Hindi ko alam kung kinalakhan ko lang ba talaga ang mali, o nawi-weirduhan talaga ako sa kanila.
"Manong, paandarin mo na nga." Utos kong muli kay manong nang maumay na 'ko sa tingin sa kanila. Mabilis ko nang pinataas windshield at muling isinuot ang shades ko.
Mga 15 minutes pa ang lumipas at nakarating na 'ko sa Halemann University. Nag-retouch pa 'ko ng make up ko bago walang paalam kay Manong na bumaba at dire-diretsong pumasok sa Campus.
As usual, nakuha ko na naman ang lahat ng atensyon ng mga tao sa Campus, nagsisimula na naman silang magbulungan na kesyo bayarang babae raw ako, maganda pero walang utak, and kung ano-ano pang ugly terms ng mga panlalait.
Ew, ang bababaw nila kung manlait. Pang kalye at walang mga kwentang salita lang ang kaya nilang ibato. Walang saysay kung papatulan.
Taas-noo akong naglakad sa gitna ng Campus papunta sa Business Administration building. Imbis na mairita sa mga pinagsasabi nila ay napapangisi na lang ako sa kanila at napapairap sa hangin.
Mabilis akong nakarating sa second floor kung saan naroroon ang room ko. Kung akala n'yo ay papasok ako ro'n para mag-aral, it's a no.
Kulang na kulang ako sa tulog dahil sa hindi ako nakauwi kagabi galing sa bar. Napasarap kasi ang hopping namin kagabi, well, lagi namang masaya.
Sa bar lang ako sumasaya, sa totoo lang. Loud music, magulong mga tao, mga gwapong lalaki at alak. Para sa 'kin, sila ang heaven ko. At kapag lumabas na 'ko sa lugar na 'yon, pakiramdam ko ay nasa impyerno na naman ako.
Papasok na sana ako nang diretso sa room namin pero may humarang sa 'king impakta. Si Alicia. Muli akong napairap, alam ko na ang pakay niya sa 'kin.
Gulo.
Ewan ko rin kung anong ipinuputok ng butsi nito, siya ang number one fan ko, masiyadong updated sa buhay ko, eh.
Kulang nalang eh, gawin na niyang vlog ang mga paninira at chismis sa 'kin. Pero wala akong pake, kahit i-announce niya pa sa buong mundo na isa akong makating babae o ano pa, tatawanan ko na lang siya.
Duh, I know myself very well than anybody in this world.
Kung totoo ang chismis nila sa 'kin, tatawanan at hahayaan ko lang sila. Bakit ko ide-deny kung totoo naman 'di ba? Marunong akong tumanggap ng pagkakamali ko.
At kung hindi naman totoo ang chinichismis nila sa 'kin, tatawanan at hahayaan ko pa rin sila. Bakit? Kasi aksaya lang sila sa oras, the more na papatulan ko sila, the more na mas matutuwa lang sila dahil makikita nilang naiinis ako.
That's how enemy moves.
So cliché at walang thrill. Balik sa kasalukuyan. Nakataas ang kilay ni Alicia sa 'kin, kasama ang dalawa niyang alipores na kulang na lang ay gawin nang coloring book ang mukha sa sobrang kapal ng makeup.
Masiyadong mga trying hard magpaganda, ew, mas lalo lang silang pumangit. Mga t*nga talaga.
"Ano na namang problema mo?" Tanong ko. Nakakainis kasi, masiyado silang aksaya sa oras, imbis na tulog na dapat ako ngayon, eh.
"Ang kapal ng mukha mo, ang landi landi mo! Pagkatapos kay Migo, kay Steven ka naman?" Malditang sabi nito. Natawa naman ako.
Oo inaamin ko, crush ko si Steven. Steven Acevedo, well, he's one of a freaking hottie here in Halemann bukod sa Sky Spade Society. Pero duh!
Sobrang iwas ng lalaking 'yon sa 'kin, kaya hindi ko na rin nilalandi. So, ano na namang pinuputok ng kagagahan nitong Alicia na 'to?
"Ano bang pakialam mo?" Mataray kong tanong. Nagsisimula na 'kong mairita, antok na talaga ako at masyado nila akong inaabala.
"Ang paki ko ay na kay Steven, bitch ka. H'wag mo siyang landiin dahil kahit ano pang gawin mo, hindi siya papatol sa p*kp*k na gaya mo! He's a high class guy at hindi mo siya mapapantayan, ilusyunada!" Sigaw nito sa mukha ko, kadiri, tumalsik pa ang laway niya. Gumaya naman sa kaniya yung dalawang tanga sa likod.
"Oh? Okay." Matipid kong sagot at lalagpasan na sana sila nang biglang hatakin ni Alicia ang buhok ko, f*ck! Ang kaka-rebond ko lang na buhok!
"Ano ba?!" Irita kong reklamo at marahas na binawi ang buhok ko.
"Huwag mo 'kong lalagpasan hangga't kinakausap pa kita, b*tch!" Sigaw nito at muli akong hinatak sa buhok. Wala na 'kong nagawa kundi ang pumatol, pinagtulungan pa ako ng dalawa niyang mga tangang alipores, mga sakit sa ulo!
Mabilis kaming pinagkumpulan ng mga tao, yung iba ay may mga dala pang mga cellphone para i-video, well, sanay na rin ako. Hindi ito ang unang beses kong makipag-away.
Walang umawat sa 'min, sanay na rin ako. Kailangan kong magpakalakas para hindi matalo ng tatlong tangang mga 'to.
I'm Isabelle, and my name stands with triumph.
"ANO NA NAMAN 'TO, MISS AMOR?" Mataray na tanong ni Dean sa 'kin at tinaasan ako ng kilay. Tamad ko lang siyang tinignan at nanatiling tahimik.
Bakit pa 'ko magsasalita kung hindi rin naman sila makikinig at maniniwala sa sasabihin ko? Duh, such a waste of time.
"M-Ma'am, huhu! Naglalakad l-lang naman po ako sa corridor t-tapos bigla niya po akong sinabunutan!" Umiiyak na sabi ni Alicia at itinuro pa ang magulo niyang buhok.
Minsan, gusto kong ipa-audition 'tong l*ntik na 'to sa Starstruck, galing umarte, eh. Mabenta, lalo na sa dean namin dahil kamag-anak siya at siya ang sinusuportahan kahit siya naman ang mali.
Hay, ewan ko ba. Bakit ba may mga ganitong klase ng tao sa mundo?
"Is that true?" Baling sa 'kin ni Dean. Nagkibit-balikat lang ako at mapang-asar na tumingin kay Alicia na pasimple akong sinasamaan ng tingin.
Alam ko naman ang sasabihin niya, at mag-aaksaya lang ako ng oras na magpaliwanag pa dahil hindi naman sila makikinig sa akin.
--
DISCLAIMER
This is a work of fiction.
Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Masayang mabuhay. Lalo na kapag kasama mo na ang mga taong mahal mo at mahalagang-mahalaga para sa 'yo. Masayang mabuhay, kapag nalampasan mo na ang lahat ng mga pagsubok na dapat mong malampasan upang makamit lang ang tagumpay at totoong kasiyahan na dapat mong matamasa. At masayang mabuhay, kapag sa kabila ng lahat ng paghihirap na narasanan mo, ninyo ng taong mahal mo na halos naging dahilan na ng paghihiwalay ninyong dalawa at pagsuko, ay... Nagawa n'yong matagumpay na malagpasan kasi... Sobrang worth it ng magiging pagtatapos ninyong dalawa. Anim na taon na ang nakararaan matapos kong maipanganak ang ikalawa naming anak na si Rage. Matapos maging tatlo ni Rage ay siya naman naming nasundan ang dalawa naming anak ni Reigan ng ikatlo at ikaapat pa na si Radleigh at Raven. Ang aming tahanan na
"Dad, I saw my mom, s-she's my new teacher," Bungad ni Issel sa 'min ni Sabrina pagkarating namin sa school, I actually refused our today's lunch with her because I'm quite busy. Pero hinding hindi ko ata kayang ipagpalit sa trabaho ko ang bagay na 'to."Yes, I know." Sagot ko at inilapag ang tray ng pagkain namin."Really? Dad, I already have a plan!" Matipid akong ngumiti."Me too,""Hoy teka-paano ako? Extra lang?" Sabat ni Sabrina."Of course you have a role," Sabay naming sambit ni Issel sa kaniya.--"Daddy, wake up!" Naalimpungatan ako sa marahas na pagyugyog ni Issel sa 'kin. Napahilamos ako sa mukha ko at marahang napabangon. Ang sakit ng ulo ko, may hangover pa kasi ako, pagkatapos ay biglaan niya naman akong ginising.
Sinisisi ko ang sarili ko. Kasalanan ko kung bakit kami naghihirap ngayon. Kasalanan ko kung bakit naghihirap sila ng anak ko ngayon.Premature si baby. Masakit para sa 'kin na makita ang lungkot sa mga mata niya, pero napakaswerte ko dahil hindi nag-iba ang pakikitungo niya sa 'kin.--Masasabi kong kahit papaano ay swerte ako, salamat sa mga kaibigan kong tinulungan ako para sa pambayad namin sa hospital, pero hindi pa tapos ang problema namin dahil kulang pa 'yon.Ayoko namang i-asa sa iba ang lahat dahil hindi ako lumaking gano'n. Doble kayod ako ngayon, halos hindi na kami nagkakausap kahit na sa iisang bahay lang kami.Pero alam ko namang naiintindihan niya, kung ano-anong klase na ng trabaho ang pinapasukan ko, kumita lang.Halos kunin ko na ang gawain ng mga katrabaho
REIGAN ALDRIUS ECHAVARRI 10 YEARS AGO. . . Napakaingay at ang lahat ng tao ay nagsasayawan at nag-iinuman. Ito ang unang beses kong pag-apak sa lugar na 'to. Ngayon lang kasi talaga ako napilit ng mga kaibigan ko, pumayag na rin ako tutal naman ay sinabi ni tatay na magsaya naman ako kahit pa-minsan-minsan at hindi puro trabaho, siya pa nga ang naghanap ng mahihiraman ko nitong asul na suit na suot ko. Ang ganda pala talaga sa lugar na 'to, sobrang ingay, at ang lahat ay nagkakasiyahan. Parang party lang tuwing may okasyon sa 'min, ang kaibahan lang ay mayayamang tao ang narito, at mas agresibo sila kung gumalaw. "Ah!" Nagulat ako nang may masubsob sa 'king babae. Agad ko siyang inalalayan upang hindi kami tuluyang matumba at baka ma-stampede pa sa mga nagkakagulong tao. &n
KINAUMAGAHAN, nagising ako na parang hinahalukay ang sikmura ko at gusto kong magsuka. Agad akong napatakbo sa CR at tuluyan na ngang nagsuka roon, nang matapos ay nakaramdam pa 'ko ng kaunting pagkahilo.Nang bahagya nang kumalma ay binuksan ko ang gripo at nagsimulang maghilamos. Nang mapatingin sa salamin ay may kung ano namang pumasok sa utak ko.Pagkatapos kong maghilamos ay humarap ako sa kalendaryo na nasa kwarto ko at tinignan ang petsa roon.Sandali akong natulala nang makita ang petsa roon. Dapat ay menstruation ko na noong nakaraang araw.P-Pero wala pa rin at hindi ko na 'yon napansin dahil sa sobrang pagka-busy..."Kumain ka po muna, mommy." Inihanda ko sa bedside table ang mga pagkain para kay mommy. Pinanood niya naman ako habang nakangiti.Habang tinatang
"Mommy! Ano bang nangyari sa 'yo?" Hindi ko na mapigilan ang paghagulhol ko nang sa wakas ay makapasok na sa private room ni mommy.Kakagaling ko lang sa airport at wala pa 'kong tulog ngunit dito na 'ko agad sa hospital dumiretso, masiguro lang na safe na talaga si mommy.Habang nasa flight ako ay patuloy akong ina-update ni tita Seline tungkol sa kalagayan ni mommy, sobra akong nagpapasalamat at sinabi niyang naka-survive si mommy sa Sudden Cardiac Arrest na natamo niya."Isabelle, s-sorry anak." Nanghihina niyang ani. Malalim akong napahinga at niyakap siya."Kamusta po ang pakiramdam mo? May masakit ba sa 'yo, 'my? Ano? Sabihin mo lang po, please..." Alala ko pang sambit. Pilit siyang ngumiti at hinaplos ang buhok ko."Maayos na 'ko, anak. H'wag ka nang masiyadong mag-alala pa..." Napabuntong-hininga
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments